• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 8th, 2021

GININTUANG PANAHON NG ‘PINAS MANUNUMBALIK KAY BBM – SENIOR CITIZENS

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Para sa mga mamamayang sumailalim sa pamamalakad ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, ang administrasyon nito ang mga ginintuang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas, na pinaniniwalaang sa mapagkaisang pamamalakad lamang na dala ni Partido Federal ng Pilipinas PFP) standard bearer Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. manunumbalik ang pamamayagpag ng bansa at magdadala rito ng higit pang kaunlaran.

 

 

 

Sa isinagawang “Pulong-pulong sa Pagbabago” forum sa Caloocan City, idinaing ni Adriano Garduce, 72, na napagiwanan ang Pilipinas dahil sa pamumulitika at vested interest ng mga sumunod na administrasyon mula 1986.

 

 

 

“What happened after the Marcoses left the country? Countless coups, untenable power struggle from politicians, and economic uncertainty stunted the growth of the nation. We were known as the ‘Tiger of Asia’ then, now we are just a country trying to stay afloat economically and our sovereignty is threatened,” aniya habang inisa-isa ang mga nagawa ni Pang. Marcos na ama ni Bongbong.

 

 

 

Binansagan namang ipokrito ng iba pang senior citizens ang mga kritiko ng Marcos administration na nakikinabang sa mga nagawa ng dating pangulo ngunit itinatangging ang panahon niya ang “finest moment in Philippine history.”

 

 

 

Pinuri ng mga senior citizen ang mga infrastructure projects ni Pang. Marcos, gaya ng mga expressways, highways at byways na nagdugtong-dugtong sa mga isla ng Pilipinas.  Tinukoy rin nila ang peace and order situation noong panahon niya na pilit na winawasak noon ng mga rebeldeng komunista.

 

 

 

Para naman kay Adela Ciriaco, 68, si dating First Lady Imelda Marcos, na nagpagawa ng mga ospital, mga gusaling pangkultura, pabahay, Kadiwa rolling stores, at iba pa, at naglungsad ng mga proyektong gaya ng Green Revolution at Masagana ‘99, ang mapagkalinga at mapagmahal na Ina ng Bayan.

 

 

 

“It took only the televised execution of one drug lord, Lim Seng, to end the proliferation of drugs in the country. No killings. Just one drug lord. The modernization of our transport system… these were all accomplishments of Bongbong’s father. I challenge you to deny that,” ayon kay Ciriaco na lubhang naging emosyonal.

 

 

 

Dagdag pa ni Ciriaco na kung hindi dahil sa mga remittances ng libo-libong mga overseas Filipino workers, matagal nang nabangkarote ang Pilipinas dahil sa mga sumunod na namuno.

 

 

 

“And who opened the Middle East market for our professional, skilled and labor workers? Marcos! After he established our embassies in those countries!” sagot naman ng isa pang senior citizen.

 

 

 

Nagkaisa rin ang mga senior citizens na hindi pa huli para mangarap ang mga Pilipino ng mas magandang buhay pagkatapos ng kasalukuyang pandemya at si Bongbong lamang ang kasagutan sa lahat ng problemang kinahaharap ng bansa.

 

 

 

“He (Bongbong) was there when everything was unfolding and he saw what his father did. Only he understands his father’s vision, and he is the only one capable of picking up the broken pieces of his father’s legacy with his call to unify the country,” pagdidiin ni Garduce.

Pagkakaisa, pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko.

 

 

Ani Marcos, ang pina­kahuling pagbisita niya sa Cebu kamakailan, kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters ang nagbigay pag-asa na may naghihintay na magandang kinabukasan para sa bansa.

 

 

“Talagang masayang-masaya ang pakiramdam namin dahil bukod sa napakasayang mga pagtanggap eh ‘pag pinagsama ninyo ang kulay na­ming pula at berde, Merry Chirstmas na nga talaga,” wika niya.

