• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 11th, 2021

ALDEN, naging daan para ma-convince si JOROSS na pasukin ang mundo ng live streaming

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY bagong career ang actor na si Joross Gamboa ngayong pandemic.  

 

 

Although sabi nga niya, medyo late na rin daw siyang nag-start. Streamer na rin si Joross ng ilang online or mobile games tulada ng Mobile Legend. As in, araw-araw siyang nag-i-stream at nag-e-enjoy raw siya.

 

 

Bukod sa talagang gamer naman talaga siya, nae-enjoy raw niya ngayon na every day, may mga nakaka-interact siya. Ayon dito, nag-start daw siya with 0 followers around August of last year pero ngayon ay nasa more than 200,000 followers na rin siya sa Facebook niya na Joross Gaming Gamboa.

 

 

Bukod sa nag-e-enjoy, kumikita rin nga naman siya. Hindi rin daw nito nakukuha ang oras niya para sa pamilya, lalo na sa dalawang anak kunsaan, very hands-on father rin siya.

 

 

Madalas daw kasi, 7 A.M. pa lang ay nagla-live stream na siya hanggang 9 A.M. kaya birong-totoo niya, mga nanay raw na nagluluto ang mga followers niya at madalas na ka-tsikahan, bukod sa mga bagets siyempre.

 

 

Bawal din daw ang trash talk sa streaming niya pero, hindi raw talaga mawawala na meron at meron mangta-trash, kahit mamba-bash, pero, may mga kaibigan/admin din daw siya na tumutulong sa kanya pagdating sa bagay na ito.

 

 

Naging close si Joross at ang Asia Multimedia Star na si Alden Richards at ito raw ang nakapag-convince sa kanya na pasukin ang mundo ng live streaming.

 

 

Sey ni Joross, “Magkaiba ang mundo ng showbiz, streaming at You Tube. Pero okay siya kasi ngayon, parang halos lahat, mas sa online na talaga nakatutok, e.”

 

 

***

 

 

NANG makausap namin si Kris Bernal na-feel nga namin sa kanya na kumpara noon na naapektuhan kapag may hindi magandang comment sa kanya o naba-bash siya, ngayon ay hindi na at kering-keri na niyang i-handle.

 

 

Yung sunod-sunod na posting niya pala sa kanyang Instagram account na naka-two-piece siya at ‘yung sexy pictorial na ginawa niya for her birthday, mas umani raw ito ng mga negative comments than positive.

 

 

Si Kris na mismo ang nagsabi.

 

 

“Ang daming may ayaw. Ang daming nambash. Ang daming nag-react na naman sa katawan ko,” sey niya.

 

 

Natatawang sabi pa ni Kris, “Nasanay na ko kasi, every time na magpu-post ako ng something sexy, sasabihin nila, ang payat, magpataba ka, kumain ka, na-immune na ko sa gano’n, e.”

 

 

Ginawa naman daw niya ang mga sexy shoots niya dahil para sa sarili. Parang reward na rin niya sa halos pitong taon na kasipagan niya sa pagdyi-gym.

 

 

At last year na rin na single siya.

 

 

“Kasi feeling ko, baka kasi kapag nag-asawa na ‘ko, nagka-family, baka mag-iba na ang priorities ko. Baka hindi na yung sarili ko ang priority ko, nasa ibang tao na. Hindi natin alam, sooner or later, magka-pamilya na ‘ko.”

 

 

     Ito rin daw ang para kasi sa kanya, best body niya so far na strong, healthy siya at naaalagaan niya ang katawan niya.

 

 

At binigyan diin niya na, “Hindi ibig sabihin na nagbu-bold na ‘ko or gusto kong magpapansin.”

 

 

Sa ngayon, freelancer pa rin si Kris at kahit saan network, pwede raw siyang gumawa.

(ROSE GARCIA)

MARIAN, ‘di sang-ayon sa humihikayat kay DINGDONG na tumakbong Senador; inactive ngayon sa social media accounts

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI raw ang humihikayat kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na kumandidatong Senador sa 2022 elections.

