• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 24th, 2021

P144-B revenue sa POGOs makakatulong sa COVID-19 response, economic recovery – Salceda

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabot ng hanggang mahigit P144 billion ang kikitain ng pamahalaan mula sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) matapos na aprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas para sa tax regime ng naturang industriya.

 

 

Sa pagtataya ni House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, P15.73 billion ang kikitain ng pamahalaan sa unang taon nang implementasyon ng naturang batas at P144.54 billion naman sa susunod na limang taon.

 

 

Ang halagang ito ay maaring gamitin aniya para sa COVID-19 relief at economic recovery ng Pilipinas.

 

 

Dahil sa bagong batas na ito, nakikita ni Salceda na babangon ang POGO industry sapagkat mas stable na sa ngayon ang tax regime para sa kanila.

 

 

Nabatid na bumagsak ang POGO industry ng 50 percent sa mga nakalipas na taon dahil sa COVID-19 pandemic at temporary restraining order na inilabas ng Korte Suprema.

 

 

Gayunman, sa ngayon, binigyan diin ni Salceda na malayang makapag-operate ang POGOs sa bansa hangga’t nagbabawad ang mga ito ng wastong buwis sa pamahalaan.

 

 

Sa ilalim ng Fiscal Regime for POGOs, sisingilin ng 5 percent na buwis ang gross gaming revenues ng mga POGOs.

 

 

Itinakda naman sa 25 percent ang kokolektahin mula sa gross annual income ng mga alien employees.

 

 

Magkakaroon ng mahigpit na koordinasyon ang Bureau of Immigration, Bureau of Internal Revenie, PAGCOR at iba pang ahensya para matiyak na nasusunod ng wasto ang bagong batas na ito.

COVID-19 reproduction number sa NCR bumaba sa 0.99 – OCTA

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy na nakakakita ang OCTA Research group ng improvement sa reproduction number ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, bumaba sa 0.99 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR mula sa nauna nilang report na aabot pa sa 1.03.

 

 

Umaasa si David na magtuloy-tuloy ang trend na ito lalo pa noong Hulyo pa nang bumaba sa one ang COVID-19 reproduction number ng NCR bago nagkaroon ng surge.

 

 

Samantala, sinabi ni David na base sa mga projections, ang nakikitang bubuti ang sitwasyon sa mga ospital sa NCR sa mga unang araw hanggang sa kalagitnaan ng Oktubre.

 

 

Sa isang forum noong Martes, sinabi rin ni David na posibleng nasa last stages na ang Pilipinas sa laban kontra Delta variant, lalo na sa Metro Manila, sa gitna ng patuloy na bumababang reproduction number.

 

 

Sa mga nakalipas kasi aniyang linggo ay bumababa ang naitalalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at mga kalapit na rehiyon.

TONI, ayaw talagang tantanan ng bashers at tinawag na ‘Marcos Apologist’; movie nila ni JOHN LLOYD pinagdisdiskitahan din

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AYAW talagang tantanan si Toni Gonzaga ng mga bashers na kung saan tinawag na nila itong ‘Marcos Apologist’.

 

 

Ang latest nga ay pinagdiskitahan nila ang movie niya with John Lloyd Cruz na My Amnesia Love, dahil may mataba ang utak na nakaisip na mag-edit nito sa Wikipedia, yun isa ay nilagyan lang ng ‘Marcos Loyalist’ kasunod ng name niya.

 

 

Pero mas malala ‘yung pangalawa sa ginawang pag-edit dahil pinalitan na ang title ng movie ng ‘My Marcos Apologist Girl’ at sa ibaba nito ay nilagyan naman ang name niya na… and Toni Gonzaga na DDS at Marcos Apologist.

 

 

Iba-iba naman ang naging reaction ng netizens sa entertainment blogsite na fashionpulis.com, na yun iba ay natawa lang, may sumang-ayon at meron ding nagtatangol kay Toni.

 

 

Ilan sa mganaging komento nila:

 

“Hahahahhahahahah love this. Whoever did this, saludo ako sayo. Hahahhaha.”

 

“Hehehe. Katawa naman. Sa true lang naman un nag-edit. Marcos apologist. Check. DDS. Check. Marcos loyalist. Check. Ikaw na gurl!!!”

 

“Very unfair treatment. People hate Marcos for being a dictator then why are you guys dictating things to Toni.”

 

“Whoever did that is ill bred.”

 

“Its a reflection of the truth.”

