• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 29th, 2021

Halos 26-M Pilipino fully vaccinated na vs COVID-19 – Malacañang

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Humigit kumulang 26 million Pilipino na ang fully vaccinated kontra COVID-19, ayon sa Malacañang.

 

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hanggang noong Oktubre 25 ay kabuuang 56,254,529 doses na ng COVID-19 vaccines ang naituturok.

 

 

Sa naturang bilang, 30,298,860 dito ang first dose habang 25,955,669 naman ang second dose.

 

 

Kabuuang 538,836 doses naman ng COVID-19 ang naiturok sa buong bansa kahapon lamang, ayon kay Roque.

 

 

Samantala, sa Metro Manila, sinabi ng opisyal na mahigit 17.6 million doses ng COVID-19 vaccines ang naituturok na.

 

 

Sa ngayon, 95 percent aniya ng mga residente sa Metro Manila ang nabigyan ng first dose, habang 85.79 percent naman ang fully vaccinated. (Daris Jose)

DINGDONG, susunod na leading man ni BEAUTY sa isa pang mini-series; balik-tambalan nila ni MARIAN inaabangan pa rin

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BONGGA si Beauty Gonzalez dahil ang susunod niyang leading man sa GMA Network ay walang-iba kung hindi ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

 

 

      Pagkatapos nga niyang gawin ang Stories from the Heart, si Dingdong naman ang magiging leading man ni Beauty. Pero hindi pa raw ito ‘yung full-length teleserye talaga, instead, para siyang mini-series.

 

 

Ngayong taon na rin ito gagawin dahil ang balita rin namin, by next year naman ang talagang full-length serye na naka-line-up for Dingdong. So far, wala pang confirm na leading lady at pag-uusapan pa rin kung ano ang gagawin niya.

 

 

Sa isang banda, bakit hindi na lang Dingdong-Marian Rivera teleserye na siyang hudyat na rin ng pagbabalik ni Marian sa serye?

 

 

Kung lock-in scenario pa rin ng time na ‘yun, baka mas madali ang adjustment bilang mag-asawa na sila, magkasama sa isang bahay.

 

 

Sigurado rin, sobra itong ikatutuwa ng mga DongYan fans.

 

 

***

 

 

IPINOST ni James Reid ang picture ng bawat bahagi ng bahay niya na talaga naman ang ganda.

 

 

Si James na nga ang nag-post kaya kumpirmado ng binebenta niya ang kanyang mansion sa Quezon City.

 

 

Nasa more than 80 million daw ang halaga nito. Bukod sa malaki ang bahay, may swimming pool din.

 

 

Sabi ni James, “My house is for sale! Loyola Grand Villas, Katipunan. Slide for more pics.  Contant my assistant Penelope for more details on +639278369466.”

 

 

Nang makita namin ang post na ito ni James, unang pumasok sa isipan namin ay ang ex-girlfriend niya na si Nadine Lustre.  

 

 

Dahil nag-live-in silang dalawa at matagal na nagsama sa bahay, ang makalimutan na kaya ang mga memories nila na magkasama sa bahay ang isa sa dahilan ni James kaya binebenta na niya ito?

 

 

Nang basahin nga namin ang mga comments, halos pareho rin ang naiisip ng mga netizens at fans nila.

 

 

Sabi ng ilang comments, “Naiiyak ako. Parang lahat ng anggulo may pic si Nadz.”

 

 

      “No more Jadine na ba talaga?”

 

 

“I’m broken hearted the loveteam that I was so proud of and believe on our forever…”

 

 

      Halos lahat ng pics ni Nadine nandito.”

(ROSE GARCIA)

WATCH THE NEW INTERNATIONAL TRAILER OF “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”/THE TREASURE HUNT IS ON IN THE FIRST TRAILER OF “UNCHARTED”

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UNCOVER the past. Protect the future. Watch the new international trailer of Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, exclusively in Philippine cinemas soon. 

 

 

YouTube: https://youtu.be/vstFiU4r-Cc

 

 

And in case you missed it, watch what went down at the recent New York Comic Con during the Ghostbusters: Afterlife panel.

 

 

Check out the sizzle reel and photos below.

 

 

YouTube: https://youtu.be/cejjDDHlLqg

 

 

About Ghostbusters: Afterlife

 

 

From director Jason Reitman and producer Ivan Reitman, comes Columbia Pictures’ Ghostbusters: Afterlife, the next chapter in the original Ghostbusters universe.

 

 

In Ghostbusters: Afterlife, when a single mom and her two kids arrive in a small town, they begin to discover their connection to the original ghostbusters and the secret legacy their grandfather left behind. The film is written by Jason Reitman & Gil Kenan. Based on the 1984 film Ghostbusters, an Ivan Reitman film written by Dan Aykroyd and Harold Ramis.

