• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2023

PH aquatics team nagtakda ng Open Tryout para sa Cambodia SEAG

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Inatasan ang Stabilization Committee  ng World Aquatics (dating FINA) Bureau na mangasiwa sa swimming sa Pilipinas sa pagsasagawa ng open tryout para matukoy ang komposisyon ng koponan na pupunta sa 2023 Cambodia SEA Games.

 

Nakatakda ang tryout sa Pebrero 18 at 19 sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

 

Isang direktiba ng FINA na may petsang Disyembre 3, 2022 ang nag-utos sa pagbuo ng Stabilization Committee matapos nitong bawiin ang pagkilala nito sa Philippine Swimming Inc.

 

Bubuuin ang Stabilization Committee nina Philippine Olympic Committee (POC) legal head lawyer Wharton Chan at deputy secretary general Valeriano “Bones” Floro at Bases Conversion Development Authority senior vice president Arrey Perez.

 

“Mangangasiwa ang Stabilization Committee at mamamahala sa mga qualifier o tryout na bukas sa lahat ng mga atleta, club at stakeholder,” sabi ni Floro sa isang press release na ipinamahagi sa media noong Huwebes.

 

Ang mga tryout ay sa swimming, diving at water polo — na nasa programa ng Cambodia SEA Games na nakatakda sa Mayo 5 hanggang 17.

 

Sinabi ni Floro na isasagawa ang qualifying tournament ayon sa SEA Games technical handbook.

 

Kabuuang 20 event ang paglalabanan sa swimming, dalawa sa water polo (lalaki at babae) at ang indibidwal na 3-meter springboard at platform para sa mga lalaki at babae sa diving.

 

Ang mga kaganapan sa paglangoy ay panlalaki at pambabae freestyle (50m, 100m, 200m, 400m, 800m at 1,500m); backstroke (50m, 100m at 200m); breaststroke (50m, 100m at 200m); butterfly (50m, 100m at 200m); indibidwal na medley (200m at 400m); freestyle relay (4x100m at 4x200m) at freestyle (women’s 800m at men’s 1,500m); at 4×100 meters medley relay para sa mga lalaki, babae at mixed team. (CARD)

May iri-reveal pa sa part 2 ng interview: PAOLO, napaiyak ni BOY nang tanungin tungkol sa tatlong anak

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIYAKAN ni Kapuso actor Paolo Contis ang interview sa kanya sa “Fast Talk with Boy Abunda,” nang tanungin siya ni Boy Abunda tungkol sa mga anak niya sa previous marriage niya, kay Lian Paz, na may dalawa silang anak, sina Xonia, 12 at Xylene, 11.  

 

 

Inamin ni Paolo na matagal na siyang walang communications sa mga anak, for almost sevcn years na.  Ganoon din sa anak nila ni LJ Reyes, na hindi na niya nakita nang umalis sila patungong New York, almost two years ago.

 

 

Inamin din ni Paolo na hindi siya nagbibigay ng sustento sa mga anak niya, may reasons daw siya why, pero may savings siya sa bawat isa sa kanila, at gusto niyang ibigay iyon nang personal sa mga anak.

 

 

Takot siyang mawala ang mga anak sa kanya, especially sina Xonia at Xylene, dahil hindi lumaki ang mga ito sa piling niya, kaya labis ang pasasalamat ni Paolo sa stepfather nila, si John, mabait daw ito.  Gusto niyang kung magkakausap sila, kahit maging like friends lamang sila.

 

 

Lalong napaiyak si Paolo nang banggitin si Summer, dahil ang character daw ng anak ay parang tulad niya, maloko raw si Summer at lagi niyang kasama noon sa shooting o taping niya, kaya masakit sa kanya nang umalis sila nang pabalik pa lamang siya from Sorsogon, after niyang mag-taping ng “I Left My Heart in Sorsogon,” kaya hindi na niya nakita ang anak.

