• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 19th, 2021

JULIE ANNE, iwas na iwas na pag-usapan ang break-up nina RAYVER at JANINE

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

THANKFUL si Julie Anne San Jose sa GMA Network sa pinakahihintay na ng mga fans niya, ang second leg ng Limitless, A Musical Journey on Saturday, November 20.

 

 

“Heal” ang second leg ng concert na feature ang Visayas region at ipakikita ang mga magagandang lugar doon. Special guests ni Julie ang Cebuanang The Clash 3 champion na si Jessica Villaruvin and her co-host sa The Clash, si Rayver Cruz. 

 

 

Kung sa first leg ng concert ay tumugtog ng guitar si Julie, dito ay tutugtog siya ng piano. ‘Di niya malilimutan kung paano binuhat ng 10 tao ang piano para madala sa sandbar, na they have to race against time dahil kailangan nilang matapos ang number na iyon bago lumubog ang araw at hindi sila abutan ng high tide.

 

 

“It’s a different experience for me but I really enjoyed it,” kuwento ni Julie.

 

 

“Thankful din ako dahil nabigyan ako ng chance to travel around the country.”

 

 

The concert is under the creative direction of Paolo Valenciano and musical direction of Myke Salomon.

 

 

Meanwhile, iwas na iwas si Julie na pag-usapan ang break-up nina Rayver at Janine Gutierrez. Like a brother daw sa kanya si Rayver at mataas naman ang pagkakilala niya kay Janine.

 

 

***

 

 

NAPAIYAK na raw lamang si Kapuso hunk Ruru Madrid nang hindi na naman natuloy ang second lock-in taping nila ng action-drama series nilang Lolong.

 

 

Nauna silang mag-lock-in taping sa Villa Escudero at napilitan silang huminto nang maghigpit muli dahil sa pandemya.

 

 

Ngayong ready na silang mag-quarantine na tuloy na sa lock-in taping, na-pack-up sila dahil may nag-positive naman daw sa production.

 

 

Since December na rin next month, balitang next year na sila magri-resume ang taping. Mabuti na lamang at may All-Out Sundays si Ruru at naigi-guest siya sa ibang shows ng GMA.

 

 

***

 

 

PINAGSASABAY pala ni Kapuso actor Jason Abalos ang work niya at studies, lalo pa at last week ay nag-renew siya ng another three-year exclusive contract sa GMA Network.

 

 

Katatapos lamang ni Jason ng lock-in taping ng GMA Afternoon Prime na Las Hermanas na kasama niya sina Yasmien Kurdi, Thea Tolentino, Faith da Silva at balik-Kapuso actor Albert Martinez.

 

 

Ngayon ay binalikan ni Jason ang masteral studies niya. Graduate si Jason ng Bachelor of Science in Civil Engineering.  Kaya ngayong may online classes, sinamantala na niyang ituloy ang studies niya dahil nasa bahay lamang siya.

 

 

Kung matapos niya ang masters, itutuloy niya ito sa doctorate at pagkatapos, gusto niyang makapagturo sa college.

 

 

Napapanood ang Las Hermanas daily at 2:30 PM after Eat Bulaga.

(NORA V. CALDERON)

2 VINTAGE BOMB, NAKUHA SA CAVITE SHOAL

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAINGAT na nakuha ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite ang dalawang vintage bomb sa isinasagawang soil sampling operation sa San Nicolas Shoal, Cavite.

 

Ayon sa PCG, isang crew member ng MV Vasco Da Gama ang tumawag sa kanila upang ipagbigay alam ang presensya ng dalawang pampasabog dakong alas-4:30 kamakalawa ng umaga.

 

Pinayuhan naman ng PCG ang crew na itigil ang operasyon at maingat na ikordon ang lugar.

 

Agad na nagtungo ang grupo mula sa Coast Guard Special Operations Group Explosive Ordnance Disposal (EOD) sa nasabing bisinidad ng baybayin  sakay ng   PCG vessel 271 at Metal Shark 1102 upang nagsagawa ng  safety explosive handling procedure upang maiwasan ang pagsabog.

