• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 7th, 2021

National athletes na sasabak sa Tokyo Olympics at SEA Games, magsisimula na sa bubble training

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magsisimula na sa buwan ng Hulyo ang bubble training ng mga national athletes ng bansa bilang paghahanda sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.

 

 

Sa naging panayam, sinabi ni Dr. Philip Ella Juico, president ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na sa July 15, 2021 magsisimula na ang pagsasanay ng mga atleta ng bansa sa Baguio City.

 

 

Aniya, nasa 40 atleta at 10 coaches ang magtutungo sa Baguio City na mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

 

 

Magtatapos naman ang kanilang pagsasanay sa huling linggo ng Oktubre.

 

 

Umaasa naman sila na maibibigay ang suporta sa mga atleta mula sa Philippine Sports Commission.

 

 

Ayon sa kanya, maraming pinaghahandaan ang mga atleta ng bansa kabilang na ang Tokyo Olympics at Southeast Asian Games kaya tuluy-tuloy ang kanilang pag-eensayo kahit sila ay nasa kani-kanilang lugar.

 

 

Umaasa naman ang PATAFA na kahit walang naging competition ang mga national athletes ng bansa ay ibibigay pa rin nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapanalunan ang kanilang mga laro.

Pacquiao itinuturing na biggest challenge si Spence

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aminado si eight-division world champion Manny Pacquiao na pina­kamalaking pagsubok sa kanyang boxing career ang makasagupa si Errol Spence Jr.

 

 

Ayon kay Pacquiao, hindi birong kalaban ang katulad ni Spence.

 

 

Una, wala pa itong talo.

 

 

Ikalawa, hawak nito ang dalawang titulo — ang World Boxing Council (WBC) at Intrenational Boxing Federation (IBF) welterweight titles.

 

 

Ikatlo, kasalukuyan itong No. 1 pound-for-pound.

 

 

At ikaapat, mas bata ito na 31-anyos pa lamang kumpara sa 42-anyos na si Pacquiao.

 

 

“Malaking challenge ito. Big fight at ito na yung pinakamalaking challenge sa career ko. Wala pa siyang talo and siya ang NO. 1 pound-for-pound ngayon,” ani Pacquiao.

 

 

Subalit hindi nasisindak ang Pambansang Kamao dahil hindi ito humaharap sa mga pipitsuging boxers.

 

 

At handa itong ilabas ang kanyang bagsik sa oras na magkrus ang kanilang landas sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“Mahilig ako sa challenge. ‘Yung laban na may challenge talaga. Hindi ako lumalaban sa pipitsugin. Excited na ako na bumalik sa Las Vegas para lumaban ulit dahil matagal din akong naghintay,” ani Pacquiao.

 

 

Sumalang na sa puspusang ensayo si Pacquiao para paghandaan ang mega fight.

 

 

Kasalukuyang nakaabang ang Team Pacquiao sa anunsiyo ng World Bo­xing Association (WBA) para maibalik ang korona nito.

 

 

Sa oras na muling mahawakan ni Pacquiao ang WBA  belt, pormal nang maituturing na unification fight ang laban nito kay Spence.

World number 1 Ashleigh Barty umatras na sa French Open dahil sa injury

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Napilitang tumigil sa paglalaro sa French Open si world number 1 Ashleigh Barty matapos na ito ay ma-injured.

 

 

Naramdaman na lamang nito ang kaniyang injury sa second round na laban niya kay Magda Linette kung saan natalo na siya sa unang set 6-1.

 

 

Matapos ang medical timeout ay tuluyan na itong umalis sa court dahil sa hip injury.

 

 

Sinabi nito na pinilit niyang makapaglaro subalit hindi na niya nakayanan ang nasabing hapdi ng injury.

 

 

Bago pa lamang makapagsimula sa paglalaro ay nakaranas na ito ng injury at nanalo pa sa unang round.

 

 

Ang Australian tennis star ay nagkampeon sa French Open noong 2019.

7 days quarantine na lang sa ‘bakunadong’ travelers

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniklian na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Di­seases sa pitong araw ang quarantine protocol para sa mga Pinoy trave­lers na papasok ng bansa na nakumpleto ang bakuna laban sa COVID-19 dito sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sa mga quarantine facility pa rin dadalhin ang mga sasailalim sa quarantine na istrikong babantayan ng Bureau of Quarantine (BOQ) kung magkakaroon sila ng sintomas.

 

 

Hindi na rin mandatory ang COVID-19 testing pagdating, maliban na lang kung nakaramdam ng sintomas ang indibiduwal habang nagka-qua­rantine.

 

 

Kabilang sa mga kwa­lipikado sa bagong panuntunan ay ang mga inbound travelers na nakatanggap ng dalawang dose; at isang dose para sa single-dose vaccine.

