• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 2nd, 2021

Pang-5 housing project sa Maynila, sinimulan na

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inumpisahan na ang kons­truksyon ng ikalimang hou­sing condominium project sa San Andres Bukid, Maynila na layong mabigyan ng permanenteng bahay ang mga ‘informal settlers’ at nangu­ngupahan sa lungsod.

 

 

Sa kabila na bagong ga­ling pa lamang sa COVID-19, sabak agad sa trabaho si Manila City Mayor Isko Moreno sa pangunguna sa ‘groundbrea­king ceremony’ ng 20-palapag na itatayong gusali na tatawaging Pedro Gil Residences.

 

 

“Habang busy tayong tumatakas sa pandemya, kailangan tuloy ang ating mga pangarap. Nakakapagod. Pero hindi baleng pagod basta makita kong nakangiti kayo masaya na ako,” ayon kay Moreno sa kaniyang talumpati.

 

 

Tampok sa Pedro Gil Residences ang 309 residential units na may sukat na 40 sqm. at may dalawang kuwarto, 125 parking slots, health center, limang elevators, swimming pool, activity lawn, function room, fitness center, roof garden sa ikaanim na palapag, limang units ng espasyo na maaa­ring rentahan, outdoor activity area sa 7th, 13th, at 18th floors at isang basketball court sa roof deck nito.

 

 

Nauna nang inumpisahan ang konstruksyon ng San Lazaro Residences nitong nakaraang buwan habang target na matapos na ang konstruksyon ng mga naunang pabahay na Tondominium 1 at 2 at maging ang Binondominium ngayong taon.

LJ, kinumpirma na hiwalay na sila ni Paolo at sobrang hirap ang pinagdaanan

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGSASALITA na nga si LJ Reyes ngayon at kinumpirma na rin ang hiwalayan sa partner at ama ng ikalawang anak niya na si Paolo Contis.

 

 

‘Yun nga lang, bakit sa YouTube channel ni Boy Abunda ito nagpaunlak ng unang interview at hindi sa GMA-7 kunsaan ay naka-kontrata siya?

 

 

Naisip tuloy namin, hindi ba ito parang sampal naman sa network?

 

 

Anyway, so ‘yun na nga, kumpirmado ng hiwalay na sila at ayon kay LJ, very difficult daw at kung wala lang daw siguro siyang faith sa Itaas, hindi raw niya alam kung saan siya pupulutin.

 

 

Nag-unfollow na rin si LJ sa ama ng anak niya na si Summer sa kanyang Instagram account. Nag-delete na rin siya ng mga pictures nila.

 

 

Sa totoo lang, matagal na namin napapansin na may something sa kanilang dalawa. Napansin na namin na hindi na sila halos nagpo-post ng picture na magkasama. Hindi na rin madalas mag-comment sa isa’t-isa, eh, dati halos lahat ng post nila, sila rin ang kauna-unahang nagko-comment.

 

 

Na-confuse lang kami na okay pa pala sila dahil sa mga past interviews namin kay LJ kamakailan lang, super puri pa ito kay Paolo at parang ang perfect ng samahan nila.

 

 

So, ano kaya ‘yun, etchos na lang?

 

 

***

 

 

HABANG nasa quarantine, ipinakilala na ng GMA-7 ang actor/director na si Xian Lim bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa bagong primetime series ng network, ang Love. Die. Repeat.

 

 

Sa ngayon, malinaw na for the said series lang talaga kaya nasa GMA si Xian.  Binigyang-diin din niya na he’s under VIVA in-terms of management. Pero walang apprehension si Xi kung magiging full-time Kapuso siya in-terms of network.

 

 

Nabanggit din ang recent post ng girlfriend na si Kim Chiu at mga comments ng fans nito na tila hindi satisfied sa nakikita lang daw na exposure sa It’s Showtime.

 

 

Kaya natanong si Xian kung gusto rin niyang makasama si Kim sa Kapuso network.

 

 

     “When it comes po sa decision ni Kim, ang masasabi ko lang po diyan, we’re very supportive sa kahit anong decision na gawin namin mapa-working with other actors or working with different projects.

 

 

“Hindi po kami nakikialam sa isa’t-isa na huwag mong gawin ‘to. But going back sa pinagdadaanan niya, I don’t think I’m in the position to say kung ano man ang pinagdadaanan niya.

 

 

But definitely, kung meron man siyang pinagdadaaanan, napag-uusapan po namin ang mga gano’ng bagay.

