ISANG panaginip kung ide-describe raw ng pinakabagong Kapuso star na si Pokwang ang tambak na blessings na kanyang natatanggap mula nang lumipat siya sa GMA Network.
Pahayag ni Pokwang: “Answered prayer na may nakalinya po na drama rin, so grateful and thankful. Sobrang excited na ako gawin ang mga projects na naka-ready for me…parang panaginip.”
Lubos ang pasasalamat niya sa mga paparating na proyektong ipinagkatiwala para sa kaniya. Una na siyang napanood kahapon sa The Boobay and Tekla Show kung saan engrande ang naging pagsalubong sa kanya at nagkaron pa ng nakakaaliw na kuwentuhan kasama ang mga hosts.
Dapat ding abangan ang nakalinya niyang episode sa anniversary special ng programang Wish Ko Lang.
Pumirma ng kontrata si Pokwang noong Biyernes sa ilalim ng GMA Artist Center.
***
HINAHARAP na ng dating child actor na si Awra Briguela ang maraming pagsubok na dumating sa buhay niya.
Ayon sa actor-turned-vlogger, pinapahilom daw niya ang mga naging sugat ng sunud-sunod na kinaharap niya sa taong ito. Natuto na raw siyang huwag mangibabaw ang kanyang emosyon sa lahat ng bagay.
“Hindi ko masasabi ngayon na I’ve finally moved on, na I’m finally done with everything. Nandito pa rin ako sa point ngayon na naghi-heal. ‘Yung time po kasi na nanahimik ako… when you are triggered and mad, lahat masasabi mo eh. Like siyempre, emotional ka, nanginginig ka pa. ‘Yung eagerness mo para ma-feel mo ‘yung satisfaction, ma-express mo ‘yung nararamdaman mo, lahat sasabihin mo,” sey ni Awra.
Natutunan din ni Awra na hindi tama sa lahat ng pagkakataon ang sabihin ang iyong opinyon sa lahat ng issue. Hindi rin daw tama na palakihin niya ang isang simpleng situwasyon na puwedeng madaan sa maayos na pakikiusap.
“At that time, I felt like I’m superior. Nag-aagree sila sa akin, lahat sila nasa side ko. That’s why I’m not scared to post kahit ano’ng ipost ko. I realized na mali na ‘to. Na even if um-agree sila sa akin, pumanig sila sa ’kin, ‘yung apoy parang nilalagyan ko lang ng gas. Lumalaki lang ‘yung apoy na walang pinatutunguhan. So, I realized habang tumatagal ang panahon, hindi na tama ‘yun.”
“Ang natutunan ko po, once na galit ako, triggered ako and may nararamdaman akong hindi maganda, kailangan ko lang huminga, kailangan kong pag-isipang mabuti and especially magtatanong ka sa mga taong napagdaanan na ‘yun para i-guide ka nila,” diin pa niya.
Malaki naman ang pasasalamat ni Awra sa kanyang magulang, lalo na kay Vice Ganda dahil sa pag-alalay sa kanya noong naipit siya sa kontrobersya. Pinayuhan siya ng kanyang magulang na magpatawad, habang si Vice naman ay ipinakitang handa siyang ipaglaban.
“Inaantay lang ni Meme (Vice) kung gusto kong ituloy ‘yung gusto kong mangyari or gusto niyang mag-heal na lang at pabayaan. Ang mga taong nakagawa ng mali sa ‘yo kapag nakasalubong mo, taas mo silang matitingnan sa mata. Sila, nakayuko sila, hindi ka nila kayang tingnan.”
***
KINUMPIRMA ni Taylor Swift na magkakaroon ng Taylor’s Version ang 2012 award-winning album niya na Red. Naka-set na raw ang release ng re-recorded album sa November 30 na maglalaman ng 30 songs!
“Imagining your future might always take you on a detour back to the past. And this is all to say, that the next album I’ll be releasing is my version of Red.It was all over the place, a fractured mosaic of feelings that somehow all fit together in the end. Happy, free, confused, lonely, devastated, euphoric, wild, and tortured by memories past. Like trying on pieces of a new life, I went into the studio and experimented with different sounds and collaborators. And I’m not sure if it was pouring my thoughts into this album, hearing thousands of your voices sing the lyrics back to me in passionate solidarity, or if it was simply time, but something was healed along the way,” post ni Taylor sa social media accounts.
Mga naging hit singles ng Red ay “We Are Never Ever Getting Back Together” at “I Knew You Were Trouble”. The album was certified seven times platinum in the United States. Napasama pa ito sa 500 Greatest Albums of All Time ng Rolling Stone magazine.
(RUEL J. MENDOZA)