 

Nang makuha ang bomba dinala ito sa tamang lokasyon ng disposal sa Manila upang naiwasan ang anumang panganib. (GENE ADSUARA)

Fully vaccinated healthcare medical workers, puwede ng mag-avail ng booster shots- Nograles

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA bukas, Nobyembre 17 ay maaari nang mag-avail ng booster shots ang lahat ng fully vaccinated healthcare medical workers.

 

Pinagtibay ni Acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles ang public advisory na ipinalabas ng Department of Health (DOH) ukol sa bagay na ito.

 

“Uulitin ko po, para po muna ito sa A1 healthcare workers… Hintayin na lamang po natin ang Guidelines na ilalabas ng National Vaccination Operations Center,” ayon kay Nograles.

 

Base sa Emergency Use Authorization na ipinalabas ng Philippine Food and Drug Administration, inirekomenda ng DOH recommends ang paggamit sa Moderna, Pfizer, at Sinovac vaccines bilang booster doses, kahit na ano pa ang vaccine brand na ginamit bilang primary series.

 

Sa nasabi pa ring virtual press briefing, iniulat naman ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang unang araw ng pilot implementation ng face-to-face classes ay matagumpay.

 

Sinabi ni Usec. Malaluan na kumpiyansa ang DepEd na ang ahensiya ay magagawang magsagawa ng matagumpay na pilot phase preparation para sa pagpapalawig ng expansion phase at reintroduction ng face-to-face classes sa lahat ng eskuwelahan sa buong bansa sa 2022. (Daris Jose)

TONY, nakapagpiyansa na at nag-file na rin ng motion for reconsideration para sa kaso niya

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGPIYANSA ang kontrobersyal na aktor na si Tony Labrusca pagkatapos siyang kasuhan for aggravated acts of lasciviousness ng Makati Office of the City Prosecutor.

 

 

Sa kanyang statement to ABS-CBN News Monday, Labrusca’s counsel Joji Alonso affirmed that Labrusca is innocent of the acts of lasciviousness charge.

 

 

“We sustain that Mr. Labrusca is innocent, and we shall remain steadfast in vindicating his name. To protect our client’s rights, we filed a Motion for Reconsideration questioning the credence of said ruling.

 

 

Mr. Labrusca has posted bail, as well. We firmly stand that other than complainant’s unfounded assertions, there is utter lack of evidence to support her accusations against our client.”

 

 

Samantala, ang legal counsel ng complainant laban kay Labrusca ay tinawag na vindication ang naging desisyon ng Makati Prosecutor’s Office.

 

 

“My client together with all the victims of abuses by public figures such as Tony Labrusca are all happy that the City Prosecutor of Makati City led by Chief Dindo Venturanza had found probable cause to file criminal charges against him for acts of lasciviousness.

 

 

“While the filing of the charge in court is merely the first stage in our client’s quest for justice, like any victim of abuses, she would still need to endure and persevere in this quest by recalling all the traumatic acts done to her for a few more years until trial is concluded.      

 

 

Nevertheless, she is hopeful that the news of Mr. Labrusca eventually getting what he deserves would encourage other women and anyone also victimized by Mr. Labrusca and other public figures whether sexual or otherwise, to not be afraid to stand up and be heard because the government through Offices such as the Office of the City Prosecutor of Makati City with its courageous army of prosecutors are competent instruments of justice and are allies in the #metoo movement,” ayon pa kay legal counsel Regie Tongol.

 

 

      ***

 

 

ISA si Kyline Alcantara sa masaya na mapapanood ang ganda ng Sorsogon sa GMA Primetime teleserye na I Left My Heart In Sorsogon.

 

 

Proud Bicolana si Kyline at kabilang daw ang Sorsogon na dapat maging isa sa prime tourist spots ng Bicol Region.

