• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 9th, 2022

UN chief sa mga world leaders: Mamili sa climate ‘solidarity’ o ‘collective suicide

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni UN chief Antonio Guterres  na ang sangkatauhan ay nakikipaglaban sa kanilang buhay habang pinaiigting ng climate change ang tag-tuyot,  pagbaha at heatwaves.

 

 

Inihayag ni Guterres sa isinagawang Egypt on curbing global warming na ang international community ay nahaharap sa tinatawag na  “stark choice” sa gitna ng international crises na bumubugbog sa ekonomiya at pag-uga sa international relations— mula  COVID-19 pandemic at pagsalakay ng Russia sa Ukraine hanggang weather extremes.

 

 

“Cooperate or perish,” ang sinabi ni Gutteres sa mga lider na dumalo sa  UN COP27 summit  sa Red Sea resort ng  Sharm el-Sheik sabay sabing  “It is either a Climate Solidarity Pact, or a Collective Suicide Pact.”

 

 

Nanawagan naman si Guterres  ng tinatawag na “historic” deal sa pagitan ng mga mayayamang bansa at umuusbong na ekonomiya  na naglalayong bawasan ang emisyon at panatilihin na mataas ang temperatura  sa ” more ambitious Paris Agreement target of 1.5 degrees Celsius above the pre-industrial era.”

 

 

Aniya, ang target ay dapat na renewable at affordable energy para sa lahat, panawagan sa mga  top emitters, partikular na ang Estados Unidos at  China, na paigtingin pa ang kanilang mga pagsisikap.

 

 

Sa kasalukuyang trajectory, sinabi ni Guterres na “we are on a highway to climate hell with our foot still on the accelerator.”

 

 

“At around 1.2°C of warming so far, impacts are already accelerating on all fronts,” aniya pa rin.

 

 

“Major droughts in the Horn of Africa have pushed millions to the edge of starvation, deadly floods in Pakistan swamped farmland and destroyed infrastructure, causing more than $30 billion in damage and losses according to the World Bank,” ayon sa ulat. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Dagdag sa mga achievements ng 2015 Miss Universe: PIA, proud at puwedeng ipagsigawan na NYC marathon finisher

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN na naman ang achievements ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach dahil certified NYC Marathon finisher na siya.

 

Kaya naman happy and proud siya na pinakita ang kanyang medalya.

 

“I did it! We did it! 🥹,” panimula ni Queen P sa kanyang IG post.

 

“The NYC Marathon wasn’t a race, it was an experience. A life lesson. Probably the best run of my life. I saw and felt so much. I AM SO HAPPY 🥹 and grateful, inspired, humbled, and emotional…lahat na!

 

“This medal represents how important it is that we keep the promises we make to ourselves. To me, it was running because I wanted a new challenge, a new discipline — to be healthier & to step out of my comfort zone, to see how far I can go. I knew it would take time and dedication to achieve it but I wanted to stick to that promise no matter where life or work pulled me.”

 

Pagpapatuloy pa niya, “Over the years, I got used to being at the service of others and most of my decisions revolved around work or pleasing others. This time, I stuck by running a marathon for me. This was my way of taking care of myself. And now, it has enriched my life so much because it has put me in a better place, so I feel recharged & energized to be of service to others.”

 

Marami nga siyang pinasalamatan sa latest achievement niya.

 

“Thank you to my family & friends who tracked me & cheered for me. Especially for patiently waiting long hours as I trained everyday. 😅 my love @jeremyjauncey & @sarahwurtzbach @anellecharity @carlalizardo_ @bianca.guidotti @loveyourself.ph @doctress_vinn @riabrines @bessiebesana

 

“And of course my coach! He’s the best! Gabb @gabbrosario thank you for pushing me and preparing me for this day! ☺️ Sobrang patient niya sakin at sa progress ko 😂

 

“I’m grateful for all the support and cheering on ground and online. I saw your signages, your messages, and posts — kahit sobra yung kaba ko and yung pagod 5 hours in, lumalakas loob ko. 🙏🏼”

 

Pag-aanyaya pa ni Pia, “Please watch out for my reel that documents my journey from training to the finish line…and pwede ko na ring sabihin ngayon: Pia Alonzo Wurtzbach from the Philippines, proudly a NYC marathon finisher 💙🇵🇭 @nycmarathon.”