 

 

Kung matatandaan ay marami na ring humikayat kay Dingdong noong 2019 elections na kumandidato siya pero hindi napilit si Dingdong, although wala siyang ibinigay noon na dahilan kung bakit ayaw niya.

 

 

This time, totoo kayang ang wifey niya na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, ang ayaw na tumakbo siya?

 

 

Sinasabing ito raw ang reason kung bakit inactive, ilang linggo na, ang social media accounts ni Marian, ayaw daw nitong sumagot sa mga comments ng mga nagtatanong.

 

 

Si Marian ay napakatahimik na tao, lalo na pagdating sa kanyang pamilya, at hindi mo siya masisisi kung ayaw niyang payagang kumandidato si Dingdong.

 

 

Siyempre, kung ayaw ni Marian, hindi rin naman siya pipilitin ni Dingdong. May magagawa naman siyang ibang bagay para sa bansa, hindi lamang ang pagkandidato niya sa public office.

 

 

***

 

PANSAMANTALA munang iniwan ni Kapuso actress Glaiza de Castro ang Baler, Quezon, at bumalik sa bahay nila sa Quezon City, para simulan na niya ang pagpaplano ng wedding nila ng fiancé niyang si Irish surfer David Rainey.

 

 

Matatandaang naganap ang engagement nila ni David nang sa Ireland siya nagpalipas ng Christmas  2020.

 

 

Natuwa ang mga fans ni Glaiza nang i-post niya ang prenup photo nila ni David sa Ireland.

 

 

Isa sa mga wedding suppliers na ka-meeting ni Glaiza ang Nice Print Photo na siyang nag-post sa kanilang Instagram.

 

 

Noon pang bumalik si Glaiza from Ireland dapat ginanap ang wedding planning pero tinapos munang gawin ng aktres ang upcoming GMA Afternoon prime series niyang Nagbabagang Luha with Rayver Cruz. 

 

 

Wala pa namang sinabi si Glaiza kung kailan ang wedding nila ni David, maliban sa magiging simple lamang ang kasal nila ng fiancé na nakilala niya noong 2018 sa Siargao.  Pero minsan ay nabanggit na rin ni Glaiza na dito muna sa Pilipinas sila magpapakasal at saka naman sa Ireland kung saan sila magha-honeymoon.

(NORA V. CALDERON)

Fajardo utay-utay lang muna sa pagpapraktis

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nakakaramdam ng sakit si Philippine Basketball Association star June Mar Fajardo ng San Miguel Beer sa kanyang shin injury, pero ayaw pa niyang tumodo sa mga ensayo.

 

 

May palugit pa naman siya upang makondisyon bago buksan ang 46th PBA Philippine Cup 2021 bago matapos ang kasalukuyang buwan o unang linggo ng Hulyo.

 

 

“Marami na kaming ginagawa na mga footwork drill ng physical therapist namin para makuha ko ulit ang kumpiyansa ko,” wika Martes ng 31 taong-gulang,  6-10 ang taas na sentro mula sa Cebu sa 2OT podcast. “So far maganda naman ang movements ko. Sana tuloy-tuloy. May one month pa naman ako para mag-prepare.”

 

 

Tinataya ng basketbolista na makukuha niya ang full game-shape niya bago ang import-less season-opening conference sa Ynares Center sa Antipolo o Ynares Arena sa Pasig.

 

 

Labis din ang pasasalamat niya na nabigyan ng pagkakataong muling makalaro pagkaraang mabalian ng alulod sa praktis noong Pebrero 2020 na nagpaliban sa kanya buong ika-45 edisyon ng propesyonal na liga sa nasabing taon.

