• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 16th, 2021

PDu30, naniniwala na maaaring maging Pangulo ng bansa si Willie Revillame

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANINIWALA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring maging pangulo ng bansa ang TV host na si Willie Revillame.

 

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang video na lumabas noong nakaraang linggo kung saan hinihikayat ni Pangulong Duterte si Revillame na tumakbo sa pagka-senador.

 

“I have a copy of the video greeting of the President. Ang sabi nga po niya tumakbo ka ng senador pero sa bandang huli rin sabi rin po niya na pu-puwedeng magpresidente si Willie Revillame ‘no,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

“It’s a video greeting of sorts ..so it’s not a… new meeting between Willie and the President,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, hinihikayat ni Pangulong Duterte na tumakbo bilang senador ang “Wowowin” TV host na si Willie Revillame sa darating na eleksyon.

 

“Willie, si Mayor ‘to. Kumusta ka? Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka,” ani Duterte sa isang video message.

 

Ayon kay Duterte, nagdadalawang isip na tumakbo si Revillame.

 

Ngunit sabi ng Presidente na bukas ang slot para kay Revillame anumang oras.

 

“Kung ayaw mo na talaga eh ‘di puwede na tayong mag-usap ulit,” Duterte said.

 

Dagdag ng Pangulo, bilib siya sa appeal ni Revillame sa masa.

 

Si Duterte ang chairman ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan. (Daris Jose)

JOHN LLOYD, wish ng netizens na i-partner kay JENNYLYN at MARIAN ‘pag naging Kapuso na

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG wala nang makapipigil pa kay John Lloyd Cruz sa pagiging Kapuso.

 

 

Sa post ng @kapusoprgirl noong Lunes, June 14 nakitang kasama ni John Lloyd ang GMA-7 Films president and programming consultant to the GMA chairman na si Annette Gozon-Valdes.

 

 

Naganap nga ang muling pagkikita at pag-uusap after a week mula nang mag-guest sa tv special ng isang e-shopping platform na ipinalabas sa GMA.

 

 

Wala mang lumabas na detalye, tiyak na napag-usapan ang mga gagawing projects ni Lloydie sa Kapuso Network. Nagkausap sina John Lloyd at Annette bago pa first tv appearance ng aktor kasama si Willie Revillame.

 

 

At isa pala ang GMA executive sa mga naging daan sa pagbabalik telebisyon ng award-winning actor kaya pinasalamatan niya ito sa nakaraang TV special.

 

 

Nag-post din si Annette sa Instagram ng litrato nila ni John Lloyd na may caption na, “At last nagkita na kami. Exciting times ahead! Abangan!”

 

 

Na-excite nga ang Kapuso viewers nang sabihin ni Willie na bibida sila ni Lloydie sa isang primetime show ng GMA, na ayon sa lumabas ay sitcom at makakasama nila ni Andrea Torres.

 

 

Wish naman ng netizens na itambal si Lloydie kay Jennylyn Mercado o kaya kay Marian Rivera. Gusto rin nilang makita ang box-office star na mag-guest sa Magpakailanman dahil nami-miss na raw nilang itong makitang mag-drama.

 

 

Well, abang-abang sa mga susunod pang pasabog ng GMA Network sa pagiging Kapuso ni John Lloyd.

 

 

***

 

NAGING emosyonal si Aiko Melendez habang sinusulat ang kanyang Instagram post na kung saan ibinahagi niya ang pagtatapos ng panganay na anak na si Andre Yllana sa kursong Automobile Mechanic Course sa Don Bosco Technical Institute of Makati.

 

 

Naganap ang graduation ceremony noong Linggo (June 13) ng hapon.

 

 

Post ni Aiko, “You’ve made your mother so happy and I couldn’t be more proud of you!”  @andreyllana after so many trials, dramas…. This is legit #Donboscomakati.”

 

 

Sinundan naman ito ng mahabang post na kung saan ibinahagi niya ang pinagdaanang hirap para mapagtapos ng pag-aaral ang anak.

 

 

Panimula ni Aiko, “As i write this, I can’t help but be emotional. Una kasi di madali ung pinagdaanan ko para mapagtapos ko Anak ko yes on my own. Single mom ako d ba.