 

“Kapag natutuwa ka sa mga bagay na ganito e di sya normal.”

 

“We so like manipulating the truth huh?”

 

“I think it’s witty. Hindi ill-bred yun. Wala namang pinatay, tinorture, o ninakaw sa webpage edit. Hindi rin siya kasinungalingan, dahil mukhang nagkakalimutan na nga ng mga kaganapan noong martial law.”

 

“Totoo nman. Marcos loyalist sya! Bkit sasama loob dba? Nkita ba nya mga confessions nung martial law victims kung gaano sila sinaktan at inabuso? No to toni na ko. No no no tono.”

 

“they are calling out Toni, they did not dictate. Wala sila sinabing i-take down ni Toni ang vlog. What they’re doing is just simply the consequences to Toni’s picking of side. Of course she will be bashed. And please do not compare, the people calling her out did not torture, kidnap, and kill her or one of her family members. They did not steal money from her too. So ang layo ng logic.”

 

“HAHAHAHHAHA! Benta nito mga marites!”

 

“ang tatalino ng nakaisip nito. HAHAHAHAHHA. AMNESIA.”

 

“hahaha natawa ako nung mabasa ko ung Wikipedia. hahaha, pang asar tlga kay Toni!”

 

“Everyone is entitled to their own opinion.
Mali man yung ginawa ng bashers nya, aminin nating ang taba ng utak nila at nakakatawa talaga to hahahaha.”

 

“This is too low and immature.
For sure bagets ang gumawa nyan. Kaya ako, i’m just keeping my political opinion to myself, ang dumi dumi na ng socmed.. Dapat happy lang!”

 

“Oo, madumi na socmed. Dami revisionists at apologists na nagkalat.”

 

“Un mga bagets nga ang naniniwala sa pag twist ng history at truth eh. Dahil kung born ka 60s to 90s bukas ang kaalaman mo sa Martial Law, corruption at human rights violation during that time.”

 

“what’s low is Toni invalidating the horrors experienced during Martial Law and even supporting its progeny. This is too good for her, she deserves to censured more harshly.”

 

“Sobrang invested nila kay Toni ah. Pathetic people.”

 

“Nag-interview lang si toni pathetic na? Bawal pakinggan ibang side? Paano si kris aquino in-interview niya din si bbm? May similarity nga mga questions e.”

 

“mas maayos noon marcos ngaun ang gulo na tagal na nakaupo ng aquino ano nangyari. lahat ng palpak sisi pa din sa marcos.”

 

“Anong pathetic don Marcos loyalist naman talaga sya. Di ba totoo yon? Mas pathetic kayong mga apologists.”

 

“Hindi invested kay Toni, invested sa TRUTH which Toni is helping revise.”

 

“Pathetic dyan ay ang mga revisionist. Pinapabango ang pangalan kunwari walang Martial Law. Alangan naman guni guni at kathang isip lang mga namatay at tinorture during that time.”

 

“Katakot yung mga ganito na naeedit yung mga Historical facts sa Wikipedia. At mga Komunista mga gumagawa! Papano na lang kung mga important info like ng isang lugar o institution ang ginagawan ng mga ganito?”

 

“Jan sila magaling eh, to edit historical facts.”

 

“That’s why Wikipedia is not a reliable resource.”

 

“Seryoso ba to? Wala bang research team ang Wikipedia, kahit ano na lang puwedeng i-post sa website nila?”

 

“Sakto din naman yung My Amnesia Girl #NeverAgain.”

 

“Ang taba ng utak ng gumawa nito. True ano, may amnesia si gurl kunwari walang Martial Law sa Pilipinas.”

 

“Kung sino man ang nag-update, kaloka! ha..ha..ha..”

 

“Martial Law is not an opinion to be respected. It’s a historical fact, it happened. It’s horrible and atrocious. Calling it as such is not an opinion.”

 

“Kadiri. Tinalo pa mga DDS at Marcos Loyalist ng mga supposedly mga may pinag-aralan at matatalino.”

 

“This is terrible. di naman kelangan mag-resort sa ganito. sa ginagawa nila na yan, baka lalo pang lumakas ang either Marcos o Duterte.”

 

“At nangaakusa pa as History Revisionist mga Marcos tapos sila pala gumagawa ng ganito! Where’s the Brain cells????????”

 

“Nakakatawa yan kung ginawa nilang Meme na parang poster ng movie pero as tampering yung info section madaming makakaisip na niyan e ginagamit ang Wiki as research tool.”