 

 

“Masaya ako, lagi ko ipinapasalamat kay God na binigyan ulit ako ng chance na makapagbasketbol uli,” ang hirit ng six-time PBA  MVP. “Kasi nga, nakakatakot ang nangyari sa akin, eh. Binigyan Niya ako ng second chance na makabalik. Kaya gagawin ko ang best ko para makuha ko old form, o mas mataasan ko pa ang nilalaro ko dati.” (REC)

DOH: Mga nabakunahan vs COVID-19 sa Pilipinas, higit 6-M na

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasa higit 6-milyong indibidwal sa Pilipinas ang nabakunahan na laban sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19).

 

 

Batay sa pinakabagong report ng Department of Health (DOH), as of June 6, tinatayang 6,314,548 doses ng bakuna na ang naiturok ng pamahalaan simula noong Marso.

 

 

Mula rito, 4,632,826 ang ibinahagi bilang first dose. Habang 1,681,722 ang itinurok bilang second dose.

 

 

Mayroon nang 886,420 healthcare workers na fully vaccinated. Samantalang 1,412,187 pa lang ang nakakatanggap ng first dose.

 

 

Sa hanay naman ng senior citizens, aabot na sa 415,540 ang mga kumpletong bakunado. Nasa 1,622,613 naman ang first dose pa lang ang natatanggap.

 

 

Pagdating sa mga may comorbidity, nasa 373,493 na ang kumpleto sa bakuna. Nasa 1,568,809 naman ang nakatanggap ng unang dose.

 

 

“Nakapag-umpisa na rin tayo sa A4. (Pero) maliit pa ang bilang na ito na 29,000 para sa ating mga manggagawa dahil ito ay ceremonial na mga A4 population na pagbabakuna,” ani Dr. Napoleon Arevalo, DOH Director IV.

 

 

Ayon sa opisyal, may inaasahang delivery na 1-million doses ng Sinovac vaccine bukas, June 10.

 

 

Bukod dito may mga inaasahan ding supply ng bakuna mula sa Gamaleya (Sputnik V), at Pfizer at AstraZeneca na manggagaling naman sa COVAX Facility.

PSA, inilunsad ang Philsys Institutional Registration sa Bulacan para sa mga kawani ng gobyerno

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS –Upang mapadali ang pag-access sa national identification system ng mga kawani ng gobyerno, inilunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang Philsys Institutional Registration sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na “#DutyFirst Kapitolyo, Rehistrado” sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon.

 

 

Ang Philippine Identification System o Philsys ay ang central identification platform ng gobyerno na naglalayong magtatag ng isang pambansang sistema ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mga mamamayang Pilipino at mga dayuhan sa bansa.

 

 

Kabilang sa unang grupo na nagrehistro sa isinagawang paglulunsad ay sina Gob. Daniel R. Fernando, Bise Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga pinuno ng departamento sa Pamahalaang Panlalawigan habang ang mga natitirang kawani naman ay naka-iskedyul sa Hunyo 8-29, 2021.

 

 

Ayon kay Marcelino O. De Mesa, Supervising Statistical Analyst sa PSA Bulacan, maaaring magamit ang national ID bilang isang patunay ng pagkakakilanlan para sa lahat ng mga transaksyon, maging sa isang ahensya ng gobyerno o pribadong institusyon at maaari ding magamit sa labas ng bansa.

 

 

“Ang inyong mga ID po ay idedeliver sa inyong mga address. Bukod dito, kikilalanin din po ang inyong mga national ID hindi lang dito sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa; ang sabi nga, ito ay ‘one ID for all transaction’ at ‘ease of doing business.’ Mas pinadali dahil po hindi na kailangan pa ng iba pang ID at supporting documents, iisang ID na lang sa bawat transaction, sa gobyerno man o sa probadong institusyon,” paliwanag ni De Mesa.

 

 

Aniya, nakikipag-ugnayan ang PSA sa mga lokal na pamahalaan upang tulungan ang pagpaparehistro sa Philsys ng kani-kanilang nasasakupan, kasama na ang proseso ng pre-registration at mismong pagpaparehistro.

