• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 10th, 2023

PBBM, lumipad na patungong Indonesia para dumalo sa ASEAN Summit

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMALIS kahapon, May 9 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. papuntang  Labuan Bajo sa Indonesia para magpartisipa sa 42nd ASEAN Summit.

 

 

Ayon sa  Department of Foreign Affairs, inaasahan na igigiit ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng pagpapakita ng sentralidad ng ASEAN  sa rehiyon sa gitna ng  geopolitical rivalries.

 

 

“The President will also advance the Philippines’ priorities in ASEAN through regional and multilateral cooperation,” ayon sa DFA.

 

 

“My participation will serve to promote and protect the interest of the country including our continued efforts toward economic growth, attaining food and energy security, promoting trade and investment, combating transnational crimes such as the trafficking of persons, and protecting migrant workers in crisis situations,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa kanyang  pre-departure speech.

 

 

Ang  opening ceremony  ng Summit ay gaganapin, bukas, Mayo 10  na susundan ng plenary session at maging ng serye ng interfaces sa hanay ng  ASEAN leaders, representatives, at delegado na  relevant o may kaugnayan sa  ASEAN bodies.

 

 

“The leaders of ASEAN will also exchange views on pressing issues of common concerns such as developments in the South China Sea, the situation in Myanmar, and major power rivalries, amongst others,” ang wika ni Pangulong Marcos.

 

 

Sinabi pa ng Chief Executive na magpapartisipa siya sa 15th Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area.

 

 

“In these meetings, we will have the opportunity to highlight the importance of strengthening cooperation in the BIMP-EAGA sub-region to sustain a striving economy,” anito.

 

 

Looking foward naman ang Pangulo na magdaos ng bilateral meeting kasama ang mga lider ng  Timor–Leste, makikiisa sa ASEAN  para sa kauna-unahang pagkakataon bilang mga  observer o tagamasid.

 

 

“And as the theme of this ASEAN summit is clearly manifesting, it is once again towards economic growth and to recognize that ASEAN and Southeast Asia have been the partners that the other parts of the world… look to Southeast Asia as the growth center for global economy,” aniya pa rin.

 

 

“And that is why it is very important that we go and continue to discuss amongst other ASEAN leaders on how we can maximize and find that extra energy, that synergy from our working together,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)

51% ng pamilyang Pilipino, iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap- SWS

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT ang iniuri ang kanilang sarili na mahirap noong Marso ng kasalukuyang taon batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS).

 

 

Isinagawa ang naturang survey mula Marso 26 hanggang 29 ng kasalukuyang taon sa face to face interviews sa 1,200 Pilipino edad 18 pataas sa Metro Manila, balance Luzon, Visayas at Mindanao.

 

 

Nasa 51% ng pamilyang Pilipino ang iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap o katumbas ng 14 million pamilya.

 

 

Walang gaanong pagbabago kumpara sa 12.9 million pamilya na nagsabing mahirap sa isinagawang survey noong Disyembre.

 

 

Paliwanag ng SWS, upang makuha ang tinatayang bilang ng Self-rated poor families, ang porsyento ng respondent households na iniuri ang kanilang sarili bilang mahirap ay inilapat sa Philippine Statistics Authority medium-population projections para sa taong 2023 at 2022.

 

 

Ayon pa sa SWS, ang steady percentage sa self-rated poor sa buong bansa ay resulta ng pagtaas sa National Capital Region at Visayas, pagbaba sa Balance Luzon at steady na bilang sa Mindanao.

Prinsipyo ang usapan at ‘di pera: VIC, umaming sanay na ang TVJ na halos ‘di kumikita

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA ang pagpapakilala ni Vic Sotto at ng kanyang M-Zet Productions sa cast ng bago nilang sitcom na “Open 24/7” sa media conference nito last Monday, May 8.

 

 

Ito ang papalit sa katatapos na sitcom nila sa GMA Network, of more than four years, ang “Daddy’s Gurl.”

 

 

Sa “Open 24/7” Vic is Boss EZ who’s in charge of a convenience store at lahat ng cast ay mga crazy Gen-Z crew ng store.

 

 

Maja Salvador is a funny and “kikay” girl, Jose Manalo is Spark, Boss EZ’s brother; Sparkle Sweethearts Sofia Pablo and Allen Ansay as Kitty and Al, Sparkle artists Riel Lomadilla as Bekbek, Anjay Anson as Andoy, Kimson Tan as Kokoy, Abed Green as Fred and Bruce Roeland as Doe.

