• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 4th, 2021

E-tap Loading Kiosks available na sa LRT1

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) na siyang private operator ng Light Rail Transit Line 1 ay naglagay ng mga e-tap loading kiosks sa mga stations bilang bahagi ng pagbibigay ng mas ligtas at kumbienteng paglalakbay ng mga pasahero.

 

 

Mayron 65 na e-tap loading stations ang nailagay sa mga LRT 1 stations mula Baclaran sa Paranaque hanggang Roosevelt sa Quezon City.

 

 

Ang e-tap kiosks ang magsisilbing karagdagang ticket vending machines na siyang ginagamit upang bumili at maglagay sa load stored value cards at ng single journey tickets.

 

 

Sa pamamagitan ng e-tap kiosks, ang mga pasahero ng LRT 1 ay maaaring magload ng kanilang sariling beef cards at stored value cards na kung saan nila mararanasan ang isang kumbienteng paglalakbay dahil hindi na sila pipila pa sa mga teller booths, wala ng face-to-face at palitan ng cash na pangbayad.

 

 

“Through these e-tap kiosks, LRT 1 passengers can load their beef cards or stored value cards on their own and enjoy the convenience of hassle-free journey by avoiding queues at teller booths, limited face-to-face contact, and exchange of cash,” ayon sa LRMC.

 

 

Ang beep cards ay siyang pinakagamit sa kasalukuyan bilang pangbayad sa lahat ng railway lines. Ito rin ang ginagamit sa iba pang transportation modes tulad ng point-to-point, Metro Manila city buses, at modern PUVs bilang pinangbabayad.

 

 

“We at LRMC remain committed to finding solutions to improve our services every day. We take pride in knowing that what we do contribute to our society, not just through rail infrastructure improvements, but also through our steps towards making our transport sector at par with international standards and achieving integrated mobility. What we aim to create is an efficient and thriving ecosystem and community,” saad ni LRMC head ng corporate affairs communications at customer relations Jacqueline Gorospe.

 

 

Gumagawa rin ang LRMC na ibang mga paraan upang masiguro ang quality ng kanilang serbisyo para sa mga pasahero at magandang work environment din sa mga empleyado.

 

 

Mayron din ang mga stations ng LRT 1 na beep e-load machine kung saan ito ay isang over-the-air loading machines na pinapayagan ang mga cardholders na mag transfer ng load mula sa mobile wallet or debit accounts papuntang beep cards.

 

 

Ang nasabing load ay makikita kung natapos na itong gamitin at maupdate ang card gamit ang beep e-load machine. Mayron din na mga stored value card extender machines na ginagamit ng mga pasahero upang pahabain ang validity ng expired na beep cards.

 

 

Isang consortium ang LRMC na kinabibilangan ng MPIC’s Metro Pacific Light Rail Corp., Ayala’s AC Infrastructure Holdings Corp. at Macquarie Infrastructure Holdings (Philippines) PTE Ltd., na siyang nag kumuha ng operasyon at pangagasiwa ng LRT 1 rail system noong 2015.

 

 

Mula noon, ang kanilang kumpanya ay gumastos na ng P11.6 billion para sa rehabilitation, restoration at upgrade ng kasalukuyang rail system.  (LASACMAR)

PAGLALAGAY NG GREEN LANE PARA SA MAG BAKUNADONG DAYUHAN, IPINANUKALA

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ng Bureau of Immigration (BI) ang panukala na payagan ang mga fully vaccinated na mga dayuhan na pumasok sa bansa upang muling pasiglahin ang industriya ng turismo at buksan ang hangganan ng bansa.

 

 

Sinabi ni  BI Commissioner Jame Morente na sinusuportahan nila ang paglalagay ng green lane para sa mga dayuhan na nabakunahan  para bigyan daan ang muling pagbubukas ng tourist destination para sa mga mananakay kung sa tingin ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay makakabuhay sa turismo.

 

 

“If approved by the IATF, we in the Bureau support this initiative by the Department of Tourism (DOT) as it will not only resuscitate our tourism industry.  It will also generate employment for millions of Filipinos who lospt their jobs due to the pandemic,” ayon kay Morente

 

 

Ayon pa kay Morente na naniniwala siya sa kaalaman ng IATF kung kalian ang tamang panahon na buksan na ang hangganan ng bansa.