 

 

Starring Carrie Coon, Finn Wolfhard, Mckenna Grace and Paul Rudd, Ghostbusters: Afterlife’s executive producers are Dan Aykroyd, Gil Kenan, Jason Blumenfeld, Michael Beugg.

 

 

Ghostbusters: Afterlife will be distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #Ghostbusters

 

 

***

 

 

FORTUNE favors the bold. Watch the official trailer for Columbia Pictures Uncharted, starring Tom Holland and Mark Wahlberg, exclusively in Philippine cinemas 2022.

 

 

YouTube: https://youtu.be/V5g11K7P2wQ

 

 

About Uncharted

 

 

Based on one of the best-selling, most critically acclaimed video game series of all time, Uncharted introduces audiences to the young street-smart Nathan Drake (Tom Holland) and showcases his first treasure hunting adventure with wisecracking partner Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg). In an action-adventure epic that spans the globe, the two go in dangerous pursuit of “the greatest treasure never found” while also tracking clues that may lead to Nathan’s long-lost brother.

 

 

Uncharted stars Tom Holland, Mark Wahlberg, Sophia Ali, Tati Gabrielle and Antonio Banderas.

 

 

Directed by Ruben Fleischer. screenplay by Rafe Judkins and Art Marcum & Matt Holloway, screen story by Rafe Judkins, based on the PlayStation video game by Naughty Dog.

 

 

The film is produced by Charles Roven, Avi Arad, Alex Gartner, Ari Arad; the executive producers are Ruben Fleischer, Robert J. Dohrmann, David Bernad, Tom Holland, Asad Qizilbash, Carter Swan, Neil Druckmann, Evan Wells, Art Marcum and Matt Holloway.

 

 

In Philippine cinemas 2022, Uncharted

 

 

will be distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #uncharted.

 

(ROHN ROMULO)

PNP units naka-alerto vs NPA attacks – Eleazar

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga unit commanders na maging alerto at paigtingin ang kanilang police operations laban sa CPP-NPA-NDF, kasunod sa nangyaring bomb attack sa Iloilo na ikinasugat ng dalawang pulis.

 

 

Pinasisiguro ni Eleazar sa mga commanders na huwag bigyan ng pagkakataon ang komunistang grupo na makapag extort ng pera na siyang gagamitin nila para sa kanilang recruitment at pagsasagawa ng karahasan.

 

 

Kinilala ni PNP chief ang dalawang nasugatang Pulis na sina Patrolman Jessie Castamado at Police Corporal Genel Simpas.

 

 

Sinabi ni Eleazar na sa ikinasang follow-up operations nakasagupa ng mga pulis ang mga rebelde kung saan umigting ang pitong minutong labanan.

 

 

 

Pinaniniwalaang may casualties sa panig ng rebeldeng grupo.

 

 

Samantala, tiniyak ni Eleazar na kanilang paka tutukan ang mga lugar sa bansa na may mataas na presensiya ng armadong grupo lalo na ang New Peoples Army (NPA) at may history ng election related violence incident.

 

 

Ang pahayag ni PNP chief ay bunsod sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga pulis sa Masbate at mga miyembro ng New Peoples Army na ikinasawi ng limang NPA sa Barangay Bugtong, Mandaon, Masbate.

 

 

Sinabi ni PNP Chief ang nasabing operasyon ng PNP laban sa mga NPA sa ay bahagi nang kanilang pinalakas na offensive operation na layong masiguro na magiging payapa at maayos ang nalalapit na halalan sa susunod na taon.

 

 

Ang Masbate ang isa sa mga lugar sa bansa na palaging may naitatalang karahasan tuwing panahon ng halalan. (Daris Jose)

Dolomite Beach isara muna – Binay

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Habang wala pang malinaw na regulasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), iginiit ni Sen. Nancy Binay ang pagpapasara ng Dolomite beach sa Manila Bay.

 

 

Ayon kay Binay, ito ay habang walang maliwanag na sistema ang DENR para sa mga taong nagtutungo sa naturang lugar.

 

 

Iginiit pa ng senador na nagsisikap ang mga frontliner sa health sector para makontrol ang hawaan ng COVID-19 at ng sumusulpot na variants nito, kaya kakatwa na may mga okasyon o lugar kung saan hinihikayat ang pagtitipon o kumpulan ng maraming tao.

 

 

Iminungkahi naman ni Binay na dapat kapulutan ng leksyon ng national at local government units (LGUs) ang pagdagsa ng mga tao sa Dolomite beach.

