WALA namang pangalan na binanggit si Ogie Diaz, pero kung babasahin ang mga comment sa Twitter post niyang ito, tila ang tinutukoy sa mga comment ng netizens ay ang director na si Paul Soriano.
Ang tweet ni Ogie kasi, “Magaan lang kasi ang bangko, kaya binuhat.”
Eh, pinost ito ni Ogie after na lumabas ang very powerful statement ni Paul na “Most Powerful Celebrity” sa ngayon ang kanyang asawa na si Toni Gonzaga.
Actually, kung si Paul nga o iba ang tinutukoy ni Ogie, personally naman, ang reaction namin, “o siya na! Ha ha!” sa statement na ito ng director.
Talaga naman din kasi na parang ito na ang nagbuhat ng sarili nilang bangko. Kaya ang balik tanong kay Paul, ano raw kaya ang pinagbasehan nito para ma-claim na most powerful ang misis niya among the celebrities?
Ang siste kasi, parang hindi rin agree ang karamihan ng mga netizens sa tingin ni Paul sa kanyang asawa. Karamihan sa nababasa naming comments ay tila natatawa sa bonggang statement na ito ni Paul.
May nagpaalala rito sa naging ganap no’ng kuhaning endorser ng isang online shopping app si Toni. Same sa kung kumusta naman daw ang impact ng show nito sa All TV?
Basta ang alam namin, ang latang puno ng laman, hindi maingay. Applicable rin siguro ‘yon kay Paul. Baka he can relate.
***
KUMPIRMADO na ang lead star ng suspense/horror movie na “Deleter” ng VIVA Films at isa sa mga official entry ngayon sa Metro Manila Film Festival na si Nadine Lustre na makakasama siya sa MMFF parade of stars sa December 23.
Ayon kay Nadine, “Sa ngayon, hindi pa po namin alam ang design ng float namin. Of course, we will be there.
“Ako po, sobrang excited po ako dahil ‘yung first time kong makasakay ng float, sa ‘Beauty and the Bestie’ pa a couple of years pa. Sobrang na-enjoy ko siya.”
Sey pa niya, “I mean, mainit, nakakapagod, pero iba rin kasi ‘yung nakita mo silang lahat. Especially now na nag-o-open-up na rin tayo. ‘Yung mga tao, lalabas na rin ulit after a long time. Excited akong makita ang mga tao.
“So definitely, I’ll be there.”
At dahil halos tatlong taon din na nasa pandemya, ngayon na lang din kahit paano unti-unting nagbabalik sa normal ang selebrasyon ng Kapaskuhan.
Kaya kinamusta na namin ang actress kung paano siya magse-celebrate ng Christmas this year.
“Ako po, ever since naman, gusto ko na ‘yung pag-celebrate ng Pasko, simple lang. ‘Yung sama-sama lang po. Pero I think, this year nga po, dahil ‘yung Deleter ay ipapalabas sa mga sinehan, makikinood din po kami.
“I think, sa December 25 merong cinema tours. So, makiki-celebrate po kami sa lahat ng manonood ng Deleter. Gusto ko rin pong panoorin ang ibang entries sa MMFF kasi, namiss ko rin po talaga.”
Most likely, makakasama ni Nadine ang boyfriend na si Christopher Bariou. Suportado raw siya nito kahit alam niyang hindi ito mahilig sa horror movies.
“Napanood naman niya ang trailer, pero hindi kasi siya mahilig sa horror movies, pero sabi niya, manonood daw siya for me.”
Dugtong pa ni Nadine, “Tingin ko, matatakot siya. Kapag medyo gusto kong manood ng horror movies, ayaw niya. Kaya alam kong ayaw niya talaga. Pero, tatapangan daw niya ang sarili niya ‘pag sa sinehan.
“Iba rin kasi kapag sa sinehan mo pa mapanood ang horror movies kesa sa TV lang. Iba sa pakiramdam. So I’m sure matatakot siya.”
(ROSE GARCIA)