 

 

Magkakaroon ng continuation ang interview ni Boy kay Paolo ngayong hapon, 4:05 pm, sa GMA-7.

 

                                                    ***

 

MAINITBang pagtanggap ng mga tao kina Barbie Forteza at David Licauco, ng new FiLay loveteam ng historical fantasy portal series ng GMA Network na “Maria Clara at Ibarra.” Unexpected kasi ang pagtanggap sa kanila ng mga netizens sa mga roles nilang ginampanan na nagti-trending gabi-gabi ang mga pakilig na away-bati nilang dalawa bilang Klay at Fidel.

 

 

At dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila, sina Barbie at David ang kinuhang official celebrity endorser ng bestselling whitening products ngayon sa market, ang Ishin, na pag-aari ng young power couple na sina Mario Miguel at Shirleen Bautista.  Inamin ng CEO na si  Shirleen sa launch ang contract signing ng product,  na bukod sa pagtanggap ng mga tao sa kanila, nagustuhan niya ang angelic face ni Barbie at ang Korean look naman ni David.

 

 

Kaya sa success ng loveteam, hindi maiwasang mag-request ang fans na sana raw ay maging real love team din sila, pero hindi naman pwede dahil alam na ng lahat na may boyfriend na si Barbie, si Kapuso actor Jak Roberto.

 

 

Kaya si Barbie naman ay agad nagsabing ayaw niyang bigyan ng false hope ang mga fans, dahil sa kabila ng lahat, for the past five years ay kasama na niya si Jak, nasasabihan ng mga personal struggles niya and one whom she has share her victories.

 

 

Ayon naman kay David, napakalaki ng respeto and he admires Jak, at kahit daw kay Barbie nasasabi niyang napakabait na tao ni Jak, dahil nakasama na niya ito nang gawin niya ang “Heartful Café” na kasama rin nila si Julie Anne San Jose at nag-guest din doon si Barbie.  Alam daw niya ang boundaries niya as a person.

 

 

Thankful naman sina Barbie at David sa pagkuha sa kanila as Ishin celebrity endorsers dahil talaga raw malaking tulong sa kanila ang ini-endorse nilang product.

 

Nalalapit na nga ang pagtatapos ng “Maria Clara at Ibarra” at papasok na ang serye sa ikalawang aklat na sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang “El Filibusterismo,” kaya magkakaroon na ng changes sa mga characters ng cast at may mga bagong madadagdag na characters.

(NORA V. CALDERON)

Labi ng OFW na walang habas na pinaslang sa Kuwait, nakarating na sa Pilipinas

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGING emosyonal ang pamilya ng kababayan nating Overseas Filipino Worker sa Kuwait na si Jullebee Ranara nang ito ay makarating muli sa Pilipinas.

 

 

Sa halip kasi na maging masaya ay pagluluksa ang kanilang gagawin ngayon matapos na masawi si Jullebee nang dahil sa karumal-dumal na sinapit nito sa kamay ng anak ng kaniyang mga amo.

 

 

Bandang alas-9:34 ng gabi kagabi dumating sa Pilipinas ang eroplanong may dala sa kaniyang bangkay na may flight number na EK334.

 

 

Panggagahasa, nabuntis, dalawang beses na sinagasaan, sinunog at inabanduna sa isang disyerto sa Kuwait ang karumal-dumal na inabot ni Jullebee sa pangmamaltrato ng 17-anyos na anak ng kanyang amo.

 

 

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration Administrator Arnel Ignacio, tumanggi munang humarap sa media ang pamilya nito para sa kanilang hiling na “privacy” upang mabigyan aniya sila ng pagkakataon na makapagluksa sa pagkamatay ng kanilang mahal sa buhay.

 

 

Dagdag pa ng opisyal, sa ngayon ay nakikipagtulungan na aniya ang Pilipinas sa gobyerno ng Kuwait upang mapanagot ang lahat ng may sala sa naturang insidente para na rin sa pagkamit sa hangad na hustisya ng naulilang pamilya ng biktima.

