BINUWELTAHAN ni Queen of All Media Sinagot Kris Aquino ang isang netizen na tinawag siyang pangit kapag walang makeup na napansin sa ibinahaging video sa social media accounts kung saan gumagawa siya ng mga flower arrangements.
Caption ni Kris sa video, “Kamusta ang Monday nyo? Because I believe ini-effort ang ang maging happy. #lovelovelove.”
Sa Facebook, matapang ngang nagkomento ang isang netizen sa opinyon nito sa itsura ni Kris kapag walang make up.
“Pangit pala c Miss Kris pag walang makeup. Sorry just saying,” pahayag ng basher.
Hindi man pinatulan ang pamba-bash, mas pinili ni Kris na huwag ng manlait pa.
Buwelta ni Kris, “Beauty is in the eye of the beholder. I could so easily say a very bitchy comment about your looks right now pero bakit pa? Hindi naman ikagaganda ng buhay ko and hindi rin makakatulong sa lipunan.”
Pagbibiro pa ng host at actress, masaya siya na malamang gumaganda siya kapag naglalagay ng makeup.
“Siguro you need to find your happiness? And thank God di ba, ako gumaganda pag may makeup,” dagdag pa niya.
Agad namang binura ng basher ang kanyang naging komento sa post ni Kris, matapos itong patulan.
Hindi talaga napipigilan ni Kris na sagutin ang ilang sa mga bashers, lalo kung dinadamay na ang dalawang anak na sina Josh at Bimby, na naging biktima nang pambu-bully ng netizens.
***
SAMAHAN si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes as he explores more unchartered territories and discovers fascinating stories told through the work of local heroes sa three-part anniversary special ng award-winning infotainment program ng GMA Network, ang Amazing Earth, simula ngayong Sunday, June 13, sa bago timeslot na 7:40PM, bago ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Sa simula pa lang ng programa, pinakita na ni Dingdong ang kanyang immeasurable commitment para makapaghatid ng exciting adventures and stories sa Kapuso viewers tuwing Linggo as he treks dirt roads, wades in rivers, and climbs mountains.
Kahit noong naharap ang lahat sa COVID-19 pandemic, naging faithful si Dingdong sa pagiging eco-warrior.
Ibabahagi ng award-winning actor-TV ang naghihintay na great deal of destinations sa three-part anniversary episodes, “Team Amazing Earth has a lot in store for our viewers in celebration of our third anniversary. We know na with the pandemic, hindi lahat ay nakakapasyal to explore the many beautiful sights that this planet can offer. Kaya naman our program is very much excited to take our viewers to more breathtaking destinations across the country and around the world.”
Ini-express din Dingdong ang kanyang take kung paano nakatutulong ang programa in advocating environmental protection, “We feature local heroes para makita natin kung ano ba ‘yung mga puwede nating gawin for our environment and it’s not just limited to tree planting; it could be as simple as educating everyone tungkol sa mga kuwentong bayan na may kinalaman sa kalikasan.”
Sa new primetime timeslot, ipi-feature ng Amazing Earth ang special episodes ang wildlife stories na mula sa BBC nature documentary na “Seven Worlds, One Planet,” presented by renowned narrator David Attenborough and filmed across 7 continents in 41 countries.
Ngayong Linggo, get warm and cozy with the wildlife living in the European hinterlands – mula sa mountainous regions ng Italy at Spain, sa kagubatan ng France at Finland hanggang sa nagyeyelong Arctic Circle. Madi-discover ding suspense-filled ways of female brown bears, male musk ox, wolves, red deers, and Barbary macaques sa kanilang natural habitats.
Mapapanood din ang exclusive interview ni Dingdong kay Mayor Vico Sotto sa Pasig Rainforest Park. The millennial mayor talks about the inroads they are making environment-wise in Pasig, spearheaded by their constituents’ floating farm concept.
Meanwhile, revel in the beauty of Bohol and discover the mysterious Tambuko cave and underwater lagoon! How true is the folklore that diwatas or fairies watch over it?
Gawin ng family habit to explore, enjoy, and learn about our only planet sa Amazing Earth tuwing Linggo nang gabi, mula ito sa direksyon ni Rico Gutierrez.
Mapapanood din ng viewers sa ibang bansa ang naturang programa via GMA’s flagship international channel, GMA Pinoy TV.
(ROHN ROMULO)