• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 14th, 2022

BAGONG OBISPO NG CEBU, ITATALAGA SA AGOSTO 19

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG  italaga bilang bagong Obispo ng Archdiocese of Cebu si Bishop-elect Ruben Labajo.

 

 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa pagkakaroon ng isa pang katuwang na obispo sa nasabing  Archdiocese.

 

 

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop Palma, mahalaga ang pagkatalaga ni Bishop-elect Labajo  upang makatulong sa pangangasiwa ng may limang milyong populasyon ng mga Katoliko sa lalawigan.

 

 

“Malaking tulong ito, malaking biyaya dahil napakalaki ng [Archdiocese of] Cebu at alam natin ‘yung mga pastoral ministry na kailangan ng serbisyo ng obispo kaya nagpapasalamat kami sa Diyos at sana sabayan ninyo kami nitong pasasalamat,” pahayag ni Archbishop Palma sa Radio Veritas.

 

 

Ang pagdiriwang ng ordinasyon ni  Bishop-elec Labajo ay sa August 19, ganap na ika-siyam ng umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral.

 

 

Nanawagan din si Archbishop Palma sa pananampalataya nang patuloy na panalangin sa mga pastol ng simbahan upang manatiling matatag sa kanilang tungkulin na paglingkuran ang mamamayan tulad ng mga halimbawa ni Hesus.

 

 

“Ipanalangin po ninyo kami mga obispo na maging ganap sa aming tungkulin na talagang ‘servant leader’; ang aming buhay ay buhay gaya ng mabuting pastol na nagsisilbi sa mamamayan,” ani Archbishop Palma.

 

 

June 23 nang italaga ni Pope Francis si Bishop-elect Labajo bilang auxiliary Bishop ng Cebu katuwang ni Archbishop Palma at Bishop Midyphil Billones.

 

 

Buong kababaang-loob namang tinanggap ng bagong talagang obispo ang bagong misyon sa simbahan.

 

 

Sa halos 30-taong pagiging pari ilan sa mga ginampanan ni Bishop-elect Labajo ang pagiging Parish vicar sa Mandaue City, Santa Fe Parish sa Bantayan Island, at St. Joseph Parish sa Tabunok Talisay, Cebu Metropolitan Cathedral, habang noong 2017 naging bahagi ang pari sa Council of Consultors, Episcopal Vicar sa unang distrito ng arkidiyosesis at kasapi ng Presbyteral Council.  (Gene Adsuara)

Maraming natuwa at naka-relate na celebrity friends: ANGELICA, overwhelmed sa nararamdaman ngayong papalapit nang maging isang ina

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA latest Instagram post ni Angelica Panganiban, naging emosyonal siya nang ibinahagi ang kaligayahang nararamdaman ngayong nalalapit na siyang maging isang ina.

 

Caption ng aktres, “Habang nakaupo sa binubuong nursery… bigla na lang akong naiyak.. napaka overwhelming ng lahat ng ito. Ganito pala ang pakiramdam ng makumpleto ka.

 

“Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit nakakatakot, hindi ka pala magdadalawang isip magbigay lang ng magbigay. Ang sarap makaramdam ng purong pagmamahal. Ganito pala yung pagmamahal ng ina.”

 

“Abot langit ang pasasalamat sa lahat lahat 🙏”

 

Dumagsa naman ang mga mensahe, kasama na rito ang kanyang celebrity friends:

Comment ni Bea Alonzo, “I’m so happy for you, Angge ❤️ You deserve all the love and happiness 😘”

 

Say naman ni Anne Curtis, “So so happy for you kambal.”

 

“Napakasarap!!!!!”, ang nasabi ni Jolina Magdangal, habang si Camille Prats ay, “Awww sis 🥰🥰 walang katulad. ❤️”
“”Congratulations! Naalala ko nung una kitang nakatrabaho sa Familia Zaragoza! Baby ka pa noon. I’m very happy for you, @iamangelicap 💕, sabi naman ni Zsa Zsa Padilla.

 

Comment ni Cherry Pie Picache, “❤️❤️❤️🙏 God loves you and Greg!!! At sure ako, you will be one of the super ina.”
Say naman ng mga marites:”

 

“Go mumsh! Deserve na deserve mo yang love and happiness mo after everything you’ve been through. I’m still waiting for that kind of happiness hopefully soon dumating narin yan for me.”

 

“Wait until the birth and beyond. Mas lalong nakaka-overwhelm. Wala pa yang nararamdaman mo ngayon Angge.”
“100% true.”