 

 

“Taga Camarines Sur po ako at marami nang tourists ang nakarating sa amin. I’ve been to Sorsogon noon pa pero it was not as beautiful as it is now noong mag-taping kami. And there are other places there na undiscovered pa. 

 

 

“Kaya being a proud uragon, gusto kong maraming makakita ng ganda ng Sorsogon. Makakatulong po ng malaki sa tourism at mabibigyan ng maraming trabaho at negosyo ang mga tao roon.”

 

 

Tungkol naman kay Mavy Legaspi, inamin ni Kyline na nanliligaw sa kanya ito. At ang maganda pa ay approved ang mommy ni Mavy na si Carmina Villarroel sa panliligaw ng anak kay Kyline.

 

 

Kilala na raw kasi ni Mina si Kyline dahil nagkasama na sila noon sa teleserye na Kambal, Karibal noong 2017.

 

 

***

 

 

SA nilabas na memoir titled Will ng Hollywood actor na si Will Smith, may isang chapter sa libro kunsaan kinuwento niya kung paano siya nahuli ng kanyang ina na nakikipag-sex sa kanyang girlfriend sa kusina.

 

 

Kuwento ng 53-year old actor: “I was 16 years old and living in Philadelphia with my mother. As a teenager, I had a relationship with Melanie Parker in high school and later fell deeply and totally in love with her. 

 

 

“My mother had to come downstairs to make herself a cup of coffee. She flipped the light switch as she had done tens of thousands of times before. But this time, her eyes landed upon her eldest son and his girlfriend deep in throes of reckless lovemaking.

 

 

As a teenager, outside of physical injury, you cannot feel worse than having your mother catch you and your girlfriend doggy-style on her kitchen floor.

 

 

“I’m still not exactly sure why I did what I did that night. To this day, I have no idea what I was thinking. Of all the experiences I am sharing in this book, this is the individual moment of personal behavior that makes the least sense to me.” 

 

 

Sinubukan daw ni Will na mag-reach out kay Parker para mag-apologize sa nangyari sa kanila. Pinayagan daw kasing tumira ng mother ng aktor si Parker sa kanilang bahay dahil nakulong ang ina nito. Pero ang kasunduan ay hindi sila magse-sex ni Will.

 

 

Pero naging mapusok si Will at natukso niya si Parker, kaya after three months ay nahuli sila sa kusina na siyang naging dahilan kung bakit lumayo na si Parker.

 

 

“She was the victim of one of the lowest points in my life. Yes, we were young, yes, we hurt each other, but she did not deserve how I treated her; she did not deserve how it ended,” sey pa ni Will.

(RUEL J. MENDOZA)

PDu30, susunod sa Senate protocols sa pagpapalabas ng SALN kapag nahalal na senador

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUSUNOD si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa protocols ng Senado sa pagpapalabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga miyembro nito kapag nahalal na senador sa 2022 national at local elections.

 

“I am not familiar with the protocols in the Senate. But whatever it is, I am sure the President will follow whatever protocols or practices there are in the Senate,” ayon kay Acting Presidential spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Matatandaang naging accessible lamang ang SALN ng Pangulo sa publiko noong 2018.

 

Ang Senado, sa kabilang dako ay nagpalabas ng summary ng SALN ng mga senador kada taon.

 

Sa ulat, hinamon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III si Pangulong Duterte na isapubliko nito ang kanyang SALN.

 

“Yes, I think so. He is the president. The people expect transparency in their leaders,”ayon kay Sotto.

 

Samantala, nang hingan naman si Nkgrales ng komento sa sinabi ni Sotto ay sinabi nito na kokonsultahin niya ang Pangulo sa bagay na ito at “we’ll come up with a statement after(ward).” (Daris Jose)

COVID-19 booster shots, planong iturok sa mga seniors kasabay ng ‘national vaccination drive’

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Target ngayon ng pamahalaan na maturukan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine booster shots ang mga senior citizen kasabay ng tatlong araw na national vaccination drive sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

 

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) vaccine development expert panel head Dr. Nina Gloriani, puwede rin umanong mag-avail ang mga senior citizens ng karagdagang doses depende sa rollout ng booster shots para sa mga health-care workers.

