• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 27th, 2022

Kaya waging Scariest Costume sa ‘The Sparkle Spell’: MIGUEL, pinapangit at nagmukhang weird pero labas pa rin ang kaguwapuhan

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISA si Kokoy de Santos sa mga artista na marunong magpahalaga sa kanyang mga fans o supporter o tagahanga.

 

 

“Mahal ko talaga sila,” bulalas ng guwapong Sparkle artist.

 

 

“Kasi bilang ako nga fan din ako, marami rin akong hinahangaan and yung feeling na pag napapansin ako ng hinahangaan ko parang ano siya e, ibang klaseng experience.

 

 

“Parang lifetime mo siyang bibitbitin so ako bilang andito ako sa posisyon ko ngayon na may mga tagahanga naman kahit papaano, as in ang mga Kolokoys ko, papansinin ko sila.

 

 

“Kung kaya ko lang silang isa-isahin. Pero hindi kaya e, hindi talaga kaya,” at natawa si Kokoy.

 

 

“So hangga’t maaari nag-e-engage ako sa kanila lagi lalo na kapag in person, sa social media hindi rin masyado e, di ba?

 

 

“So bakit hindi, di ba? As a fan,” ang nakangiting sinabi pa ni Kokoy.

 

 

Noon ngang mall show nila para sa ‘Running Man Philippines’, may mga fans na nag-eroplano pa paluwas ng Maynila para lamang makita ng personal si Kokoy.

 

 

“Masaya, masaya, di ba? Actually pinangarap ko talaga na makapag-perform sa harap ng maraming tao.

 

 

“Ano ba naman yung magbalik ka, parang wala namang ginawa ‘tong mga taong ‘to para hindi mo pansinin, gumastos sila, nag-effort sila para makita ka you mighty as well give back sa ganung way.”

 

 

Nakausap namin si Kokoy sa GMA/NCAA All-Star Celebrity Basketball sa FilOil EcoOil Center sa San Juan.

 

 

Bukod kay Kokoy ay naglaro rin ang mga Sparkle/Kapuso stars na Jeric Gonzales, Prince Clemente, Kirst Viray, Jose Sarasola, at ang mga PBA legends na sina Marlou Aquino at Willie Miller at ang muse nilang si Shaira Diaz.

 

 

Nasa ibang koponan naman sina Pancho Magno, Migs Villasis, Raheel Bhyria at ang mga PBA legends na sina Jerry Codiñera at Allan Caidic at ang muse nilang si Lianne Valentin at ang mga NCAA athletes.

 

 

Dumalo rin ang GMA RTV & Synergy First VP and Head na si Oliver Amoroso.

 

 

***

 

 

PINAPANGIT, pinagmukhang weird pero lumabas pa rin ang kaguwapuhan ni Miguel Tanfelix sa nakaraang ‘The Sparkle Spell’ na pinakaunang Halloween party ng Sparkle GMA Artist Center.

 

 

Napagkamalang si Johnny Depp aka Edward Scissorhands (mula sa 1990 film), mula sa buhok, expression ng mukha, makeup, outfit at mga gunting sa kamay!

 

 

Ang magandang costume ni Miguel ay disenyo at styling ni Macky Combe, at ang buhok niya ay ini-style ni Mark Familara at ang kanyang makeup ay likha naman ni Janica Cleto.

 

 

Kaya naman hindi na nakakagulat na naiuwi ni Miguel ang award bilang Scariest Costume kagabi sa The Sparkle Spell na ginanap sa XYLO sa BGC sa Taguig.

 

 

Samantala, finale na ngayong linggo ng ‘What We Could Be’ na pinagbibidahan nina Miguel at Ysabel Ortega with Yasser Marta.

 

 

Pero feeling namin hindi naman mami-miss ni Miguel si Ysabel dahil palagi pa rin silang magkasama dahil tila may something na nga sa dalawa at bukod doon ay sila rin ang magkasama sa upcoming ‘Voltes V Legacy’ ng GMA.

(ROMMEL GONZALES)

China envoy, masaya dahil mapayapang nakapangingisda ang mga mangingisdang Pinoy, tsino sa South China Sea at West Philippine Sea

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Chinese Ambassador Huang Xilian na masaya siya na magkasundo  na nangingisda mga mangingisdang Filipino at intsik sa South China Sea at West Philippine Sea.