 

“Sobra. Forever na overwhelmed haha. Pagbubuntis, kakaloka. Bagong sanggol, puyat. Malikot na toddler, kaka-haggard. Nagkaisip, sasagot at di susunod sayo minsan. Pero laban lang. Rewarding na nakakabaliw pero sana malagpasan nating mga mudra yung mga hardships.”

 

“Na-inspired sya kay Maxene lol.”

 

“Pero si maxene she needs professional help na siguro. Parang cry for help mga posts niya, at least para sa madla. Pinipilit niya ata sarili niya na she’s okay.”

 

“Natutuwa ako kse mukang nahanap na nya ung peace at true love na matagal na nyang dasurv. Pwera usog.”
“Happy tears kasi yan. Shinishare nya lang na sobrang saya nya ngayon kaya sya ng pic.”

 

“One thing I teach my child is not to cry in public (let alone take a photo or video) kahit pa sa mga taong kakilala niya because people may use it against her. It’s okay to cry but do it alone. Crying is nobody’s business but yours.”

 

“Unconditional love talaga yang napi feel between da mama nd da baby. Yan ang unconditional love na inaasam asam mo kya ka naiyak. Givesung kn sau yan dzai. It ur time to “shine”, hehehe. *wink, wink*”

 

“E sa naguumapaw ang kasiyahan ni Angelica at gusto niyang i-share, bakit ba pati yun kailangan pang bahiran ng kung ano-anong kanegahan? Mga taong nega comments ang default setting ng utak…”

 

“Treasure every moment Angge… ♥️♥️♥️ Ang sarap pag contented sa buhay ano. Simula pa lang yan ang rewards ng pagiging magulang. I’m rooting for you!!!”

 

“At ang lakas ng panalangin kong forever na talaga kayo ni Greg. Naku ha pag sinaktan ka nya baka makutusan ko talaga sya lol. Seryoso, dasurv na dasurv mo lahat ng blessings sizz.”

 

(ROHN ROMULO)

PSG, pinaghahandaan na ang unang SONA ni PBBM

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY ang ginagawang paghahanda ng  Presidential Security Group para siguraduhin ang seguridad na ipatutupad nito para sa gagawing pag-uulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ukol sa estado ng bansa sa darating na Hulyo 25, 2022.

 

 

Sa katunayan, pinangunahan ng PSG ang isang inter-agency meeting sa atas na rin ng bagong talagang PSG Commander na si Col Ramon Zagala.

 

 

Ang miting ay pinangunahan ni PSG Task Force SONA 2022 Commander Col Nelson Aluad ng Philippine Army kasama ang core group.

 

 

Sinasabing, kasama rin sa mga dumalo sa security meeting ang mga kinatawan mula sa iba pang government security agencies at units na nasa ilalim ng AFP, PNP, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Manila Internationa Airport Authority, Civil Aviation Authority of the Philippines, DOH at National Intelligence Coordinating Agency o NICA.

 

 

Kaugnay nito’y inaasahang magsisimula na ring magsagawa ng ocular at walk-throughs ang PSG sa mga susunod na araw at sa mismong araw ng SONA.

 

 

Sa kabilang dako, sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos ay inaasahang ilalahad nito ang kasalukyang lagay ng bansa sa taong bayan gayundin ang  mga hakbang na  ilalatag ng kanyang Administrasyon sa harap ng mga nakaambang hamon at suliranin na kinakaharap ng bansa sa susunod na anim na taon. (Daris Jose)

Gilas Pilipinas nahaharap sa hamon dahil sa mga pagkaka-injury ng mga players

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAHAHARAP ngayon sa isang hamon ang Gilas Pilipinas ilang araw sa pagsisimula ng panibagong windowsng FIBA Asia Cup.

 

 

Ito ay matapos na magtamo ng ankle injury si RJ Abarrientos habang nagpa-praktis.

 

 

Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, na kanilang oobserbahan pa ang 5-foot-11 na si Abarrientos kung tuluyang gagaling ang natamong injury nito.

 

 

Nasa Group D kasi ang Gilas kasama ang Lebanon, India at New Zealand kung saan unang makakaharap nila ang India sa Hulyo 15 sa laro na gaganapin sa Jakarta.

 

 

Ayon kay Gilas coach Chot Reyes, na kanilang oobserbahan pa ang 5-foot-11 na si Abarrientos kung tuluyang gagaling ang natamong injury nito.