 

 

“Not complaining. I remember there were days na I was lacking in terms of financial at that time, Mader Ogie Diaz somehow knows my story. It’s a story of my UPS and DOWNS.

 

 

“Kasi my Son was going through a depression at that time, umabot sa time nag-campus tour kami ng anak ko from Ateneo, Lourdes, Colf pero sabi ko di ko susukuan anak ko igagapang ko yan. Panganay ko yan gagawin ko ang lahat just to make him finish College.

 

 

Sa pagpapatuloy niya, Remember nag-artista s’ya for a time kaso ang dami nangyayari so I spoke to him and he said he will finish school and if Showbizness is still kind and will welcome him babalik sya.

 

 

“Few of my friends know hirap ako tlaga Pops Fernandez,  Carmina Villarroel Legaspi, Gelli Rivera,  Cez Gella,  ‘yan ang me alam ng lahat ng luha ko, hirap.

 

 

“Me oras sunod-sunod tanggap ako ng tanggap ng work para to meet our payables and all.

 

 

Pinaghalong lungkot at saya nga ang naramdaman ni Aiko sa pagtatapos ng anak dahil sa pangarap ng yumaong stepfather.

 

 

I’m Happy and sad kasi Dream ‘yan ng Daddy Dan Castaneda ko ke Andre Yllana to finish school kaso wala na s’ya. So, Dad finally eto na un! Graduate na Apo mo.

 

 

“I know you must be as proud as I am now. To my brother Angelo Castaneda thank you for being the 2nd dad of Andoy. And treating him as if your own. To my sisters Michiko Castaneda Bibit, Erika Akiko Castaneda Jacinto thank you also for encouraging Andre to never give up. Jojon Jacinto salamat for constantly reminding how important education is.

 

 

“And to Marthena Jickain for always lifting your kuya’s morale when he felt the lowest. You are kuya Andre’s sunshine, sabi pa magaling na aktres.

 

 

Sa huli ng kanyang post, pinasalamatan din niya ang boyfriend na si Vice Governor Jay Khonghun ng Zambales at kanyang mahal na ina.

 

 

“Lastly, Jay Khonghun for convincing Andre in pursuing all his dreams, that in every downfall he must rise!

 

 

“Andre sorry emo si mama kasi tlaga lang Proud na Proud ako. You know I just want only the best for you. Di man tayo kumpleto pero binuo mo and ni Marthena ang buhay ko. Love you son ! Cheers! Sensya na mahaba! Masaya lang.

 

 

“Lastly to my mom na mahal na mahal ang apo nya salamat mami Elsie Castaneda if not for you wala ako mabubuting anak.”

 

 

Samantala, balik-showbiz na rin si Andre under Viva Artist Agency at kasama siya sa teleserye ni Julia Barretto na nagsimula na lock-in taping sa Subic.

 

 

Si Aiko naman ay excited na in-announce na bibida siya sa isang episode ng trilogy movie ni Direk Adolf Alix Jr.

(ROHN ROMULO)

LTFRB: P860 M incentives na ang naibibigay sa mga drivers ng PUVs

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

May P860 million ng halaga ang naibibigay at naipamamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga public utility drivers (PUVs) sa buong bansa.

 

 

Ang programa ay sa ilalim ng service contracting ng pamahalaan kung saan binibigyan ang mga PUVs drivers ng mga incentives ayon sa kanilang nalalakbay na kilometro.

 

 

“Drivers can receive incentives and subsidies based on kilometers traveled, depending on the type of transportation and its compliance with agreed-upon performance indicators,” saad ng LTFRB.

 

 

Sa ngayon, mayron ng 14,132 na drivers ang nabigyan at nakakuha ng paunang bayad mula sa programa at may 4,500 na kada drivers na rin ang nabigyan ng P15,000 na onboarding incentives.

 

 

“Under the program, drivers are entitled to an initial amount of P4,000, a weekly payout depending on the service and a one-time onboarding incentive,” wika ng LTFRB.