 

 

Sa unang linggo ng Disyembre, target ng pamahalaan na mabakunahan na rin ng booster shots ang mga may comorbidities at ang mga indibidwal na nasa A3 group.

 

 

Ngayong araw, sinumulan na ng pamahalaan na mabigyan ng karagdagang bakuna ang mga fully-vaccinated health-care workers.

 

 

 

Una rito, inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang apat na vaccine brands na gagamitin sa booster shots kabilang na ang Pfizer, AstraZeneca at Sinovac bilang homologous third dose at Sputnik Light bilang heterologous third dose.

 

 

Sinabi naman ng Department of Health (DoH) na posibleng ang ibigay sa mga health-care workers ay Moderna, Pfizer o Sinovac vaccine brands para sa booster doses.

MGA HEALTH WORKERS MAY KARAPATANG MAMILI NG BRAND NG BAKUNA

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAHIHINTULUTAN ang mga healthcare workers na pumili ng brand ng bakuna para sa booster shots  depende sa availability nito.

 

Ayon ito sa National Vaccination Operations Center (NVOC) ngayong Miyerkules.

 

Sa memorandum, ang mga indibidwal na nakategorya bilang Priority Group A1: Essential Workers in Frontline Health Services (A1.1 hanggang A1.7) ay karapat-dapat na mabigyan ng isang COVID-19 booster dose, alinman sa homologous o heterologous dose.

 

Paliwanag ng NVOC, ang homologous booster dose ay nangangahulugan na ang isang indibidwal ay babakunahan ng kaparehong brand ng bakuna na ginamit sa kanilang unang vaccination  habang ang heterologous booster dose ay babakunahan ng ibang brand ang isang indibidwal.

 

Sa ilalim ng nasabing memorandum, sinabi ng NVOC na ang mga Pilipino na nabakunahan ng Pfizer Moderna, Sinovac, Gamaleya at AstraZeneca sa  serye ng kanilang primary doses  ay kailangang maghintay ng anim na buwan bago muling makakuha ng booster shot.

 

Samantala, ang mga nabakunahan naman ng Janssen COVID-19 vaccine para sa primary dose  ay maghihintay naman ng  tatlong buwan.

 

Inirekomenda ng NVOC  ang mga sumususnod na brand para sa heterologous.

 

Sinovac (primary series) — AstraZeneca, Pfizer, Moderna (booster)
AstraZeneca (primary series) — Pfizer, Moderna (booster)
Gamaleya Sputnik V (primary series) — Pfizer, AstraZeneca, Moderna (booster)
Janssen (primary series) — AstraZeneca, Pfizer, Moderna (booster)
Pfizer (primary series) — AstraZeneca, Moderna (booster)
Moderna (primary series) — AstraZeneca, Pfizer (booster)

 

Ang mga indibidwal na nabakunahan ng AstraZeneca ay pinapayuhan na tumanggap ng booster shots gamit ang ibang brand dahil sa posibilidad ng pre-existing immunityattenuating o humina ang immune response sa ikalawa o ikatlong dose.

 

Samantala, sinabi ng NVOC na ang homologous booster dose para sa Sputnik at Janssen vaccines ay hindi pa ipatutupad .

 

Sa kasalukuyan, tanging ang Sinovac pa lamang ang inirerekomenda bilang homologous booster dose.

 

Ayon sa DOH, isang booster dose lamang ang ibibigay sa kada indibidwal.

 

Kailangan lamang na iprisinta ang orihinal na vaccination cards ang isnag indibidwal na tatanggap ng booster doses bilang patunay na sila ay bakunado na at nakakumpleto na ng doses pati valid indentification card.