 

 

Nasa Group D kasi ang Gilas kasama ang Lebanon, India at New Zealand kung saan unang makakaharap nila ang India sa Hulyo 15 sa laro na gaganapin sa Jakarta.

 

 

Magugunitang inanunsiyo ng Gilas ang mga manlalaro na kalahok sa nasabing torneo na pinamumunuan ng team captain Thirdy Ravena, Will Navarro, Carl Tamayo, LeBron Lopez, SJ Belangel, Geo Chiu, Kevin Quiambao, RayRay Parks, Kiefer Ravena at Poy Erram.

Filipinas nabigo sa Thailand 1-0, nasa pangalawang puwesto ng Group A

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO  ang Philippine national women’s football team na Filipinas sa kamay ng Thailand 1-0 sa 2022 AFF Women’s Championship.

 

 

Dahil dito ay nasa pangalawang puwesto na lamang ang Filipinas sa Group A at nasang unang puwesto ang Thailand sa laro na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa Manila.

 

 

Tiyak na rin ang Filipinas sa semifilnals na makakaharap ang mga top teams ng Group B sa pagitan ng Vietnam o Myanmar.

 

 

Gaganapin din ang semifinal rounds sa darating na Hulyo 15.

 

 

No.1 NBA pick Paolo Bancherro pinatigil muna ng Orlando Magic sa summer league matapos ang 2 impresibong games

 

 

Pinatigil na muna ng Orlando Magic ang pagsali ng kanilang No. 1 pick na si Paolo Bancherro sa ginaganap na summer league.

 

 

Ang pag-pull out kay Bancherro ay kasunod na rin ng dalawang impresibo nitong laro.

 

 

Nagdesisyon ang Magic na pagpahingahin na si Bancherro makaraang mag-average ng 20 points, 6 assists at 5 rebounds sa dalawang games sa La Vegas.

 

 

Sa ngayon nais ng koponan na bigyan din ng tiyansa ang iba pa nilang players na patunayan din na magpakitang gila

 

 

Para naman kay Bancherro kontento na rin siya sa kanyang inilaro kahit panandalian lamang.

PBBM, hinirang si Toni Yulo-Loyzaga bilang DENR Secretary

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, araw ng Martes ang nominasyon ni  Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga bilang Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

 

 

“The President has nominated Ms. Ma. Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga as Secretary of the Environment and Natural Resources. Her nomination will still be subject to the fulfilment of the required documents,”  ayon kay Cruz- Angeles.

 

 

Si Yulo-Loyzaga ay dating  chairperson ng  International Advisory Board of the Manila Observatory kung saan ay itinaguyod nito ang mas maraming scientific research on climate at disaster resilience.

 

 

Siya rin ay  naging  executive director  ng Manila Observatory  at technical adviser ng Philippine Disaster Resilience Foundation.

 

 

Si Yulo-Loyzaga  ay naging  Senior Advisory Board  ng  Command and General Staff College ng AFP.

 

 

Araw ng Lunes, hinirang naman ni Pangulong Marcos si Atty. Raphael Perpetuo Lotilla  bilang Kalihim ng Department of Energy “pending the clarification of his employment status.”

 

 

Si Lotilla ay kasalukuyang independent director ng Aboitiz Power at power firm  na ENEXOR.

 

 

Tinukoy ni Cruz-Angeles ang Seksyon 8 ng Republic Act 7638 o mas kilala bilang  Act Creating the Department of Energy na nagsasaad na “No officer, external auditor, accountant or legal counsel of any private company or enterprise primarily engaged in the energy industry shall be eliglble for appointment as Secretary within two (2) years from his retirement, resignation or separation therefrom.”

 

 

“Thus while the matter is reviewed to determine whether an independent director is considered an officer of the company, Lotilla is considered a nominee,” ayon pa rin kay Cruz-Angeles.

 

 

Si Lotilla ay dating Energy Secretary sa ilalim ng  administrasyon ni Pangulong  Gloria Macapagal Arroyo mula 2005-2007.  Siya rin ay naging  Deputy Director General ng  National Economic Development Authority.

 

 

Si Lotilla ay naging Pangulo rin ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation o PSALM, “the government corporation tasked to manage the privatization of power generation assets, independent power producers contracts and other non-power assets, including the management of financial obligations and stranded contract costs of the state-owned National Power Corporation.”  (Daris Jose)

Pasahe sa barko, gawing abot-kaya

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KASALUKUYANG naghahanap ng paraan ang  Department of Transportation (DOTr) para mabigyan ang mga pasaherong sumasakay ng barko ng “affordable price” para sa kanilang pasahe.