 

 

Kasabay nito ay tiniyak niya na ng magpapaabot ng kaukulang tulong ang pamahalaan para sa nasabing pamilya.

 

 

Samantala, tanging asawa at mga kapatid lamang ni Jullebee ang nagtungo sa Ninoy Aquino International Airport kagabi kasama sina Ignacio, Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople, at Senator Raffy Tulfo para salubungin ang pagdating ng kanyang mga labi.

 

 

Pagkatapos nito ay agad itong isinakay sa isang ambulansya at saka ito dinala sa isang punerarya kung saan ito muling isasailalim ng National Bureau of Investigation sa otopsiya na alinsunod na rin sa kagustuhan at kapanatagan ng loob ng pamilya Ranara.

 

 

Enero 29, Linggo nagsimula ang burol para sa kanya sa Las Piñas City na magtatagal naman hanggang dalawang linggo. (Daris Jose)

Kinabog sina Maria Cristina at Shewarma: NAIA, first ever Pinoy Drag Supreme ng ‘Drag Den Philippines’

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINORONAHAN na ang first ever Pinoy Drag Supreme ng ‘Drag Den Philippines’ at ito ay si Brian Black a.k.a. NAIA.

 

 

Magkasabay ang coronation episode ng Drag Den PH sa Amazon Prime Video at sa live coronation na ginanap sa Taguig City with the show’s host Manila Luzon.

 

 

Kinabog ni NAIA na taga-Las Piñas City ang mga nakasabay niya sa show na sina Aries Night, O-A, Barbie-Q, Lady Gagita, Pura Luka Vega, Maria Cristina at Shewarma.

 

 

Dumaan sila sa anim na rounds of challenges at runway presentations. Kahit na hindi siya nakakuha ng first place sa anumang challenge ranking, naging consistent naman siya sa performance niya kaya siya nakapasok sa Final 3 kasama sina Maria Cristina (2nd runner-up) at Shewarma (1st runner-up).

 

 

Sa ika-8th episode, rumampa ang tatlo suot ang kanilang national costume, swimsuit at evening gown. At sa huling pagkakataon ay sabay-sabay sila nag-lipsync sa awiting “Kilometro” ni Sarah Geronimo.

 

 

Sa Q&A round, tinanong ang tatlo ng: “What is the one and only one quality that makes you the true drag supreme?”

 

 

Ang naging winning answer ni NAIA ay: “I’ve stumbled and I’ve gone through so much hardship, especially in this competition, and Manila you’ve opened my eyes to what drag can truly be. It is free of expression and I can’t be more happy to be here.

 

 

“I hope that my story inspires young queer artists who are afraid of putting themselves out there because I was afraid. But thank you, Manila, for giving this platform because I was able to prove that growth is what you need to become the next drag supreme.”

 

 

Bukod sa korona, napanalunan ni NAIA ang P1 million worth of prizes.

 

 

***

 

 

NANGGULAT sa social media si Paris Hilton dahil sa pag-announce nito na meron na silang anak ng husband niyang si Carter Reum.

 

 

Isang baby boy ang sinilang ng surrogate nila Paris at Carter noong nakaraang January 23.

 

 

Sa official statement ng Paris with PEOPLE, sinabi nito: “It’s always been my dream to be a mother and I’m so happy that Carter and I found each other. We are so excited to start our family together and our hearts are exploding with love for our baby boy.”

 

 

Sa Instagram ay pinost ni Paris ang close-up photo ng baby hawak ang kanyang thumb: “You are already loved beyond words.”

 

 

Noong nakaraang December nang ihayag ni Paris ang plano nila ni Carter na magkaroon ng baby after nilang magpakasal. Nagsimula na raw sa in-vitro fertilization (IVF) process si Paris during the height of the COVID-19 pandemic.

