• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2023

Karagdagang pondo ng gobyerno, hinihintay na lamang para masimulan ang proyekto ng LRT2 West Extension

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGHIHINTAY na lamang ng karagdagang pondo mula sa pambansang pamahalaan ang Light Rail Transit Authority (LRTA) upang tuluyang maituloy ang Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) West Extension project nito.

 

 

Ayon kay Light Rail Transit Authority Administrator Hernando Cabrera kumpleto na umano ang documentation at tapos na ang lahat ng plano pati ang mga technical designs ng West Extension Project.

 

 

Ang pagtatayo ng west extension ay lilikha ng tatlong station, isa malapit sa Tutuban PNR station, isa sa Divisoria, at isa malapit sa North Port Passenger Terminal sa Manila North Harbor’s Pier 4.

 

 

Sinabi ni Cabrera na nasa sampung bilyong piso ang kailangan para maipatupad ang naturang west extension project.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa humigit-kumulang P1.7 billion na ang pondo ng Light Rail Transit Authority o LRTA. (Daris Jose)

BARKONG PANGISDA NG CHINA, TINULUNGAN NG PCG

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NIRESPONDEHAN ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barkong pangisda ng China sa bahagi ng baybayin sakop ng Eastern Samar.

 

 

Ayon kay Commodore Arman Balilo, nakatanggap ng distress call ang PCG ngayon umaga mula sa dayuhang barko na may pangalang KAI DA 899 kaya agad rumisponde ang coast guard personnel.

 

 

Sa inisyal na impormasyon, binayo ng malalakas na alon ang dayuhan barko dahil sa masamang panahon SA nasabing lugar.

 

 

Patungo na sa kinalalagyan ng Chinese vessel ang MRRV 4409 o ang BRP Suluan ng PCG para tumulong sa dayuhang barko. GENE ADSUARA

PHILPOST, NAGBABALA SA SCAMMER

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA sa publiko ang Philippine Post Office (PPO) sa umanoy mapanlinlang na tawag  mula sa mga indibidwal na nagpapanggap na bahagi ng postal corporation.

 

 

Sinabi ng PhilPost sa kanilang public advisory na hindi ito tumatawag  sa mga kliyente nito para sa anumang transaksyong pinansyal.

 

 

Nagbabala ang Post Office sa mga scammers na ginagamit ang kanilang mga kasanayan sa computer upang i-configure ang mga tawag at ipakita na ito ay mga lehitimong tawag mula sa Customer Service Hotline ng postal corporation, (02) 8288-7678.

 

 

“This official number, however, is being used by the Post Office for the sole purpose of entertaining inbound calls from the mailing public who are tracing the whereabouts of their mail or parcels,” sabi ng Post Office.

 

 

“It is never used for outgoing or outbound calls for verifications on senders or addressees of postal matters,” dagdag pa.

 

 

Ang babala ay inilabas, matapos magtungo ang tatlong pribadong mamamayan kamakailan sa Cebu Post Office upang magtanong tungkol sa mga kahina-hinalang tawag sa telepono na kinumpirma na “spoofed o cloned na mga tawag na may end view ng extortion.”

 

 

Pinayuhan ng publiko ang Post Office na huwag magbigay ng mga impormasyon sa mga scammers.

 

 

Ipinaalam na ng Post Office sa Department of Information and Communications Technology at National Telecommunications Commission na imbestigahan ang mapanlinlang na pamamaraan.

 

 

Humingi rin ito ng tulong sa Philippine National Police at sa kasalukuyan nitong telephone service provider para matugunan ang sinasabing package scam. GENE ADSUARA

Mental health programs sa mga paaralan, palalakasin ng DepEd

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ng Department of Education (DepEd) na palakasin pa ang mental health programs sa mga iskul, kasunod na rin ng ilang karahasan na naganap mismo sa loob ng mga paaralan.

 

 

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, nais nilang matugunan ang mga naturang problema sa school level pa lamang.

 

 

“We can see from the circumstances surrounding such incidents that they are related to mental health issues,” pahayag pa nito.

 

 

“The Department commits to seek out mental health experts and advocates to be able to formulate and implement effective programs to address such issues at the school level,” dagdag pa ni Poa.

 

 

Nauna rito, isang 13-anyos na estudyante ang pinagsasaksak at napatay ng kanyang 15-anyos na kaklase sa labas ng kanilang silid-aralan sa Culiat High School sa Quezon City. Ang mga guro at mga estudyante sa naturang paaralan ay isinailalim na ng DepEd- National Capital Region sa stress debriefing sessions.