 

 

Kailangan lang matiyak na ang bakunang itinurok sa kanila ay ’yung may emergency use o compassionate special permit sa Pilipinas.

 

 

Dapat din dala-dala ng mga pasahero ang kanilang vaccination card na sasailalim sa beripikasyon bago at pagkatapos lumabas ng bansa.

 

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, itinuturing na “green lane” sa entry at exit points ng bansa ang bagong pa­nuntunan.

 

 

Ang nasabing kautusan ay para lamang sa mga biyahero na sa loob ng Pilipinas nakumpleto ang bakuna.

 

 

Hindi kasama ang mga foreign nationals at mga Filipino na nakumpleto ang bakuna sa labas ng bansa.

 

 

Kinakailangan nilang dumaan sa regular qua­rantine at testing protocols na 10-day facility-based quarantine. (Gene Adsuara)

Diskusyon sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng Tsina sa West Philippine sea, nagpapatuloy

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI tumitigil ang pag-usad ng pag- uusap na may kinalaman sa joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at ng China sa West Philippine sea.

 

Sa katunayan, ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kumpanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration.

 

” We have an ongoing discussion ano and that discussion is led by DFA for a possible joint development dito sa West Philippine Sea. Pero para maliwanag lang ‘no, tayo under this administration, under President Duterte, iyong moratorium dati na sinasabing itigil ang pag-explore sa West Philippine Sea, ni-lift na natin iyan ‘no, ni-lift na natin iyan and then we continue to explore,” anito.

 

Tinatayang, may apat na service contracts ayon sa Kalihim ang kasalukuyang pino- proseso na sa sandaling matapos ay dadalhin na sa Malakanyang para sa lagda ng Pangulo.

 

“And in fact, we have been issuing, we have made road show inviting exploration company to come to the Philippines and invest in exploration. And as we are talking now, I believe that we have four service contracts that are being processed already and then bring it to Malacañang for President’s signature for award.

 

So, tuluy-tuloy tayo diyan sa trabaho sa ating exclusive economic zone including the territorial sea,” lahad nito.

 

Sinasabing, hiwalay aniyang usapin ang anomang may kinalaman sa mga nagdaang isyu na may kaugnayan sa Chinese Coast Guard at mga mangingisdang Pinoy at hindi nito apektado ang tungkol sa exploration.

 

“Iyong mga incursions na sinasabi ng mga about the incursions of China Coast Guard vessel or what vessels, kuwan naman iyon, separate naman iyon. Hindi naman kami naaabala tungkol doon sa kuwan ng exploration,” aniya pa rin.

Paglaban sa Duterte 2022 pres’l candidate, magiging pahirapan – oposisyon

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inamin ng panig ng oposisyon partikular ng kampo ni Vice President Leni Robredo na magiging mahirap na kalaban sa 2022 national elections ang ieendorsong presidential candidate ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ito ay sa kabila umano ng tinatanggap na kritisismo ng Duterte administration sa pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.

 

 

Sinabi ni Office of the Vice President (OVP) spokesperson Barry Gutierrez, hindi maitatanggi ang tinatamasang popularidad ni Pangulong Duterte, dagdag pa ang kanyang malakas na social media presence.

 

 

Ayon kay Gutierrez, malinaw na isang “uphill battle” o pahirapan ang paglaban sa isang popular na presidente batay sa mga survey kaya kailangan ng malaking resources at malawak na social media machinery.

 

 

Inihayag ni Gutierrez na magiging mahirap ang kampanya para kay VP Robredo sakaling magdesisyon itong tumakbo sa pagka-presidente dahil nasanay ito sa face-to-face interactions.

 

 

Sa ngayon habang hindi pa naaabot ang target na herd immunity mula sa COVID-19 pandemic, hindi pa umano masasabi kung ano ang magiging itsura ng pangangampanya.

 

 

Kung wala daw personal na pakikipagharap at pakikihalubilo sa publiko dahil sa COVID-19, posibleng malaking factor dito ang social media at bentahe raw ito ng administrasyon.

 

 

Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Gutierrez na gaano man kahirap ang laban, makakakaya naman daw maipanalo. (Daris Jose)

BIANCA, kinasal na kay RALPH WINTLE at winelcome ni IZA sa kanilang pamilya

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KINASAL na ang aktres na si Bianca King kay Ralph Wintle.

 

 

Si Ralph Wintle ay kapatid ng mister ni Iza Calzado na si Ben Wintle.

 

 

Dahil may pandemic pa at kailangan sumunod sa safety protocols, naganap ang wedding nila Bianca at Ralph sa living room ng bahay ng newly weds sa Australia.

 

 

“Married in our living room,” caption ni Bianca sa wedding photo nila ni Ralph sa Instagram.

 

 

Dahil sisters-in-law na sila, winelcome ni Iza si Bianca sa kanilang pamilya: “Welcome to the family!!!