 

 

Ang service contracting ay isang programa ng pamahalaan sa ilalim ng subsidy packages ng Bayanihan 2 upang mabawasan ang masamang epekto ng pandemic sa sektor ng transportasyon lalo na sa kabuhayan ng mga drivers.

 

 

Kailangan lamang na magparehistro ang mga drivers ng PUVs sa LTFRB upang makasali sa programa kung saan sila ay sasailalim sa isang orientation program.

 

 

Halos P5 billion ang nakalaan na pondo sa contract servicing mula sa Bayanhihan 2 upang masiguro na ang operasyon ng transportasyon ay magiging viable kahit na pinatutupad ang mga health protocols na siyang dahilan kung bakit binawasan ang passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan.

 

 

Samantala, tinaasan ng LTFRB ang per kilometer incentive na binibigay sa mga public utility drivers (PUVs) sa ilalim ng programang service contracting ng pamahalaan.

 

 

Sa isang LTFRB memorandum circular ng nilabas, ang per kilometer incentive para sa traditional at modernized jeepneys kasama ang public utility buses ay bibigyan ng dobleng rate.

 

 

“The memorandum signed on April 16 increased the per kilometer incentive to P27 for traditional and modernized jeepneys and P45.50 for public utility buses from the previous rate of P11 and P23.10, respectively,” wika ng LTFRB. (LASACMAR)

GCQ sa NCR at Bulacan, extended

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Lunes, Hunyo 14 ang ekstensyon o pagpapalawig ng General Community Quarantine (GCQ) classification sa National Capital Region at Bulacan mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.

 

“Some restrictions shall, however, be observed and applied in the abovementioned areas,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

Inilagay naman ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga lalawigan ng Laguna, Cavite at Rizal sa Region 4-A sa GCQ “with heightened restrictions” mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021.

 

Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng GCQ mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021 ay Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, at Benguet sa Cordillera Administrative Region; Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Iligan City sa Region 10; Davao del Norte sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, at South Cotabato sa Region 12; at Lanao del Sur at Cotabato City sa BARMM.

 

Samantala, ang mga lugar naman na inilagay sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021 ay City of Santiago at Cagayan sa Region 2; Apayao at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Bataan sa Region 3; Lucena City sa Region4-A; Puerto Princesa sa Region 4-B; Naga City sa Region 5; Iloilo City at Iloilo sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, at Zamboanga del Norte sa Region 9; Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Butuan City, Agusan del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Sur sa CARAGA.

 

“All other areas shall be placed under Modified General Community Quarantine (MGCQ) starting June 16 to June 30, 2021,” ayon pa rin kay Sec. Roque.

 

Samantala, inaprubahan naman ni Pangulong Duterte ang extension ng travel restrictions na ipinatupad sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman simula Hunyo 16 hanggang Hunyo 30, 2021. (Daris Jose)

Ads June 16, 2021

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DEPLOYMENT NG MGA HEALTH WORKERS, IREREKOMENDA

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IREREKOMENDA ng   Department of Labor and Employment (DOLE) na  magdagdag ng  deployment cap ng mga healthcare workers  overseas kasunod ng apela ng Medical Technology Group.

 

 

Maaalala na ipinataw ang pansamantalang  5,000  deployment cap noong nakaraang taon upang hindi maubusan ng health workers sa bansa na tutugon sa gitna ng pandemya.

 

 

“Actually, that subject has been a matter of discussion by a technical working group,” ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sa  CNN Philippines .

 

 

Ayon kay Bello, binuo ang technical working group  na ito upang malaman kung may anumang posibleng paraan ng pagdaragdag ng deployment  cap ng paglawak nang hindi mapapagkaitan ng health care workers ang bansa.

 

 

Aniya, handa ang TWG na magrekomenda  sa  Inter Agency Taskforce ng ppsibleng pagdagdag ng deployment cap .

 

 

Binubuo ang TWG ng mga kinatawan mula sa DOLE, Department of Health (DOH),  Professional Regulation Commission (PRC). (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Vaccination program ng pamahalaan kontra COVID-19, apektado ng laganap na fake news

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nababahala si NASSA/Caritas Philippines board member at Archdiocese of Cotabato Social Action Director Rev. Fr. Clifford Baira sa lakas ng paglaganap ng fake news maging sa malalayong nayon at lugar ay madaling naaabot nito.