 

 

Noong Disyembre 2 naman, dalawang estudyante ng Colegio San Agustin sa Makati City ang nasangkot sa gulo sa loob ng palikuran ng campus habang kahapon lamang naman, nabaril ng isang 12-anyos na estudyante ang kanyang sarili sa loob ng paaralan sa Bulacan, matapos na bitbitin sa paaralan ang baril ng kanyang ama. (Daris Jose)

Jerson Cabiltes bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDA nang dalhin ni Jerson Cabiltes ang kanyang coaching skills sa collegiate ranks.

 

Ito ay matapos siyang hirangin bilang bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals sa NCAA men’s basketball kapalit ni Oliver Bunyi.

 

Ang appointment kay Cabiltes ay dumating ilang linggo matapos lumutang ang kanyang pangalan sa bakanteng De La Salle University Green Archers.

 

Si Cabiltes ay naging two-time MPBL champion coach kasama ang Nueva Ecija Rice Vanguards, isang two-time Filbasket champion sa Manila at Nueva Ecija, at isang beses na VisMin Super Cup champion sa Basilan. (CARD)

Maayos na employment terms, benepisyo sa mga security guards

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ISINUSULONG ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagpapabuti sa kapakanan ng mga security guards at iba pang miyembro ng private security industry sa pamamagitan ng pagtatalaga ng ilang probisyon ukol sa kanilang employment, working conditions at benepisyo.

 

 

Kasama si Benguet Rep. Eric Yap, ipinanukala nina Duterte na mabigyan ang mga security guards at private security personnel ng minimum wage; service incentive leave at iba pang benepisyo na tinatanggap ng regular employees, kabilang na ang overtime pay, social security,  13th month pay, at retirement benefits.

 

 

“While they put their lives on the line for the protection of establishments and of the general public, these security personnel are deprived of the same protection from their employers in terms of salary and benefits,” pahayag nina Duterte at Yap sa panukalang Magna Carta o House Bill  5493.

 

 

Kadalasang nagtatrabaho ang mga security guards at iba pang private security workers ng mahabangoras, hindi sapat na sahod at maging pang-aabuso mula sa kanilang principals at security service contractors (SSCs).

 

 

Sinabi ni Duterte na kung matatandaan, noong Nobyembre 2022, 12 security guards  sa Davao Oriental  ang ginawaran ng P1 million money claims ng Department of Labor and Employment (DOLE).

 

 

“This is unacceptable considering that security guards and other private security personnel are exposed to risks that could endanger their lives. They are even considered as  ‘force multipliers’ in places with limited police presence. They deserve to be treated better,” Duterte said.

 

 

Sa panukala, ang mga security guards at iba pang private security personnel  ay mabibigyan ng regular employment status matapos makumpleto ang probationary period ng hindi lalagpas sa anim na buwan.

 

 

Maging ang isyu ukol sa paulit-ulit na hiring-firing-rehiring pattern ng mga SSCs ay ikukunsiderang regular employees kapag ang ginagawang pamamaraan ay may sumang 6 na buwan.

 

 

Nakapaloob pa sa panukalang Magna Carta ang karapatan na kinabibilangan  ng “safe and healthful working conditions that ensure appropriate rest for them and protection from abusive treatment; labor standards,  such as but not limited to,  service incentive leave, premium pay, overtime pay, holiday pay, night shift differential, 13th month pay, and separation pay; retirement benefits; social security and welfare benefits; right to self-organization and collective bargaining; at security of tenure.

 

 

Ipinagbabawal din ang diskriminasyon sa sinumang private security worker dahil sa kasarian, civil status, creed, religious o political beliefs at ethnic groupings. (Ara Romero)

‘Libreng libing’ sa mga pamilyang P15,000 buwanang kita inihain sa Senado

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MABIGAT  para sa maraming pamilyang Pilipino ang mabuhay dahil sa kahirapan, pero mahirap din para sa kanila ang mamatay.

 

 

Ito ang gustong tugunan ngayon ni Sen. Raffy Tulfo sa kanyang Senate Bill 1695, bagay na layong magbigay ng libreng serbisyo ng pagpapalibing sa mga mahihirap na pamilyang nawawalan ng mahal sa buhay sa buong bansa.

