Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
MARAMI na namang na-bother sa pagpapahiwatig muli ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram post ang planong mag-retire sa showbiz dahil feeling ‘exhausted’ na siya.
Sa kanyang IG post kasama ang screenshot ng isang pahina ng libro, “This is from Joanna Gaines’ new book. The Stories We Tell.
This part really resonated with me because, well, I am 56 now — and I am just undeniably EXHAUSTED.”
Kaya pag-amin ni Sharon, “Retirement is calling. Once in a while I can pop up in a movie or two, a concert or a TV show even a season or a series if it’s not too tiring. But I AM tired… All I wish I could do is be with my family and take care of them. And do all those other things I always wish I could do but just couldn’t find the time for.
“Please pray with me. Thank you so much and I love you all.”
Marami nga ang agad na nag-react lalo na ang mga kaibigan sa showbiz at na kanilang ipagdarasal si Mega. Marami rin ang naka-relate sa kanyang pinagdaraanan.
Comment ni Arlene Muhlach, “Exactly what i want at 54. Thing is, i can’t yet because kids are both still in school.”
Say naman ng isang fan. “Happiness ko ang makita ka lagi sa TV at movies, I grew up watching you lagi Mega, hindi ako ready but deserve mo mega whatever your heart desires, wala ka ng dapat patunayan pa, we love you Mega❤️🫶😘”
Na napansin naman ni at nag-reply ng, “@jasonbradyleong Thank you so much, dear Jason. This means a lot to me.❤️”
Pag-alalala naman ng isa sa malapit kay Sharon, “Atche please take care of yourself. You can’t give what you don’t have. Good on you that you realized the need to slow down and enjoy what matters most your family and loved ones. Sure we’ll miss seeing you on stage or on the big screen but we do understand that you have worked hard all your life and deserve to take it east. Lab you atche ko!!! 💗💗”
“@alethocampo Yes Atche…Wanna rest na so bad but too many obligations pa…I miss you. I love you. Always have, always will.❤️,” sagot naman ni Sharon.
Reaksiyon ng mga netizens…
“She’s been stressing that for the past years.”
“Nakamit na niya ‘yun. Gayahin niya si Maricel (Soriano) o Snooky (Serna), kahit suporting roles, okay lang. Dapat nga sa kanya, lola roles na, eh. Mabibigyan naman siya ng magandang programa ng ABS-CBN pero don’t expect na love team at bida na naman siya.”
“56 is young pa, ha? Sa showbiz, ang dami pang mas older na lagare sa serye at movies but obviously ‘di sila bida. Dadami offer siguro kung mag-level down si Sharon and also cut her TF (common sense).”
“Marami pang projects si Sharon. She is just tired. It’s time to take some rest. Mag-vacation siguro 3 months then do a movie, then vacation then do a TV series, then 3 months then do another movie. Easy lang!”
Pahabol pa ng isa, “Praying for you always. I will always support you no matter what. . Thank you for all the wonderful things you’ve done. Like what I/we always say, walang iwanan. Hanggang dulo. Love you my dear Ate ko @reallysharoncuneta 😘🙏🏻”
Na nireplayan din ni Mega, “@gigi_czarny Awww…you all mean so much to me Gi. Nakakaiyak yung “walang iwanan” talaga…kahit matatanda na tayo tayo pa rin magkakasama at nagmamahalan…I love you.❤️”
Aminado naman kami na true-blooded Sharonian, since 1982, silently supported Sharon through her albums and movies and until now, still completing my collection.
Kaya in my mind, in my heart and in my soul, mula noon at hanggang ngayon, #labyumegahanggangdulo.
For sure, gagawa at gawa ka pa ng maraming characters na tatatak sa mga manonood at tagahanga. And hopefully, more songs, renditions man o original songs, dahil iba pa rin ang tatak Megastar.
Samantala, isa nga pala si Sharon sa pararangalan ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) para sa fifth edition ng The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice), ngayong November 27 sa historic Metropolitan Theatre (MET) in Manila.