 

 

Sey pa niya, “As a a couple, it’s something we have, pinag-uusapan namin ang mga hinanakit namin and it’s part of being in a relationship.”

 

 

***

 

 

ANG Kapuso actress na si Myrtle Sarrosa ang pinalad na pumalit sa naiwang role ni Kim Domingo.

 

 

     Nag-open na nga si Kim sa pinagdaanan kunsaan, kahit na fully vaccinated na siya ay nag-positibo pa rin siya sa COVID-19.  Nagkataon naman na schedule na for quarantine ang cast, lalo na ang mga lead cast ng bagong serye ng GMA-7, ang Love. Die. Repeat. na pagtatambalan nina Jennylyn Mercado at Xian Lim.

 

 

Ang alam namin, naka-quarantine na ang cast ngayon sa hotel at kapag negative naman ang magiging RT PCR Swab test nila, diretso na sila sa magiging location ng lock-in taping.

 

 

Masayang-masaya raw si Myrtle na maging second choice sa bagong opportunity na ibinigay sa kanya ng Kapuso network. Kasi nga naman, kasalukuyan pa lang din umeere ang afternoon series niyang Nagbabagang Luha, though of course, matagal na silang tapos sa lock-in taping.

 

 

Si Myrtle talaga ang isa sa mga dating Kapamilya na ang perfect ng timing ng pagkakalipat. Bago pa pina-stop ang operation ng ABS-CBN nang magdesisyon itong lumipat at makita naman kung anong mga opportunity ang naghihintay sa kanya sa GMA.

(ROSE GARCIA)

Bulacan, kaisa ng bansa sa pag-obserba ng DPRM 2021

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Upang pataasin ang kamalayan ng mga Bulakenyo sa kahalagahan ng policy research sa pagpapaunlad ng bansa, makikiisa ang Lalawigan ng Bulacan sa obserbasyon ng 19th  Development Policy Research Month (DPRM) sa darating na buwan ng Setyembre na pinangungunahan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na may tema ngayong taon na “Muling Magsimula at Magtayo Tungo sa Mas Matatag na Pilipinas Pagkatapos ng Pandemya”.

 

 

Layon ng obserbasyon sa taong ito na talakayin ang pangangailangang i-reset ang mga nakasanayang mga gawi upang maitaguyod muli ang Pilipinas pagkatapos ng pandemyang COVID-19 at lumikha ng isang mas mahusay na bansa sa pamamagitan ng pagbabalanse ng interes ng mga tao, kita o pagbibigay ng pantay na kahalagahan sa ekonomiya, lipunan at kapaligiran.

 

 

Bilang paraan ng pakikiisa at pagpapakita ng suporta, hinihimok ng PIDS ang bawat lokal na pamahalaan, mga ahensiya, organisasyon at iba pa na i-display ang pisikal o electronic banner ng DPRM sa kanilang mga tanggapan at opisyal na website at sa pag-follow sa kanilang social media pages para sa mga karagdagang mga anunsyo at update.

 

 

Isang virtual kick-off forum din ang isasagawa sa Setyembre 2, 2021, ganap na ika-9:00 ng umaga sa pamamagitan ng Cisco Webex na ipalalabas din sa publiko sa Facebook page ng Philippine Institute for Development Studies na dadaluhan ng mga panelista mula sa iba’t ibang sektor upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa nasabing tema habang ang 7th Annual Public Policy Conference (APPC) naman ay isasagawa sa pamamagitan ng webinar na may apat na bahagi na gaganapin sa Setyembre 14, 16, 21 at 23, sa ganap na ika-9:00 ng umaga.

 

 

Samantala, inihayag naman ni Gob. Daniel R. Fernando ang kanyang pagsuporta sa layunin ng DPRM lalo na at bibigyang pansin nito ang epektibong pagpaplano at paggawa ng mga patakaran na makatutulong hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong bansa.

 

 

“Taun-taon ay napakaganda at napakahusay ng layunin ng DPRM; lalo na ngayong taon kung saan ay tatalakayin ng lubusan ang pagsasaayos ng mga pamamaraan sa pagpapabuti ng ating bansa ngayong tayo ay kasalukuyang dumaranas ng pandemya. Mahalagang mabuksan ang kamalayan ng publiko sapagkat ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa sa atin,” anang gobernador.