 

 

Dahil ibig sabihin umano nito ay kaila­ngan nang isama sa urban planning ang mga bukas na lugar na mapupuntahan ng mga tao sa ilalim ng new normal na bunsod ng ekonomiya. (Gene Adsuara)

KIM, posibleng makalaban ni SHARON sa pagka-Best Actress sa next awards season ayon sa netizens

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG Halloween presentation ng Reality Multi Media Studios at Viva Films na Sa Haba ng Gabi ang pangatlong pelikula nina Jerald Napoles at Kim Molina para sa 2021.   Ibang-iba nga ito sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam at Ikaw at Ako at ang Ending.

 

 

Ang multi-awarded director na si Erik Matti ang producer at si Miko Livelo ang direktor ng Sa Haba ng Gabi na kung saan bida rin si Candy Pangilinan at mapapanood ito ngayon sa Vivamax sa maraming bansa.

 

 

Ang Sa Haba ng Gabi na tungkol sa zombie apocalypse ay pabiro ngang ikinumpara nina Jerald at Kim na comedy version ng Kingdom, ang 2019 hit South Korean horror thriller na gumawa ng record sa Netflix.

 

 

Kinunan ang comedy-horror movie sa isang mansion sa Tagaytay City at kahit matagal nilang natapos ang movie, hindi talaga malilimutan nina Kim ang malakas na bagyo at sinabayan pa ng lindol. Labis nga silang humanga sa pagmamalasakit na ipinamalas ng production staff sa kanilang proyekto na tiyak naman na riot ang reunion nina Kim, Jerald at Candy na magdadala ng katatawanan at katatakutan, kaya nood na sa Vivamax.

 

 

Samantala, marami nakapansin sa husay sa pag-arte ni Kim sa Ang Babaeng Walang Pakiramdam, kaya sabi ng viewers at netizens, strong contender daw siya sa pagka-Best Actress next year at posibleng makatunggali niya si Sharon Cuneta sa Revirginized at iba pang mahuhusay na aktres.

 

 

Gulat naman si Kim sa kanyang reaction, “hindi ko po talaga alam, pero ang award ay award, hindi naman ako mag-iinarte na hindi kailangan yun ganyan.

 

 

“Pero ang reaction ko, pag may ganyan, hindi pa rin mag-sink in lahat. But it is very humbling at nakatutuwa that people got to appreciate my craft. So, thank you!”

 

 

***

 

 

DADALHIN ng fast-rising Kapuso actor na si Kelvin Miranda ang mga fans sa isang musical journey sa kanyang latest single under GMA Music, ang “Slow Dance.”

 

Pagkatapos na mahalin ng viewers bilang Marcus sa Stories from the Heart: Loving Ms. Bridgette at bilang Chef Harvey sa GMA Public Affairs’ fantasy-romance series na The Lost Recipe, nagbabalik si Kelvin sa kanyang love for music with this sweet song and tt tells the story of two young individuals transitioning from friends to lovers after their magical prom night.

 

Written by Jomari Felices Jintalan, “Slow Dance” holds a special meaning in Kelvin’s heart since he dedicates it not only to everyone in a relationship but also to people from all walks of life who want to find hope and inspiration.

 

      “Everybody can relate to this song. This is not a love song for your special someone but a song you can also dedicate to your family and friends. I want this song to provide hope that someday we can all bond again together when this pandemic is over, and we will all just ‘slow dance,’” sabi ni Kelvin.

 

Samantala, ang hit-fantasy romance series The Lost Recipe nila ni Mikee Quintos ay nakatanggap ng Best Editing and Best Visual or Special FX in TV or Feature Films sa 2021 Asian Academy Creative Awards.

 

 

Muli namang nagkasama sina Kelvin at Mikee sa Regal Studio Presents: Promises to Keep.

 


      Tune in to Kelvin Miranda’s “Slow Dance” on Spotify, YouTube Music, Apple Music, and other digital stores worldwide.

 

Find out the latest news about your favorite Kapuso shows and artists by logging on to GMANetwork.com.

(ROHN ROMULO)

Welcome kay PDu30, paglagda sa PH-Korea free trade pact

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WELCOME kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paglagda sa Philippines-Republic of Korea (ROK) free trade agreement, araw ng Martes, Oktubre 26.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 22nd ASEAN-ROK Summit, sinabi nito na ang trade pact ay “needed for our economies to recover and bounce back,” malinaw na tumutukoy ito sa mga epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Itinulak din ng Chief Executive ang full implementation ng ASEAN-Korea free trade agreement at maagang pagpasok sa puwersa ng Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement.

 

Ang ASEAN-ROK Summit ay isa lamang sa mga pagpupulong sa nagpapatuloy na 38th at 39th ASEAN Summits and Related Summits, na ang tumayong host ay ang bansang Brunei.

 

Dumalo ang Pangulo sa high-level meetings virtually sa pamamagitan ng video conference.

 

Sa naging pahayag naman ng Pangulo sa 38th ASEAN Summit, binigyang diin nito ang “road to recovery” ng ASEAN mula sa COVID-19 ay matagal at mahirap habang ang rehiyon ay nananatiling hilong-talilong mula sa epekto ng pandemiya.