 

 

“In the Philippines, funeral and burial services can range from P10,000 to hundreds of thousands of pesos,” wika ni Tulfo sa explanatory note ng panukala niyang inihhain last week.

 

 

“As such, many poor families are not only wracked with grief but also deep financial stress that may even lead them to borrow funds from lenders with high-interest rates.”

 

 

Bagama’t merong P10,000 halaga ng burial assistance ang Department of Social Welfare and Development, layon ng panukalang batas na i-“institutionalize” na ito para sa mga labis-labis na nagdarahop.

 

 

Kung maisasabatas, magiging kasama sa benepisyo ang:

 

paghahanda ng funeral documents

pagpapaembalsamo

burol

pagpapalibing

cremation

 

 

“Moreover, accredited mortuaries shall provide a casket or urn,” wika pa ng senador.

 

 

Sino ang maaari mag-avail?

 

 

Ayon sa Section 4 ng SB 1695, saklaw ng makikinabang sa naturang benepisyo ang mga:

 

pamilyang may pinagsamang “gross income” na hindi lalagpas ng P15,000 kada buwan

hindi nagmamay-ari ng real property

walang sasakyan

Ang real property na tinutukoy dito ay yaong mga ari-ariang nakuha sa pamamagitan ng pagbili.

 

 

“The said free services shall be given to only one (1) family member per month per mortuary branch,” dagdag pa ng panukala.

 

 

“Provided, said funeral service does not exceed the cost of the mortuary’s minimum funeral service package.”

 

 

Maaari pa rin naman daw mag-upgrade ng funeral services ang mga naturang pamilya, ngunit ang halaga nito ay iaawas na lang sa halaga ng minimum funeral service package.

 

 

Kung papasa sa Konggreso, tig-isang miyembro lang ng pamilya kada buwan ang maaaring mabigyan ng libreng serbisyo kada mortuary branch.

 

 

Ang mga puneraryang magbibigay ng free services sa extremely poor beneficiaries ay maaaring kumuha ng reimbursement para sa gastusin sa anumang regional office ng DSWD oras na maaprunbahan ito ng regional director.

 

 

Ngayong Enero lang nang ibalita ng Social Weather Stations na aabot sa 51% ng mga pamilyang Pilipino ang “mahirap” ang tingin sa sarili, ito kasabay ng pinakamatulin na pagtaas ng presyo ng bilihin sa mahigit 14 taon.

Constantino at Go fight na fight

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KUNG ang Thailand Ladies Professional Golf Association Qualifying School first round lang ang batayan, hinog na nga si Lois Kaye Go para umakyat sa pro.

 

Kumakasa silang dalawa ni ICTSI (International Container Tereminal Services, Inc.) 9th Ladies Philippine Golf Tour 2022 three-leg winner Harmie Nicole Constantino sa mga binirang three-under 69 para humanay sa pampito kasama ang apat na Thai Miyerkoles ng hapon sa Watermill Golf Club and Resort sa Nakhon Nayok Province, Thailand.

 

Nadapa sa pagtatapos si Go, miyembro ng PH team na sumungkit ng gintong medalya sa Indonesia 18th Asian Games 2018 at PH 30th Southeast Asian Games 2019, tapos makaapat na birdie para sa respetadong umpisa sa three-day elims.

 

Nakatatlong bridie si Constantino para gaya ni Go limang palo lang ang maiwan ng maagang lider na si Thai amateur Achiraya Sriwong. (CARD)

LeBron, Giannis Captain Ball ng NBA All Star 2023

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Halos abot na ni LeBron James ang NBA career scoring record ni Kareem Abdul-Jabbar. At ngayon, nalampasan na naman niya si Abdul-Jabbar sa isa pang pahina ng All-Star record book.

 

Inanunsyo si James noong Huwebes (Biyernes, oras sa Maynila) bilang NBA All-Star sa ika-19 na pagkakataon, ang star ng Los Angeles Lakers na tumabla kay Abdul-Jabbar para sa pinakamaraming karangalan sa kasaysayan ng liga.

 

Si James — ang nangungunang overall vote-getter — ang magiging kapitan ng isa sa mga team para sa Peb. 19 All-Star Game sa Salt Lake City, habang ang Eastern Conference voting leader na si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks ay magiging kapitan sa kabilang panig.

