• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 2nd, 2022

Semis duel ng Cool Smashers at Flying Titans inaabangan

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKASENTRO ang atensyon ng lahat sa bakbakan ng Creamline at Choco Mu­­cho sa pagsisimula ng se­­mifinals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Con­ference bukas sa The Aren­a sa San Juan City.

 

 

Ang Cool Smashers at Flying Titans ang dalawa sa may pinakamaraming fans sa liga kaya’t asahan na ang blockbuster venue sa Game 1 ng kanilang best-of-three semifinal series.

 

 

Para kay Cool Sma­shers’ team captain Alyssa Valdez, magkakaibigan sila sa labas ng court subalit walang sister teams sa loob ng court.

 

 

“We belong to one fa­mily but when we get to the court, it’s all business. All the teams are very compe­titive, we just hope to bring out our best,” ani Valdez.

 

 

Nakatakda ring mag­ha­rap ang Cignal at Petro­Gazz sa se­mi­fi­nals series.

 

 

Parehong wala pang ta­lo ang Cignal at Creamline matapos walisin ang group stage papasok sa quar­terfinals.

 

 

“It’s a different thing in the se­mis, pressure will be a lot more intense,” sabi ni HD Spikers’ mentor Shaq delos Santos.

Putin, nililigaw ng kanyang sariling military advisers sa tunay na nangyayari sa Ukraine – US

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI  rin aniya sinasabi kay Putin ang full impact ng sanctions sa ekonomiya ng Russia.

 

 

Habang ayon naman sa British intelligence ang Russian troops sa Ukraine ay na-demoralise na, kapos sa mga kagamitang pandigma at tumangging sumunod sa order ni Putin.

 

 

Wala pa namang inilalabas na komento sa ngayon ang Kremlin hinggil sa assessment ng Amerika.

 

 

Samantala, sinimulan na rin ng Ukrainian forces na bawiin ang mga lugar sa kanilang teritoryo na nasa kontrol ng Russia kasabay ng pangakong pagbabawas ng Moscow sa military operations nito sa malalaking kabisera ng Kyiv at Chernihiv.

Ads April 2, 2022

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Apat na broadcasting company, pinagkalooban ni PDu30 ng prangkisa

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

APAT na broadcasting company ang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng prangkisa.

 

 

Inaprubahan ni Pangulong Duterte na makapag- operate sa loob ng 25 taon ang mga broadcasting company gaya ng Soundstream broadcasting corporation, Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network.

 

 

Sa kabilang dako, pinagkalooban din ng 25 year franchise ang Iriga Telephone Company.

 

 

Pinahihintulutan itong makapag- operate sa buong lalawigan ng Camarines sur.

 

 

Nabigyan din ng prangkisa ang University of Southern Mindanao. Binigyan din ito ng awtorisasyon na ma-maintain ang pagsasahimpapawid nito ng educational broadcast sa buong lalawigan ng Cotabato.

 

 

Samantala, tinintahan naman ni Pangulong Duterte, kamakalawa, Marso 29 ang lahat ng nabanggit prangkisa ng mga nasabing broadcast companies.

Imbestigasyon kaugnay sa vote-buying complaints, gagawing priority ng DOJ

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang Department of Justice (DOJ) at iba pang kaugnay na ahensya ay magbibigay ng “preferential attention” sa mga reklamong may kinalaman sa vote-buying upang ang mga kaso ay mabigyan ng mabilis na resolusyon.

 

 

Aniya, ito ay sa loob lamang ng limitadong panahon kung saan “panahon lamang ng halalan”.

 

 

Sinabi ni Guevarra na inatasan niya ang National Prosecution Service na bigyan ng preference ang mga reklamo na may kaugnayan sa vote-buying at ang Public Attorney’s Office para tulungan ang mga indibidwal na maaaring gustong magsampa ng mga reklamo.

 

 

Bumuo ang gobyerno, partikular na ang Commission on Elections (Comelec), ng inter-agency task force na tinatawag na “Kontra Bigay” para harapin ang mga isyu sa pagbili ng boto noong Mayo 9 na botohan.

 

 

Sa task force, sinabi ni Guevarra na umaasa siyang mas maraming tao ang lalakas loob na mag-ulat ng mga insidente ng pagbili ng boto, dahil “napakalimitado” lamang ang bilang ng mga indibidwal na nagsampa ng mga kaso.

Russian tankers na naglalaman ng crude oil at petroleum products, mabilis umanong naglalaho mula sa mapa

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULA NANG  lusubin ng Russian forces ang Ukraine, naapektuhan ang global energy market dahil sa isa ang Russia sa largest oil producer.

 

 

Lumitaw din ang de facto embargo sa Russian oil dahilan kung saan ilang mga oil companies, trading houses , shippers at banks ang umatras na.

 

 

Subalit mayroong ilang sinyales na ilang mga potential buyers ang interesado sa Russian energy ng palihim.

 

 

Habang nagpapatuloy ang giyera sa Ukraine, ang russian tankers na naglalaman ng crude oil at mga produktong petrolyo ay mabilis umanong naglalaho mula sa tracking systems.