 

 

“We started going and doing it like a few months in because the world was shut down. We knew we wanted to start a family, and I was like, ‘This is perfect timing. Usually, I’m on a plane 250 days out of the year, and let’s just get all of the eggs stocked and ready,’ and we have tons of them just waiting,” sey ni Paris.

 

 

Na-engaged sina Paris and Carter noong February 2021 at kinasal sila noong November 2022.

(RUEL J. MENDOZA)

SCI-FI THRILLER “65” UNLEASHES BRAND NEW TRAILER

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

65 million years ago, humans arrived on Earth. Who will survive when Past meets Future? From the writers of A Quiet Place and producer Sam Raimi, comes the epic action thriller 65, starring Adam Driver

 

 

Check out the brand new trailer below and watch the film exclusively in cinemas across the Philippines this March.

 

 

YouTube: https://youtu.be/EtE4QM8oMvk

 

 

About 65

 

 

After a catastrophic crash on an unknown planet, pilot Mills (Adam Driver) quickly discovers he’s actually stranded on Earth…65 million years ago. Now, with only one chance at rescue, Mills and the only other survivor, Koa (Ariana Greenblatt), must make their way across an unknown terrain riddled with dangerous prehistoric creatures in an epic fight to survive.

 

 

From the writers of A Quiet Place and producer Sam Raimi comes 65, a sci-fi thriller starring Adam Driver, Ariana Greenblatt, and Chloe Coleman. Written and directed by Scott Beck & Bryan Woods and produced by Sam Raimi, Deborah Liebling and Zainab Azizi. Also produced by Scott Beck and Bryan Woods.

 

 

65 is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Connect with the hashtag #65movie

(ROHN ROMULO)

Early Valentine’s Day treat nila ang TVC ng TNT: DANIEL at KATHRYN, kaabang-abang ang mga pasabog ngayong 2023

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

EARLY Valentine’s Day treat para sa KathNiel fans ang pagpapakilala ng value mobile brand TNT kay Daniel ‘DJ’ Padilla bilang bagong endorser nito, kasama ang ‘real and reel life’ partner na si Kathryn Bernardo.

 

 

Binansagang ‘Supreme Idol’ ng kanyang henerasyon dahil sa karisma niya at talento, si DJ ay kasama ni Kathryn sa TVC campaign Doble GIGA+50, ang TNT promo na may mas malaking  8 GB data plus Unli Texts to All Networks, valid for three days, sa halagang P50.

 

 

“I’m happy and grateful to join TNT kasama si Kath. Together, we’re excited to keep the saya and kilig going for our fans and for the millions of TNT subscribers nationwide,” pahayag ni DJ.

 

 

“We’re very excited to have Daniel at finally makumpleto ang KathNiel sa patuloy na lumalaking Tropang TNT. We look forward to collaborating with them to give more saya to Filipinos through our value-packed offers, powered by our stron­gest and widest network, ” sabi naman ni Francis E. Flores, SVP and Head of Consumer Wireless Business-Individual at Smart.

 

 

Ito ang latest project ng Kath­Niel matapos ang hit TV series nilang ‘2 Good 2 Be True’, na kinagiliwan ng maraming fans at naging trending topic sa social media mula Mayo hanggang Nobyembre 2022.

 

 

Ang ‘2 Good 2 Be True’ ay available ngayon sa Netflix, at isa sa mga most-viewed series ng nasabing platform sa Pilipinas na ngayon nga ay mas madali nang mapanood ng fans ang hit series gamit ang Doble GIGA VIdeo+ 50 promo.

 

 

Nang tanungin kung paano nila napapanatili ang saya sa kabila ng sunud-sunod na projects, ‘quality time’ kasama ang mga kaibigan at loved ones ang kanilang parehong tugon.

 

 

“‘Pag free days, I spend time with Kath or eat together with my family and katropa. I also play basketball and golf,” pagbabahagi ni Daniel.