 

“Toni is a Marcos supporter. Obvious naman na sumasama sa campaigns during the last election. Ganun din sa family photos nila. Kaya siguro natatarget ng mga galit na tao.”

 

“At least pinag usapan. A lot of people under 30 vote but doesn’t really know kahit konti about it. They stole from the country, that is a fact. BBM and his siblings are complicit at di naman nila binalik yun sa kaban ng bayan. While Toni is correct,the Marcoses does not deserve to be in position given their choices.”

 

“This is something many people don’t realize. Baka secretly eh nagpapasalamat pa sa kanila ang mga Marcos. Inilalagay niyo sa underdog category si Marcos sa pinaggagawa niyo eh we very well know people love the underdog.”

 

“Naku baka makarma pa kayo nyan sa ginagawa nyo kay Toni.”

 

“This is the reason why Wikipedia is not accepted in any research work, kasi it can be manipulated by anyone.
“Pero yes, nakakatawa yung edit kay Toni. Bagay sa kanya na pa all-knowing HAHAHAHA!”

(ROHN ROMULO)

PNR extension project magsusulong ng pag-unlad sa C. Luzon

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahan na magbibigay at magsusulong ng pag-unlad sa ekonomiya ng Central Luzon ang North-South Commuter Rail Project kapag natapos na ang pagtatayo nito.

 

 

Makapagbibigay din ang NSCR hindi lamang para sa pag-unlad ng ekonomiya sa Central Luzon kung hindi marami rin ang trabaho na malilikha ito.

 

 

“A transport infrastructure project like the NSCR will spur economic growth in Central Luzon, particularly the provinces of Bulacan ang Pampanga,” wika ni Department of Transportation Secretary Arthur Tugade.

 

 

Ang NSCR project ay isa sa pinakamalaking proyekto na ginagawa sa ilalim ng programang Build Build Build ng pamahalaan na nagkakahalaga ng P777.55 billion.

 

 

“Over 25,000 direct job opportunities will also be generated during its construction, while 10,000 jobs are expected to provide employment to the people,” dagdag ni Tugade.

 

 

Tinatayang matatapos ang Manila-Clark portion ng NSCR at magiging fully operational sa taong 2024 habang ang Solis-Calamba segment na siyang huling bahagi ay matatapos sa darating na 2028.

 

 

Ang bahagi ng NSCR’s Manila-Clark o ang tinatawag na northern segment ay binubuo ng Philippine National Railways (PNR)- Clark Phase 1 at 2 projects o ang Tutuban-Malolos at Malolos-Clark segments.

 

 

Sa kasalukuyan, ang PNR Clark Phase 1 ay 48 percent ng kumpleto habang ang Phase 2 naman ay may 32 percent ng kumpleto noong July 2021.

 

 

Ang 38-kilometer PNR Clark Phase 1 ay magkakaron ng operasyon mula sa Manila papuntang Malolos sa Bulacan. Ito ang unang bahagi ng North-South Commuter Railway (NSCR).

 

 

Binigyan ng pondo ang NSCR project mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) at Asian Development Bank (ADB).

 

 

Inaasahang mababawasan ang travel time sa pagitan ng Tutuban sa Manila at Bulacan mula isang oras at 30 minuto ng 35 minuto na lamang. Tataas naman ang railway capacity sa 330,000 passengers kada araw.

 

 

Samantala, ang PNR Clark Phase 2 na mula sa Malolos hanggang Clark sa Pampanga ay may habang 53-kilometer.

 

 

Ang buong 147-kilometer na NSCR ay magkakaron ng 35 estasyon na mag-ooperate ng 464 na train cars na may 58 eight-car train sets configuration.

 

 

“Once completed, travel time between Bulacan and Pampanga will be reduced from the current one hour and 30 minutes to just 35 minutes. It can accommodate 150,000 passengers daily as the country’s first airport express service,” saad ni Tugade.

 

 

Travel time mula sa Manila papuntang Clark ay magiging 55 na minuto na lamang kumpara sa 2 oras ng paglalakbay sakay ng sasakyan.

 

 

Ang huling bahagi ng NSCR ay ang PNR Calamba na may 56-kilometer na haba mula Solis sa Manila papuntang Calamba, Laguna na magkakaron ng travel time na isang oras na lamang mula sa dating tatlong oras na paglalakbay. LASACMAR

Conor McGregor ceremonial pitch sa Major Baseball League, umani nang katatawanan

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umani nang sari-saring reaksiyon ang ginawa ni dating UFC two-division champion Conor McGregor sa kanyang ceremonial first pitch sa isang Major League Baseball.