 

 

Samantala, inihayag naman ni Fernando ang kanyang pagsuporta sa layunin ng Philsys at sinabing ang pagkakaroon ng national ID ay simbolo ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

 

 

“Tayo po ay lubos na sumusuporta sa Philippine Identification System dahil sa pamamagitan nito, maaari nang makuha ng ating mga kababayan ang iba’t ibang serbisyo mula sa gobyerno o sa pribadong institusyon na hindi na kinakailangan ng marami pang mga ID o ibang mga dokumento. Malaking kaluwagan ito para sa ating mga kalalawigan. At ang maganda rin dito ay makikilala tayo sa ibang bansa na tayo ay mga Pilipino sa pamamagitan lamang ng isang ID card,” anang gobernador.

 

 

Ang Philippine Identification System Act na kilala bilang Republic Act No. 11055 ay nilagdaan upang maisabatas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Agosto 2018. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pinay skateboarder Margielyn Didal pasok na sa Tokyo Olympics

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Opisyal ng sasabak sa Tokyo Olympics si Pinay skateboarder Margielyn Didal.

 

 

Sa ginawang anunsiyo ng World Skate kasama si Didal sa listahan na inilabas ng international roller sports.

 

 

Gaganapin ang pagsabak ng 22-anyos na si Didal sa Hulyo 25 hanggang 26.

 

 

Dahil sa pagsali ni Didal sa Olympics ay mayroon ng kabuuang 10 atleta ang sasabak sa Tokyo Olympics.

‘Flash’ Movie Director Shares Image Of Michael Keaton’s Bloody Batman Suit

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DIRECTOR Andy Muschietti has shared a new image from the set of The Flash teasing the Batman suit for Michael Keaton’s depiction of the Dark Knight.

 

 

Written by Birds of Prey scribe Christina Hodson, the 12th film in the DC Extended Universe will see the titular speedster go back in time in an effort to save his mother from being murdered but instead messes with the larger franchise timeline.

 

 

Ezra Miller reprises the role of Barry Allen, aka The Flash, and will star alongside Keaton, Ben Affleck, Sasha Calle, Kiersey Clemons, Maribel Verdú and Ron Livingston.

 

 

Keaton first made his debut in the role of the Dark Knight in Tim Burton‘s 1989 Batman and its ’92 sequel Batman Returns, though departed the role after Warner Bros. elected to not bring Burton back for a third film and take the franchise in a brighter direction.

 

 

The character would subsequently be portrayed by Val Kilmer and George Clooney for one film each before the property went into hiatus due to the financial failure of Batman & Robin and revived with the Christopher Nolan-helmed trilogy with Christian Bale in the central role.

 

 

Shortly after the DCEU got up and running, Affleck was tapped to take over the role before departing due to personal reasons, but will return for The Flash alongside Keaton.

 

 

As production continues on the DCEU title, Muschietti took to Instagram to share a teaser image for Keaton’s Batman suit seen in The Flash. With a few drops of blood on the chest, the suit features the yellow center and smaller bat logo akin to that seen in the Tim Burton-directed films.

 

 

Over 30 years later and when it comes to the discussion of which actor best portrayed Batman, Keaton’s name is still one of the first to be thrown out by fans. Knowing his return to the role is imminent has kept fans very excited, even if it seems unlikely that Ray Fisher’s Cyborg will appear as many were initially hoping and was the original plan. But what the image does more than just hype up Keaton’s reprisal is the bloody nature of his suit in the behind-the-scenes still.

 

 

With close to a year-and-a-half to go until The Flash hits theaters, fans will have to wait and see if Keaton’s older Dark Knight is more prone to brutality or if there’s a deeper reason to the blood on his suit.

(ROHN ROMULO)

PDu30, muling nanindigan sa posibilidad na pagbabalik ng death penalty

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING nanindigan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa muling pagbuhay ng parusang kamatayan.

 

Giit ng Pangulo, basta’t karumal-dumal na krimen lalo na’t ginawa ang krimen sa mga inosente sabi ng Pangulo ay dapat pang na maibalik ang capital punishment.

 

Aniya, hindi naman pinawalang saysay kundi sinuspinde lamang ang death penalty.