 

 

Sa lingguhang Pandesal forum, tinanong si Huang kung ano ang gagawin ng Chinese government para mapahusay ang situwasyon ng mga filipinong mangingisda sa pinagtatalunang lugar sa South China Sea at West Philippine Sea.

 

 

“I’m happy to see that fishermen from both countries have been fishing at the sea peacefully and actually they have been getting along,” ayon kay Huang.

 

 

“While we are managing differences, we are also working to promote maritime cooperation between our two countries,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ani pa ni Huang, naniniwala sila na  mapakikinabangan sa hinaharap o mga darating na panahon  ng mga mangingisda ng dalawang bansa ang  maritime cooperation.

 

 

Gayunman, may ilang  Filipinong mangingisda ang  nagbahagi ng kanilang karanasan hinggil sa agresibong aksyon ng mga mangingisdang tsino sa “disputed sea.”

 

 

Samantala, naniniwala naman si Huang na ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa para sa oil at gas exploration ay makatutugon sa energy demand ng Pilipinas at China.

 

 

“We do believe that our cooperation in oil and gas will help meet the need of our two countries of energy. We are ready to work with this administration. We hope that we will find some way out to handle the remaining differences so that we could begin that kind of oil and gas common developments in an early date so that it can benefit our people and our two countries as early as possible,” wika nito.

 

 

Matatandaang, sinuspinde ng Pilipinas ang oil at gas exploration sa South China Sea, habang tinatangka na magkaroon ng pakikipagkasundo sa China sa isang joint energy project.

 

 

Ang drilling ay pinahintulutang ipagpatuloy noong Oktubre 2020, makaraang alisin ang isang 2014 moratorium.

 

 

Inaasahan na ang desisyon ni dating  Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay magpapabilis sa pakikipag-usap sa Beijing tungkol sa joint exploration sa lugar na pinaniniwalaang nagtataglay ng mayamang deposito ng langis at gas.

 

 

Ngunit ang mga lokal na kumpanyang sangkot sa dalawang proyekto sa labas ng lalawigan ng Palawan ay inutusang muling huminto.

 

 

Tinutulan ng energy department ng Pilipinas ang nasabing desisyon, at batay sa kanilang argumento . . . “a geophysical survey is a perfectly legitimate activity in any disputed area”.

 

 

Sinabi ng foreign affairs department na sinusubukan nitong kumpirmahin ang media reports, na sinubaybayan ng lihim ng isang Chinese coast guard vessel ang Philippine survey vessels ng proyekto kamakailan. (Daris Jose)

PBBM, gustong baguhin ang pagtutok sa general public health sanhi ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni  Pangulong Ferdinand  Marcos Jr.  na baguhin ang pagtutok sa mga alalahanin na may kinalaman sa general public health  bunsod na rin ng pagtaas ng bilang ng iba’t ibang sakit maliban sa  COVID-19 sa bansa.

 

 

Nabanggit ng Pangulo ang bagay na ito sa pakikipagpulong nito kay World Health Organization director general Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus, na nag-courtesy call sa kanya, araw ng Martes.

 

 

“During their meeting, Marcos emphasized the necessity of finding a balance between the economy and people’s safety during the meeting, citing the effectiveness of the government’s COVID-19 vaccine campaign,” ayon sa Office of the Press Secrtetary (OPS).

 

 

“The President also called for a renewed focus on general public health concerns as cases of other diseases increase,” dagdag pa nito.

 

 

Sa ulat, tumaas na kasi ang bilang ng iba’t ibang sakit sa bansa gaya ng cholera, measles, rubella, leptospirosis, at dengue.

 

 

Base sa data of the Department of Health (DOH), may kabuuang  3,729 cholera cases  ang naitala sa bansa simula Enero  2022, sinasabing 282%  ang itinaas kumpara sa data sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

 

 

Tinuran pa ng departamento, may kabuuang 450 measles at rubella cases  ang naitala mula Enero 1 hanggang Setyembre 17, 2022,  na 153% ang itinaas kumpara sa mga naitala ng kaparehong panahon noong nakaraang taon na 178 cases  lamang.

 

 

Para sa leptospirosis, sinabi ng DoH  na mayroong  1,770 cases  ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 27 ngayong taon , 36%  ang itinaas kumpara sa naitala sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon na mayroon lamang  1,299 cases ang naitala.