 

 

Ayon kay Fr. Baira, nakakalungkot na ang maling impormasyon ay nakakapasok maging sa mga nasa kabundukan at liblib na lugar.

 

 

“Iyon truth ay parang pagong pero kapag fake news nakaka-abot hanggang bundok mas malakas ang takbo ng fake news kumpara sa kung ano ang katotohanan.”pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

 

 

Inihayag ng Pari na ang paglaganap ng fake news ay malaking suliranin lalo na sa kampanya laban sa pandemya at mga programa upang wakasan ito gaya ng pagpapabakuna.

 

 

“Ang dami talaga doubts at fear dahil sa fake news” pahayag ni Fr. Baira sa panayam ng Radyo Veritas.

 

 

Umaasa ang Pari na sa pagtutulungan ng mga kinauukulan at mga eksperto sa larangan ng medisina ay maibaba ang tamang impormasyon lalo na sa mga nasa nayon at mga liblib na lugar.

 

 

Tiniyak ni Fr. Baira na nakahanda ang Simbahan at mga Parokya sa mga lalawigan na makipagtulungan upang maipahatid ang katotohanan lalo na sa mga mahahalagang usapin sa ating bansa.

 

 

“Hopefully ma-cascade ito pababa dahan-dahan para more or less magkaroon ng immediate impact sa grounds” dagdag pa ng bagong halal na Board member ng Caritas Philippines.

 

 

Magugunitang nagsimula na ang roll out ng vaccination ng iba’t-ibang LGU’s para sa mga nasa A4 category o yun mga lumalabas ng tahanan para pumasok sa kani-kanilang mga trabaho.

 

 

Batay sa datos, umaabot pa lamang sa 4 na porsyento mula sa mahigit 110-milyon populasyon ng Pilipinas ang nabakunahan ng unang dose  habang nasa 1.4 percent ang nakatanggap na ng 2 shots o yung tinatawag na ‘fully vaccinated’.

 

 

Sa survey na inilabas ng Social Weather Station 1/3 lamang ng 1,200 Pilipino ang pumapayag na magpabakuna sa kabila ng mga impormasyon at pagpapaliwanag na ginagawa ng pamahalaan sa idudulot nito upang wakasan ang suliranin sa Covid19.

 

 

Unang nanawagan ang ilang mga Obispo sa Pilipinas at mga lider ng Simbahang katolika na magpabakuna ang mga mananampalataya upang labanan ang pandemya.

Sony Announces Brad Pitt’s Action Movie ‘Bullet Train’ Release Date

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SONY has announced that Brad Pitt‘s new action movie Bullet Train will pull into the station on April 8, 2022 — and yes, the star-studded film will play in IMAX theaters and other large premium formats.

 

 

David Leitch directed the high-octane movie, which follows a group of assassins on a train in Tokyo.

 

 

Pitt stars alongside Aaron Taylor-JohnsonMichael ShannonJoey KingBrian Tyree HenryAndrew KojiHiroyuki SanadaBenito A Martínez Ocasio and Sandra Bullock.

 

 

And it is previously reported that Lady Gaga is also expected to make an appearance.

 

 

Bullet Train is based on the Japanese novel Maria Beetle by Kotaro Isaka, which was adapted by Zak Olkewicz. Leitch produced the film with Kelly McCormick and Antoine Fuqua, while executive producers include Ryosuke SaegusaYuma TeradaBrent O’Conn

 

 

Bullet Train is now slated to open against Sonic the Hedgehog 2 and Robert Eggers‘ Viking epic The Northman, as well as a Disney live-action movie and an event film from Universal, so clearly, something’s gotta give there. The marketplace simply can’t sustain that many new releases over a single weekend at this time, so unless Universal and Disney have the goods, expect them to walk away from a bad-ass Brad Pitt and a sequel to Sonic, which was an unlikely hit last year.