 

Marami ngang bumati sa ikatlong Miss Universe ng Pilipinas. Umaapaw ding pinusuan at pinalakpakan sa kanyang IG post.

 

Tulad nina Charlene Gonzalez-Muhlach: Congratulations Pia!!! So proud of you!! You are awesome 👏🏻🥰❤️🥰👏🏻
Angelica Panganiban: Congratulations 🙌

 

Karen Davila: Congratulations Pia!!! 🔥🔥🔥 Amazing!!!! And nakakatuwa yung mga placards! 👏🏼👏🏼
Jessy Mendiola: Congrats Queen P!❤️👏

 

Bianca Gonzalez: I watched your Stories.. grabe SO inspiring!!!! Felt every word in this caption too. Congratulations, Pia 🔥🔥🔥

 

KaladKaren: Congratulations Queen P!!!!! Goals ka talaga tacca

 

Tim Yap: GOOSEBUMPS!!!!!! Extremely proud of you, P!!!!!!❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

 

Thia Thomalla: galing 👏🏻👏🏻👏🏻 congratulations @piawurtzbach 😍😍😍

 

Demi-Leigh Tebow: You go girl!!! Goal getter! Congratulations Queen P 🤗💙

 

Ann Colis: BIG WIN!! 🏃🏽‍♀️🙌🏽🏆🍎👏🏽❤️‍🔥 Congratulations P!!

 

Karen Gallman: Such an accomplishment. Well done, queen!

 

Vickie Marie Rushton: Congratulations Queen P!!! 🥹🥹🥹

 

Aya Besamis: Congratulations @piawurtzbach 🙌🙏🏾

 

NYC Marathon: Congrats, Pia! 🥳🥳🥳

 

Kahit maraming natuwa lalo na ang mga netizens, may nagmamaasim na basher nag-comment ng, “Anong kina-espesyal ng nyc marathon sa ibang marathon? If you accomplished a marathon wherever you are even here in ph it is still an achievement.”

 

Kaya sinagot nila ang tanong ng basher at nilait

 

“I think for some to marathon in NYC is a big deal as not all pinoys (marathon joiners) can fly and participate to US.”

 

“The preparation and expenses palang for others siguro is an accomplishment, am I making sense?”

 

“NYC marathon is one of the best marathons in the world. Wag na kasi mag-comment kung wala namang alam sa marathons.”

 

“For one its NYC, & di siya pipitsugin not open for everybody, the best din ang crowd because everyone will be cheering you on, & there are celebrities who would run for charity, & some very inspiring people you’ll meet along the way. You’d understand when you’re actually there & you’ll feel the vibe.

 

“Pait pait mo ano? Una mahirap para sa first timer ang marathon. Pangalawa, special tlga yan dahil may charity silang tinutulungan at pangatlo, New York City yan, if you make it there, you can make it everywhere ika nga nila, tacca! Anyways,Congratulations Pia!!

 

“I ran a Half Marathon a few years back and I cried after finishing. It was an overwheling feeling of exhaustion (my knee gave out early) and feeling proud of your own achievement.

 

“Ano pa kaya kung full marathon like Pia?! Proud of you gurl! Haters will always hate, just be proud of another person’s goals and achievements.”

(ROHN ROMULO)

Mga oil firms halos magkakasabay na nagpatupad ng dagdag bawas sa presyo ng kanilang produkto

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HALOS  magkakasabay ang mga kumpanya ng langis na nagpatupad ng dagdag bawas ng kanilang mga produkto.

 

 

Mayroong P1.40 ang idinagdag sa kada litro ng gasolina.

 

 

Habang ang mayroong P0.50 naman sa bawat litro ng diesel ang ibinawas.

 

 

Nagbawas din ang kerosene ng P0.35 ng kada litro.

 

 

Naunang magpatupad ang Caltex kaninang alas-12:01 ng madaling araw habang ang Petro Gazz, Unioil, Jetti Fuel, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Shell at SeaOil ay kaninang alas-6:00 ng umaga.

 

 

Mamayang alas-4:01 ng hapon naman magpapatupad ng adjustment ang Cleanfuel.