Isa si Sharon sa napiling 10 Movie Icons na gumawa ng sariling mark sa entertainment industry lalo na paggawa ng pelikula, Makakasama niya sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Phillip Salvador, Roi Vinzon, Helen Gamboa, Divina Valencia, Elizabeth Oropesa, at Alma Moreno.
(ROHN ROMULO)
PAGKATAPOS na mag-post ni Kathryn Bernardo ng very emotional long letter para sa kanyang Lolo Sir, ang veteran actor na si Ronaldo Valdez, sinagot ito ng actor sa kanyang Instagram account din.
Tinawag niyang pang-forever 5th apo na raw niya si Kathryn.
Sabi niya sa kanyang Instagram post, “Gracious Kathie! Anu b yan? Aga-aga pinaiyak mo ko, kainis ka! Evrythng u said, ryt back at ya! All those feelings, I feel for u as well. I think dis is a mutual admiration society.
“You will now n forever be my very much luvd 5th apo. Know that u will always be in my heart coz ur special to me. Hugz and 1M kisses. Mwa mwa Tsup tsups.”
Sa totoo lang, napakaraming na-touch, na-inspire sa characters nina Ronaldo at Kathryn sa nagwakas na ‘2 Good 2 Be True.’
***
POSIBLE kayang ang ipinost na screenshot ni Heart Evangelista na conversation nila ng kanyang ama, si Rod Ongpauco ay tila pahiwatig na alam ng Daddy niya na may pinagdadaanan siya ngayon?
Nagmarka sa amin ‘yung, “Be Happy” na message o parang command ng daddy niya kay Heart na siyang gawin niya.
Bukod dito, parang bata pa rin talaga si Heart sa Daddy niya na sina-shower pa rin ang kanyang baby girl ng ilang material things na alam niyang makakapagpasaya rito.
Sa chat nila, sabi ng Daddy niya kay Heart, “Buy ka ng sapatos mo christmas gift ko sa iyo. Bayaran ko na lang ‘yon jacket at sapatos mo pagbalik mo.
“Okay be happy c u.”
Nireplayan naman ito ng Heart na, “Awwww thank you!!!:-) hehehe.”
At the “masunurin in her” nga, agad-agad nga raw ay binili na niya ang shoes na Christmas gift ng ama sa kanya.
Sa isang banda, kung totoo na talaga ang mga nakakarating sa amin from reliable source, iba na talaga ang Pasko ni Heart ngayon.
(ROSE GARCIA)
Umiskor si Brook Lopez ng 7 for 9 mula sa 3-point range at umiskor ng 29 puntos nang talunin ng Milwaukee Bucks ang skidding Cleveland Cavaliers, 113-98, noong Miyerkules ng gabi (Huwebes, oras ng Maynila).
Limang sunod na laro ang natalo ng Cavaliers mula nang makipagkarera sa 8-1 simula.
Si Giannis Antetokounmpo ay may 16 puntos, 12 rebounds at walong assist para sa Bucks. Si Jordan Nwora ay may season-high na 21 puntos para tulungan ang Bucks na malampasan ang Cavaliers 45-20 sa bench points.
Si Lopez ay isa sa kanyang career high sa 3-pointers. Ang 7-footer ay gumawa ng walong 3-pointer laban sa Miami noong Nob. 11, 2018.
May tig-23 puntos sina Donovan Mitchell at Darius Garland at nagdagdag si Evan Mobley ng 20 para sa Cavaliers.
Bumalik si Mitchell matapos ang pag-upo sa isang laro na may strained right ankle, ngunit naglaro ang Cavaliers ng pangalawang sunod na laro nang wala si Jarrett Allen dahil sa isang non-COVID na sakit. Nang wala ang kanilang All-Star center sa sahig, ang Cavaliers ay na-outrebound 52-34 at na-outscored ang 21-6 sa second-chance points.
