• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 24th, 2022

Single rin ang gusto niyang makarelasyon: CIARA, nagulat na lang na nali-link pala kay JAMES

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PARANG si Buboy Villar ang isa sa pinaka-guwapong leading man ng taong ito, huh!

 

 

Sa GMA-7 na lang ay ilang Kapuso actresses na ang patok din ang tandem sa kanya.

 

 

At sa kanyang bagong movie, ang ‘Ang Kwento ni Makoy’ direksyon ni HJCP at produksyon ng Masaya Studio Inc., kung hindi namin napanood ang advance screening, hindi siguro kami maniniwala na may kilig talaga sa pagitan nila ng baguhang Sparkle artist at in fairness, very promising na leading lady niya from Cebu na si Bella Thompson.

 

 

Hindi ito ang unang lead role ni Buboy sa movie, pero sabi rin niya, “may mga ginawa na po akong pang-international films, pero as a nurse, first time. At first time ko rin na may kinikilig pala sa akin?! Ha ha ha!”

 

 

Pero sa totoong buhay, may nagpapakilig ba sa kanya?

 

 

“Teka lang, single father kasi ako. Parang hindi ko na alam ang pakiramdam ng kilig ulit. Sa totoo lang ha, nalimutan ko po. Siguro happy po ako sa career na tinatahak ko ngayon. Happy ako sa family ko. Happy ako sa nanay ng mga anak ko, kasi happy kami. Happy ako kasi, malalaki na mga anak ko.”

 

 

Saka namin siya tinanong kung bakit sini-ship talaga sila ni Jelai Andres?

 

 

“Ano po kasi, bff ko po kasi si Jelai. At habambuhay, kaibigan niya ko. Wala lang ‘yon,” natawa niyang sabi.

 

 

Tungkol sa kuwento ng COVID-19, pandemic ang ‘Ang Kwento ni Makoy’ na more than the kilig, siguradong makaka-relate ang lahat at maantig ang puso ng manonood. Masasabi rin namin na mahusay ang pagkakagawa ng pelikula. Kaya sana, marami ang manood simula sa December 7.

 

 

Sa totoong buhay, hindi pa raw nagkaka-covid si Buboy.

 

 

“Thank God po, para pong aspalto ang immune system ko. Hindi naman po nangyari.”

 

 

Pero humugot daw siya sa role ni Makoy dahil para sa kanya, may mga similarities sila sa totoong buhay.

 

 

“Meron kaming similarities, pero ayoko na pong isa-isahin dahil ayokong umiyak ako. Pero masasabi ko na bilib ako sa kanya at sana ako siya.

 

 

“Hindi ko po masasabing gano’n ako, kasi, nobody’s perfect. Pero sana ako siya,” sey niya.

 

 

***

 

 

NAGULAT din si Ciara Sotto na nali-link pala siya kay James Yap.

 

 

Eh, nakiki-game rin sa tila mga hirit sina Ruffa Gutierrez at Mariel Rodriguez.

 

 

Magkakasama for the very first time sina Ciara, Ruffa at Mariel sa bagong show ng ALL TV, ang ‘MOMs’ (Mhies on Mission)’ na magpa-pilot na simula sa Lunes, November 28, 11am to 12nn. Monday to Friday.

 

 

So hayun na nga, biglang nali-link si Ciara sa ex husband ni Kris Aquino who is very much married to Mikaela Cazzola kunsaan, may dalawa silang anak.

 

 

So, nilinaw na ni Ciara sa naging mediacon ng ‘MOMs’ na very much single siya. At kung may isa man siyang requirement sa future na makakarelasyon niya, dapat ay single rin ito.

 

 

Na-isyu sina Ciara at James dahil lang daw nagkataon na sila ang nagkatabi sa table at magka-chika noong birthday party ni Annabelle Rama.

 

 

“But no, nothing, wala talaga. Saka hello, nakakahiya sa family niya. Wala talagang issue, “ paglilinaw nga ni Ciara.

 

 

Sa isang banda, in fairness, presscon palang, kitang-kita na namin ang ganda ng combination nilang tatlo. Siguradong mag-eenjoy sa mga chikahan pa lang nila sa MOMs, e, ang maganda, may mga mission pa silang gagawin na marami ang magugulat na kaya pala nila.