 

 

Dagdag pa nito na bukod sa tourism at  travel industry,  ang pagbubukas ng hangganan sa mga dayuhang mananakay ay ang pagbabalik din ng commercial aviation at shipping industiries kung saan malalang naapektuhan nitong pandemic.

 

 

 

“Once these ‘green lanes’ are set up, operations in our international airports and seaports hopefully will begin to return to normal,” ayon kay Morente.

 

 

Matatandaan na hiniling ni  Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat sa IATF na payagan ang paglalagay ng “green lanes” para matulungan ang mga nagtratrabaho sa turismo at maibalik din ang industriya ng turismo.

 

 

Ayon pa kay Puyat ang panukala ay papayagan ang mga dayuhang mananakay na bumisita sa bansa upang maglibang habang maluwag ang quarantine sa bansa  habang gumagawa ng paraan ng gobiyerno para mabakunahan ang lahat. (GENE ADSUARA)

Kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, bahagya uling tumataas

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpaalala muli ang OCTA Research Group sa mamamayan ng Metro Manila nang ibayong pag-iingat makaraang ma-monitor ang unti-unting pagtaas muli ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

 

 

Sa datos mula sa grupo sakop ang petsang mula Mayo 26 hanggang Hunyo 1, tumaas man sa .68 mula sa .57 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region. Ang reproduction rate ay ang dami ng tao na maaaring mahawa ng isang pasyente na may COVID-19.

 

 

Tumaas ng 8% ang ‘se­ven-day growth rate’ sa ­Metro Manila na naitala sa 1,135 average kada araw.

 

 

Sinabi ng OCTA na maliit na pagbabago lamang ito ngunit ipinaalala nila na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon muli ng pagtaas mula nang marating ang peak ng COVID-19 surge noong Abril.

 

 

Nasa moderate risk pa rin ang klasipikasyon ng Metro Manila dahil sa 8.22 average daily attack rate (ADAR). (Gene Adsuara

DOLE hinimok ang mga negosyante na kumuha ng safety seal

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaari nang mag-apply ng safety seal certification ang mga pribadong establisimyento bilang tanda na sumusunod sila sa minimum public health standards na itinakda ng pamahalaan.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III na tinitiyak ng mga negosyong napagkalooban ng safety seal certificate na sumusunod sila sa minimum health protocols, tulad ng social distancing at paggamit ng contact-tracing application, partikular ang StaySafe.PH application, bukod pa sa iba.

 

 

Ang StaySafe.PH ang opisyal na tagapag-ulat ng kondisyong pangkalusugan ng bansa, contact tracing at social distancing system na pinahintulutan ng Interagency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) at ng National Task Force Against COVID-19.

 

 

Itaguyod ligtas na ekonomiya

 

 

Sinabi rin ni Bello na ang safety seal ay isang mahalagang inisyatibo ng pamahalaan na naglalayon maging ligtas ang muling pagbubukas ng ekonomiya.

 

 

“Sa pamamagitan ng safety seal certification program, tinitiyak natin sa publiko, lalo na sa ating mga manggagawa na sila ay ligtas at protektado sa sandaling lumabas sila ng kanil-kanilang tahanan, at kahit pa pahintulutan natin ang ganap na muling pagbubukas ng ating ekonomiya,” wika ng kalihim.

 

 

“Bagamat boluntaryo ang aplikasyon, hinihikayat ko ang ating mga pribadong negosyo at establisimiyento na kumuha ng safety certification para tumaas ang kumpiyansa ng publiko”, paghimok ni Bello. “Libre naman po ang pagkuha ng safety seal certification”, dagdag pa ng kalihim.

 

 

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ang siyang mag-iisyu ng sertipikasyon sa mga establisimiyento sa sektor ng manufacturing, construction, utilities, information and communication, at warehousing industry.

 

 

 

Ang iba pang tanggagpan ng pamahalaan na itinalagang mag-isyu nito ay ang Department of Tourism (DOT), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police (PNP), at ang mga local government units (LGUs). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

YASSI, labis-labis ang pasasalamat sa binigay na donasyon ni NBA star Damian Lillard; ‘Rollin In It PH’ magsisimula na

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGING abala ang newest female game show host na si Yassi Pressman sa kanyang donation drive para sa PGH na nasunugan a few weeks ago.