Nawawala sa Milwaukee ang Jrue Holiday (sprained right ankle), Grayson Allen (sprained right ankle) at Wesley Matthews (strained right hamstring). Ito ang ikaapat na sunod na larong hindi nakuha ng Holiday.
Ang Bucks ay wala na sina Khris Middleton (pulso), Pat Connaughton (calf) at Joe Ingles (tuhod), na hindi pa nakakagawa ng kanilang season debut.
Matapos maghabol sa halos lahat ng unang dalawang quarters, nasungkit ng Bucks ang 61-60 abante sa kalahati bago sinira ang laro sa ikatlong yugto.
Ang dunk ni MarJon Beauchamp ay tumapos sa 11-0 run na nagpahaba ng kalamangan ng Bucks sa 77-63 may 7:15 pa sa ikatlong quarter. Naungusan ng Bucks ang Cavaliers 34-18 sa panahong iyon at nanguna ng hanggang 20.
Pinutol ng Cleveland ang kalamangan sa 100-91 wala pang 7 1/2 minuto ang natitira sa laro, ngunit umiskor ang Bucks ng sumunod na siyam na puntos para selyuhan ang panalo.
Si Bobby Portis ay may 10 puntos at 11 rebounds para sa Bucks. Nagdagdag si Jevon Carter ng 11 puntos at walong assist. (CARD)
MARAMING napagkasunduan sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping patungkol sa kooperasyon sa sidelines ng Asia Pacific Economic Cooperation Summit — pero kung napag-usapan ang agawan ng teritoryo sa South China Sea, hindi pa malinaw.
Ito’y kahit sinabi ni Marcos Jr. na gagawin niyang “top agenda” sa naturang bilateral meeting nila ng Beijing sa Bangkok, Thailand ang sigalot sa West Philippine Sea, bagay na “imposible” raw na ‘di mapag-usapan. Wala kasing banggit ng West Philippine Sea sa dalawang pahayag na inilabas ng Palasyo ukol sa naganap na meeting ng dalawang lider.
“It’s the first time that I’ve met President Xi Jinping and I was very happy that we were able to have this opportunity here in the APEC Meeting in Bangkok to have a bilateral meeting,” wika ni Marcos sa isang pahayag, Huwebes.
“The bilateral meetings are really just a kind of getting-to-know-you and that was the same with our meeting.”
Taong 2016 pa lang ay napalunan ng Pilipinas ang artibtration case nito laban sa Tsina pagdating sa jurisdiction sa katubigan at ilang teritoryo sa loob ng South China Sea. Ang West Philippine Sea, na nasa loob ng naturang karagatan, ay idineklarang nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Wika ni Bongbong, napag-usapan nila ang ilang regional issues. Pero “karamihan” daw sa natalakay ay patungkol sa mga plano sa nalalapit niyang state visit sa Tsina sa unang linggo ng Enero 2022.
Aniya, doon na raw pag-uusapan ang detalye ng mga bagay na kailangang upuan ng Maynila at Beijing. Tinawag pa niyang “very pleasant exchange” ang katatapos lang na pagkikita.
Ilan sa mga napag-usapan nina Xi at Marcos Jr. ay ang pagpapalakas at pagpapalawak ng relasyon ng Tsina at Pilipinas, lalo na sa larangan ng:
agrikultura
enerhiya
imprastruktura
people-to-people connections
Palalalimin din daw ang kooperasyon patungkol sa Belt and Road Initiative ng Beijing at “Build, Build, Build” ng Pilipinas, pagtitiyak ng tagumpay ng Davao-Samal Bridge project, atbp.
Napagkasunduan din daw ng dalawa na magkaroon pa ng karagdagang bilateral talks para sa mas komprehensibong pag-uusap sa mga isyu.
Saad naman ng Ministry of Foreign Affairs ng Tsina: “The two sides need to create highlights in cooperation and enhance the quality of cooperation to the benefit of their peoples. China will work with the Philippines to carry forward their friendship and cooperation, commit to national development and rejuvenation, and write a new chapter in China-Philippines friendship.”