 

 

Sa tinatawag na dark activity kung saan ang ships transponders ay nakaturned off ng ilang oras pinaniniwalaan ng US officials na isang deceptive shipping practice na karaniwang ginagamit para matakasan ang ipinapataw na sanctions.

Duterte sa PDEA: Bilang ng illegal drugs na nakapasok sa Pinas, ireport sa ICC

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAGSUMITE ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency at iba pang law enforcement agencies ng report sa International Criminal Court (ICC) tungkol sa bilang ng tonelada ng ilegal na droga na nakapasok sa bansa.

 

 

Kabilang umano sa ilalagay sa report ang toneladang shabu na araw-araw ay dumadagsa sa Pilipinas, sa kabila umano ng ginagawa ng gobyerno ay talagang marami pa rin ang droga sa bansa.

 

 

Sa kabila nito, iniulat naman ni DILG Secretary Eduardo Año sa Pangulo na mayroong 1,162 anti-illegal drug operations ang mga otoridad simula Marso 20-26 kung saan mayroong 72 indibidwal ang personal na sumuko, 167 katao naman ang naaresto.

 

 

Wala namang naiulat na nasaktan sa mga nasabing police operations habang may P453,203,447 halaga ng droga ang nakumpiska.

 

 

Samantala, pansamantala munang sinuspinde ng ICC ang imbestigasyon laban sa crime against humanity ng war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatawag ng huling Cabinet meeting para pormal na makapagpa­alam bago ang kanyang pagbaba sa puwesto sa Hunyo.

 

 

Sa meeting sa mga opisyal ng gobyerno sa Davao, nagpasalamat si Duterte na ika-16 pangulo ng bansa, sa mga miyembro ng kanyang Gabinete ngayong nalalapit na ang May elections at pagtatapos ng kanyang anim na taong termino.

 

 

“Salamat, and it has been a very exhilarating atmosphere, joining with you in government. Salamat. Magkita-kita pa rin tayo,” sabi ni Duterte sa recorded meeting niya na inere kahapon.

 

 

“Yung cabinet, there may be the last meeting just to say hello and goodbye. Salamat po,” dagdag niya.

 

 

Nauna na rin sinabi ng Pangulo na naghahanda na siya sa pagbaba sa puwesto para madali ang transition ng susunod na Pangulo matapos ang eleksyon. (Daris Jose)

Jake Paul inalok sina Smith at Rock ng tig-$15-M para magharap sa boxing ring

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INALOK ni boxing promoter Jake Paul sina Will Smith at Chris Rock na maglaban sa boxing ring.

 

 

Kasunod ito sa kontrobersyal na pananampal ni Smith kay Rock sa Oscar’s Award nitong Lunes.

 

 

Sinabi ni Paul na mayroon siyang inilaan na $15 milyon sa bawat isa para matuloy lamang ang laban.

 

 

Dagdag pa nito na maaring gawin nila ito sa buwan ng Agosto bilang undercard sa laban niya.

 

 

Hindi naman binanggit ni Paul kung sino ang maaring makaharap nito sa Agosto.

 

 

Magugunitang humingi na ng paumanhin si Smith sa Academy Awards dahil sa ginawa nitong pananampal sa kapwa nitong actor.

 

 

Nagbunsod ang pananampal nito ng magbiro si Rock sa asawa ni Smith na may sakit.

DA, naglaan ng P7-M ayuda para sa mga magsasaka, mangingisda na tinamaan ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal

Posted on: April 2nd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P7 milyong piso para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa Batangas na apektado ng kamakailan lamang na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

 

 

Sa Talk to the People, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, may nakahanda na silang tulong para sa 1,561 magsasaka at mangingisda, ilan sa mga ito ay inilikas sa mga barangay Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo.

 

 

“Ang ating pong regional offices at  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), naghanda ng P7 million na handa po nating ipamigay,” ani de Mesa.

 

 

Kabilang sa ipamimigay na tulong ng DA ay ang 1,401 bags ng inbred seeds, 500 kilograms ng glutinous corn, 250 kgs ng iba’t ibang vegetable seeds, at 1.5 milyong tilapia at fingerlings.

 

 

Subalit, sakali’t magkaroon na naman ng kaso ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal, sinabi ng DA na maglalaan sila ng hanggang P200 million na karagdagang tulong mula sa quick response fund ng departamento.

 

 

Bukod dito, sinabi pa ni de Mesa na ipinalabas na rin ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget na inilaan para sa iba pang programa ng DA.

 

 

“Inilabas na po ng DBM ‘yung ating  P500-million fuel discount program at ‘yun pong ating  Rice Farmers Financial Assistance ngayong taon na nagkakahalaga po ng P8.9 billion. Ito po ay malaking tulong kung sakaling magpapatuloy ang problema ng Taal Volcano,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, nananatili namang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Bulkang Taal mula nang magkaroon ng phreatomagmatic eruption noong Marso 26, dahilan para ilikas ang 3,000 residente sa kalapit-barangay. (Daris Jose)