 

 

“I like to treat myself to some “me time” once in a while. Gusto ko sa free days ko pina-pamper ko ‘yung sarili ko, which for me means spending time with my friends and family, and also surrounding myself with people around me who give me happiness. I like to appreciate the people around me and find happiness through them,” say naman ni Kathryn.

 

 

Tungkol naman sa plano nila ngayong 2023…

 

 

 

Tugon ni DJ, “I hope to explore new projects and roles na ‘di ko pa nagagawa. I also hope to be able to perform my music again to a live audience, at sana maging active na ang ‘Johnny Moonlight’ production outfit ko.”

 

 

“For 2023, I just want to continue learning new things. I just finished ‘2 Good 2 Be True’ but I feel like there’s still a lot to be explored for me to improve my craft in acting, and I’m looking forward to trying new things that will challenge me.

 

 

“Second is to protect my peace. As much as possible, I choose my battles and find a way to protect that inner peace,” sagot naman ni Kathryn.

 

 

Ang mga TNT subscriber ay pwedeng mag-stream ng mga kanilang paboritong video content gamit ang Doble GIGA Video+ 50, na may 2 GB open access para sa lahat ng sites and apps, at 2 GB per day para sa mga video apps tulad ng YouTube, iWanTV, Smart LiveStream, at Netflix plus Unli Texts to All Networks, all for 3 days.

 

 

Para naman maging updated sa lahat ng ganap ng social media, pwedeng mag-register sa Doble GIGA Stories+50, na may 2 GB open access para sa lahat ng sites and apps at 2 GB per day sa Facebook, Instagram, TikTok, Twitter at Kumu plus Unli Texts to All Networks, all for 3 days.

 

 

Para mag-register sa Doble GIGA+ promos, maglog-in lang sa GigaLife App o mobile wallets, i-dial ang *123#, o pumunta sa mga suking sari-sari store.

(ROHN ROMULO)

Franklin pumukol ng pitong tres kontra Dyip

Posted on: January 30th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINUHOS ni Jamaal Franklin ang pitong tres tungo sa pagtatala ng kabuuang 42 puntos na nagbitbit sa Converge FiberXers sa ikalawang sunod na panalo sa pagpapalasap ng 130-115 kabiguan kontra Terrafirma Dyip sa PBA Governors Cup kagabi sa PhilSports Arena sa Pasig.

 

Nagdagdag pa si Franklin ng 11 rebounds, 8 assists, 1 steal at 1 block kahit na dalawang beses pa lamang itong nag-ensayo para sa Converge na pansamantalang binitbit ang solong liderato sa pagsungkit sa ikalawang sunod nitong panalo.

 

“I was able to get into the details of the system in that two days of practice and we seriously put on it those details that give us the win,” sabi lamang ni Franklin.

 

Tumulong naman sina Maverick Ahanmisi na may 16 puntos, 9 rebounds, 2 assists, 2 steals at 1 block, habang si Justin Arana ay may 15 puntos, 6 rebounds, 1 assist at 1 block.

 

Isang tres ni Maverick sa 7:24 minuto ng huling yugto ang nagbigay sa Converge ng 110-94 abante.

 

Itinala ng Converge ang 13-puntos na bentahe sa 2:58 minuto ng ikatlong yugto mula sa kumpleto na 3-point play ni Franlklin, 97-84, matapos na ibuhos ang walang sagot na 10-0 atake.

 

Nagawang iwanan ng FiberXers ang Dyip sa ikatlong yugto sa pagbuhos ng kabuuang 32 puntos, kumpara sa 21 lang ng Terrafirma. (CARD)

EJ Obiena nakasungkit uli ng silver medal sa Germany

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Sinimulan ni Pinoy pole vault sensation EJ Obiena ang kanyang 2023 indoor season na may silver medal finish sa Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany.