Nabanggit din ng China na ukol naman sa mga isyu sa South China Sea, ang dalawang panig daw ay dapat mag-stick sa “friendly consultation.” Dagdag nila: “As two developing countries in Asia, China and the Philippines need to keep strategic independence, uphold peace, openness and inclusiveness, and stay the course of regional cooperation.”
“They should work together to reject unilateralism and acts of bullying, defend fairness and justice, and safeguard peace and stability in the region.”
Wika ni House Speaker Martin Romualdez, signipikante ang pagkikita ng dalawang world leaders lalo na’t malaking trading partner ang Tsina at isang mayor na mapagkukunan ng pamumuhunan.
Matatandaang sinabi ni Marcos sa ika-40 at ika-41 na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Cambodia na nagkakaisa ang mga member states na suportahan ang One China Policy habang ineengganyo ang Beijing at Taipei na resolbahin ang alitan nila nang mapayapa.
Ang One-China Policy ay ang posisyon ng People’s Republic of China (Beijing) na iisa lang ang sovereign state na dapat may pangalang Tsina. Ang Taiwan ay tinatawag ding Republic of China.
DAHIL sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng mga palayan at subdivision kaya nagkainitan sina Senators Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa gitna ng pagdinig ng senado sa 2023 budget ng Department of Agriculture (DA).
Nag-ugat ang sagutan ng dalawang senador matapos tanungin ni Tulfo kay Villar na siyang chairman ng Senate Committee on Agriculture kung ano ang sunod na hakbang ng DA sa naturang isyu.
Idinagdag pa niya na patuloy na lumiliit ang farmland dahil binibili ng malalaking developer at ginagawang residential at commercial land.
Pinabulaanan naman ito Villar at sinabing hindi bumibili ng lupa sa probinsya ang mga developers.
Nabatid na ang Senadora ay nagmamay-ari ng property developer na Vista Land at Lifescapes Inc.
Paliwanag pa ni Villar, ito ang kanilang negosyo subalit hindi sila bumibili ng agricultural lands sa mga lalawigan at walang bibili ng mga bahay sa agricultural lands.
Subalit sagot ni Tulfo, may patunay siya na ang mga sakahan ay ginagawang subdivision kaya ito ang dahilan kaya gusto niyang maipasa ang panukalang National Land Use Act.
Pinutol naman ni Villar ang tanong ni Tulfo kung ano ang magiging aksyon ng DA dito at sinabing saan titira ang mga tao kung hindi magtatayo ng mga subdivisions.
Sagot naman ni Tulfo maraming ibang lugar na maaaring pagtayuan ng subdivision at huwag lang na itake-over ang mga farms. (Daris Jose)
SIMULA sa 2023 asahan na ang dagdag bayarin sa kinokonsumong tubig makaraang aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang rate increase na hiniling ng Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc.
Ayon kay MWSS-Regulatory Office chief regulator Patrick Ty, inaprubahan ng ahensiya ang rate rebasing adjustments ng dalawang kumpanya na ipatutupad mula 2023 hanggang 2027. Ang rate adjustments anya ay ginawa makaraan ang serye ng public consultation hinggil dito mula Hulyo hanggang Oktubre ngayong taon.
Ang rate rebasing ay proseso na isinasagawa tuwing ikalimang taon para suriin ang antas ng singil sa water at sewerage services na kailangang mabawi ng water concessionaires kaugnay sa kanilang gastusin sa operasyon at pagpapahusay sa serbisyo.
Una nang hiniling ng Manila Water ang P8.04 per cubic meter ng tubig simula 2023, P5 per cubic meter sa 2024, P3.25 per cubic meter sa 2025, P1.91 hanggang P3.00 per cubic meter sa 2026, at sa pagitan ng P1.05 at P1.08 per cubic meter sa 2027.