 

 

Naging makulay at makabuluhan aniya ang kanilang Cebu visit dahil bukod sa probinsiyang ito pinagtibay ang BBM-Sara UniTeam, nagkaroon din sila ng pagkakataong makasalamuha ang mga pinagpipitagang mga miyembro at opisyales ng League of Municipalities.

 

 

Ang mga nagaganap na ‘unity rides’ sa iba’t ibang panig ng bansa, gayundin ang makasaysayang “Salubong” ng mga taga-norte at timog sa San Juanico Bridge nong November 30, ay nagpapakita anya ng pagkakaisa mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Ito umano ang panguna­hing layunin ng BBM-Sara UniTeam upang makamit ang pambansang pagkakaisa, kapayapaan at pag-unlad ng bayan.

Chicago sinapawan ang Brooklyn

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Humugot si DeMar DeRozan ng 13 sa kanyang 29 points sa fourth quarter para tulungan ang Chicago Bulls na talunin ang Brooklyn Nets, 111-107, sa banggaan ng top teams sa Eastern Conference.

 

 

Binuksan ng Bulls (16-8) ang fourth period ng13-4 atake at iniwanan ang Nets (16-7) sa 92-86 mula sa short jumper ni DeRozan sa huling pitong minuto ng laro.

 

 

Hawak pa rin ng Brooklyn ang No. 1 spot sa East kasunod ang Chicago na sumasakay sa three-game winning streak.

 

 

Kumamada si Zach LaVine ng 31 markers para sa Bulls, habang may tig-11 points sina Nikola Vucevic at Ayo Dosunmu.

 

 

Binanderahan ni Kevin Durant ang Nets sa kanyang 28 points kasunod ang 20 markers ni LaMarcus Aldridge at kumolekta si James Harden ng 14 points at 14 assists.

 

 

Sa San Francisco, umiskor si Derrick White ng 25 points para igiya ang San Antonio Spurs (8-13)  sa 112-107 panalo sa Golden State Warriors (19-4).

 

 

Pinamunuan ni Stephen Curry ang Warriors, nakatablang muli ang Phoenix Suns sa top spot sa NBA at sa West, sa kanyang 27 points.

 

 

Sa Milwaukee, nagsalpak si Pat Connaughton ng pitong triples para sa kanyang 23 points sa 124-102 paggiba ng nagdedepensang Bucks (15-9) sa Miami Heat (14-10).

 

 

Ginawa ito ng Milwaukee kahit hindi naglaro si Giannis Antetokounmpo na may right calf injury.

 

 

Sa Sacramento, humataw si Terrence Davis ng 23 sa kanyang 28 points sa second half sa 104-99 pagdaig ng Kings (10-14) sa Los Angeles Clippers (12-12).

ALL-NEW “SCREAM” REVEALS POSTERS OF LEGACY CHARACTERS

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IT’S time for a killer reunion. Paramount Pictures has just released the individual posters of the legacy characters of  the all-new horror thriller Scream, coming to Philippine movie theatres January 2022.

 

 

Check out below the character one-sheets of Neve Campbell, Courtney Cox and David Arquette.

 

 

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/i3sXCxPaRl0]

 

 

About Scream

 

 

Twenty-five years after a streak of brutal murders shocked the quiet town of Woodsboro, a new killer has donned the Ghostface mask and begins targeting a group of teenagers to resurrect secrets from the town’s deadly past. Neve Campbell (“Sidney Prescott”), Courteney Cox (“Gale Weathers”) and David Arquette (“Dewey Riley”) return to their iconic roles in “Scream” alongside Melissa Barrera, Kyle Gallner, Mason Gooding, Mikey Madison, Dylan Minnette, Jenna Ortega, Jack Quaid, Marley Shelton, Jasmin Savoy Brown, and Sonia Ammar.