At isa nga sa mga nag-donate ay si NBA star Damian Lillard na pinasalamatan ng host ng ‘Rolling In It Philippines’ na magsisimula na bukas, 7pm sa TV5.

“Last Saturday we took the time to visit PGH, the hospital was in dire need of help. Coming to PGH made me deeply appreciate all the nurses, the volunteers, the staff and the mission of the hospital.

“80% of the patients that are checked in, are taken care of for free. They perform close to 30,000 surgeries a year charitably. It was really heartbrea­king seeing all of the infants, sobrang saludo po ako sa lahat ng mga tumulong.

“Saludo po ako sa mga taong ‘di nagdalawang isip at ‘di sumuko na itakbo ang mga sanggol palabas ng ospital, tulungan silang huminga hanggang sa maipasok po ulit ang mga breathing machines nila at mailagay sila sa ligtas na lugar. Sa awa ng Diyos wala pong isang bata ang hindi nagsurvive.

“Also, huuuuge thanks to big brother @DamianLillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able help,” post ng actress three days ago.

Anyway, ang newest game show ng TV5, Cignal TV, ang Rolling In It Philippines,  produced by Viva Entertainment.

Subukan ang iyong suwerte, dahil ito ay isang luck-based game show na may malaking arcade machine. Paiikutin ng contes­tants ang malaking coin sa conveyor belt upang malaman kung sila ay may kita o wala.

Bukod sa pagkakaroon ng isang celebrity partner, mayroon pa silang pagkakataon ng manalo ng cash prizes hanggang P2,000,00.

Maaari ring mapanood ang Rolling In It PH sa catch-up episodes tuwing Linggo, 8 pm simula June 6 sa Sari Sari Cignal TV.

***

SA latest vlog ni Luis Manzano “Who Knows Me Better”, na kung saan kasama ang wife na si Jessy Mendiola at good friend na si Alex Gonzaga na nag-uunahan sa random questions.

Habang nagkakatuwaan sa kanyang vlog, may trivia na ni-reveal si Luis tungkol a reality show ng GMA-7 na in-offer sa kanya.

“Alam niyo ba dapat ako ‘yung mag-ho-host ng ‘StarStruck’? Nung unang-una, in-offer sa akin ‘yun. Girlfriend ko nung time na iyon was Nancy Castiglione. Sila ni Dingdong [Dantes] yata ‘yung nag-host nung first season,” sabi ng anak ni Vilma Santos na piniling maging host ng “Star Circle Quest” ng ABS-CBN.

Sa last question, tinanong ni Luis sina Jessy at Alex kung sinu-sino ang kanyang girl best friends. Na isang trick question pala dahil ang sagot ay silang dalawa at ang vlog ay tribute sa kanila.

“Gaganyan ganyan ka lang pero mahal mo si Cathy [Alex real name]. Si Cathy ang isa sa mga friends mo talaga na kapag may nangyari, nandoon ka. Ikaw ‘yung unang pupunta talaga,” pagba-back up ni Jessy.

Panoorin ang kabuuan ng vlog ni Luis para nakatutuwang revealations.

(ROHN ROMULO)

Pfizer vaccines na mula sa Covax facility, hindi maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population ang Pfizer vaccines na mula sa Covax facility.

 

Sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na malinaw ang direktibang ibinigay ng Covax facility at ni Pang. Rodrigo Duterte ukol sa mga dapat na mabigyan ng bakuna na mula sa Pfizer na nasa ilalim ng targeted population at iyong mga mabibigyan naman ng vaccine na ito na mula sa Covax.

 

Aniya, ang Pfizer na na hindi manggagaling sa Covax facility ay talagang ilalaan para sa mga healthcare workers, senior citizens at may mga comorbidities na kabilang sa targeted population.

 

Subalit, ang mga manggagaling naman COVAX facility ay talagang ibibigay sa mga indigent population sa ilalim ng A5 Category group at hindi ito maaaring ibigay sa mga hindi naman maituturing na mga indigenous People.