Kiefer Ravena hindi makakasama sa laro ng Gilas kontra Jordan at Saudi Arabia

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na makakasama sa laro ng Gilas Pilipinas sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers ang kanilang veteran guard na si Kiefer Ravena.

 

 

Sa kanyang social media ay ibinahagi nito na sumailalim siya ng emergency dental procedure.

 

 

Nanawagan na lamang ito sa mga fans na ipagdasal at suportahan ang national basketball team ng bansa.

 

 

Bukod kay Ravena ay hindi rin makakasama si Carl Tamayo dahil sa injury nito.

 

 

Makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Jordan sa Nobyembre 11 habang ang Saudi Arabia namna sa Nobyembre 14.

May mga pasabog at sorpresa sa fans: JULIE ANNE at RAYVER, ikukuwento ang love story sa kanilang concert

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IKUKUWENTO nila Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang love story nila sa nalalapit na concert nila na JulieVerse sa November 26 sa Newport Performing Arts Theater.

 

 

Ayon sa “JulieVer” loveteam, nagsimula silang dalawa bilang co-hosts sa show na ‘The Clash’ hanggang sa maging more than friends na ang turingan nila. Kaya naman may mga pasabog at sorpresa ang dalawa bilang pampakilig sa kanilang mga fans.

 

 

“Sobrang excited kaming dalawa kasi first concert namin together, and may pagkakaiba ito sa Limitless. Ito namang Julieverse concert, mas collaborative ‘yung magiging konsepto ng concert. Gusto rin naming ialay ito para sa fans namin,” sey ni Julie.

 

 

Pinagmamalaki ni Julie ang pinakitang effort ni Rayver sa kanilang rehearsals. Ramdam ni Julie sa seryoso ito at gusto niyang lumabas na maganda ang performance nito sa concert.

 

 

“Sa bawat concert, kailangan laging may pasabog. Bagong pasabog ito. But not just me, we will do it together. So excited din ako na siyempre, mapanood din si Ray. Nakaka-proud lang kasi lalo siyang gumagaling, pagaling talaga siya nang pagaling,” may kilig na pahayag ni Julie.

 

 

Bukod kasi sa kanilang Tiktok dance moves, duets, hilig din nina Julie at Rayver na mag-jam sa music sa pamamagitan ng kanilang mga gitara. Si Julie pa raw ang nagturo kay Rayver para lalo pang gumaling sa pagtugtog ng gitara.

 

 

Naikuwento noon ni Rayver na bumili pa raw siya ng gitara dahil gusto niyang masabayan si Julie tuwing may collaboration sila sa Tiktok.

 

 

***

 

 

PERSONAL na tinanggap ni Miss International 2016 Kylie Versoza ang kanyang Best Actress award mula sa Distinctive International Arab Festivals Awards (DIAFA) 2022 sa Dubai, United Arab Emirates. Nanalo si Kylie para sa pelikulang The Housemaid.

 

 

Ang DIAFA ay isang prestigious award-giving body sa Dubai na every year ay ginagawad sa mga nagpakita ng husay sa larangan ng sining, kultura at kawanggawa.

 

 

“It means the world to me. To be awarded here in Dubai feels like a dream come true and such an honor. Today, I feel like winning another crown…and this time to (be) a best actress. Nothing ever beats the feeling of winning something for your own country because of your own hard work,” ” sey ni Kylie sa kanyang acceptance speech.

 

 

Marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Kylie sa naturang festival na dati-rati ay naka-sentro lang sa mga Arab personalities. Ngayon ay bukas na silang magbigay ng parangal sa iba’t ibang nationalities.

 

 

“It is very special so to say because it has always been the Arabs who are flourishing in the industry but we also have good Filipinos that have to be honored. It’s very important … especially in the UAE that they’re focusing on diversity, sustainability and of course the latter stage innovation,” sey ni Glorianne Montefrio, founder ng 5G Project.

 

 

Sey naman ni He Hjayceelyn Quintana, Philippine Ambassador to the United Arab Emirates: “We’re very very proud that we have an awardee for tonight all the way from the Philippines … best actress award … This is one of the best-known awards in Dubai and it’s very important that they are beginning to acknowledge the presence of the Filipinos, the talent of the Filipinos, and dynamism of the Filipinos.”