 

 

Scream is directed by Matt Bettinelli-Olpin & Tyler Gillett of the filmmaking group Radio Silence (Ready or NotV/H/S), executive produced by Kevin Williamson, Chad Villella, Gary Barber, Peter Oillataguerre, Ron Lynch, Cathy Konrad, Marianne Maddalena; produced by William Sherak, James Vanderbilt, Paul Neinstein.

 

 

The film is written by James Vanderbilt & Guy Busick, based on the characters created by Kevin Williamson.

 

 

Scream is a long-running genre-busting horror franchise which generated four feature films including Scream (1996), Scream 2 (1997), Scream 3 (2000) and Scream 4 (2011). Directed by famed “maestro of horror,” the late Wes Craven, the films went on to gross more than $600 million in worldwide box office receipts.  Williamson wrote the original film as well as Scream 2 and Scream 4.

 

 

Scream is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Follow us on Facebook at www.facebook.com/paramountpicsph/; Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw. Connect with #ScreamMovie and tag paramountpicsph

 (ROHN ROMULO)

SIM Card Registration Act lusot na sa Kamara

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang mandatory registration ng mga SIM cards.

 

 

Ito ay kasunod na rin ng mga napabalitang paglipana ng spam messages kamakailan na nag-aalok ng trabaho kapalit ng mataas na sahod, na ayon sa National Privacy Commission (NPC) ay mula sa global o international syndicates.

 

 

Sa kanilang plenary session ngayong hapon, 181 na mga kongresista ang bumoto nang pabor sa House Bill 5793 o ang SIM Card Registration Act habang anim na mga mambabatas naman ang tumutol dito.

 

 

Nakasaad sa naturang panukala na sa pamamagitan nang mandatory registration ng mga SIM cards ay maiiwasan ang anumang krimen o modus na gumagamit ng mga mobile phones na may postpaid o prepaid SIM cards.

 

 

Makakatulong din ito sa pagtunton ng mga otoridad sa mga kriminal, katulad na lamang ng mga sangkot sa kidnapping, terorismo at iba pa.

 

 

Para maiparehistro ang SIM card, kailangan ng user na makapagpakita ng isang valid ID na may litrato nito.

 

 

Kailangan ding ibigay ng user ang ilang mahalagang detalye katulad na lamang ng kanyang pangalan, kaarawan at address.

 

 

Papapirmahin din ito sa sang control-numbered registration form na mula sa Public Telecommunications Entity.

 

 

Maging mga dayuhan ay obligadong gawin ito kapag sila ay dumating na sa Pilipinas.

Imbestigasyon sa mga hindi nagamit na malapit ng mag-expire na COVID-19 vaccines, nagpapatuloy –Nograles

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY na nagsasagawa ng fact-finding investigation ang National Vaccination Operations Center (NVOC) kaugnay sa ilang COVID-19 vaccines na ipinamahagi sa ilang local government units na malapit ng mag-expire subalit hindi naiturok sa katatapos lamang na isinagawang vaccination drive Bayanihan, Bakunahan.

 

“We’re still doing a fact-finding investigation. Wala pa kaming [we still don’t have a] conclusion with regard to that,” ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Nauna rito, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na “We are checking why some doses were not distributed because they were in the LGUs’ possession earlier. We are hoping that they were distributed or transported in other areas to get administered,”

 

Sinabi ni Nograles na maingat ang gobyerno sa expiration dates ng COVID-19 vaccines na ibabakuna.

 

Aniya, ang mga bakunang mayroong mas maagang expiration dates ang unang gagamitin sa pagbabakuna.

 

Samantala, sinusuring mabuti ng vaccine cluster ang expiration date at kasalukuyan nang nakikipag-ugnayan sa vaccine manufacturers.

 

“In fact, nagsalita na si Secretary Charlie Galvez at iba pang member ng vaccine cluster na there are some vaccines na bagama’t sinasabi ang expiration date is ganito, based doon sa pag-assess nila ay magagamit pa rin naman po. Meron tayong papeles na nagsasabi na puwede pang gamitin ‘yan,” ang pahayag ni Nograles.