 

Sinabi nito na ang mga nasa A4 Category naman ani Galvez, ang ibibigay sa mga ito ay iyong mga procured vaccines gaya ng Moderna, Sinovac, Gamaleya at kalaunan ay ang AstraZeneca na Inangkat ng private sectors na nakatakda na ring dumating sa bansa.

 

Samantala, sigurado nang makukuha ng bansa ang inaasam asam na population protection sa sandaling matapos na ang pagbabakuna sa mga nasa A1, A2 at A3 category.

 

Tinatayang  nasa 19 hanggang 25 milyon ang kabilang sa mga nabanggit na priority group.

 

Sa ngayon ay naka-93 percent nang pagbabakuna sa hanay ng A1 group o ang mga health workers.

 

Sinasabing nasa 9.8 million ang mga senior citizen o ang mga nasa A2 group ay nasa 1.3 million pa lang ang nababakunahan kaya’t  nagbabahay – bahay na ang ilang LGU o di kayay sinusundo na ang mga senior papunta sa vaccination site.

 

Mula naman sa  5 million target population ng mga nasa A3 group o ang mga may commorbidities ay nasa 1.17 million na ang nabakunahan na inaasahang tataas pa sa pagdating ng mas marami pang bakuna. (Daris Jose)

Virtual chess, taekwondo first time sa NCAA

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa kauna-unahang pagkakataon ay idaraos ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang chess at taekwondo sa pamamagitan ng virtual platform.

 

 

Matapos ang opening sa Hunyo 13 ay sisimulan kinabuksan ang online chess at taekwondo (poomsae at speed kicking) competitions.

 

 

Napuwersa ang NCAA na gawin ito dahil sa coronavrus disease (COVID-19) pandemic.

 

 

Sa nakaraang Season 95 ay kinansela ng NCAA ang pagdaraos ng ilang sports events kung saan walang idineklarang overall champion.

 

 

“Alam mo naman ‘yung situation natin, it calls for creativity,” wika ni NCAA Management Committee chairman Fr. Vic Calvo ng host school Letran College. “Sa iba sumusuko na, pero sa amin we’ll make sure na ito ang pinakamagandang opening namin.”

 

 

Tiniyak rin ng NCAA na hindi mawawala ang basketball at volleyball events sa kalendaryo ng liga. “Hindi kumpleto kapag walang basketball at volleyball,” ani Calvo. “Hinahanapan pa rin natin ng butas.”

 

 

Nakasalalay sa desisyon ng Commission on Higher Education (CHED) at ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasagawa ng NCAA ng basketball at volleyball competitions kung saan planong magdaos ng virtual, skills-based competitions kagaya ng dribbling at shooting na maaaring gawin ng mga student-athletes mula sa kanilang mga tahanan.

 

 

“Flexible iyan. Kung mag-decide ang Mancom at Policy Board na puwedeng ipasok ang basketball this Season 96, (if not) we can always have the next season by January,” ani Calvo.

F2, Perlas sasalang din sa bubble training

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ikakasa ng F2 Logistics at Perlas Spikers ang kani-kanyang bubble training upang paghandaan ang Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.

 

 

Target ng Cargo Mo­vers na magsagawa ng training camp sa Valentino Resort and Spa sa San Jose, Batangas.

 

 

Isinumite na ng pamunuan ng F2 Logistics ang request nito sa Games and Amusements Board (GAB).

 

 

Agad namang tutulak ngayong araw si GAB pro volleyball division head Reginald Capadera para magsagawa ng ocular ins­pection sa venue.

 

 

Sa oras na makumpleto na ang lahat ng requirements partikular na ang health protocols, posibleng mabigyan na ng go signal ang Cargo Movers para simulan ang ensayo.

 

 

Sa kabilang banda, nais ng Perlas Spikers na magsagawa ng training camp sa Baguio City.

 

 

Tinukoy ng Perlas ang St. Vincent Gym sa Na­guillan Road bilang training venue ng tropa.

 

 

Nakapagsagawa na ng inspeksiyon ang GAB sa naturang venue gayundin sa magiging accomodation ng lahat ng players, coaches at staff.

 

 

Kaya naman nakaabang na ang Perlas Spi­kers sa magiging desisyon ng GAB para agad na masimulan ang ensayo.