 

 

Kaya ngayon pa lang, ang Christmas wish na ni Ciara ay sana raw, marami ang manood ng morning show nila.

 

(ROSE GARCIA)

‘Online modus’ maaaring dumami pa ngayong holiday season; pulisya, pinag-iingat ang publiko

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ngayon ng pulisya ang publiko sa posibleng paglaganap ng mga online scams lalo na’t nalalapit na ang holiday season.

 

 

Sa mensahe ni Police Regional Office-7 director police Brigadier General Roderick Augustus Alba, sinabi pa nito na panahon ito na maaaring magsamantala ang mga may pakana sa online modus.

 

 

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Alba ang publiko na mag-ingat sa mga text message, email, at tawag na natatanggap mula sa mga hindi rehistradong numero o email addresses.

 

 

Hangga’t maaari pa ay agad itong burahin at wag nang i-click ang anumang natanggap na kahina-hinalang link.

 

 

Sinasamantala pa ng mga online scammers ang kanilang mga biktima upang makakuha ng pera mula sa mga ito o iba pang mahalagang personal na impormasyon sa pamamagitan ng mga email account sa personal o trabaho, mga social networking site, dating app, o iba pang mga pamamaraan.

 

 

Sinabi naman ng opisyal ng pulisya na iwasang maging biktima ng mga online scams at agad isumbong sa mga otoridad sakaling may impormasyon ukol dito.

 

 

“Maging maingat sa mga text message, email at tawag na natatanggap mula sa unregistered number or email address. Hangga’t maaari, burahin ang mga ito at wag ng i-click. Ngayong papasok ang holiday season, maaaring magsamantala ang mga may pakana ng mga online modus kaya mas doble pag-iingat ang kailangang gawin,” saad pa ni Alba.

PBBM, pinuri ang pagsisikap ng LGUs sa gitna ng pandemya

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aktibong mga  hakbang ng local government units sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

 

Personal na sinaksihan ni Pangulong Marcos ang  2022 Galing Pook Awards na isinagawa  sa  Ceremonial Hall sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Martes.

 

 

“As your President, I’m deeply encouraged by the effective leadership we now see shining brightly amongst our LGUs,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

 

 

“So, I thank you for letting our people know that they are in safe hands, even if the health crisis and other succeeding challenges gave us enough reason to fear,” dagdag  na wika ng Pangulo.

 

 

Umaasa naman ang Chief Executive na ipagpapatuloy ng LGUs na ibigay ang lahat ng kanilang makakaya sa “present journey into the new normal.”

 

 

“May you, therefore, remain consistent and persevering in your endeavors so that you may reach even greater heights. Together, let us build a country where efficient, competent, and effective leadership is the hallmark of Philippine governance,”  aniya pa rin.

 

 

Nangako naman ang Punong Ehekutibo na susuportahan ng kanyang administrasyon ang LGUs  dahil mahalaga ang papel at gampanin ng mga ito pagdating sa  nation-building initiatives.

 

 

“Galing Pook is a leading resource institution that recognizes, capacitates and promotes innovation, sustainability, citizen empowerment and excellence in local governance and has empowered hundreds of LGUs to develop programs and social innovations through the Galing Pook Awards, Galing Pook Academy and Galing Pook Advocacies,” ayon sa ulat.

 

 

Ani Pangulong Marcos, ang pagkilala sa mga lungsod at munisipalidad ay nagbibigay inspirasyon sa kanila na paigtingin ang kanilang hangarin na mas mapahusay pa ang kanilang ginagawa.

 

 

Hinikayat ang mga LGUs na i-adopt  ang kasanayan na “make us paragons of excellence in public service.”

 

 

Samantala, ang 10 outstanding programs ng iba’t ibang  LGUs ay The Green Wall of Alcala (Alcala, Cagayan); Advancing and Sustaining Good Governance and Community Actions towards Resiliency and Empowerment (Basilan Province); Bataan Public-Private Partnership Programs (Bataan Province); Balik-Bin?an Project: Tourism Development through Heritage Conservation (Bin?an City, Laguna); From Black to Green: Fishponds, Eco- Tourism and Full Employment (Brgy. Cayabu, Tanay, Rizal); Trekking to Unlock Community Ailments and Difficulties (TUCAD) (Goa, Camarines Sur); “I-BIKE” A Program Promoting the Development of the Iloilo City Bike Culture (Iloilo City); Yaru: A Whole-of-Community Approach Towards Disaster Management (Itbayat, Batanes); Libertad Fish Forever Savings Club (Libertad, Antique); at Basta Piddiguen?o, AgriHenyo: Consolidated Farm Production System (Piddig, Ilocos Norte).