 

 

Sa Laging Handa public briefing,  tinuran  ni  DOTr Secretary Jaime Bautista na base na rin ito sa naging kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos na gawing abot kaya ang pamasahe sa barko at siguraduhing kumportable at ligtas ang biyahe ng mga pasahero.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Bautista na nagbigay na siya ng direktiba para pag-aralan ng mga nangangasiwa sa pantalan ang charges na sinisingil ng mga kumpanya ng barko.

 

 

Ito’y sa harap  ng posibilidad na baka uubrang magtapyas ng pasahe ang mga kumpanya ng barko sa halip na magpataw pa ng pagtaas alinsunod na rin sa gusto sanang mangyari ng Chief Executive.

 

 

Giit pa ng Kalihim,  handa silang tumalima sa nasabing  kautusan ni Pangulong Marcos at gagawin aniya nila ang lahat ng posibleng kaparaanan para maibigay ang mas mababang singil sa pasahe ng mga sumasakay ng barko. (Daris Jose)

Nasa Amerika pa rin para sa ‘Iconic’ concert tour: Talk show nina SHARON at REGINE, inaabangan kung tutugunan ng ABS-CBN

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ROSE Van Ginkel was only 13 nang magsimula siya ng kanyang showbiz career.

 

 

At that time, ang tingin niya sa sarili ay pangit siya. She was beginning to doubt herself kung nasa tamang career ba siya.

 

 

Tinatanong na nga ni Rose ang kanyang sarili kung may kulang ba sa kanya kasi her career seems to be going nowhere.

 

 

“Minsan talaga sa buhay may mga pagsubok pero kung hindi malakas ang loob natin pag nakaranas tayo ng rejection we will feel downtrodden,” sabi pa ng bida ng Kitty_K7.

 

 

Pero siya na rin naman ang nagsabi na worth it rin naman ‘yung naging journey niya sa showbiz.

 

 

At feeling ni Rose, nailabas niya ang talent niya thru Kitty_K7. Pinuri ang acting niya at sinabing pwede siyang mano-nominate for an acting award.

 

 

“Ibinigay ko ang best ko sa movie na ito, especially gusto ko rin naman ipaglaban yung work tulad nito, ‘yung kay Salome, ‘yung pagiging cam girl. Naniniwala rin ako sa mensahe na nais ipahatid ng pelikula.”

 

 

***

 

 

MAMAMATAY ba si Aurora, ang karakter na ginagampanan ni Megastar Sharon Cuneta sa FPJ’s Ang Probinsyano?

 

 

Sa cliffhanger kasi noong Martes ay ipinakitang binaril si Aurora ni Armando.

 

 

Sa susunod na eksena ay nakikita na kalong ni Oscar (Rowell Santiago) si Aurora at sinasabi na bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanilang anak na si Mara (played by Julia Montes).

 

 

Hindi klaro kung mamatay nga ba si Aurora, na unang ipinakilala sa viewers ng FPJ’S Ang Probinsyano noong Disyembre.

 

 

The last time nakausap namin si Shawie, sabi niya lagi raw kaming manood ng FPJAP dahil marami pang magandang mangyayari.

 

 

Kung sakaling tapos na ang participation ni Sharon sa FPJAP, willing kaya gumawa ng teleserye ang Megastar in the future?

 

 

O baka naman mas gusto niya na pelikula naman ang gawin?

 

 

Samantala, nasa Amerika pa rin si Sharon para sa concert tour ng Iconic concert nila ni Ms. Regine Velasquez.

 

 

Inaabangan din namin kung tutugunan ng ABS-CBN ang panawagan nina Sharon at Regine na pagsamahin sila bilang hosts sa isang talk show.

 

 

***

 

 

KATATAPOS lang gawin ni Kych Minemoto ang movie na Pathirsty nang makatanggap siya ng tawag from his manager Direk Perci Intalan na may offer siya from Vivamax.

 

 

Nakipagkita siya kay Direk Perci the next day at doon niya nalaman ang storyline. Laking tuwa niya nang malaman niya na he got the role.

 

 

“Alam ko na magandang opportunity ito for me. Excited ako sa project plus gusto ko rin makatrabaho si direk Mac Alejandre,” kwento ni Kych.

 

 

Sa kwento pa lang ay na-excite na si Kych. Siyempre curious din siya kung paano bubuuin ni Direk Mac ang kwentong isinulat ni Ricky Lee.