 

 

Ang buwan ng Setyembre bawat taon ay idineklarang Development Development Research Month (DPRM) alinsunod sa Proklamasyon Blg. 247 ng Malacañang noong Setyembre 2002 na nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagsasaliksik sa kaunlarang sosyo-ekonomiko ng bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

NAVOTAS PINURI NI CONG. TIANGCO

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Congressman John Rey Tiangco ang Pamahalaang Lokal ng Navotas makaraang muling makamit nito ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) sa loob ng magkakasunod na anim na taon.

 

 

“Binabati ko po ang lahat ng kawani ng Pamahalaang Lokal ng Navotas, lalo na po ang ating butihing Ama ng Lungsod, Mayor Toby Tiangco sa inyong muling pagkamit ng “highest audit rating” mula sa COA,” ani Cong. Tiangco.

 

 

“Sobrang nakaka-proud po ang iginawad sa ating lungsod ‘pagkat tayo lamang ang nakakuha ng “unmodified opinion” sa lahat po ng Local Government Unti (LGU) sa Metro Manila” dagdag niya.

 

 

Aniya, ang iginawad sa Navotas ng COA ay patunay na ang pondo ng ating lungsod ay tunay na napupunta sa mga programa at proyektong inilaan para dito para sa ikauunlad ng ating syudad at ng buhay ng bawat Navoteño.

 

 

Ang Navotas ay nakatanggap ng parehong rating mula pa noong 2016 sa panahon ng panunungkulan ni Mayor at ngayon ay Congressman Tiangco, ang nag-iisang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na mayroong naturang record.

 

 

“Sa lahat po ng ating mga katuwang sa serbisyong publiko sa ating lungsod, God bless sa inyong lahat! Sama-sama nating ipagpatuloy at pag-ibayuhin pa ang matapat na paglilingkod sa ating minamahal na mga kababayan”, pahayag ni Cong. JRT. (Richard Mesa)

Gawilan bigo sa medalya

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isinara ni national para swimmer Ernie Gawilan ang kanyang kampanya sa Tokyo Paralympic Games na walang nakamit na medalya.

 

 

Pumuwesto si Gawilan sa ikaanim sa heat 2 ng men’s 100-meter backstroke S7 sa inilista niyang 1:21.60 at minalas na makapasok sa finals kahapon sa Tokyo Aquatics Center.

 

 

Bigo rin siyang makaabante sa finals ng men’s 200-meter individual medley habang nakalangoy siya sa finals ng men’s 400-meter freestyle at tumapos sa sa ikaanim

 

 

“Medyo nahirapan si Ernie sa 400-meter freestyle yesterday (Linggo). He was three seconds off his personal best in the backstroke,” sabi ni swimming coach Tony Ong sa tubong Davao City.

 

 

Minalas ding makaabante sa finals si Gary Bejino nang pumang-pito sa heat 1 sa kanyang itinalang 36.14 segundo at ika-14 sa kabuuang 16 swimmers sa men’s 50m butterfly S6 classification.

 

 

“I believe that Gary’s time of 36.14 seconds is his personal best if I am not mistaken,” ani Ong. “Nagbago kami ng stroke because of the new rule in the butterfly event.

 

 

Lalangoy pa siya sa men’s 400m freestyle S6 sa Huwebes at sa men’s 100m backstroke S6 sa Biyernes.

Gobyerno, inatasan ang DoLE na palakasin ang pagsisikap laban sa illegal recruitment

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) na paigtingin pa ang pagsisikap nito laban sa illegal recruitment.

 

Ipinag-utos ng Pangulo sa DOLE na magkaroon ng mas maraming manpower at isama ang kapulisan sa pagtugon sa labor issue.

 

“So you fortify the anti-illegal task force,” ang sinabi ni Pangulong Duterte kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

 

“Okay na ‘yung iba. But I want kapag may mag-report, follow up agad ang police,” ayon pa sa Kalihim.

 

Aniya pa, nais niyang magtatag ng unit o tanggapan sa Philippine National Police para sa anti-illegal recruitment efforts.

 

Ipinanukala rin ni Pangulong Duterte na magbigay ng ilang buwan ng pagsasanay at pagtuturo ukol sa labor crime laws sa mga pulis para makatulong na puksain ang illegal recruitment. (Daris Jose)

DOTr: Naglungsad ng vaccination sa mga transport workers

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan na ang pilot COVID-19 vaccination sa mga transport workers sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil na rin sa utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade upang magpatupad ng mahigpit na health at safety measures sa mga pasilidad ng mga pampublikong transportasyon.