 

Ang Olympic pole vaulter ay nakakuha ng 5.77 meters na nagtapos bilang isang runner-up habang nanguna ang American na si Sam Kendricks sa torneo na may 5.82m sa isang pagtatangka lamang.

 

Sinubukan ni Obiena na lampasan ang record na itinakda ni Kendricks ngunit hindi niya naabot pagkatapos ng tatlong pagtatangka.

 

Si Ben Broeders ng Belgium naman ay pumangatlo na may 5.72 meters record.

 

Sa ngayon, magkakaroon muli ng abalang taon si Obiena para sa kanyang matinding paghahanda para sa 32nd Southeast Asian Games sa buwan ng Mayo na gaganapin sa Cambodia. (CARD)

Bal David nag resign bilang coach ng Growling Tigers

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Nagbitiw na bilang coach ng University of Santo Tomas Growling Tigers si Bal David.

 

Kasunod ito sa iisa lamang ang panalo ng Growling Tigers at 13 talo noong nakaraang UAAP Season 85 na siyang unang pagkakataon na maging head coach.

 

Papalit sa kaniyang puwesto si assistant coach Rodney Santos.

 

Ang 50 anyos kasi na si David ay nakakuha ng kampeonato sa UST noong 1994 at naglaro ng 10 taon sa PBA sa Barangay Ginebra. (CARD)

Umaming nagtampo kay Boy kaya nag-apologize ang TV host: BEA, ‘di na maaatim na makipagkaibigan pa kay GERALD tulad kay ZANJOE

Posted on: January 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI nga maaatim pa ng Kapuso actress na si Bea Alonzo na makipagkaibigan sa dati niyang boyfriend na si Gerald Anderson na nag-ghosting sa kanya.

 

 

Sa naging panayam kay Bea ng King of Talk para sa newest Kapuso show na “Fast Talk With Boy Abunda” last Thursday, January 26, nabanggit nga ni Kuya Boy na friends pa rin sila ng ex-boyfriend na si Zanjoe Marudo hanggang ngayon.

 

 

Kaya naman harap-harapang tinanong si Bea ng, “Kaya mo bang makipagkaibigan kay Gerald, not now but in the future?”

 

 

Na agad naman ng isa sa movie queen, “Hindi, because I can never be friends with somebody I cannot trust and somebody who doesn’t take responsibility for his actions. So, siguro hindi.”

 

Sa maikling pagkakaklaro ni Bea tungkol sa hindi sinasabing totoo, “Siguro yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me, because he did.”

 

Bago ito, natanong din ni Kuya Boy si Bea, nagtampo ito noong interbyuhin niya Gerald noong kasagsagan ng isyu tungkol breakup na ipinalabas noong March 5, 2021.

 

“Oo, kasi tao lang ako Tito Boy,” sagot niya.

 

“Buy I’m glad sa sinabi mo na iniisip mo ako, kasi ‘yun ang tumatakbo sa isip ko noon, na parang inisip kaya ako ni Tito Boy, kung ano ang nararamdaman ko.”

 

Dagdag pa niya, “kahit sino siguro ang mag-interview sa kanya at that time, it would hurt, especially kung half the time he wasn’t telling the truth.”

 

“Siguro yung pinakamalaking pagsisinungaling niya was that he never ghosted me, because he did,” sabi ng aktres.

 

 

Pagpapatuloy pa ng girlfriend ni Dominic Roque, “Doon po sa pagtatampo ko sa inyo, at first, of course I’m human. Yes, masakit sa akin. I was crying, nasa farm kami noon. But then, tao rin ako at natuto ako.

 

 

“I realized it’s part of your job and as a great interviewer, alam ko na bawat sides of the story kailangan mong malaman,” sabi pa ni Bea.”

 

Dahil sa ni-reveal ni Bea, minabuting mag-apologize ni Kuya Boy, dahil alam niyang nasaktan niya ang aktres.

(ROHN ROMULO)