 

 

Tiniyak ng Perlas Spi­kers na susunod ang lahat sa patakarang ipinatutupad sa Baguio City lalo na ang “no leisure walks” sa siyudad.

 

 

Gaya ng PBA teams, kailangan ng F2 Logistics at Perlas Spikers na sumailalim sa regular swab tes­ting bago magsimula ang training camp.

National team para sa Vietnam SEA Games pinayagan na ng IATF mag-bubble training

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang bubble training ng mga miyembro ng Team Philippines na sasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Inilabas ng Joint Administrative Order (JAO) No. 2020-0001 on Sports ang supplemental guidelines para sa pag-eensayo ng mga national athletes na lalahok sa 2021 Vietnam SEA Games sa Nobyembre 21-Disyembre 2.

 

 

“We would like to thank the government through the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) for approving the JAO guidelines,” wika ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez na bahagi ng signatory agencies sa JAO kasama ang Games and Amusements Board (GAB) at Department of Health (DOH).

 

 

“This will boost the morale of our national team members as they prepare for the 2021 SEA Games,” dagdag pa ng PSC chief.

 

 

Nauna nang naturukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac ang halos 730 miyembro ng Olympics at SEA Games-bound athletes, coaches at officials matapos isama ng IATF at DOH sa priority list sa vaccination.

 

 

“This will boost the morale of our national team members as they prepare for the 2021 SEA Games,” dagdag pa ng PSC chief.

 

 

Nauna nang naturukan ng COVID-19 vaccine na Sinovac ang halos 730 miyembro ng Olympics at SEA Games-bound athletes, coaches at officials matapos isama ng IATF at DOH sa priority list sa vaccination.

 

 

Noong Enero ay ipinasok ng PSC sa bubble training ang mga national teams ng boxing, taekwondo at karatedo na sasali sa 2021 Tokyo Olympics sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Infinite Trailer: Mark Wahlberg Remembers His Past Lives

Posted on: June 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARK Wahlberg remembers his multiple past lives in the first trailer for his new action movie Infinite coming to Paramount+ this summer.

Over the last several years, Mark Wahlberg has become a veteran of the action movie genre. He’s starred in real-life-inspired adventures like Deepwater Horizon, joined the Transformers franchise for two installments, and launched new original franchise attempts like Mile 22 and Spenser Confidential.

Wahlberg’s latest effort to show what he can bring to the genre pairs him up with director Antoine Fuqua for Infinite.
Originally set to star Chris Evans, Wahlberg eventually joined Infinite to work with Fuqua in adapting D. Eric Maikranz’s novel The Reincarnationist Papers. The movie features a great cast of action movie veterans ranging from Maze Runner‘s Dylan O’Brien, Doctor Strange‘s Chiwetel Ejiofor, and Kingsman‘s Sophie Cookson. After completing filming in 2019, Paramount Pictures planned to release Infinite in theaters in the summer of 2020 and hopefully see it become a new franchise. These plans changed substantially due to COVID-19.

Now that the release plan for the movie is confirmed, the studio has started its marketing campaign at long last.
Paramount finally released the first trailer for Infinite that offers the first look at Mark Wahlberg’s action movie. The two-and-a-half-minute trailer shows Wahlberg as Evan McCauley and beginning to remember his past lives. Infinite will release exclusively on Paramount+ on June 10, 2021.

The majority of Infinite‘s trailer focuses on the interrogation between Chiwetel Ejiofor’s character and Wahlberg’s McCauley. It isn’t until the end of this moment that McCauley begins to remember his past lives by seeing artifacts that he has history with. However, it appears that Ejiofor is the villain of the movie and that McCauley is rescued by a group of others with memories of their past lives, known as the Infinites.

Possibly the biggest surprise of Infinite‘s trailer is just how little action is actually featured. The jail-break sequence where McCauley escapes from Ejiofor’s character is the biggest set-piece shown. There is sure to be more than a few car chases when it comes to Infinite‘s action, and Wahlberg holding a sword near the end could be a tease of what else the movie might include. Fuqua has plenty of experience directing various types of action scenes and Wahlberg is no stranger to performing them either. Paramount could be waiting to reveal more of the action for a second trailer.  (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)