 

 

“Its important that we make sure our heroic transport workers are all vaccinated, as they go to different places, and so are those they mingle with everyday,” wika ni Tugade.

 

 

Tinawag ang programa na “Tsuper: Kasangga ng Resbakuna”  at ito ay naglalayon na mabigyan ng bakuna ang mga drivers ng mga pampublikong sasakyan, conductors at iba pang transport workers. Ang programa ay sa pagtutulungan ng DOTr Road Transport Sector, Department of Health (DOH), Mega Manila Consortium Cop. (MMCC), PITX at ang lungsod ng Paranaque. Sinimulan ang pagbibigay ng bakuna noong nakaraang July 2021.

 

 

Ginawang inoculation facilities ng MMCC ang mga buses sa PITX na may kapasidad na 1,000 na mangagawa ng transportasyon kada Sabado hanggang makamit ang minimum target na 6,000 na bakuna.

 

 

Ang lungsod ng Paranaque ang nagbigay ng unang batch ng bakuna habang ang natitirang bakuna na kailangan pa para sa programa ay mangagaling naman sa national government sa ilalim ng nationwide vaccination sa tulong ng Metro Manila Center for Health Development ng DOH.

 

 

Habang ang Health Office ng lungsod ng Paranaque ang siyang nagbigay ng mga kailangan mga health workers at medical personnel para sa screening, vaccination at post-vaccination tasks.

 

 

“This initiative would surely hasten the city’s goal of achieving herd immunity as 250,000 residents have already been vaccinated. This help from DOTr and the IATF is a big step for the city to achieve its goal of herd immunity. Any form of help is welcome and hugely appreciated as the struggle felt by Filipinos due to the pandemic need to be stopped immediately,” saad ni Paranaque Mayor Edwin Olivarez.

 

 

Samantala, pinahayag naman ni Tugade na pumayag sa kanyag panawagan ang pamunuan ng PITX sa panguguna ni Megawide chairman Edwin Saavedra na huwag na munang pagbayarin ng terminal fees ang mga buses at jeepneys sa PITX na sinimulan noong Aug. 2 hanggang hindi pa nawawala ang travel restrictions upang hindi masyadong madama ang epekto ng pandemya sa sektor ng pampublikong transportatasyon.  LASACMAR

Delta variant ‘dominanteng’ uri na ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas — WHO

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Karamihan na sa mga nagkakahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay dahil sa mas nakahahawang Delta variant, pagkukumpirma ng kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas kahapon, Martes.

 

 

Bagama’t mas nakahahawa na sa karaniwan ang Alpha at Beta variants ng COVID-19, 60% na “mas transmissible” dito ang Delta variant, ayon sa pahayag ng Department of Health at Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology.

 

 

“More than 70% of the current transmission is attributed to the Delta variant,” ayon kay WHO Philippine representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, Martes.

 

 

“Let’s try to vaccinate many of the unprotected people as we can.”

 

 

Aniya, “most certainly” ay may community transmission na ng naturang variant sa Pilipinas.

 

 

Lunes lang nang umabot sa 22,366 ang bilang ng bagong mga kaso ng COVID-19 sa iisang araw lang, ang pinakamataas na pagtalon sa kasaysayan ng bansa.

 

 

Sa hiwalay na media briefing ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, lumalabas na halos swak ang obserbasyon ng DOH sa WHO.

 

 

“Since its detection in July, the Delta variant cases… showed steady increase and has already replaced the Beta… and the Alpha… variants as the most common lineage detected on each sequencing run,” banggit ni Vergeire kanina.

 

 

Aniya, “most certainly” ay may community transmission na ng naturang variant sa Pilipinas.

 

 

Lunes lang nang umabot sa 22,366 ang bilang ng bagong mga kaso ng COVID-19 sa iisang araw lang, ang pinakamataas na pagtalon sa kasaysayan ng bansa.

 

 

Sa hiwalay na media briefing ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, lumalabas na halos swak ang obserbasyon ng DOH sa WHO.

 

 

“Since its detection in July, the Delta variant cases… showed steady increase and has already replaced the Beta… and the Alpha… variants as the most common lineage detected on each sequencing run,” banggit ni Vergeire kanina.

 

 

“This coincides with the start of a steeper rise in the number of cases in July, similar to what we saw previously at the start of our April tick in cases with the spread of the Alpha and the Beta variants.”