 

Ang vaccination team naman ay dapat tiyakin na ang tatanggap ng bakuna ay alam ang benepisyo, panganib at posibleng epekto ng bawat boosting strategy bago sila bigyan ng opsyong pumili. GENE ADSUARA

Panawagan ni Abalos sa mga mall owners, maging istrikto sa vaccination card sa mga papasok sa kanilang establisimyento

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Benhur Abalos Jr. sa mga mall owners na maging istrikto sa paghahanap ng vaccination card ng mga papasok sa kanilang establisimyento lalo na ngayong malapit na ang Christmas season.

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na kailangan na gawing istrikto ito at siguraduhin na ang papasok sa malls ay nakasuot ng mask.

 

“Please lang, istriktuhan pagdating dito. Itong bakuna plus mask at social distancing.. ito po ang mga bagay na magbibigay proteksyon po sa atin,” ayon kay Abalos.

 

Nakiusap din sila sa mga mall owners na i-extend ng mga ito ang kanilang oras.

 

Sa kabilang dako, patuloy naman ang ginagawang pagbabakuna ng Local Government Units (LGUs) sa mga tiangge owners, operators at sellers na bahagi aniya ng “no vaccine, no tiangge” lalo pa’t malapit na ang Kapaskuhan.

 

Sinabi ni Abalos na importante na mabakunahan ang mga owners, sellers at mga operators ng tiangge lalo pa’t seasonal lamang ito.

 

Nanggagaling pa aniya kasi sa mga lalawigan ang mga ito at kapag natapos na ang Christmas season ay mag-u-uwian na ang mga ito sa kani-kanilang probinsiya.

 

“Ito lamang ay nagpapatunay na kung titingnan natin ay talagang tinitingnang mabuti ng mga alkalde sa Metro Manila. Kung titingnan mo itong mga tiangge na ito .. walang ganitong requirement eh. and yet, talagang inunahan ko lalo na’t nanggagaling sila sa iba’t ibang dako ng Pilipinas and after the Christmas season, uuwi na po sila,” ayon kay Abalos.

 

“Sa ngayon po talagang nag-i-ikot ang ating LGUs tinitingnan. Hinigpitan pa nila. 2 vaccination. Ito’y nagpapatunay lamang na we’re not resting hanggang dulo. Bawat galaw pina-fine tune natin lahat ng mga polisiya o guidelines na inilatag ng IATF,” dagdag na pahayag ni Abalos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

6 timbog sa pagbebenta ng pekeng health vaccination card

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Arestado ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang anim katao matapos salakayin ang isang establisyimento na gumagawa umano ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa C.M. Recto, Manila, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. isinagawa ang raid ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni P/Maj. Vicky Tamayo na nagresulta sa pagkakaaresto kay Geraldine Vargas, 51 ng Dagupan St., Tondo, Camille Cressida Halili, 34 ng Batanes St. Sampaloc, Janneth Viernes, 42 ng D. Aquino St. 4th Avenue, Caloocan City, Gengen Subito, 34 ng Oroquieta St. Sta Cruz, Nikko Molina, 18 ng Pasillo I Central Market at Ronaldo Benitez, 31 ng Int. 2 Brgy. 310 Sta Cruz, Manila.

 

 

Nauna rito, nakatanggang si DSOU chief P/Lt. Col Jay Dimaandal ng isang tip mula sa kanilang confidential informant na ang mga suspek ay nagbebenta ng mga pekeng COVID-19 vaccination cards ng Caloocan and Valenzuela Cities.

 

 

Dakong alas- 6:30 ng gabi, isang police poseur-buyer ang nagawang makakuha ng isang pekeng health vaccination card ng Caloocan City kapalit ng P1,800.00 marked money na naging dahilan upang agad lusubin ng mga operatiba ang naturang establishimento na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

 

Narekober sa naturang establishimento ang ilang health vaccination cards ng Caloocan at Valenzuela Cities, fake Covid-19 antigen test results, fake vaccine receipts, gamit sa pagproseso ng mga pekeng dokumento, marked money na ginamit sa entrapment operation at P2,300.00 cash.