 

 

Samantala,  mayroon namang kabuuang 118,785 dengue cases ang naitala mula Enero 1 hanggang Agosto 13, 2022, na 143% ang itinaas kumpara sa naitala ng kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

 

 

Maliban naman kay Tedros, nakipagpulong din ang Pangulo kay dating United Kingdom Prime Minister Tony Blair sa hiwalay na courtesy call sa Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

Si Tedros ay nasa Pilipinas para magpartisipa sa 73rd World Health Organization Western Pacific Regional Committee Meeting (WPRCM) sa Maynila mula Oktubre  24 hanggang 28.

 

 

Kasama ni Tedros sa meeting nito kay Pangulong Marcos  sina WHO Chef de Cabinet Dr. Catharina Boehme at Director of Programme Management Dr. Corinne Capuano ng WHO Western Pacific Regional Office.

 

 

Kasama naman ng Pangulo si  Special Assistant to the President (SAP) Secretary Antonio Lagdameo Jr. Lagdameo at Department of Health officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire. (Daris Jose)

Tineg, Abra niyanig ng magnitude 6.7 na lindol

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NIYANIG ng magnitude 5.8 na lindolo ang Tineg, Abra.

 

 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naramdaman ang lindol dakong 10:59 ng gabi na may lalim na 28 kilometers.

 

 

Naramdaman ang intensity 5 sa Sinait, Ilocos Sur at Intensity 4 sa lungsod ng Baguio.

 

 

Pinawi naman ng PHIVOLCS ang banta ng tsunami at patuloy ang ginagawa nilang pag-assess sa pinsala ng nasabing lindol.

 

 

Samantala, 10 sugatan sa Ilocos Norte, naitala pagguho ng lupa at pagkasira sa simbahan dahil sa malakas na lindol.

 

 

Ginunlantang ang Ilocos Norte matapos ang 6.7 magnitude kagabi na sumentro sa Tineg, Abra kung saan sa lungsod ng Laoag ay may 10 karpintero ng Dap-ayan Commercial Building na proyekto ng provincial government ang sugatan.

 

 

Sa paglilibot sa mga pangunahing kalsada sa lungsod ng Laoag ay nakita ang mga maraming tao na nagsilabasan sa kanilang mga bahay dahil sa takot at sa aftershocks.

 

 

Ayon kay Michael Macabenta, isa sa mga sugatan, nagulat na lamang umano siya dahil sa sigaw ng kanyang mga kasama dahilan para agad magtakbuhan.

 

 

Sinabi nito na noong lumilindol na ay hindi na niya alam kung anong posibleng mangyari sa kanila dahil sa panic.

 

 

Ngunit dahil sa biglaang pagkawala ng kuryente ay hindi nila nakita ang kanilang daanan kung kaya’t kasama siya sa gumulong at naapakan.

 

 

Sa Barani-Ben-agan Bridge sa Batac at Batac-Banna Road ay temporaryong isinara dahil sa ng lupa at bitak sa kalsada.

 

 

Sa bayan ng Sarrat, may mga nasira ring bahagi ng isang simbahan sa Sta. Monica Church tulad ng pagbagsak ng mga bricks at pagkasira ng lumang kumbento at bell tower ng naturang simbahan.

 

 

Kasama rin na nasira ay ang imahe ni Hesukristo kung saan natanggal ang kaliwa nitong kamay dahil sa pagkatumba at pagkabasag nito.

 

 

Maliban dito, nasira rin ang welcome arc sa bayan ng Marcos at dahil sa lakas ng lindol ay pumagitna pa sa kalsa ang isang bus.

 

 

Napag-alaman din na may mga natumbang mga medical oxygen at mga iba pang medical equipments sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center.

 

 

Liban nito may mga nasira at gumuho ring bahagi ng nasabing ospital.

 

 

Dahil din sa lakas ng lindol, hindi rin nakaligtas ang Marcos Photo Gallery sa lungsod rin ng Batac kung saan nagsibagsakan ang mga semento na bahagi ng nasabing gusali.

 

 

Dahil sa pangyayari, agad na naglabas ng anunsiyo si Gov. Matthew Marcos Manotoc kagabi na suspindehin ang klase sa lahat ng antas sa parehong pampubliko at pribadong paaralan at maging ang pasok sa trabaho sa lahat ng mga opisina ng gobyerno dito sa lalawigan.

 

 

Ito ay para mag-inspect sa mga infrastructure damages dulot ng malakas na pagyanig ng lindol.