 

 

Kasalukuyang nasa “high risk” classification pagdating sa COVID-19 ang buong Pilipinas, kasama na ang mga rehiyon ng:

 

  • National Capital Region
  • Region 4A
  • Region 2
  • Cordillera Administrative Region
  • Region 3
  • Region 10
  • Region 1
  • Region 7
  • Region 11
  • Region 6
  • Region 12
  • Caraga

 

Una nang lumabas sa projections ng kagawaran na posibleng umabot sa 333,000 aktibong cases ang maitatala sa Metro Manila lang ngayong Setyembre kung anim na linggong modified enhanced community quarantine ang ipatutupad at walang improvements sa sa vaccinations, pagsunod sa protocols at detection to isolation.

 

 

Sumatutal, umabot na sa 1.97 milyon ang tinatamaan ng naturang virus sa Pilipinas, ayon sa mga datos ng DOH kahapon. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 33,330.

2 BANGKAY NG LALAKI LUMUTANG SA MALABON

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang nalunod ang natagpuan matapos lumutang sa magkahiwalay na lugar sa Malabon city.

 

 

Ayon kay Malabon Police chief P/Col. Albert Barot, dakong ala-6 ng umaga nang makita ng ilang nagja-joging ang bangkay ni Ernesto Francisco Jr, 29 ng 27 Bernales II, Brgy. Baritan na nakalutang sa Megadike Riverbank, Brgy. Dampalit.

 

 

Ipinaalam ng mga naka-saksi ang insidente kay Ex-O Fernando Ramos, 42 ng Brgy. Dampalit na siya namang nag-report sa Sub-Station 7.

 

 

Sa pahayag ng ama ng biktima na si Ernesto Sr, kay police investigators PSSg Mardelio Osting at PSSg Diego Ngippol, madalas umalis ng kanilang bahay ang kanyang anak na walang paalam at nakikipag-inuman sa mga kaibigan at gabi na kung umuwi.

 

 

Huli niya itong nakita noong August 28, dakong alas-4 ng hapon, nang umalis ang biktima sa kanilang bahay subalit hindi na nakauwi hanggang sa matagpuan itong patay.

 

 

Sa isinagawang cursory examination ng mga tauhan ng SOCO, nakitaan ng mga gasgas sa ulo at katawan ang biktima habang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya para matukoy kung may naganap na foul play sa pagamatay nito.

 

 

Samantala. isang bangkay din ng hindi kilalang lalaki na tinatayang nasa 25-30 ang edad, 5’5 ang taas, nakasout ng short at walang suot na damit ang natagpuan nakalutang sa San Miguel Compound sa Industrial Road, Brgy. Potrero dakong alas-6 ng umaga. (Richard Mesa)

Senador Imee Marcos, target na tumakbo bilang bise-presidente sa eleksyon 2022

Posted on: September 2nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINUKING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na target ni Sen. Imee Marcos ang Vice Presidency sa 2022 kasama ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang kanyang running-mate. 

 

“Si Imee, ganito ang laro n’yan, pinupuntahan niya si Mayor Duterte sa Davao, hoping na magtakbo ‘yon, siya ang maging bise,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped national address.

 

Subalit, tila tinitiyak na ng Pangulo na ang kanyang anak ay, “Hindi naman tatakbo, sabi niya.”

 

Si Imee, anak ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos ay naunang nagpahayag na ang kanyang kapatid na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nagpahayag na isang malaking karangalan na maging ka-running mate si Mayor Sara.

 

“Everything’s possible but I supposed the most obvious thing is if the Dutertes have the solid South, we’re assumed to have the solid North. Parang marriage made in heaven yan,” ayon sa senadora.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Mayor Sara na kailangang maghintay ng pubiko ng hanggang Oktubre kung saan maghahain na ng kani-kanilang certificate of candidacy ang mga tatakbo sa Eleksyon 2022 kung siya nga ay tatakbo sa pagka-pangulo o hindi.

 

Samantala, inulit naman ng Pangulo ang hangarin niyang tumakbo bilang bise-presidente.

 

“Bakit? Walang oposisyon, hindi ‘man manalo ‘yang oposisyon. Sigurado ako, ‘yong Otso Diretso ulit na naman ‘yon,” aniya pa rin na ang tinutukoy ay ang opposition slate na nabigong makakuha ng Senate seat noong 2019 polls.  (Daris Jose)