Nakalaan umano ang gagawing rate adjustment ng Manila Water para mapondohan ang P180-bilyong operational requirements nila sa susunod na limang taon.
Hiniling naman ng Maynilad ang P3.29 per cubic meter na water rate adjustment simula sa Enero 2023, P6.26 increase sa 2024, P2.12 sa 2025, at P0.84 hanggang higit P1 mula 2026 hanggang 2027.
Ilalaan naman ng Maynilad ang rate adjustment para sa P150-billion expansion plan na ipatutupad sa loob ng susunod na limang taon.
Sinabi ni Ty na ang hakbang ay upang mabigyan ng mataas na kalidad na tubig ang mamamayan, maayos na sanitasyon at sewerage services. (Daris Jose)
HANDA ang Department of Health (DOH) na magpasailalim sa auditing ukol sa mga biniling COVID-19 vaccines makaraang madiskubre ng Senado na hindi pa ito naisasagawa ng Commission on Audit (COA).
“On the subject of COVID-19 vaccine expenditures, the DOH is ready to coordinate and comply with the COA’s auditing process and provide all required documents available to the DOH in accordance with existing laws,” ayon sa opisyal na pahayag ng DOH.
Sinabi rin ng DOH na handa rin nitong harapin ang anumang imbestigasyon tungkol sa implementasyon ng programa.
“The DOH welcomes any inquiries from our partners in the Congress and the Commission on Audit concerning the DOH’s performance of its mandates,” saad pa ng DOH.
Ipinunto rin ng DOH na bukod sa kanila ay kasama rin sa negosasyon at procurement process ang ibang ahensya tulad ng National Task Force on COVID-19, Department of Finance, at Department of Foreign Affairs base sa RA 11525 o ang COVID-19 Vaccination Law.
Noong Martes, Nobyembre 15, sinabi ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara na hindi pa nagbibigay ang COA ng audit sa COVID-19 vaccines na binili mula 2020 hanggang 2021.
May kabuuang 165,439,563 COVID-19 vaccine doses na ang naibigay sa bansa noong Nob. 15, batay sa COVID-19 vaccination dashboard ng DOH. Marso 1,2021 nang simulan ng Pilipinas ang COVID-19 vaccination program. (Daris Jose)
TOP winner ang ‘On The Job: The Missing 8’ sa katatapos lamang na 45th Gawad URIAN Awards na ginanap noong Huwebes, November 17 sa Cine Adarna ng UP Film Institute.
Humakot ng siyam na awards ang pelikula kasama rito ang Best Picture (ka-tie ang ‘Big Night’), Best Director (Erik Matti), Best Actor (John Arcilla), Best Supporting Actress (Lotlot de Leon), Best Supporting Actor (Dante Rivero), Best Sound, Best Music, Best Editing (ka-tie ang ‘Walang Kasarian Ang Digmang Bayan’), at Best Screenplay.
Nanalong Best Actress si Yen Santos para sa ‘A Faraway Land’, Best Production Design naman ang ‘Kung Maupay Man It Panahon’, at Best Cinematography ang ‘Big Night’.
Nagsilbing host ng awards night sina Butch Francisco at Agot Isidro.
***
HISTORY naman para sa isa sa Manunuri member ng Gawad URIAN na si Butch Francisco dahil tatlong henerasyon ng aktres na ang may URIAN award.
Nauna nang nagwagi si Nora Aunor, sumunod si Janine Gutierrrez at ngayon ay si Lotlot de Leon dahil siya nga ang nagwaging Best Supporting Actress para sa pelikulang ‘On The Job: The Missing 8.’
Kaya naman hindi napigilan ng aktres na mapaiyak habang tinatanggap ang acting award niya mula sa 45th Gawad URIAN.
Sa kanyang speech ay inialay ni Lotlot ang kanyang award sa mga magulang niyang sina Nora Aunor at Christopher de Leon, kay Nanay Sandy Andolong niya, at gayundin sa kanyang biological parents.