 

“I have always been for the restoration of the death penalty. Wala man — the law was — I think the law was not abrogated, suspended lang. So wala. Sinuspend (suspend) lang ‘yong mga — just ‘yong the act of killing a criminal,” ayon sa Pangulo.

 

” Ako, basta heinous crime, heinous crime, drugs tapos ‘yong nangyayari ng — sabi mo ‘yong the atrocities committed against so many innocent persons. Iyong bata diyan sa Makati na kinatay, ipinako pa diyan sa kawayan,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Punong Ehekutibo na hanggang ngayoy hindi pa rin daw maintindihan ng human rights ang sitwasyon lalo na ng mga pulis na kailangang depensahan ang kanilang mga sarili laban sa mga kriminal.

 

“Kaya ako — iyan ang hindi maintindihan ng human rights. Iyan ang hindi maintindihan ng human rights. Sabi nila na ‘wag mong patayin, idemanda mo. Well, kung madala pa. Usually maglaban ‘yan eh. Eh ayaw nila maniwala ‘yan minsan desperate mag-agaw ng baril. Totoo man.

 

In my — siguro sa pagka-mayor ko, tatlong beses ‘yang inagawan ng baril. Inagawan ng baril, namatay pa ang pulis. Inagawan ng baril, patay ang pulis. Akala nila drama ‘yan eh. Wala ‘yan… I am for the restoration of…,” lahad ng Punong Ehekutibo.

 

Binigyang diin ng Pangulo na hindi drama lang ang panlalaban at pang- aagaw ng baril ng ilang mga nahuhuling kriminal na nuong alklade pa lamang siya’y tatlo niyang mga pulis ang nalagas dahil sa ganitong mga insidente. (Daris Jose)

US bibili ng 500-M doses ng bakuna laban sa COVID-19 para ipamahagi sa mga bansa

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatakdang bumili ang US Ng 500 milyong doses ng Pfizer COVID-19 vaccine na ipapamigay sa 100 bansa sa loob ng dalawang taon.

 

 

Sinabi ni US President Joe Biden na unang ipapamahagi ang 200 milyon doses ng bakuna ngayong taon at ang mga natitira ay sa 2022.

 

Ang hakbang ay kasunod na pressure na natatanggap ng US mula sa ibang bansa na dapat magbahagi ang mga ito ng bakuna sa mga mahihirap na bansa.

 

 

Nasa England ang US President para dumalo sa G7 Summit na siyang kauna-unahang foreign trip nito mula ng maupo sa puwesto. (Gene Adsuara)

PDu30, pinayuhan ang publiko ng tamang pagtatapon ng medical wastes

Posted on: June 11th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PiNAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na itapon nang tama at kung paano dapat itinatapon ang medical wastes. 

 

“You might as well wait for the garbage men to look the garbage and balutin ninyo ‘yang mga ano ninyo, mga medisina ‘yong naturok na at saka ‘yong mga syringe, balutin ninyo, ibigay ninyo sa basurero,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People.

 

Nakarating kasi sa kanya ang ulat na may mga nakuhang gamit na face masks ang ilang divers sa Bauan, Batangas.

 

Ito ang dahilan aniya kung bakit labis siyang nalungkot at nadismaya dahil sa maling pagtatapon ng medical wastes.

 

Binigyang diin ng Pangulo ang paggunita ng buong mundo ng “World Environment Day” noong June 5 kung saan isinulong ang commitment ng bansa sa pag-aalaga sa kapaligiran.

 

“Sadly, however, the COVID-19 crisis has also given a rise to plastic waste and pandemic. The popularity of delivery of services has produced considerable solid waste such as the delivery of packaging of both food and non-food products. Also, a serious concern is the proper disposal of medical waste. There have been several reports of poor disposal,” anito.

 

Aniya pa, noong mayor pa siya ng Davao City, may nakapagsabi sa kaniya na inililbing umano sa buhangin ang ilang medical wastes ng mga gamot.

 

“Mali ito,” ani Pangulong Duterte. (Daris Jose)