 

 

Inalay nga ni Kylie ang kanyang pagkapanalo sa maraming overseas Filipino workers sa Dubai.

 

 

“Sobrang nakakataba ng puso na in-awardan ako dito sa Dubai kasi, there are around 5 million hardworking Filipinos in Dubai who have sacrificed their time, their efforts, their lives for their country, for their family so I dedicate this award to them,” sey pa ni Kylie.

 

 

***

 

 

PINALALABAS na sa streaming platform na Netflix ang digitally restored and remastered version ng 1982 film ni Ishmael Bernal na ‘Himala.’

 

 

Dahil sa Netflix, mapapanood na ng Gen Z ang isa sa pinagmamalaking pelikula ng ating bansa.

 

 

Bida sa ‘Himala’ ay ang hinirang na National Artist na si Superstar Nora Aunor. Isa ito sa pinaka-iconic film roles ni Ate Guy kunsaan gumanap siya si Elsa, ang probinsyanang nakita ang aparisyon ng Mahal na Birhen sa isang burol at bigla siyang nagkaroon ng kapangyarihang manggamot ng may mga sakit sa kanilang barrio.

 

 

Produced ng ECP or Experimental Cinema of the Philippines, naging official entry sa 1982 Metro Manila Film Festival ang Himala kunsaan napanalunan nito ang 9 awards including Best Picture, Best Director, Best Actress (Nora Aunor), Best Supporting Actor (Spanky Manikan) and Best Supporting Actress (Gigi Duenas).

 

 

Nag-compete ang ‘Himala’ sa Berlin, Venice at Chicago International Film Festivals. Ginawa rin itong stage musical noong 2018 kunsaan ang gumanap na Elsa ay si Aicelle Santos.

 

 

Hinirang naman na Best Film of All Time ng Asia-Pacific Region ang Himala sa 2008 CNN Asia Pacific Screen Awards.

 

 

Pinili rin ang ‘Himala’ ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino bilang Ten Best Films of the Decade.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Ads November 9, 2022

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Official Teaser Poster Unveils for “Shazam! Fury of the Gods”

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

With his cape flowing with the wind, “Shazam! Fury of the Gods” has just unveiled its official teaser poster.

 

 

About “Shazam! Fury of the Gods”

 

 

From New Line Cinema comes “Shazam! Fury of the Gods,” which continues the story of teenage Billy Batson who, upon reciting the magic word “SHAZAM!,” is transformed into his adult Super Hero alter ego, Shazam.

 

 

“Shazam! Fury of the Gods” stars returning cast members Zachary Levi (“Thor: Ragnarok”) as Shazam; Asher Angel (“Andi Mack”) as Billy Batson; Jack Dylan Grazer (“It Chapter Two”) as Freddy Freeman; Adam Brody (“Promising Young Woman”) as Super Hero Freddy; Ross Butler (“Raya and the Last Dragon”) as Super Hero Eugene; Meagan Good (“Day Shift”) as Super Hero Darla; D.J. Cotrona (“G.I. Joe: Retaliation”) as Super Hero Pedro; Grace Caroline Currey (“Annabelle: Creation”) as Mary Bromfield / Super Hero Mary; Faithe Herman (“This Is Us”) as Darla Dudley; Ian Chen (“A Dog’s Journey”) as Eugene Choi; Jovan Armand (“Second Chances”) as Pedro Pena; Marta Milans (“White Lines”) as Rosa Vasquez; Cooper Andrews (“The Walking Dead”) as Victor Vasquez; with Djimon Hounsou (“A Quiet Place Part II”) as Wizard.

 

 

Joining the cast are Rachel Zegler (“West Side Story”), with Lucy Liu (“Kung Fu Panda” franchise) and Helen Mirren (“F9: The Fast Saga”).

 

 

The film is directed by David F. Sandberg (“Shazam!,” “Annabelle: Creation”) and produced by Peter Safran (“Aquaman,” “The Suicide Squad”). It is written by Henry Gayden (“Shazam!,” “There’s Someone Inside Your House”) and Chris Morgan (“Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw,” “The Fate of the Furious”), based on characters from DC; Shazam! was created by Bill Parker and C.C. Beck. Executive producers are Walter Hamada, Adam Schlagman, Richard Brener, Dave Neustadter, Victoria Palmeri, Marcus Viscidi and Geoff Johns.