 

 

Sa umpisa pa lang daw ay alam na ni Kych na challenge sa kanya to play the role of a young man who will fall for an older woman, na nanay ng best friend niya.

 

 

“Sa phase ng buhay natin bilang teenager, darating ang time na maii-in love tayo sa isang babae na mas matanda sa atin. I am sure maraming teenagers ang makaka-relate sa role ko,” kwento ni Kych.

 

 

Pero ang conflict sa kwento, what if in love sa kanya ang best friend niya who happens to be gay?

 

 

Abangan ang May-December-January this August in cinemas.

 

 

Kasama rin sa movie sina Andrea del Rosario at Gold Azeron.

 

 

(RICKY CALDERON)

 

Pagsusuri sa education curriculum, suportado ni PBBM

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang panukalang suriing mabuti ang education curriculum ng bansa upang ihanda ang mga estudyante na may  skills o kasanayan na kinakailangan ng iba’t ibang industriya at tugunan ang umiiral na  job mismatch.

 

 

Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na napag-usapan sa lingguhang Cabinet meeting, araw ng Martes ang mga concerns hinggil sa “skills at competencies” ng mga manggagawa at paraan kung paano mag-produce ang PIlipinas ng mga graduates.

 

 

“Among the suggestions to address these standing issues include a reform of the current curriculum since the rise of automation has posed a threat to many jobs,” ayon kay Cruz- Angeles.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Marcos ang Cabinet meeting via teleconferencing lalo pa’t siya ay nananatiling nasa isolation matapos na magpositibo sa  testing para sa  COVID-19.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos sa mga miyembro ng kanyang gabinete na ang “basic education skills and knowledge” ay kailangan na mapahusay upang ihanda ang mga estudyante sa hangarin ng mga itong isulong ang  “higher level of learning.”

 

 

“That’s exactly what is happening. That is why we have to look at the curriculum as well. Not only of TESDA (Technical Education and Skills Development Authority), but also even our diploma courses,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa kanyang PowerPoint presentation,  binigyang diin ni Trade Secretary Alfredo Pascual  ang pangangailangan para muling suriin ang education curriculum partikular na ang “basic at tertiary education.”

 

 

“Basic skills must be instilled on students,” ayon kay Pascual sabay sabing  pinaigting ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagsisikap nito na matulungan ang mga unibersidad  na i- develop  ang micro-credentialing systems  upang makahabol sa fast-changing technological advancements.

 

 

“We’re developing or helping universities develop this system of micro-credentialing because technology is changing very fast. There is a need for workers to update themselves, to reskill or upskill,” ayon kay Pascual.

 

 

Tinukoy naman ni Pascual ang kaso ng National University of Singapore  na nag-alok ng “focused but short courses” sa ilang teknolohiya at pinagkalooban ang mga estudyante ng micro-credential, kahalintulad ng  diploma subalit para sa isang short course.

 

 

Ipinanukala naman ng DTI secretary ang pangangailangan para sa PIlipinas na magpadala ng mga  Filipino teachers sa ibang bansa para sa pagsasanay.

 

 

“Vietnam, for example, sends teachers to the United States and Europe for advanced studies,” anito.

 

 

Samantala,  upang matugunan ang kasalukuyang job mismatch, sinabi ni Pascual na ang DTI ay dapat na makipagtulungan sa Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at TESDA.

 

 

“We will also collaborate with the said entities or authorities, the skills development, reskilling and upskilling of Philippine workforce through our own Philippine Skills Framework,” ayon kay Pascual. (Daris Jose)

Bina-bash dahil sa role bilang Imelda Romualdez-Marcos: Tweet ni RUFFA, madaling nai-konek na ang pinatatamaan ay si Congresswoman GUANZON

Posted on: July 14th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG daming kapwa niya artista at mga kaibigan na rin na nagpapahayag na “proud” sila sa naging desisyon ng actress na si Bela Padilla at sa mga nagagawa nito sa kanyang personal at propesyonal na buhay.

 

 

Ilan sa mga ito ay sina Agot Isidro, Dani Barretto, Kean Cipriano, Jake Cuenca at iba pa.

 

 

Isang taon na rin pala simula nang magdesisyon si Bela na umalis muna ng Pilipinas at manirahan sa Europe kunsaan, nando’n din ang kanyang Swiss boyfriend na si Norman Bay.

 

 

At bilang pag-alaala sa isang malaking desisyon na ginawa niya last year, nag-post si Bela ng mahabang caption sa Instagram at ipinost din ang video kunsaan, bumalik daw siya sa unang lugar na pinuntahan niya sa Zurich.

