NAGING topic ang pag-alis ni Ms. Cherie Gil at hindi na niya tinapos ang last cycle ng GMA Network Primetime cultural drama na Legal Wives na nagtatampok sa kanya at kina Dennis Trillo, Alice Dixson, Bianca Umali at Andrea Torres, sa direksyon ni Zig Dulay.
Walang sinabing reason si Cherie bakit niya hindi tinapos ang serye, pero may mga nagsabi na may hindi siya nakasundo sa production.
Pero hindi na raw nag-isip pa ang production na palitan si Cherie ng ibang artista, balitang mawawala na lamang ang character niya sa story.
Kaya kung napapansin ninyong sunud-sunod na ang pagpapalabas ng teaser ng Legal Wives, dahil in four weeks time, mapapanood na ito, kapalit ng Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose at David Licauco, na napapanood pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7.
***
HINDI naman kasi biro ang ginagawa ng mga TV networks ngayon kung gusto nilang magbigay ng magagandang serye sa mga manonood.
Kaya naman bago sila magsimula ng lock-in tapings, inihahanda na muna nila ang lahat, una na ang locations, na ang pipiliin nila ay magagamit nila sa lahat ng eksena, at kung pwede ay doon na rin mag-stay ang cast. Bukod ang gagamitin ng production crew, na lesser na rin ang numbers depende sa budget.
Bago rin magsimula ang lock-in tapings, may swab tests muna sila at may script reading via zoom. Usually ang isang teleserye ay inaabot ng four cycles ang taping.
Like ang First Yaya, ginamit nila ang Thunderbird Resort sa San Fernando, La Union at sa Binangonan, Rizal. Dahil presidente ng Pilipinas ang role ni Gabby Concepcion, ginamit nila ang kilalang Manila Hotel para sa eksena, ibang hotels naman para sa cast.
Somewhere in Metro Manila ang mga hotels na gamit sa lock-in taping ng The World Between Us nina Alden Richards at Tom Rodriguez na mukhang yayamanin ang kanilang roles.
At last May 21, nag-check in na rin para sa kanilang lock-in taping ang cast ng GMA, ang Voltes V: Legacy ni direk Mark Reyes, sa Seda Hotel Vertis North sa Quezon City with hashtag #hotelquarantine.
May nagtanong bakit sila naka-quarantine? Sagot ni Direk Mark: “Yes, 1 person to a room. For the 3 weeks of taping. Can you imagine the added cost to producers?”
As of now, ang tapos nang lock-in taping ng GMA na malapit nang ipalabas ay ang Legal Wives na ipapalit nga sa Heartful Cafe sa primetime, at ang Nagbabagang Luha nina Glaiza de Castro at Rayver Cruz para sa GMA Afternoon Prime.
***
MAMI-MISS ng kanyang mga fans si Andre Paras, ang makulit at masayahing co-host ni Sef Cadayona sa all-original comedy game show na Game of the Gens.
Nagpaalam na si Andre sa show dahil at 25 years old, gusto na niyang ituloy ang matagal na niyang balak na balikan ang pagsali sa basketball team tulad ng nakababatang kapatid na si Kobe Paras. Dating player si Andre ng Blackwater Bossing sa Philippine Basketball Association (PBA), pero huminto siya at sumunod din sa yapak ng comedian actor-basketball player na amang si Benjie Paras at naging actor, model, singer.
Marami rin siyang nagawang shows sa GMA Network at movies sa Viva Films.
Sa ngayon, guest co-host ni Sef sa Game of the Gens si Kapuso hunk actor Ruru Madrid, na napapanood every Sunday, 8:00 PM sa GTV.
(NORA V. CALDERON)