 

 

Watch the trailer below:

 

 

New Line Cinema presents A Peter Safran Production of A David F. Sandberg Film, “Shazam! Fury of the Gods,” opens in cinemas across the Philippines on March 15, 2023.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #ShazamMovie

(ROHN ROMULO)

Contract packages ng Metro Manila subway nilagdaan

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINAKSIHAN ni President Ferdinand E. Marcos ang paglagda sa contract packages para sa pagtatayo ng Metro subway na siyang magiging isang solusyon sa nararanasang traffic ng mga mamayan sa Metro Manila.

 

 

 

Sinabi President Marcos na ito na ang pagkakataon upang ang mga pamilya ay magkaron ng quality time dahil sa mababawasan na ang matinding traffic sa metropolis.

 

 

 

“This is an end to commuter uncertainties as well as to terrible stories about parents unable to spend quality time with their children due to heavy traffic which is now on the horizon with the eventual launch of the Metro Manila Subway Project,” wika ni Marcos.

 

 

 

Ayon kay Marcos ay ito na ang hinihintay ng mga Filipinos na isang “extremely important flagship project” ng pamahalaan na makakatulong upang ang mga pamilya ay magkaroon ng quality time.

 

 

 

Ang Metro subway ay may habang 33 kilometro na may 17 istasyon na itatayo sa pagitan ng lungsod ng Valenzuela hanggang Food Terminal Inc.sa Bicutan, Paranaque City.  Mababawasan ang travel time mula Quezon City hanggang Pasay City mula 1 oras at 30 minuto na magiging 35 minuto na lamang.

 

 

 

Hindi lamang mababawasan ang travel time kung hindi magkakaroon din ng improvement sa quality ng buhay sa lungsod.

 

 

 

“The cut of course in travel time is also very important. But still, it is to reduce the uncertainty as to when we will get home. We will reduce the terrible stories that we hear of people who no longer see their children because they come home at 1:30 in the morning, and the children are asleep. They have to wake up at 4 o’clock in the morning to get back on the bus to fight with the traffic coming back to work,” dagdag ni Marcos.

 

 

 

Ang proyektong ito ay mabibigyan ng benepisyo ang mahigit na kalahating milyon na mga pasahero kada araw habang magkakaroon naman ng magandang daloy ng tao, goods at services sa kalakhang Maynila.

 

 

 

Nilagdaan ang Contract Package 102 (CP 102) kung saan itatayo ang istasyon sa Quezon Avenue at ang Contract Package 103 (CP 103) kung saan naman itatayo ang istasyon ng Anonas at Camp Aguinaldo.

 

 

 

Sa CP 102,kasama dito ang pagtatayo ng 2 underground na istasyon sa Quezon Avenue at East Avenue at ang paglalagay ng tunneling works. Ang kontrata ay binigay sa Nishimatsu Construction Co. Ltd. At D.M. Consunji Inc. (Nishimatsu-DMCI Joint Venture). Habang ang CP103 naman ay nakuha ng Sumitomo Mitsui Construction Co. Ltd na silang gagawa ng Anonas at Camp Aquinaldo underground station at tunneling works.

 

 

 

Sinabi naman niJapanase Charge d’ Affires ad interim Matsuda Kenichi na ang paglagda sa kasunduan ay isang milestone ng kooperasyon sa pagitan ng Japan at Philippines sa ilalim ng infrastructure development ng programang “Build, Better, More.”

 

 

 

“As we take pride in spurring the Metro Manila Subway Project forward, Filipinos can assuredly rely on Japan to continuously extend our utmost support until this project is successfully completed,” saad ni Matsuda.

 

 

 

Dagdag pa ni Marcos na maraming magandang bunga ang magagawa ng nasabing proyekto kahit hindi pa operational sapagkat ang mga civil works para sa mga contract packages ay makapagbibigay ng milyong trabaho sa mga Filipino. Inaasahang makapagbibigay ito ng 18,000 na trabaho sa panahon ng construction.  LASACMAR

Arcilla kinopo kampeonato ng San Carlos City Nat’l Netfest

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINUNGKIT ni Johnny Arcilla ang isa pang men’s singles Open trophy sa napaikling senaryo sa katitiklop  na PPS-PEPP San Carlos City National Tennis Championships pagkaretiro ni Jose Maria Pague sa second set dahil sa tama sa singit sa Negros Occidental.