“Marami po akong magulang,” ang nakangiting sabi pa ni Lotlot.
Inialay rin niya ang kanyang tropeyo sa kanyang mga anak (Janine, Jessica,Diego at Maxine Gutierrez) at sa mister niyang si Fadi El-Soury, pati na rin sa manager niyang si Leo Dominguez.
Ito nga ang first URIAN award ni Lotlot at pag-amin pa niya sa kanyang speech, “Dati ay hinihimas ko lang ang mga [URIAN] trophies ng mommy ko.”
***
SA acceptance speech naman ni Yen Santos ay hindi niya nakalimutang pasalamatan ang leading man na si Paolo Contis, na kung saan pinarangalan siya bilang Best Actress para sa ‘A Faraway Land’.
Una muna ay pinasalamatan niya ang mga producer ng pelikula na nagtiwala sa kanya. “Napakalaking blessing po na mabigyan ng magandang proyekto sa gitna ng pandemya.
“2020 po, iyon yung kasagsagan ng pandemya na hindi ko sigurado kung kailan magiging OK lahat.
“Lahat, apektado. Nahinto ang mga trabaho. At dumating po ang A Faraway Land sa akin.
“Noong in-offer po ito sa akin, inoohan ko agad. At bonus pa na nagawa namin ito sa napakagandang lugar.
“Kaya gusto ko pong magpasalamat sa Mavx Productions, kay Direk Roni [Veronica Velasco], sa staff and crew. Maraming-maraming salamat sa inyo.”
“And of course, to my leading man Paolo Contis — sobrang talented, napakagaling na artista. Maraming-maraming salamat sa iyo.
“Ahhm, I’ll always be your number one fan,” nakangiting pahayag pa ng Best Actress ng 45th Gawad URIAN.
(ROMMEL L. GONZALES)
TBA Studios is bringing the critically acclaimed satirical dark comedy film Triangle of Sadness to the QCinema International Film Festival 2022, premiered as the festival’s opening film last November 17 at Gateway Cineplex in Quezon City.
While the premiere is by invitation, moviegoers can still catch the second screening of Triangle of Sadness during the festival on Nov. 21 at Power Plant Cinema in Rockwell, Makati City.
Gracing the premiere is the film’s breakout star, Filipino actress Dolly de Leon, whose noteworthy performance has garnered praise from film critics. De Leon, who plays cleaning lady Abigail, was named by Variety as among the top three contenders for the best-supporting actress category in the Oscars.
“Her committed turn not only makes her the defining supporting performance of the year thus far but also, if enough Academy members make a note to focus on quality (and not simply name recognition as they can often do), she could be the frontrunner walking into awards season,” Variety’s award senior editor Clayton Davis commented on De Leon’s performance.
The 2022 Cannes Film Festival Palme d’Or-winning film by director Ruben Östlund was also screened at the Toronto Film Festival and New York Film Festival to much acclaim.
Triangle of Sadness revolves around the guests and crew of a doomed cruise ship whose social roles are turned upside down after a sea mishap.
Starring Charlbi Dean as Yaya, Harris Dickinson as Carl and Woody Harrelson as Captain Thomas Smith. Together with Zlatko Burić as Dimitry, Henrik Dorsin as Jorma Björkman, Iris Berben as Therese, Sunnyi Melles as Vera, Vicki Berlin as Paula and Dolly de Leon as Abigail
Triangle of Sadness is written and directed by Ruben Östlund.
Watch the trailer below:
Triangle of Sadness is exclusively distributed by TBA Studios, which also swooped another Cannes-winning film Plan 75, an entry to QCinema’s main competition lineup.
After the festival run, Filipino movie fans can finally see Triangle of Sadness on Nov. 30 in theaters nationwide.
For more updates on Triangle of Sadness, visit tba.ph and follow TBA Studios on Facebook, Instagram, Twitter, TikTok, and Youtube. Join the conversation online using the hashtag #TriangleOfSadnessPH.
(ROHN ROMULO)