 

 

During the mediacon, parang hindi pa rin makapaniwala ang mga Sparkle stars na they will be working with Vic Sotto.

 

 

Iisa raw ang tanong nila, “kung totoong makakatrabaho po namin si Bossing Vic Sotto, at si Sir Jose Manalo?”

 

 

Since magsisimula na silang mag-taping, sigurado raw ang saya-saya nila sa set.

 

 

Si JR Reyes ang magdidirek ng “Open 24/7” at magsisimula na silang mapanood simula sa Saturday, May 27, after “Magpakailanman” sa GMA-7.

 

 

Isang member of the press ang nag-try magtanong kay Vic tungkol sa issue sa “Eat Bulaga,” at medyo nahirapan din si Vic na hindi mag-comment sa tanong kung totoong nabayaran na ng TAPE, Inc. ang ilang milyong utang sa kanyang talent fee, joke ba iyong sagot niyang ‘bayad’ na siya?

 

 

“It’s not a joke, secret!”

 

 

“Hindi naman pera ang usapan dito, kundi prinsipyo. Sanay na kami, ang TVJ, simula pa lamang na halos hindi kami kumikita.

 

 

“Hindi ako ganoon, kung mababayaran ako, eh di well and good. Kung hindi naman, eh di ayos lang.”

(NORA V. CALDERON)

Makabagong usapin sa draft K-10 curriculum base sa “facts”-DepEd

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BASE  sa “facts” ang panukalang isama sa draft ng K-10 curriculum ang  contemporary issues gaya ng West Philippine Sea at human rights.

 

 

Sinabi ni Department of Education spokesperson Undersecretary Michael Poa na layon din nito na gabayan ang mga estudyante sa mga konsepto na kanilang naririnig sa balita at kanilang kapaligiran.

 

 

“Human rights, we have international conventions regarding that. ‘Pag dating naman po sa West Philippine Sea issue, we have the arbitral ruling regarding that,” ayon kay Poa sa panayam ng journalist na si Malou Mangahas sa pinakabagong episode The Mangahas Interviews.

 

 

“So it’s factual-based naman po. Hindi naman po yan mga controversial kung sabihin natin na wala tayong facts to base things on,” dagdag na pahayag ni Poa.

 

 

At sa tanong na may nagpapatuloy na isyu na maaaring mag-trigger sa reaksyon mula sa mga concerned, sinabi ni Poa  na may ilang paksa ang nangangailangan ng  awareness.

 

 

“For example, yung sinasabin nating red-tagging kelangan malaman din… ng mga learners natin kung ano ang ibig sabihin dahil naririnig nila yan e sa balita, hindi po ba, and their surroundings,”  ani Poa.

 

 

“Mas maganda, imbes na kung kani-kanino pa nila marinig ay we are able to really educate them dito sa mga konsepto without really being biased on certain issues,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tinuran pa ni Poa na ang draft curriculum ay hindi pa naisasapinal.

 

 

“Once finalized mas mabibigyan ako ng information para makapagkomento exactly kung ano yung facets na ituturo,” ayon kay Poa.

 

 

Samantala, pinag-aaralan na ng  DepEd na isama ang paksa gaya ng West Philippine Sea dispute, usapin ukol sa LGBTQ, at human rights sa  social studies curriculum sa senior high school.

 

 

Nakapaloob sa draft K to 10curriculum guide para sa  Araling Panlipunan,  ang mga paksa na kito ay ipinanukala para talakayin sa ilalim ng contemporary issues at  social challenges sa Grade 10.  (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

MMDA: Implementasyon ng Single Ticketing system matagumpay

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG PILOT run ng single ticketing system para sa mga traffic violations sa Metro Manila ay naging matagumpay ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

“The first three days of the single ticketing system’s implementation, which started on May 2 in Muntinlupa, San Juan, Valenzuela, Paranaque and Quezon City had been generally successful,” wika ni MMDA chairman Romando Artes.

 

 

Ang sistema ay nagpapatupad ng uniform set ng mga multa sa mga nahuling motorist ana lumalabag sa batas trapiko sa Metro Manila.

 

 

“No major issues, concerns or complaints have been reported. Our focus now is on some adjustments that must be made in the coming days. So far, we are doing good,” saad ni Artes.

 

 

Nagkaron lamang ng glitches sa mga traffic enforcers na hindi pa familiar sa technology na ginagamit sa single ticketing system. Ito ang naging pahayag ng MMDA at ng policy making body, ang Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng 17 mayors ganon din ang obserbasyon ng Land Transportation Office (LTO).