 

 

Nang ibato kasi ni McGregor ang baseball sa catcher, namali ang kanyang puntirya na napakataas.

 

 

Naganap ang event sa bago ang laro ng Chicago Cubs sa Minnesota Twins sa Chicago’s Wrigley Field.

 

 

Bagamat maituturing na best dressed si Conor sa kanyang porma, sablay naman ito sa kanyang target.

 

 

Kabilang sa hindi naitago ang pangangantiyaw ay nagmula rin sa lightweight UFC contender na si Justin Gaethje.

 

 

“I cannot stop laughing at this,” ani Gaethje sa Twitter. “Every MMA fighter that has represented us doing this has looked terrible but this takes the cake.”

MAXENE, pinagmalaki ang screenshot na reply ng idol na si JENNIFER ANISTON sa IG post

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WINNER si Maxene Magalona nang makita namin ang comment ng Hollywood actress at iniidolong si Jennifer Aniston sa naging Instagram post.

 

 

Malamang over the moon si Maxene pagkabasa pa lang siguro ang reply sa IG post niya ni Jennifer.

 

 

Nag-post kasi si Maxene ng picture at video ng “Lolavie” a vegan product for hair na sey niya, chance na maging katulad ng buhok ng idolo niya way back “Friends” series pa.

 

 

Nag-thank you ito kay Jennifer sa pagsasabing, “Thank you so much for making our hair dreams come true, Rachel! Now we can all have sweet hair just like America’s sweetheart @jenniferaniston.”

 

 

At isang simpleng heart emoji ang reply ng Hollywood actress kay Maxene.  Aba, sureball naman na kahit sino sigurong fan na mapansin ang post ng idolo, and a Hollywood Superstar like Jennifer pa, ‘di ba?

 

 

Kaya naman ang Maxene, nag-IG post muli ng screenshot ng mismong reply ng idol sa kanya.  At ang caption ay 11:11 na pinaniniwalaang may dalang suwerte kapag natapatan mong makita.

 

 

Kaya biro ng kaibigan niyang actress na si Angelica Panganiban kay Maxene, “Hanapan kita ng frame dito.”

 

 

***

 

BAGO ang Kapuso actor na si Rocco Nacino, ang character na ginagampanan niya sa bagong primetime series ng GMA-7, ang To Have and To Hold ay originally, si Derek Ramsay sana ang gaganap.

 

 

Pero nag-back-out o hindi natuloy si Derek at mula naman sa dapat ibang serye na gagawin ni Rocco, biglang sa kanya inalok ang role.  Naka-ready na naman daw siya that time mag-lock-in taping at ‘di na naging issue kay Rocco kahit si Derek sana ang unang napili.

 

 

Sabi niya, “Ready na ‘kong mag-lock-in taping. Prior to doing this, I was able to guest for Owe My Love and sila, naka-lock-in sila for more than two months. So ready na ako.

 

 

“I was supposed to do another show, pero nag-usap kami ng manager ko and when this was offered to me, they saw the challenges of the character and I was drawn to it talaga.”

 

 

Natuwa naman daw si Rocco sa naging desisyon na tinanggap niya ang To Have and To Hold kahit sabihin pa na hindi siya ang original choice.

 

 

     “Marami akong natutunan sa character, sa story na ito at nai-apply ko sa sarili ko. I’m glad I went this way and I’m really, really glad I got to work these actors and they we’re able to give me emotion na na-surprised ako during my scenes.”

 

 

Sabi pa ni Rocco, meron din daw siyang mga pinagdaanan during lock-in taping, “Meron din akong pinagdaanan during taping and I’m so glad na niyakap ako ng pamilyang ‘to.”

 

 

Sa Lunes, September 27 na ang pilot ng To Have and To Hold.

(ROSE GARCIA)

Batas na magpapataw ng mas maraming buwis sa Pogo, tinintahan na ni pdu30

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magtatakda ng karagdagang buwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).

 

“Pinirmahan kahapon, September 22, 2021, ang Republic Act No. 11590 or an Act taxing Philippine Offshore Gaming Operations,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Bahagi ito sa ating mahigpit na pagri-regulate ng lahat ng klase ng gambling at pagbabawal ng ilegal na sugal,” dagdag na pahayag nito.