 

 

Ang mga nagwagi ay pinili mula sa  18 finalists at record field na 196 applications mula sa iba’t ibang  LGUs sa bansa, ayon sa  Galing Pook Foundation. (Daris Jose)

US, nangako ng mahigit na ₱430M funding para sa PH maritime law enforcement agencies

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSYO ng Estados Unidos na tutulong ito para palakasin ang kakayahan ng Philippine maritime law enforcement agencies  sa pamamagitan ng pagbibigay ng $7.5 million, o mahigit  ₱430 milyong halaga ng karagdagang tulong.

 

 

Inihayag ito ng White House sa kahalintulad na araw ng pagbisita ni  US Vice President Kamala Harris sa Palawan, ang lalawigan na malapit sa “hotly contested Spratly Islands.”

 

 

“The funding will strengthen the agencies’ capabilities to counter illegal fishing, improve maritime domain awareness, and provide search and rescue support, including in the disputed South China Sea,” ayon sa Estados Unidos.

 

 

Sinabi pa ng Estados Unidos na ang kanilang Trade and Development Agency, “pending Congressional notification,” ay makatutulong sa Philippine Coast Guard (PCG) sa pag-upgrade at pagpapalawig ng  vessel traffic management system nito para sa pinahusay na  maritime safety at environmental monitoring.

 

 

Tinawag naman ng White House  ang  pagbisita ni Harris sa  Palawan na  “historic,”  si Harris kasi ang pinakamataas na ranking US official na bumisita sa lalawigan, kilala bilang  “last ecological frontier” ng Pilipinas.

 

 

Makakadaupang palad naman nito ang mga miyembro ng  PCG at talakayin ang umiiral at  future partnerships na may kinalaman sa ahensiya.

 

 

Samantala, sinabi naman ng Washington  na maglulunsad ang  United States Agency for International Development ng bagong inisyatiba  kabilang na ang “grant to a local organization” para suportahan ang traditional livelihoods at  mapanatili ang  fishing practices sa bansa.

 

 

Layon din nito na palakasin ang food security at isulong ang pangangalaga sa  marine ecosystems sa  South China Sea na sinasabing vulnerable sa  ‘development  at climate change.’

 

 

Maliban sa pakikipagpulong sa PCG, si Harris ay nakatakdang bumisita sa  village ng Tagburos kung saan nanggaling ang  kalahati ng  fish supply ng  Puerto Princesa.

 

 

Nakatakda naman niton makapulong ang mga  local leaders at mga residente para pag-usapan ang epekto ng “illegal, unregulated, and unreported fishing.” (Daris Jose)

WNBA star Britney Griner nailipat na sa Russian penal Colony

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nailipat na sa malayong penal colony ng Russia si American basketball star Britney Griner.

 

 

Ayon sa kaniyang abogado nito na sina Maria Blagovolina at Alexander Boykov na dito gugugulin ng 32-anyos na basketball star ang siyam na taon na pagkakakulong.

 

 

Nasa mabuti aniya ang kalagayan nito base sa pinakahuling pagbisita nila.

 

 

Nauna ibinaba ng korte sa Russia noong Agosto ang hatol kay Griner matapos na makitaan ng iligal na substance sa kaniyang vape.

 

 

Naaresto si Griner sa paliparan sa Russia pagdating nito para maglaro bilang import ng lokal na basketball league noong Pebrero. (CARD)

F2 winalis ang Petrogazz sa 3 sets ngunit bigo pa ring makasama sa semis

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Isinara ng F2 Logistics ang kanilang kampanya sa PVL Reinforced Conference sa pamamagitan ng 25-16, 25-22, 27-25 na panalo laban sa Petro Gazz upang tumapos sa ikalima matapos magtapos sa ikaanim sa Open Conference noong Martes sa PhilSports Arena.