 

 

Kinasangkapan ni Arcilla ang pagiging ismarteng beterano sa pagtarak ng 6-3 sa opening set sa diskarteng long baseline rallies at napasakamay ang isa pang kampeonato pagkalipas ng 6-4, 6-4 win kay doubles partner Ronard Joven noong Setyembre sa Puerto Princesa Open.

 

 

Nagmartsa ang top-seeded Davis Cup campaigner sa finals sa 6-4, 6-0 taob kay Jelic Amazona, habang kumayod si No. 2 Pague bago lumusot kay seventh ranked Nilo Ledama, 6-2, 5-7, 13-11, sa semis ng annual event na inisponsoran ni Mayor Rene Gustilo at dinaos kasabay sa pagdiriwang ng lungsod sa Pintaflores Festival.

 

 

Binasag agad ni Arcilla, nine-time PCA Open champion, si Pague sa umpisa at kinipkip ang bentahe sa pakikipagpalitan ng serbisyo sa sa bagong koronang hari ng Buglasan Open sa sumunod na pitong laro. Nag-rally siya pagkaraan sa 0-30 sa pangsiyam at winalis ang huling apat na puntos upang manaig sa set sa tampok na sagupaan  sa week-long event na isinabay sa  juniors division ng event na handog ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.

 

 

Nakipagsabwatan pagkaraan si Arcilla, 42, kay Rodolfo Barquin para idemolis sina Ledama at Bryan Saarenas, 6-4, 6-2, sa pagkumpleto sa ‘twinkill’ sa men’s doubles habang kinopo nina Espie Divinagracia at Joana Tan ang women’s plum kontra kina Rosalie Clelo at Maddy Thomas, 6-2, sa torneong mga inayudahan ng  ProtekTODO, PalawanPay, Unified Tennis Philippines at UTR (Universal Tennis Rating).

 

 

Sumosyo sa top podium finish sina Inno Solo at Andrew Sojor, na nagbida sa Legend’s men’s doubles 40s laban kina Japeth Bartolome at Jojo Enad, 8-7(3); at Danilo Sajonia at Arturo Virata, na kinubra ang 50s diadem sa pagtalo kina Jojie Ansula at Paul Allego, 8-4.

 

 

Si Sajonia rin ang nangibabaw sa Legends men’s singles 45 age-group laban kay Roy Tan, 8-2, habang si Mclean Barraquias ang nananalo sa 35 singles plum sa parehas na iskor kontra Jun Tabura. (REC)

2 most wanted persons, timbog sa Valenzuela

Posted on: November 9th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KALABOSO ang dalawang lalaki na listed bilang most wanted sa Valenzuela City matapos maaresto sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya in relation to SAFE NCRPO sa naturang lungsod.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Jino Gabriel Yu, 18, at  residente ng Brgy. Ugong ng lungsod.

 

 

Ayon kay Col. Destura, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt. Robin Santos ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Yu sa JB Juan St. Brgy. Ugong dakong alas-5:35 ng hapon.

 

 

Ani PLt. Santos, si Yu ay inaresto nila sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5(B) of R.A. 7610 (3 counts).

 

 

Sa Brgy. Gen T De Leon, nalambat naman ng mga tauhan ng Sub-Station 2 at WSS sa joint manhunt operation sa Sitio Kabatuhan Compound 2, dakong alas-10:20 ng umaga ang isa pang most wanted sa lungsod.

 

 

Kinilala ni SS2 Commander P/Major Randy Llanderal ang naarestong akusado bilang si Jimmy Melanio, 43 ng Brgy. Gen T De Leon.

 

 

Si Melanio ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Orven Kuan Ontalan Regional Trial Court (RTC) Branch 285, Valenzuela City, para sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale), and Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug) Art. II of R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

 

 

Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Derictor P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela police sa pamumuno ni Col. Destura dahil sa matagumpay na operation kontra wanted persons. (Richard Mesa)