 

 

Reply ni Bianca: “sup Mrs Wintle Hahaha.”

 

 

Ibang celebrities na bumati sa bagong kasal ay sina Maxene Magalona, Mariel Padilla, Raymond Gutierrez, at Iya Villania.

 

 

***

BFFs sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Miss Universe India 2020 Adline Castelino.

 

 

Kapwa pumasok sa Miss Universe 2020 Top 16 sina Rabiya at Adline. At the end of the pageant, naging 3rd runner-up si Miss India.

 

 

Kahit tapos na ang pageant, may communication pa rin sina Rabiya at Adline. Naging malapit si Rabiya kay Adline dahil ang biological father niya ay Indian.

 

 

“You were always the bravest! If God had given you the toughest journey, he has also given you the brightest mind and a forgiving heart. You will always be remembered. The story hasn’t ended but just began,” sey ni Adline kay Rabiya.

 

 

Patuloy na nagse-share ng photos at videos ang dalawang beauty queens kahit matagal nang natapos ang pageant.

 

 

***

 

 

NAG-BREAKDOWN ang reality star na si Kim Kardashian sa isang episode ng final season ng reality show na Keeping Up With The Kardashians.

 

 

“I honestly can’t do this anymore. I’m still in this place where I’ve been stuck for years. He goes and moves to a different state every year, and I have to be together so I can raise the kids. He’s an amazing dad, and he’s done an amazing job,” hagulgol ni Kim.

 

 

May kinalaman ang pagiging emotional ni Kim sa napipintong divorce ni Kim sa estranged husband na si Kanye West.

 

 

“He deserves someone that can go and support his every move, and go and move to Wyoming. I can’t do that. He should have a wife that supports his every move and travels with him, and I can’t.

 

 

“I feel like a fucking failure that it’s [my] third fucking marriage. I feel like a fucking loser. But I can’t even think about that. I want to be happy.”

2nd dose ng COVID-19 vaccine kailangan para sa full protection

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Importanteng makumpleto sa takdang araw ang ikalawang dose ng bakuna laban sa COVID-19 upang magkaroon ng “full protection,” ayon kay Dr. Edsel Salvaña ng Department of Health.

 

 

Nilinaw ni Salvaña na hindi kailangang ulitin ang unang dose sakaling mahuli ang pagpapaturok ng ikalawang dose pero mas maganda aniya na maibigay ito “on time.”

 

 

“So hindi naman po malaking bagay iyon at hindi ninyo kailangan mag-start from scratch ulit kahit na-miss ninyo po iyong actual date ng inyong second dose. Bagama’t mas maganda pa rin na on time para mas mabilis po natin makuha iyong full protection,” ani Salvaña.

 

 

Ipinaliwanag pa ni Salvaña na ginagawa naman talaga ang “catch-up vaccination” at eepekto pa rin ang bakuna kahit mahuli pa ang ikalawang dose.

 

 

“Pero kung mahuli nang kaunti, hindi naman po malaking bagay iyon; iepekto pa rin naman iyong ating bakuna. Bagama’t, iyon nga, mas maganda talaga to get the second dose on time para iyong full protection natin ay makuha na as soon as possible,” ani Salvaña.

 

 

Idinagdag ni Salvaña na may bakuna na mas matagal na ibinibigay ang second dose katulad ng AstraZeneca na may pagitang 12 linggo.

 

 

Kahit pa kinapitan ng COVID-19 matapos ang unang dose, puwede pa ring bigyan ng second dose matapos gumaling ang pasyente.

 

 

Ginawa ni Salvaña ang paglilinaw matapos iulat ng DOH na 9% ng mga nabigyan ng first dose ay ipinagpaliban ang pagpapaturok ng ikalawang dose. (Daris Jose)

ISKO, TATAKBO SA ELEKSIYON

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPAHAGING si  Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na tatakbo siya sa darating na 2022 election.

 

Gayunman, hindi naman binanggit ng alkalde kung anong posisyon ang kanyang lalahukan sa halalan.

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ng alkalde na abala pa ito sa pagka-mayor sa Maynila at may obligasyon pa sa mga Manilenyo.

 

Nais din muna niyang mag-focus at saka lamang ito magdedesisyon.

 

Magiging tapat din aniya siya sa mga taga Maynila at siya ay magpapaalam kung anu man ang kanyang mapagpasyahan

 

Sinabi rin ng alkalde na bagamat natutuwa siya at “honored”  na siya ay nababanggit na isa sa pinagpipiliang maging susunod na presidente ng Pilipinas ..siya pa rin ang magdedesisyon sa huli.

 

Si Domagoso ay kasalukuyang Vice Chairman ng NUP o National Unity Party.  (GENE ADSUARA)

Ads June 7, 2021

Posted on: June 7th, 2021 by @peoplesbalita No Comments