 

 

Ang Cargo Movers, sa pangunguna ng 22 puntos ni Lindsay Stalzer, ay nangibabaw sa unang dalawang set pagkatapos ay nag-rally sa ikatlo upang igupo ang panalo. Nagtapos sila ng 4-4 ​​na karta, ang kanilang semis bid ay napigilan ng shock loss sa Akari Chargers noong Nob. 15.

 

Natalo din ang F2 sa Cignal kasunod na yumuko sa karera.

 

Ang Angels, nagwagi dito noong 2019, ay tumabla sa Cignal HD Spikers sa ikaapat na puwesto sa 5-3 kung saan ang una ay pumangatlo na may superior tiebreak points, 15-14.

 

 

Makakaharap ng Elims topnotcher Creamline (7-1) ang Cignal habang ang No. 2 na si Chery Tiggo (6-2) ay lalaban sa Petro Gazz sa simula ng semifinal round, isa pang round robin phase, sa Huwebes din sa venue ng Pasig. (CARD)

Non-uniformed policemen, ipapakalat ng Philippine National Police para sa papalapit na holiday season

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG  magpakalat ng non-uniformed policemen ang Philippine National Police sa mga matataong lugar tulad ng divisoria, tiangge, plaza at iba pa bilang bahagi ng pagpapanatili sa seguridad lalo na ngayong papalapit na ang holiday season.

 

 

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ito ay bukod pa sa itatalagang kapulisan sa mga police assistance desk sa iba’t ibang lugar.

 

 

Aniya, ang naturang non-uniformed policemen na ipapakalat ng pambansang pulisya ay mga pulis na nakasuot ng civilian na ihahalo sa mga tao para mag-obserba sakaling mayroon mang mamataang mga indibidwal may kakaibang ikinikilos.

 

 

Ang mga ito aniya ang magrereport ng mga insidente sa mga unipormadong mga pulis upang agad itong maaksyunan at upang hindi na rin aniya mabuking ang mga intel operative na ipinakalat ng pulisya.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay muli ring nagbigay babala sa publiko si Fajardo hinggil naman sa naglipanang mga modus ng mapagsamantalang loob ngayong papalapit na ang kapaskuhan.

 

 

Aniya, dapat na mas mag-ingat ngayon ang publiko dahil sa inaasahang mas maraming mananamantalang manloloko at magnanakaw ngayon lalo na’t ito ang panahon ng bigayan ng christmas bonus ng mga empleyado.

 

 

Kabilang sa mga modus na dapat bantayan ay ang mga naglipanang fake money modus, palit-pera modus, basag-kotse modus, at marami pang iba.

 

 

Dahil dito ay muling nagpaalala ang tagapagsalita ng pambansang pulisya sa palaging pagiging mapagmatyag, at gayundin ang pag-iwas sa pagsasapubliko ng mga detalye kung saan sila pupunta o kung aalis man ang mga ito dahil posible aniya itong samantalahin ng mga masasama at mapagsamantalang loob.

 

 

Kung maalala, una nang sinabi ng Col. Fajardo sa Bombo Radyo Philippines na tulad sa nakalipas na paggunita sa araw ng mga patay ay magpapatupad din ang pambansang pulisya ng maagang deployment ng mga pulis partikular na sa mga areas of convergence kung saan tinatayang nasa 85% ng kabuuang pwersa nito ang idedeployment upang masiguro na hindi makakalusot ang mga mapagsamantalang loob na nagbabalak na gumawa ng masasamang gawain.

LTO gumawa na ng hakbang para malabanan na ang mga fixers

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUYAN nang gumawa ng hakbang ang Land Transportation Office (LTO) laban sa mga fixers sa iba’t ibang opisina nila sa bansa.

 

 

Naglabas ng kautusan si LTO chief Jay Art Tugade na nagbabawal sa mga fixers sa kanilang opisina sa buong bansa.

 

 

Ayon kay Tugade na ang layon ng kanilang opisina na isulong ang pagiging bukas at malinis sa anomalya ang kanilang opisina.

 

 

Nakasaad sa memorandum ang nag-aatas sa mga regional directors na pagbabawal sa mga fixers na pumasok, magpakalat-kalat sa kanilang opisina.