 

Aniya pa, hinggil sa pagtanggap ng mga donasyong bakuna, ang gobyerno ay nagtakda ng parametero gaya ng hindi pagtanggap ng malapit na ang expiry dates.

Ayuda sa LGUs tiniyak ‘pag nag-lockdown sa Omicron

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magpapadala ng ayuda sa mga local government unit (LGU) na magla-lockdown ‘pag pumasok na ang Omicron variant sa bansa.

 

 

Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, naghahanda na rin ang kanilang grupo sa pagdating ng nasabing COVID-19 variant.

 

 

“Alam po namin na said na ang mga LGU sa ayuda para sa kanilang mga constituents dahil magdadalawang taon na itong pandemya,” ani Yap.

 

 

Dagdag pa niya, “mga bigas at delata ang ipapadala namin sa mga LGU sakaling maglockdown ang mga ito dahil sa Omicron.”

 

 

Kasabay nito, mariin pa ring ipinaalala ni Yap sa mga kababayan ang mga health  protocols at magpabakuna para makaiwas sa Covid.

 

 

“Tuluy-tuloy pa rin po ang ayuda namin ng Erwin Tulfo Action Center sa mga nangangailangan ng mga gamot at maintenance araw-araw. Magsadya lang sa amin opisina sa Quezon City,” pahabol pa ng kapatid ni Cong. Eric Yap. (Gene Adsuara)

Ads December 8, 2021

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Golovkin dismayado sa hindi natuloy na laban nito sa Japan

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinagpaliban ang nakatakdang world title fight sa Japan ni Gennady Golovkin laban kay Ryota Murata.

 

 

Ito ay matapos na ipinagbawal ng Japan ang pagpasok ng mga dayuhan dahil sa banta ng Omicron coronavirus.

 

 

Gaganapin sana ang laban ni Golovkin laban kay Japanese WBA super-titlist Murata sa Disyembre 29 sa Saitama, Tokyo.

 

 

Wala pang tiyak na petsa na inilaan ang promoter sa nasabing laban.

 

 

Huling lumaban kasi ang Kazakh boxer ay noong nakaraang taon ng talunin niya si Kamil Szeremeta sa ikapitong round at patumbahin niya ito ng apat na beses.

 

 

Nagpahayag naman ng pagka-dismaya ang 39-anyos na boksingero ng malaman na hindi matutuloy ang laban.

 

 

May record si Morata na 16 na panalo at dalawang talo habang si Golovkin ay mayroong 41 panalo, isang talo at isang draw.

Vaccination itataas sa 100% ng populasyon

Posted on: December 8th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaaring itaas ng pamahalaan ang kanilang COVID-19 immunity target mula 70% hanggang 100% ng populasyon ng bansa dahil sa patuloy na pagsulpot ng mga COVID-19 variants.

 

 

Ayon kay Health Undersecretary Leopoldo Vega, unang itinakda ang 70% herd immunity target para lamang bigyang-proteksyan ang publiko sa mga tao mula sa severe infection ng orihinal na virus strain o SARS-CoV-2.

 

 

“Yung 70% ’yun ’yung sa original strain ng virus natin ’yung SARS-CoV-2. Ngayon nagkakaroon ng maraming variant, kailangan taasan ang herd immunity. In fact, target natin 90% or kung puwede 100%,” paliwanag ni Vega.

 

 

Sa datos ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, mahigit 37 milyong katao na ang fully-vaccinated hanggang nitong Disyembre 4.

 

 

Bunsod naman ng banta ng Omicron variant sa bansa, hinikayat muli ni Vega ang publiko na magpabakuna na.

 

 

Iginiit niya na epektibo pa rin ang mga bakuna maging sa Omicron variant dahil sa maiiwasan ang malubhang epekto ng COVID-19 at pagpapaospital. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)