 

Giit ng Punong Ehekutibo, kailangang tiyakin ng ASEAN ang ” phased and comprehensive implementation” ng comprehensive recovery framework ng regional bloc.

 

Nanawagan din ang Pangulo para sa agarang pagtatatag ng ASEAN Centre on Public Health Emergencies and Emerging Diseases.

 

Ito ang huling ASEAN Summit na dadaluhan ji Pangulong Duterte bago siya bumaba sa puwesto sa Hunyo 30, 2022. (Daris Jose)

Gobyerno, target na bakunahan ang 90% ng mga guro at estudyante bago matapos ang Nobyembre

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUNTIRYA ng pamahalaan na tapusin ang pagbabakuna, kahit man lang 90% ng mga guro, estudyante at iba pang education personnel laban sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) bago matapos ang Nobyembre.

 

Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., hepe ng National Task Force (NTF) against Covid-19, bahagi ito ng paghahanda ng gobyerno para tiyakin na ligtas ang isasagawang gradual reopening ng face-to-face classes sa gitna ng Covid-19 pandemic.

 

“On the opening of the school, we will vaccinate teachers and students and personnel to at least 90 percent before the end of November,” ayon kay Galvez sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

 

Tinukoy ang data mula kay Commission of Higher Education (CHED) chairperson Prospero de Vera, iniulat ni Galvez na 57% pa lamang ng mga guro at estudyante ang bakunado laban sa Covid-19, dahilan para itulak ng pamahalaan ang pagpapataas at pagpapaigting ng vaccination drive para sa sektor ng edukasyon.

 

Sa inaasahang pinalawig na face-to-face classes, nauna nang hinikayat ni de Vera ang mga college students na magpabakuna laban sa Covid-19.

 

“The good news is in some schools, the vaccination level is very high, as high as 90 plus percent. And 53 percent of our HEIs (Higher Education Institutions) have reported a vaccination level of more than 75 percent among their personnel,” ayon kay de Vera.

 

Samantala, inilarawan naman nj Galvez ang pagbabakuna sa mga menor de edad na 12 hanggang 17 bilang “instrumental tool” para sa pagbubukas ng face-to-face classes at “ancillary businesses” na may kaugnayan sa education sector.

 

“Allowing them to have leeway to move around and play will not just help in protecting the mental well-being of minors, but also revive economic activities especially this Christmas season,” aniya pa rin.

 

Ayon sa 2021 Philippine Projected Population data of the Philippine Statistics Authority, mayroong 12,722,070 young population na may edad na 12 hangang 17 sa bansa.

 

Ang rollout ng pediatric vaccination sa buong bansa ay sumipa noong Oktubre 29. (Daris Jose)

Booster shots para sa priority groups, maaaring simulan sa Nobyembre

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TARGET ng National Task Force (NTF) Against Covid-19 na simulan sa Nobyembre ang pagbabakuna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine booster shots sa priority sectors.

 

Inaprubahan na kasi ng Department of Health (DOH) ang probisyon ng booster shots sa mga fully vaccinated health care workers (A1), na unang nakatanggap ng bakuna noong Marso.

 

Prayoridad din ang Senior citizens (A2) at immunocompromised adults (A3) ayon kay NTF chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., sa isinagawang Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi.

 

Ani Galvez, ang Health Technology Assessment Council (HTAC) at All Experts Groups on Covid-19 Vaccines ay nagpalabas ng “positive opinion” sa pagbabakuna ng booster shots.

 

“Nagpalabas po ng kanilang positive opinion ang HTAC at ang ating All Expert Group para kapag nag-start na po tayo ng boosters sa ating mga  health care workers,” ayon kay Galvez.

 

Sinabi ni Galvez na sinimulan na ng DOH ang pagpo-proseso ng emergency use authorization na inamiyendahan para sa iba’t ibang brand ng bakuna na gagamitin bilang booster shots.

 

Dalawang milyong booster doses ang inilaan para sa A1 at limang milyon naman para sa A2 at A3 priority groups.

 

“We have enough doses for them. Regardless of brand, mayroon po tayo na nakatabi ,” dagdag na pahayag nito.

 

Aniya, hinihintay na lamang nila ang anunsyo ng All Expert Groups kung ito’y heterologous (mixed) o homologous (same brand) vaccination at para sa final guidance mula sa Strategic Advisory Group of Experts on Immunization ng World Health Organization.

 

Ang mga binakunahan ng Sinovac jab ay maaaring bakunahan ng Pfizer, AstraZeneca o Moderna bilang booster shot. (Daris Jose)

Ads October 29, 2021

Posted on: October 29th, 2021 by @peoplesbalita No Comments