Ads October 27, 2022

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

‘Yakapin nyo naman nanay nyo para sa akin’: BEA, sobrang grateful na i-share ang bonding moment with her mom

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULA sa kanyang Beati Firma farm sa Zambales kunsaan, naka-base na ang ina niya at siyang nangangalaga ng kanyang napakalaki at napakagandang farm, kasama ni Bea ngayon sa Madrid, Spain ang Mommy Mary Anne Ronollo niya.

 

Bukod sa mommy ni Bea, kasama rin nilang nagbabakasyon ang asawa ng kanyang ina.  At base sa mga pictures na ipinost ni Bea at sa kanyang caption, walang-duda na masasaya silang lahat ngayon sa kanilang bakasyon.

 

Natuwa rin daw ang mommy ni Bea sa nabili niyang apartment at marami na raw plano kung paano ito aayusan.

 

“I was finally able to show my mom our apartment in Madrid and she was so happy!  Ang dami nya nang plano on how to fix the place.  I am so grateful I get to share this moment with my mom.  Pangarap ko lang to eh. Yakapin nyo naman nanay nyo para sa akin.”

 

Natatandaan pa namin sa isang vlog ni Bea kunsaan, nag-i-scout pa lang siya ng apartment, isa sa kinokonsider niya ay ang hindi mahihirapan ang ina sa pag-akyat dahil sa disability nito.

 

Mabait na anak talaga si Bea.

***

NAHINGAN din ng komento o pahayag ang Kapuso Primetime King at Presidente ng Aktor sa pinag-uusapang pagba-ban daw ng mga k-drama o other foreign program sa bansa.

 

Naglabas na lang si Dingdong ng kanyang official statement tungkol sa usaping ito nang makausap ng ilang media sa naging renewal of contract niya bilang Ambassador ng MESA restaurant.

 

Ayon kay Dingdong, “My wife loves K drama

We have made some K-drama together in GMA

We met in a Mexicanovela remake

I recently did a K drama remake both in TV and film.

 

“I understand that with digitalization, the stage for film and TV artists have instantly gone global. It is inevitable to compare. 

 

“But I have faith in the Filipino talent. I have belief in the capacity of our local talent that if given the proper tools— malayo ang mararating pa natin. 

 

“I agree will Cong. Salceda that we should take inspiration from the economic framework of their entertainment industry without copying the creative output. They are doing a whole of country approach in supporting the arts, and that’s something that we can also do. 

 

“Let’s begin by empowering producers by giving tax breaks. Let start by strengthening Govt agencies which are under the helm of the industry. Let’s continue empowering our local artists, because truly— pang world class ang talento natin.”

 

“But let’s begin by having faith in our own, by loving our own as well.

 

***

 

INILUNSAD na bagong artist ng Merlion Events Production, Inc. at ng Tyronne Escalante Artist Management ang bagong Pop singer na as early as now ay binabansagan na bilang ‘Triple Threat Star’ dahil sa kakayahan nito bilang songwriter, singer at dancer na si Tera.

 

Nakausap pa namin si Tera after ng bonggang launching niya at ayon dito, kung 200 songs lang ay meron na raw siyang composition na nasa cellphone niya.

 

Bata pa lang ay alam na raw niyang ang pangarap at gusto niya talaga ay maging isang singer. Masuwerte si Tera dahil buong-buo ang suporta sa kanya ng mga magulang through their Merlion Events Productions.

 

At sabi nga niya, “I understand that when people hear my background, they will think na ay privilege siya, mayaman siya. But, I wouldn’t be here if it’s not for my talent and my hardwork.”

 

Ang self-composed niyang “Higher Dosage” ang unang single ni Tera at when asked kung sino ang dream niyang makasama o maging leading man, sakali man na pasukin niya rin ang acting, mabilis ang sagot niya na si JM de Guzman.

 

Sa naging launching ni Tera, nakasama rin niya itong mag-perform. Si JM daw kasi, bilib siya sa talent nito at napanood din niya ang karamihan sa naging movie at serye nito.

 

(ROSE GARCIA)

Face mask sa indoor areas, boluntaryo na

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BOLUNTARYO na lang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas.

 

 

Inihayag ito ni Tourism Secretary Christina Fras­co matapos ang ipinatawag na Cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan tinalakay ang mga gaga­wing pagluluwag sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor space.

 

 

Sinabi ni Frasco na maglalabas ang Pangulo ng Executive Order base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force na gawin na lamang optional ang pagsusuot ng face mask bagaman at magkakaroon ng “exceptions.”