 

 

Isa sa mga glitches ay ang uploading ng information sa mga violations, access sa portal at activation ng online payment systems.

 

 

Ayon kay Artes ang mga traffic enforcers sa Metro Manila ay muling isasailalim sa training ng paggamit ng handheld devices para sa pagbibigay ng traffic violation tickets.

 

 

“We admit that not all enforcers are techies, so there is a need to train them. One of our observations is the incorrect input of names so they don’t match LTO data,” dagdag ni Artes.

 

 

Bumili ang MMDA ng 510 handheld devices na pinabigay sa mga traffic enforcers sa limang lungsod ng Metro Manila na lumahok sa pilot testing ng sistema. Sinabi ni Artes na ang mga devices ay gagawing customized depende sa mga rules ng bawat isang lokal na pamahalaan lalo na ang imposing ng multa sa late payment ng multa.

 

 

Umaasa si Artes na ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay ipapatupad ang single ticketing system sa darating na third quarter ng taon. LASACMAR

CSC sa mga honor grads: Mag-apply ng eligibility

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT  ng Civil Service Commission (CSC) ang mga college students graduates na suma cum laude, magna cum laude at cum laude na mag-apply ng eligibility sa kanilang tanggapan.

 

 

Ayon kay CSC Chairman Karlo Alexei Nograles, ang nasabing eligibility ay magagamit ng mga honor graduates sa pag-a-apply ng trabaho sa mga posisyon sa gobyerno.

 

 

Ang CSC ay nagkakaloob ng Honor Graduate Eligibility (HGE) para sa Latin honor graduates sa Private Higher Education Institutions (PHEI) sa Pilipinas mula School Year 1972-1973 sa baccalaureate o bachelor’s degrees na kinikilala ng Commission on Higher Education alinsunod sa Presidential Decree No. 907 na inisyu noong Marso  11, 1976.

 

 

Layunin ng batas na agarang maisama ang mga Latin honor graduates sa public service upang matiyak ang partisipasyon ng mga ito sa public affairs na ma­pag-ibayo pa ang kalidad ng serbisyo publiko.

 

 

“Honor graduates can easily secure their civil service eligibility without undergoing the examination. The fact that they graduated with honors is considered sufficient basis to determine merit and excellence for public employment,” ayon pa sa opisyal.

 

 

Ang kompletong  list of requirements at application procedures ay available sa CSC website sa www.csc.gov.ph/special-eligibilities.

GCash tiniyak na ‘walang nanakaw’ na pera sa users, maibabalik din sa accounts

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO  ng mobile wallet at online payment service na GCash na mababalik din sa mobile users ang perang nawala sa kanilang account ngayong hapon — ito matapos magulat ang marami sa mga ‘di inaasahang pagkakalipat ng pondo.

 

 

No. 1 trending sa Twitter ang GCash ngayong Martes matapos ang maraming unauthorized “successful fund transfers” papunta sa ibang bangko mula sa naturang app simula pa Lunes. Hindi ma-access ang app ngayon.

 

 

Nawalan tuloy nang libu-libo ang maraming netizens. Marami sa kanila ay napunta raw ang pera sa isang Asia United Bank Corporation o East West Bank account.

 

 

“Nag-conduct kami ng investigation. In fact, until now, we’re still coordinating doon sa ating partner bank. But what we are trying to say is there no fund loss,” wika ni Gilda Maquilan, vice president for corporate communications ng GCash sa panayam ng TeleRadyo kanina.

 

 

“Doon sa  na-inconvenience, etong amount mare-reflect dun sa kanilang accounts. Wala po[ng nawawala]. Bigyan kami ng until 3 p.m. today, eto ay mare-reflect back sa kanilang mga accounts.”

 

 

Naglalabasan sa ngayon ang screenshots ng bank transfers papunta sa ilang account ng AUB na nagtatapos sa 3008. Ang ilang netizens nawalan pa anila nang halos P50,000.

 

 

Meron ding mga lumalabas na destination bank accounts ng East WEst Bank na nagtatapos naman sa numerong 5239 o 5249.

 

 

Humingi din nang tawad si Maquilan sa tagal ng kanilang system maintenance matapos ang insidente. Sa kabila nito, tiwala naman daw silang babalik sa normal ang lahat mamayang hapon.

 

 

Tinitingnan pa raw kanila kung anong mga hakbang ang dapat gawin sa ngayon. Hindi pa niya masabi talaga na GCash mismo ang problema.