 

 

Pitt has been something of a good luck charm for Sony between MoneyballFury, and Once Upon a Time in Hollywood, which brought Pitt his first acting Oscar. That said, the studio is said to have been greatly impressed by Taylor-Johnson‘s performance in Bullet Train, as Sony subsequently cast him in its Spider-Man spinoff Kraven the Hunter.

 

 

Finally, Bullock is obviously no stranger to speeding trains, and she agreed to play a small role in this film in exchange for Pitt joining her Paramount movie Lost City of D.    That strikes me as a cool quid pro quo and a fun bit of movie trivia. We’ll see which A-list star gets the better end of that deal when Bullet Train arrives next April.

 

 

Further rounding out its release calendar, Sony studio also revealed that Jack Black and Ice Cube comedy Oh Hell No will hit the big screen on July 1, 2022.

 

 

Oh Hell No, directed by Kitao Sakurai (Bad Trip), follows the relationship between Sherman (Black) and Will (Cube) after Sherman falls in love with Will’s mom. Matt Tolmach is producing through Matt Tolmach Productions with Black and Roz Music. Scot Armstrong, Tracy Oliver, Jessica Gao and Rodney Rothman wrote the script. (source: collider.com)

(ROHN ROMULO)

DINGDONG, aminadong miss na muling sumabak sa lock-in taping dahil almost a year nang walang bagong project

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MISS na raw ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes, na muling sumabak sa lock-in taping para sa bagong project na gagawin niya sa GMA Network. 

 

 

Kung matatandaan si Dingdong at ang cast ng Descendants of the Sun ang unang sumabak sa lock-in taping noong bago pa lamang umiral ang community quarantine dahil sa Covid-19 virus. Kaya almost a year na ring hindi gumagawa ng bagong project si Dingdong.

 

 

Kaya nagpapasalamat siya na tuluy-tuloy pa rin ang paggawa niya ng mga episodes ng Amazing Earth na may tatlong special episodes sa pag-celebrate nila ng 3rd anniversary nito, na nagsimula last Sunday, June 13, sa bago rin nitong timeslot, 7:40PM.

 

 

May dalawa pang Sundays, June 20 at June 27, na may mga special guests sila sa bawat episode. Unang nakasama ni Dingdong sa Pasig Mayor Vico Sotto.

 

 

Inamin naman ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na nagpapasalamat siya sa GMA Network na ibinalik ang Pinoy adaptation ng Korean drama na Autumn in My Heart na pinamagatang Endless Love na pinagtambalan din nilang mag-asawa.

 

 

Ngayon daw ay sabay pa rin nilang pinapanood ni Dingdong ang serye na ipinalabas pa noong 2004.

 

 

This week ay mapapanood na sila gabi-gabi pagkatapos ng First Yaya, bago ang finale week ng Heartful Cafe nina Julie Anne San Jose at David Licauco, sa GMA-7.

 

 

***

 

 

LUMIPAT pala ng talent management si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith.

 

 

Nasa Crown Artist Management ni Maja Salvador na si Jasmine mula sa Vidanes Talent Agency ni Betchay Vidanes. 

 

 

Matagal na rin si Jasmine sa said talent agency na kasamang mina-manage si Robin Padilla at iba pang kapatid nito, ganoon din si Mikael Daez, kaya maraming nagulat nang mag-post si Jasmine sa kanyang Instagram account ng:     “And suddenly you know: it’s time to start something new and trust the magic of new beginnings – Meister Eckhart.  To new beginnings at @crownartistmgmt.”

 

 

Meanwhile, muling babalik sa lock-in taping sina Jasmine, Alden Richards, Tom Rodriguez, at buong cast ng teleserye.

 

 

Sa Instagram post ni Jasmine: “been such a fun and light working environment on the set of ‘TheWorldBetweenUs,’ and I’m very happy to be sharing our teaser with you all!” 

 

 

Umaabot na sa more than 82 thousand views ang teaser after wala pang one day na nai-post ito ni Jasmine.

 

 

Sa direksyon ni Dominic Zapata, malapit na ang airing nito sa GMA Telebabad, sa July, ipapalit sila sa romantic-comedy series na First Yaya.

 

 

***

 

 

NATUWA ang mga fans ng Prima Donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo nang makitang kasama na sa mga upcoming teleseryes ng GMA Network na gagawin this year ang book two ng Prima Donnas.