 

 

“We have just concluded a Cabinet meeting with President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. together with our fellow Cabinet secretaries. And in that meeting, the matter of the mask mandate policy of the Philippines was discussed. As you are aware, the President has already issued an executive order to make outdoor mask-wearing voluntary all over the Philippines with certain exceptions,” ani Frasco.

 

 

Kabilang sa exceptions ang pagsusuot pa rin ng face mask sa mga pampublikong transportasyon at medical facilities.

 

 

Hinihikayat din ang mga hindi bakunado laban sa COVID-19 na manatiling magsuot ng face mask, maging mga may comorbidities at senior citizens.

 

 

Makakapasok na rin sa bansa ang mga dayuhan kahit hindi bakunado basta magpakita lamang ng resulta ng antigen test, 24 oras bago bumiyahe papuntang Pilipinas o kaya ay mag-antigen test pagdating sa bansa.

 

 

Inalis na rin anya ang requirement sa RT-PCR test bago umalis ng bansa.

 

 

Sinabi ni Frasco na layunin ng Pangulo na makasabay ang Pilipinas sa mga kalapit na bansa sa Asya na nagluwag na ng travel restrictions para makahikayat ng mga turista.

 

 

Hindi naman tinukoy ni Frasco kung kailan magi­ging epektibo ang hindi na pagsusuot ng face mask sa indoor space at mabuti anyang hintayin na lang ang EO ng Pangulo.

PBBM, Cabinet tinalakay ang digital governance, pagpapagaan sa restriksyon

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.  ngayong araw  ng Martes, Oktubre  25 sa kanyang gabinete upang talakayin ang pag-usad ng mga plano ng administrasyon, kabilang na ang pagpapabuti ng pampublikong serbisyo sa pamamagitan ng digital na pamamaraan .

 

 

Sa Facebook post ng Office of the President (OPS) nakasaad dito na pinag-usapan din sa miting ang health protocols ng bansa pagdating sa pagbiyahe at ang panukalang gawing mas maluwag ang travel restrictions sa Pilipinas.

 

 

Inanunsyo ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na ima-mandato ng gobyerno ang paggamit ng electronic arrival (eArrival) card,  scan-and-go system  sa mga paliparan sa bansa simula sa Nobyembre 1, ng taong kasalukuyan.

 

 

Simula rin sa Nobyembre 1, ire-require naman ng  Bureau of Quarantine (BoQ) ang lahat ng  inbound travelers na kumuha ng  eArrival card sa loob ng 72 oras bago ang kanilang  departure o pag-alis mula sa bansang kanilang pinanggalingan.

 

 

Ang mga arriving travelers ay maaaring kumuha ng  eArrival card  sa pamamagitan ng pagpunta lamang sa  website  na onehealthpass.com.ph o sa pamamagitan ng pag-scan ng  QR code na palatandaan  sa poster  na ipinalabas ng Department of Health (DOH).

 

 

Ang paggamit ng  eArrival Card ay maaaring mas maging convenient sa pagbyahe sa bansa dahil aalisin nito ang hindi na kailangang impormasyon na makikita sa One Health Pass system.

 

 

Target naman ng gobyerno ng Pilipinas na gawin pang mas relax  ang “stringent entry protocols” ng bansa para makapanghikayat ng mas maraming turista.

 

 

Sa kabilang dako, sa  weekly vlog ng Pangulo na ipinalabas noong Oktubre 22, hinikayat nito ang mga filpino na galugarin ang kagandahan  ng  Pilipinas para lalong sumigla ang  pagyabong ng ekonomiya ng bansa.

 

 

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo ang pangangailangan na i-promote ang lokal na turismo para makalikha ng mas maraming economic activities  sa bansa.

 

 

Nangako rin ito na ipagpapatuloy ang pagdalo sa  promotional tourism activities sa mga lalawigan at gawin na mas accessible ang mas marami pang lalawigan para sa mga byahero.

 

 

Giit ng Pangulo, tuloy-tuloy  ang gagawin niyang pagpo-promote sa Pilipinas bilang destinasyon na handang i-welcome ang mga  local at foreign travelers.  (Daris Jose)

Tsina, hindi magdadala ng giyera, kolonisasyon sa Pinas- envoy

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na hindi magdadala ng giyera at kolonisasyon ang  Tsina sa Pilipinas.