 

 

“Hindi po natin masasabi ‘yan [na na-hack] at this point. Pero kung ano po ‘yung preventive maintenance na pwede nating gawin ngayon to ensure na ‘yung funds po ng ating customers ay maibabalik ay gagawin po namin ‘yan,” dagdag pa ng GCash official.

 

 

“Kaya din po kami nakikipag-ugnayan sa AUB at East West so that we will come up with an immediate resolution and findings kung ano po ‘yung nag-transpire.”

 

 

Iginigiit naman ngayon ng grupong Digital Pinoys, isang network ng digital advocates, na agad makapagkasa ng imbestigasyon ang gobyerno at maibalik ang pera. Ito’y bukod pa sa “loan amnesty” na maaari raw ipatupad.

 

 

Inirereklamo rin daw kasi ngayon nang marami ang paggamit ng ibang tao sa kanilang Gloan at Gcredit.

 

 

“GCash should forgo the charges incurred by account holders if it will be proven that the transaction is unauthorized,” sabi ni Ronald Gustilo, national campaigner ng nasabing grupo.

 

 

“They should also reimburse the hard-earned money of the subscribers that was lost because of the heist. It is GCash’s duty and responsibility to their clients to keep the money stored in their app safe.”

 

 

Pangamba tuloy ng grupo, maaaring mabiktma pa raw ang mas marami kung hindi kikilos nang mabilis ang gobyerno. Bukod sa East West at AUB, dapat na rin daw makialam ang Bangko Sentral ng Pilipinas para masilip ang mga involved accounts.

 

 

Dagdag pa nila, sana’y maging wakeup call daw ito sa GCash na ayusin ang kanilang security at verification features upang hindi na ito maulit pa lalo na’t hindi raw ito ang unang beses na nangyari ito. (Daris Jose)

Unemployment bumaba noong Marso – PSA

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BAHAGYANG  bumaba ang unemployment rate o bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa.

 

 

Sa pinakahuling labor force participation survey ng Philippine Statistics Office (PSA), naitala sa 4.7% ang unemployment rate nitong Marso, mas mababa sa 4.8% noong Pebrero ng 2023 at 5.8% na naitala ng kaparehong buwan noong 2022.

 

 

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, katumbas ito ng 2.42 milyong Pinoy na walang trabaho noong Marso.

 

 

Kasunod nito, umakyat naman sa 95.3% ang employment rate o katumbas ng 48.58 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa.

 

 

Habang ang underemployed o mga manggagawang hindi napapa­sweldo ng sapat at nasa trabahong hindi angkop sa kanilang kakayahan ay naitala sa 11.2% na mas mababa sa 12.9% kung ikukumpara noong Pebrero 2023.

 

 

Kabilang sa mga sektor na may malaking pag-­angat sa employment noong Marso ang construction, transportation and storage, mining and quarrying, manufacturing at admin and support service.

 

 

Habang ilan naman sa sektor na nabawasan ng manggagawa ang sektor ng wholesale at retail, agriculture at forestry, at pati na ang accommodation and food service activities. (Daris Jose)

Alagang aso tinuturing na angels: Pananaw ni HEART, ‘always be grateful in life’

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAHIGIT dalawampung taon na sa industriya ng showbusiness si Heart Evangelista at wala siyang plano na tumigil sa kanyang ginagawa sa ngayon.

“I love it, I love being on the go I think I’m one of the lucky ones who truly enjoy what I do. And I’m also very grateful.

 

“I’ve been working for a long time, I think mga twenty-three years, twenty four years, and so you know kahit pagod parang nananaig yung  pagka-grateful na hanggang ngayon there is something that they like about me so I’m okay, sige lang fill up the schedule lang.”

 

Isa sa pinakasikat na artista at social media personality sa buong Pilipinas at sa Asya, kaya hindi naman katakata-takang napaka-hectic ng schedule ni Heart.

 

Kaya paano niya nagagawang magkaroon ng inner peace at maging kalmado sa gitna ng matinding distraction at toxicity sa social media?

 

“I wake up very early in the morning actually and I always make sure that I have a quiet time, I have a diary, I need to write down in my journal, I never let go of my journal, because I feel like it’s nice to always be grateful in life.

 

“That’s one thing that I like doing. I also love listening to music and as much as possible I like to have my dogs around me all the time.

 

“I feel like those are my angels!”

 

Nakausap namin si Heart at iba pang miyembro ng media sa launch niya bilang celebrity endorser ng Zion massage chair.