 

 

Kasama rin nito na dapat ay magsumite sila kada dalawang buwan kung ito ay naipapatupad. (Daris Jose)

3 most wanted persons, nabitag sa Valenzuela

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr ang Valenzuela City Police sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Salvador Distura Jr sa matagumpay na manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong most wanted persons sa loob lamang ng isang araw.

 

 

Ani Col. Destura, alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista ng manhunt opertation sa Independence St., Brgy. Gen. T. De Leon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Dionel Alinco alyas “Ogoy”, 57 ng Brgy. Gen T De Leon dakong alas-10:24 ng umaga.

 

 

Si Alinco ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610.

 

 

          Nauna rito, dakong alas-9:02 ng umaga nang damputin naman ng kabilang team ng WSS sa manhunt operation sa B. Lazaro St., Manotoc Subdivision, Barangay Marulas si Jonas Justiniani, 23 ng Brgy. Marulas sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Emma C. Matammu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 269, Valenzuela City para sa kasong Qualified Theft.

 

 

Bandang alas-12:18 naman ng hapon nang maaresto din ng isa pang team ng WSS, kasama ang mga tauhan ng 5th MFC, RMFB, NCRPO at Northern NCR Maritime Police Station, RMU-NCR sa joint manhunt operation sa G. Pasco St., Barangay Coloong si Jonathan Rodriguez alyas “Tantan”, 27 ng Brgy. Maysan.

 

 

Ayon kay PLt Bautista, si Rodriguez ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mateo B Altarejos ng Family Court Branch 16, Valenzuela City para sa kasong Rape. (Richard Mesa)

PBBM, susuriin ang memo circular hinggil sa term of office ng ilang gov’t officials

Posted on: November 24th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na susuriin nitong mabuti ang memorandum circular kaugnay sa  ‘term of office’ ng ilang government officials.

 

 

Sa isang panayam matapos dumalo sa  49th Founding Anniversary ng Career Executive Service Board (CESB), sinabi ni Pangulong  Marcos na nais niyang tugunan ang mga usapin na may kinalaman sa ilang  government officials na naghahangad o tila kapit-tuko  na manatili sa kani-kanilang posisyon.

 

 

“I am also aware of the issues affecting the CESB, starting with Memorandum Circular No. 3,” ayon sa Pangulo.

 

 

“As we walked in, together with the chairman, and he said, ‘Oh, here they all are, the CESOs and the CESEs, all the ones who are hoping to stay on,’” aniya pa rin.

 

 

Ang  Memorandum Circular No. 3 ay ipinalabas nito lamang Hulyo ng taong kasalukuyan na nag-aatas sa  “all OICs of departments, agencies and bureau, and office, non-CES officials occupying CES positions and contractual or casual employees to perform their duties and discharge their functions until 31 December 2022, or until a replacement has been designated or appointed.”

 

 

Subalit tinuran ng Chief Executive na  titingnan ng kanyang tanggapan ang ibang mga nagsisilbing hadlang na kinahaharap ng maraming CESEs para makuha ang CES eligibility.

 

 

“Let me assure our Career Executive Service Board and the affected CESEs occupying third-level positions in the government that the Office of the President is going to review the said memorandum,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

 

 

“Let’s work together. This is the kind of thing that we need. As leader, as President, I cannot do my work without all of you, and that’s why you must be the best that you can be,” wika pa nito.

 

 

Samantala, binati naman ni Pangulong Marcos ang 96 indibidwal na nakapasa sa Career Executive Service Eligibility Examination.

 

 

Sinabi nito na dapat na ipagpatuloy ng pamahalaan ang pagbibigay ng pagsasanay sa mga  ito.

 

 

“Digitalization, as mentioned by the Chairman, is certainly a very, very important first step. It is a necessary first step,” ayon sa Pangulo.

 

 

“If we do not digitalize properly, we do not digitalize and digitize properly government function, we will never catch up. Maiiwanan tayo ng ating mga karatig-bansa. Kaya’t kailangan matuto na tayo at magaling naman ang Pilipino diyan,” ani Pangulong Marcos sabay sabing “It’s just a question of us, who call ourselves the leaders in government, it is up to us to provide them that training. We have to give them that training.” (Daris Jose)