 

 

Kasong paglabag sa Art. 172 of Revised Penal Code in relation to Rule XI Section 1 paragraph B of Implementing Rules and Regulation of RA No. 11332 o alleged fake vaccination cards ang isinampa sa mga suspek. (Richard Mesa)

IVANA, matunog na matunog at kasama rin sa hula sina DENISE at JANELLA na posibleng maging ‘Valentina’

Posted on: November 19th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAKIKILALA na ngayong araw kung sino ang napili para sa iconic villain role na si Valentina sa Darna: TV Series na pagbibidahan ni Jane de Leon.

 

 

Matunog na matunog nga ang pangalan ni Ivana Alawi at may nagwi-wish na sana ay si Denise Laurel na isang magaling na aktres at type din nila si Janella Salvador.

 

 

Ilan pa bet na bet ng netizens na gumanap na kontrabida ni Darna sina Lovi Poe, Jackie Rice at Janine Gutierrez.

 

 

May nagbanggit din ng pangalan nina Jane Oineza, Sofia Andres at Michelle Vito, na sana raw tulad ni Jane ay mabigyan din ang huli ng big break ng ABS-CBN.

 

 

Marami naman daw nag-audition for the iconic role, at mukhang ang nakakuha ng pansin sa pinakitang angas at galing ay magmumula rin sa Star Magic.

 

 

Kaya tiyak na magiging maganda ang triangle nina Jane, Joshua Garcia at ang aabangang luckiest star na ipakikilala na nga ngayong araw sa kanilang #ValentinaReveal na posible kayang nagsisimula rin sa letter ‘J’ ang mapili?

 

 

***

 

 

SA ika-25th year ng Tallinn Black Nights Film Festival (PÖFF), tatlong pelikula na mula sa Pilipinas ang napiling mag-participate para sa taunang film na ginaganap sa Tallinn at Tartu, Estonia, na  nagsimula noong November 12 at magtatapos sa November 28, 2021.

 

 

Ang Big Night ni Jun Robles Lana ay lalaban sa Main Competition, kasama ng 19 other competing films from all over the world to premiere in one of the biggest international film festivals in Northern Europe.

 

 

Pagkatapos ng tagumpay ng Kalel, 15 sa 23rd PÖFF noong 2019 na kung saan nanalo si Direk Lana ng Best Director Award, kaya ang Big Night! is much anticipated by international audiences and film critics na pinagbibidahan ni Christian Bables.

 

 

Kasama sa movie ang outstanding cast of the industry’s brightest stars na sina Eugene Domingo, Gina Alajar, Janice de Belen, Ricky Davao, Gina Pareño, Alan Paule, Soliman Cruz, at John Arcilla.

 

 

Napili naman ang movie si Khavn De La Cruz na Love is a Dog from Hell sa Rebels with a Cause category.

 

 

Si Direk Khavn ay notable for his surprising treatments and his experimental approach to storytelling. Para sa movie na ito, he made a bizarre and fascinating spectacle shot with ten various cameras.

 

 

Finally, ang How to Die Young in Manila ni Petersen Vargas ay magko-compete sa PÖFF Shorts Competition which is set to begin mid-festival, November 16 until November 24.   The film follows a teenage boy as he trails a group of hustlers in search for his anonymous night fling. One by one, the boys turn up dead until there is only one left.

 

 

Ang tatlong proudly Pinoy films ay magwo-world premiere sa Tallinn at magkakaroon ng multiple screenings across different venues in Estonia sa loob ng 2-week film festival.

 

 

Nag-extend ng pagbati ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa mga participants sa Tallinn Black Nights Film Festival.

 

 

Pahayag pa ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño, “Thank you to our three filmmakers for bringing the Philippines with them in the spotlight at Tallinn Black Nights International Film Festival. We are proud of them. Congratulations for making it to the competitions, and the best of luck to all of them in the coming days.” 

(ROHN ROMULO)