 

 

Sabi ni Bela, “This time last year, I left my comfort zone. I flew to Europe with the intention of living in London by September 2021. And I did it to commemorate the year that passed, I went back to the first place I landed in last year—Zurich. One year after and I’m not afraid to get into cold water anymore.”

 

 

Kapag may nagtatanong daw siya, sinasabi raw niyang jobless siya. Pero proud si Bela na sa isang taon, ang dami niyang na-achieve kahit sa career niya.

 

 

“When I’m asked what I do for a living, I often joke that I’m jobless or that I’m on a sabbatical. But in the last year, I released my directorial debut ‘366’, wrote two scripts that are non in preproduction, invested in things and people I believe in, started a business (@amberandaqua) with my friend, met amazing people who do what they love, I attended events I would only just see on social media, travelled to cities and countries I only imagined in our taping tents and have experienced life more than I ever have before.

 

 

“I was discovered to be an actress at 16. Now 15 years later, I feel like I’m finally experiencing what it is truly like to be me, not my characters, just me. And I have such a great group of people around me constantly pushing me forward.

 

 

“I celebrate this move with an even more persistent drive, looking forward to what’s next. Take this sign to go to unchartered territories and to really live your life.”

 

 

***

 

 

INAMIN naman na ni Pokwang na hiwalay na sila ng partner at ama ng anak na si Malia na si Lee O’ Brian.

 

 

Pero seven months na nga naman since naghiwalay sila kaya masasabing okay at masaya na siya.

 

 

Kaya naman sa bago niyang show sa GMA-7, ang “TikToClock” na siyang papalit sa time-slot ng “Mars Pa More,” sinigurado ni Pokwang na hindi magiging hadlang ano mang pinagdaanan niya para maging happy lang siya at siyempre, ang magpasaya rin ng audience.

 

 

At kung sa tanong kung sinasara na ba niya ang puso niya para sa panibagong pag-ibig, tahasang sinabi ni Pokwang na, “Ay, hindi ko kinokontra si God. ‘Wag natin siyang kinokontra. Inilalagay ko na lang lahat sa kanya.

 

 

“Bahala ka na po, bahala ka na God. Maghahanap-buhay po muna ko. Kayo na po ang bahala.”

 

 

Sa isang banda, ang mga blessing at opportunity nga naman na dumarating sa kanya ay sapat na para hindi siya malungkot. Sey rin niya, perfect timing daw talaga ang pagiging Kapuso niya.

 

 

Sa “TikToClock” naman, magkakasama-sama sina Pokwang, Kuya Kim Atienza at Rabiya Mateo bilang mga host.

 

 

***

 

 

MADALING nai-konek ng mga netizens na ang pinatatamaan ni Ruffa Gutierrez sa kanyang tweet ay si Congresswoman Rowena Guanzon.

 

 

Ito ay sa isyu sa pagitan nila ngayon.

 

 

Ang tweet ni Ruffa, “Woke up today realizing that not all students who went to elite universities have manners. May pinag-aralan nga, asal kanto naman. Gosh…”

 

 

Wala naman siyang binigay na pangalan kung sino man ang pinatutungkulan niya rito. Pero dahil ang pinaka-latest na nagkaroon siya ng issue ay si Cong. Guanzon, siyempre, hindi maiaalis na may mga nag-assume na posibleng ito ang pinatatamaan niya.

 

 

Sa totoo lang, biglang naging maingay ngayon si Ruffa. Nang ma-link sila ni former Q.C. Mayor Herbert Bautista, pinag-usapan din, pero hindi kasing-init ngayon dahil this time, ang dami rin bashers ni Ruffa.

 

 

Nang basahin namin ang mga comments sa kanya, it’s more on pag-accept niya ng role ni Imelda Romualdez-Marcos sa pelikula ng VIVA Films.

 

 

Sey ng ilang netizens, “Eh ikaw nga feeling elite pero kukuha ng role ng isang convicted na magnanakaw 🤣 mukhang pera yarn.”

 

 

“Mas nakakahiya ung may pinag-aralan, may access sa education pero enabler ng mga sinungaling at magnanakaw. Pera pera nalang.”

 

 

“May pa english english nga diyan pero hindi alam ang kasaysayan. Tulad mo po. Enabler ng magnanakaw, diktador ng bansa.”

 

 

“Yung iba nga ang taas ng pinag-aralan pero ang sinusuportahan yung kurakot at magnanakaw eh!”

 

 

 

(ROSE GARCIA)