 

 

Sa halip, ang bibitbitin aniya ng Tsina ay kooperasyon  at pagkakaibigan lalo pa’t ang daan na tinatahak ng Tsina ay modernisasyon.

 

 

Sa kabilang dako, sa gitna ng hindi pa rin nalulutas na usapin ukol sa  South China Sea, naniniwala si Huang na normal lamang para sa dalawang bansa ang magkaroon ng differences o hindi pagkakaintindiha kahit pa ‘neighbors’ pa ang  mga ito.

 

 

“But the key for this is to “place differences in the proper position of China-Philippines relations” as well as “not let them affect or even sabotage the overall situation of the relations between the two countries.”ayon kay Huang.

 

 

Sa Pandesal Forum, nagbigay ng kasiguraduhan si  Huang na bahagi ng peaceful development sa Tsina ay ang  i-promote ang pagsisikap ng Tsina at Pilipinas na kapit-bisig na panatilihin ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.

 

 

“China and the Philippines are good neighbors, good relatives, and good partners, and traditional friendship has a long history,” ayon kay Huang.  (Daris Jose)

Hindi kamay ang nilunok kundi paa na may bakal: ANNE, niresbakan si VICE GANDA at tinawag na matandang ‘ulyanin’

Posted on: October 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAAALIW at hindi talaga pinalampas ni Anne Curtis ang bonggang litanya ni Phenomenal Unkabogable Star na si Vice Ganda noong Lunes sa kanyang Twitter account, na kung saan sinagot nito ang mga paratang isang netizens.

 

 

Isa nga sa naging pasabog na post ni Vice na kinaaliwan ng mga netizens ang nakatutuwang pag-amin niya ng, “TOTOONG MAGKAAWAY KAMI NI ANNE. Matagal na tong alitan na to na di naayos. It’s been 13yrs na di maresolve ang issue kung sino samin ang chaka.

 

 

“And last week nga ay umabot na sa sampalan. Nalunok nya ang kamay ko at till now di ko pa nababawi. I hate anne for life!”

 

 

Nauna nang nilinaw ni Vice ang naging abala siya sa shooting ng upcoming Metro Manila Film Festival (MMFF) entry kasama si Ivana Alawi, na ‘Riding with Tandem’, kaya umaabsent siya sa ‘It’s Showtime’.

 

 

Kaya marami ang naaliw sa pagpatol at pagresbak ni Anne, “Ikaw talaga. Sa edad mong 57 Ulyanin na ha. Hindi kamay nalunok ko. Paa. Paa na May bakal. Pero ok lang ung sez! May 3 ka pa naman natitira.”

 

 

Mukhang pasok na pasok nga ito sa mga netizens dahil nakaaaliw talaga ang mga kalokohan nina Vice at Anne, na palaging nag-aaway sa kanilang social media accounts, na in na in ngayon dahil ilang araw nang trending ang salpukan ng mga vloggers dahil sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino at Zeinab Harake, na kung saan marami talagang nadamay at napuyat noong Linggo nang gabi.

 

 

Na ang latest ay nag-sorry na ang Beautederm endorser na si Zeinab sa mga vloggers na nasangkot sa kontrobersya. Pero tuloy pa rin ang balitaktakan nila ng manager nina Madam Inutz at Herlene Budol.

 

 

***

 

 

WINNER pag natuloy-tuloy at walang kumontra sa act ng pagko-convert ng Sct. Borromeo St. sa Quezon City para maging “HOLLYWOOD LANE” ng Pilipinas.

 

 

Sa pagbabalita ni Dr. Michael Raymond Aragon na founding chairman ng KSMBPI (Kapisanan ng mga Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc.), sina-suggest niya at ini-initiate sa barangay na nasasakupan ng naturang street ang isang ordinansa…

 

 

Ayon kay Doc Aragon, “A City Ordinance converting the entire street of Scout Borromeo located at Barangay South Triangle, District 4, Quezon City into a center/ landmark (“Hollywood Lane” of the Philippines) dedicated to support activities related to filmaking/movie industry, entertainment arts and culture and to provide a FREE ZONE where artists and filmakers alike will be able to shoot and create movies “Permit Free” in the said area/ zone and to allocate funds and resources needed to create, operate, sustain and support this so called “Hollywood Lane of the Philippines ” into a novel tourist spot/destination for both celebrities and their fans from the entire country.”

 

 

Tinalakay ito sa Socmed House Update ng KSMBPI na puwedeng panoorin…