 

Tinatayang 60% ng buwis na nakokokolekta mula sa offshore gambling ay gagamitin para sa universal health care program, habang ng 20% naman ay mapupunta sa pagpapahusay sa medical facilities at ang natitira namang 20% ay para sa “sustainable development goals.”

 

Nito lamang Hunyo ay sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Duterte ang tax regime na saklaw ang lahat ng Philippine offshore gaming operators (Pogos).

 

“We hope that through this measure we would not only generate the much-needed revenues in the country but also place the industry under stricter government oversight,” ani Sec. Roque. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Paggamit ng face shield, pinaluwag; sa 3Cs na lang – PDU30

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“No more face shields outside.’

 

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Miyerkules.

 

Ayon sa Chief Executive, ang face shield requirement ay para na laang doon sa sa 3Cs — “close, crowded, close-contact.”

 

“No more face shields outside… Ang face shield, gamitin mo lang sa 3Cs: closed facility, hospital, basta magkadikit-dikit, crowded room, tapos close-contact. So diyan, applicable pa rin ang face shield,” ayon sa Pangulo.

 

“Other than that, I have ordered kung ganoon lang naman, sabi ko then I will order that we accept the recommendation nitong executive department,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, kaagad niyang ipinag-utos ang implementasyon ng guidelines hinggil dito.

 

Matatandaang ang face shield requirements ay naging mainit na paksa at debate sa ilang bansa na mayroong kahalintulad na mandato sa Pilipinas dahil sa karagdagang gastusin sa mga ordinaryong mamamayan.

 

Maaalalang isa si Manila Mayor Isko Moreno ang nagmungkahi na itigil na ang pag-require sa face shield dahil bukod sa dagdag gastos ay pahirap lang umano ito sa mga tao.

 

Pero kaliwa’t kanang sagot ang agad binato ng Department of Health (DOH) at World Health Organization sa hirit ni Moreno. (Daris Jose)

BRAVEST MEN, HANAP NG VALENZUELA LGU

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN ang Pamahalaang Lokal ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor Rex Gatchalian sa mga matitikas at pinakamatatapang na lalaki sa lungsod na makilahok sa laban kontra COVID-19 bilang rescue personnel.

 

 

“Calling Valenzuela City’s bravest men! Join the COVID-19 battle as part of the City’s Rescue Team!” ani Mayor Rex.

 

 

Dapat aniya residente ng lungsod ang magiging aplikante, hindi lalagpas sa 35-ayos, hindi bababa sa 5’6” ang taas, physically fit at may katamtamang pangangatawan at, nakapag-aral ng kolehiyo/vocational course.

 

 

Kailangan din sa mga nagnanais na maging rescue personnel ang Land Transportation Office (LTO) professional driver’s license na may restriction code na hindi kukulangin sa 1 at 2, payag na sumailalim sa pagsasanay bilang rescue personnel, pasado sa driving at rescue skills test at payag magtrabaho sa paiba-iba o mas mahabang oras.

 

 

Ayon pa sa alkalde, ang mga interesadong aplikante ay hinihikayat na magpadala ng kanilang mga resume sa cityofvalenzuela.recruitment@gmail.com. (Richard Mesa)

Maagang suspensyon ng trabaho sa Sept. 27, inanunsyo ng Malakanyang

Posted on: September 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Malakanyang ang maagang suspensyon ng trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa darating na Setyembre 27 para mabigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa na makasama ang kanilang pamilya at makapagdiwang ng “Kainang Pamilya Mahalaga Day”.

 

Sa Memorandum Circular (MC) No. 90, na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, araw ng Martes, nakasaad dito na ang trabaho sa mga government offices sa executive branch ay isususpinde ng mula 3:30 ng hapon sa Setyembre 27, na mas maaga ng 90 minuto kumpara sa normal work day.

 

“However, agencies whose functions involve the delivery of basic health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services, ” ang nakasaad sa MC.

 

Samantala, hinikayat naman ng Malakanyang ang lahat ng government workers sa executive branch sa suportahan ang Family Week Celebration na inihanda ng National Committee on the Filipino Family.

 

Tinawagan din nito ang iba pang sangay ng pamahalaan, independent commissions o bodies, at private sector na makiisa at payagan ang mga pamilyang filipino na magdiwang ng ika- 29 na National Family Week.

 

Ang direktibang itong Malakanyang ay alinsunod sa Proclamation No. 60 of 1992, na idineklarang ang huling linggo ng Setyembre ng bawat taon ay Family Week.