 

 

Nangangahulugan din iyon na mabubuo na sina Mayi (Jillian Ward), Ella (Althea Ablan) at Lenlen (Sofia Pablo), dahil pwede nang magtrabaho si Sofia.

 

 

(NORA V. CALDERON)

TOM, gumawa ng special poem at video para sa 35th birthday ni CARLA; walang celebration dahil parehong nasa lock-in taping

Posted on: June 16th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT nasa kani-kanilang lock-in taping ang engaged couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, hindi sila nawawalan ng communication sa isa’t isa.

 

 

Nitong nakaraang 35th birthday ni Carla, gumawa ng special poem at video si Tom para sa kanyang fiancee na kasalukuyang nasa lock-in taping ng teleseryeng To Have And To Hold.

 

 

Si Tom mismo ang nag-edit ng video at nilapatan pa niya ito ng magandang background music.

 

 

May titulo itong “Ode To A Goddess”:

 

 

“Like hidden petals tasting their first sunlight

My heart peels back new dimensions to you.

In time, I grow more in awe…and through it all I

Delight in the sight of a woman so true.

“Serene to a fault, still like a calm river

A glance your way reflects all that is good.

But each beat of your heart serves more to deliver

A torrent of love for the voiceless you’ve cured.

“I bear witness to each tear that you have shed

For those whom you could not verily save.

The sleepless nights, lost swimming in your pretty head,

And each silent battle you’ve selflessly braved.

“Pray tell, just what are you incapable of?

Your heart and your strength seem to know no bounds.

Aphrodite descended in wrappings of love

Ending up gracing us all, breaking new grounds.

“Thank you for sharing your light and life with me,

A mere mortal amidst a true goddess .

Still in disbelief, it seems I struggle to see

How your heart ever became mine to possess.

“All I know is each fiber of my being

Is devoted to you, your love, your trust.

No matter the distance, we’ll never stop feeling

The love we have nurtured and cultured for us.

“Happy Birthday, my love, my muse, my life. My fiancé, I dare say…Soon my WIFE!

“I love you.”

 

 

Kasalukuyang namang nasa lock-in taping si Tom ng The World Between Us.

 

 

***

 

 

NAGKAROON ng online baby shower para sa ikaapat nilang anak ang mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez.

 

 

Baby boy ang isisilang ni Nikka at may pangalan na itong Enrique Pablo.

 

 

Sobrang excited si Patrick dahil after three girls, Michelle, Patrice, and Pia, with Nikka, nagkaroon na rin sila ng anak na lalake. Bale second son na ito ni Patrick dahil ang panganay na si Alex Jazz ay anak niya kay Jennylyn Mercado.

 

 

“Hi Pablo. I’m your dad. I can’t wait to see you, to touch you, and to hold you,” sey ni Patrick sa ginawa nilang video para kay Baby Pablo.

 

 

Sey naman ni Nikka: “You and your ates are the greatest blessings that I ever received.”

 

 

***

 

 

NI-REVEAL ng singer-songwriter at American Idol season 7 runner-up na si David Archuleta na siya ay miyembro ng LGBTQIA+ community.

 

 

Sa kanyang post sa Instagram, sinabi niya na nag-come out siya as gay sa kanyang pamilya noong 2014 pa. Pero may feelings daw siya for both genders, kaya meron siyang spectrum of being a bisexual.  Dagdag pa ng 30-year old singer: “It’s uncomfortable for me to share this personal aspect of my life, but I wanted to bring more awareness to people in a similar situation. People shouldn’t have to choose between being LGBTQIA+ and believing in God. I just invite you to please consider making room to be more understanding and compassionate to those who are LGBTQIA+, and those who are a part of that community and trying to find that balance with their faith which also is a huge part of their identity like myself. For me to find peace the reality has been to accept both are real things I experience and make who I am.”

 

 

Noong 2012 ay nagbida si David sa TV5 teleserye titled Nandito Ako kunsaan nakasama niya sina Jasmin Curtis-Smith at Eula Caballero.

(RUEL J. MENDOZA)