 

Ito ang ikaanim na taon na ginamit ng NBA ang captain format para sa All-Star Game; Si James ay naging isang kapitan sa bawat oras at hindi kailanman natalo, kumuha ng 5-0 record sa taong ito.

 

Si Antetokounmpo ay isang kapitan sa pangatlong pagkakataon, pagkatapos ding makuha ang karapatan na iyon noong 2019 at 2020.

 

Pipili sina James at Antetokounmpo ng kanilang mga koponan ilang sandali bago ang laro sa Salt Lake City, isang bagong inihayag na twist at isang pag-alis mula sa mga nakaraang taon kung saan ang mga kapitan ay pumili ng isang linggo o dalawa bago ang All-Star weekend.

 

Ang iba pang walong starters na pipiliin nila, maliban sa anumang pagbabago dahil sa injury bago pa man, ay sina: Denver’s two-time reigning NBA MVP Nikola Jokic, NBA scoring leader Luka Doncic ng Dallas, Golden State’s Stephen Curry, Boston’s Jayson Tatum, Brooklyn teammates Sina Kevin Durant at Kyrie Irving, Donovan Mitchell ng Cleveland at Zion Williamson ng New Orleans.

 

Makakasaman si Joel Imbiid sa kanyang pangatlong East frontcourt Antetokounmpo, Durant at Tatum.

 

Ang mga starters — tatlong manlalaro sa frontcourt at dalawang guwardiya mula sa bawat kumperensya — ay pinili sa pamamagitan ng kumbinasyon ng tatlong magkakaibang boto: binibilang ang fan balloting para sa 50%, ang media balloting ay nagkakahalaga ng 25% at ang pagboto ng mga manlalaro ng NBA ay bumubuo sa huling 25%.

 

Napili ang mga reserba sa pamamagitan ng mga boto mula sa mga coach ng liga, ay iaanunsyo sa Peb. 2.

 

Kabilang sa mga manlalarong tiyak na dapat bigyang pansin: Damian Lillard ng Portland, Shai Gilgeous-Alexander ng Oklahoma City, Jaylen Brown ng Boston at Bam Adebayo ng Miami.

 

Si James ay 157 puntos ang layo mula sa karera ni Abdul-Jabbar na may kabuuang 38,387 puntos. Sa kanyang kasalukuyang average na 29.9 puntos bawat laro, kakailanganin ni James ng higit sa limang laro upang masira ang rekord – at, kung hindi siya makaligtaan ng anumang mga laro sa pansamantala, ay magiging mabilis na maipasa si Abdul-Jabbar sa isang Peb. home game laban sa Oklahoma City. (CARD)

Simula Pebrero 1 maliliit na alagang hayop, pwede nang isakay sa LRT-2

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO   ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na simula sa Pebrero 1 ay magiging pet-friendly na ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) dahil maaari nang isakay ng mga fur parents ang kanilang maliliit na alagang hayop sa kanilang mga tren.

 

 

“Beginning Feb. 1, pwede nang magdala at magsakay ng ating mga pets sa mga station at tren ng LRT-2,” ayon kay LRTA Administrator Hernando Cabrera.

 

 

“Ang objective lang naman natin dito ay gawing pet-friendly ang ating sistema,” aniya pa.

 

 

Ani Cabrera, may ilang mga panuntunan lamang silang ipapatupad bago tuluyang payagang makapasok ng istasyon at makasakay ng tren ang mga alagang hayop.

 

 

Aniya, kailangang fully vaccinated ang mga alagang hayop laban sa rabies, nakalagay sa kulungan o carrier at nakasuot ng diapers.

 

 

“Kailangan malinis… ‹yung usual na mga alituntunin, pinapatupad ng mga pet-friendly na establishment, ganoon din ‹yung policy namin na i-implement,”ayon pa sa LRTA chief.

 

 

“Yung policy na pinapaikot namin ngayon dapat naka-cage [ang alaga]. Kapag nakatali maaaring magkaroon tayo ng operational problem niyan sa loob ng tren o sa istasyon,” aniya pa.

 

 

Tanging maliit na alagang hayop lamang naman anila ang papayagang maisakay sa tren at dini-discourage ang malalaking alaga dahil sobrang crowded o siksikan ang mga tren, lalo na kung rush hours.

 

 

Paliwanag ni Cabrera, “Kapag malalaki na, mahihirapan naman nang ipasok sa tren. Siksikan kung minsan sa tren.”