 

“I’m super happy and super grateful. It’s just always important to be you know, to collaborate with a company or a brand that… I love advocating self-care, you know.

 

“Self-care means maarte ka but maarte doesn’t mean negative, you know. You go through so much in life, you work so hard, I mean it’s really important to get as much as a tap on the back.

 

“Like a full massage, and I’m for that, I’m really for promoting, you know, self-care, really putting yourself first, I feel like, you know I’m really thankful that they’re giving me a chance to you know, have a voice in a sense to talk about you know, having a massage isn’t just vanity.

 

“It’s about health, it’s about health is wealth, it’s about taking a pause no matter what kahit madami tayong pinagdadaanan.

 

“Like for me, I do have my clothes, I have this beautiful flower on my neck,” pagtukoy ni Heart sa kanyang magandang kasuotan sa araw ng kanyang launch, “pero pagod na pagod din po ako marami din akong problema, normal na tao din ako and I think it’s important that you know, you put yourself first, always, without questions asked!

 

“So I’m so happy!”

 

Napakaganda, fresh at recharged si Heart at aminado siya na malaking bahagi nito ay dulot ng relaxation at therapy na dulot ng regular niyang paggamit ng Zion massage chairs.

 

“My God, ang Zion ang aking charger these days!

 

“Siya ang aking charger, honestly I really need it every night.”

 

***

 

IPINAGDIWANG ni Heart ang kanyang kaarawan nitong Pebrero 14, kaya tinanong namin siya, sino si Heart Evangelista ngayon?

 

“I think… oh wow! I’ve come a long way… I feel… Before I would say I’m thirty-ganyan but I have a mind of a twenty one-year-old. I’m thirty eight but I feel like I have a mind of a fifty-year-old.

 

“I think I had a lot of learning to do with you know, with my job, personal thing

 

s, with responsibilities. I’m on top of everything, and I love being on top of everything.

 

“I like the feeling that you could drop me off anywhere and I will survive.

 

“You know, I never used to travel by myself, now I travel by myself.

 

“Iniiyakan ko yung connecting flight sa Dubai, yung train. Ay, umiiyak na ‘ko. Nangangati na ko, puro na ako pantal before.

 

“Now, I can do anything. I can take anything you want, I’m good and I love it!

 

“I love it that I’m not a hostage to anyone. I don’t need to rely on anyone, and I feel like it’s very empowering.

 

“And I really, really appreciate the people like my husband,” pagtukoy naman ni Heart sa mister niyang si Senator Chiz Escudero, “who is very supportive of, you know, me being a late bloomer, but you know being independent, and really learning to survive on my own. I love it.

 

“I feel really empowered.

 

“I’m still very sweet, but I know when to put my foot down, and I will fight for myself this time around. And I like that, I’m really like that.

 

“Hindi na ako makakawawa ngayon ng kahit sino, and I love it.

 

“I’ve always been very frank and honest about my emotions, I just didn’t know how to put them into words ‘coz I was afraid that people would think, di ba, gano’n tayo ‘pag artista, especially, you have a mold that you have to follow.

 

“But just as long as you say it sweetly and politely but you get the message across, I feel it’s very empowering that you know you’re given a voice.

 

“I love that I had to go through a lot throughout the years to be where I am today.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Bagong Omicron variant na Arcturus, hindi dahilan ng muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 – expert

Posted on: May 10th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

BINIGYANG linaw ng isang eksperto na hindi ang Omicron subvariant XBB.1.16 o mas kilala bilang Arcturus variant ang dahilan ng muling pagtaas ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Sa isang pahayag ay sinabi ng infectious diseases expert na si Dr. Edsel Salvana na walang katotohanan na ito ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng nasabing virus sa Pilipinas.

 

 

Aniya, sa katunayan pa nito ay nag-iisa pa lamang ang nadedetect na Arcturus case sa bansa na naitala noong Abril 26 sa probinsya ng Iloilo at ang tinamaan aniya nito ay asymptomatic at gumaling na rin.

 

 

Dagdag pa ni Salvana, bagama’t ang naturang variant ng Omicron ang naging dahilan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ilang bansa, ay wala pa aniyang direktang ebidensya ito na nagpapakita na nagdudulot ito ng mas malubhang karamdaman.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay binigyang diin din ni Salvana na nananatili pa ring mabisa ang mga bakunang ginagamit ng bansa laban sa Arcturus variant. (Daris Jose)