• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 2nd, 2023

Ads June 2, 2023

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

JBIC, hangad ang partnership sa energy sector ng Pinas, nagpahayag ng interest sa Maharlika fund

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HANGAD ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na makatuwang  ang mga kompanya ng Pilipinas pagdating sa energy development .

 

 

Nagpahayag din ang JBIC ng interest sa  newly-passed Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Nagpahayag ng interest ang JBIC para sa  energy tie-ups sa kompanya ng Pilipinas sa isinagawang courtesy call ni JBIC Chairman of the Board Tadashi Maeda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Tinuran ni Maeda, interesado silang tugunan ang papel ng liquified natural gas (LNG) bilang  traditional source of power sa Pilipinas at ang pangangailangan na Philippines at bitbitin ang iba pang  energy sources gaya ng “hydropower, solar, at wind.”

 

 

“We have the potential…between Japan and the Philippines to work together,” anito sabay sabing “For example, I already had a meeting with Aboitiz Chairman Sabin and I proposed to him to have an MOU… and to Metro Pacific, and also to San Miguel.”

 

 

Aniya pa, may pangangailangan na i-identify ang specific project at idetermina kung paano lilipat sa mas episyenteng enerhya, at maging ang  development ng bagong teknolohiya gaya ng  hydrogen.

 

 

Binati rin ng mga opisyal ng JBIC ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-apruba sa panukalang sovereign wealth fund law ng  dalawang Kapulungan ng Kongreso.

 

 

Tinuran naman ng  Pangulo na ito ang mga uri ng  investments na kailangan ng bansa dahilan kung bakit ginawa o nilikha ang pondo.

 

 

“It’s so that we, the Philippines, can participate in what would be, what is regarded, of course, as an investment for us. It is a necessary infrastructure that we are investing in,” ayon sa Pangulo.

 

 

“So, that is the plan for the sovereign fund. We now have to go and look at the design or the structuring of the fund. But it is basically seen as our government participation in projects that, mostly, it will really be in the Philippines,”ayon pa rin sa Punong Ehekutibo.

 

 

Sinabi naman ni Maeda na nais ng JBIC ang iba pang detalye ukol sa potensiyal ng bansa, targeted projects, at iyong nananatili sa pipeline,  “so it could make more tangible, specific proposals to upgrade the value of the strategic cooperation.”

 

 

Ang JBIC  ay  isang policy-based financial institution wholly-owned na pag-aari ng  Japanese government, “with a role of contributing to the sound development of Japan, the international economy, and society, covering various fields.”

 

 

Ang pangunahing operational principle ng bangko ay “to supplement the financial transactions implemented by private financial institutions.”

 

 

Matatandaang, nakipagpulong si Pangulong Marcos kay Maeda sa Tokyo  noong  magsagawa ng kanyang official ang una sa Japan nito lamang buwan ng Pebrero. (Daris Jose)

Kahit nalungkot sa ‘kawalan ng respeto’: ICE, masaya dahil malaya na ang ‘Dabarkads’ kaya sulong lang

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ni Ice Seguerra noong Miyerkules, nagpahayag ito na hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa producer ng ‘Eat Bulaga!’ na TAPE Incorporated.

 

 

Sa panimula ng Asia’s Acoustic Sensation, “Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?

 

 

“Malungkot ako sa nangyayari. Sa kawalang respeto. Malungkot ako dahil sa hiwalayang Eat Bulaga at TAPE, mayroong mga taong mag-iiba ang lagay sa buhay. Nalulungkot akong umabot sa ganito.”

 

 

Pagpapatuloy pa ni Ice tungkol sa kaganapan sa TVJ at EB, “Pero masaya ako dahil malaya na sila. Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya. Hindi rin ako natatakot sa kinabukasan ng programa.

 

 

“Ang Eat Bulaga ay Eat Bulaga. Kahit saang network sila mapadpad, walang paltos silang makakalipad.

 

 

“Kaya sulong lang, Dabarkads. Simula pa lang ito nang mas maniningning na bukas.”

 

 

Pinusuan naman ang post nina Iza Calzado, Chynna Ortaleza, Vina Morales, Amy Perez, Gladys Guevarra, Jako de Leon, at mga netizen na agree sa naging saloobin ni Ice.

 

 

Sa IG post naman ni Maine Mendoza, nagpaalam at nagpasalamat na rin ito, “hanggang sa muli, dabarkads. maraming salamat, @eatbulaga1979.”

 

 

Simpleng, ‘Always and forever… @eatbulaga1979″ ang post ni Alden Richards. Kasunod niyang post ang photo nila ni Bossing Vic, kasama ang three hands praying emoji.

 

 

Three heartbroken emojis naman ang comment ni Judy Ann Santos, na asawa ng co-host ng EB na si Ryan Agoncillo. Isa rin si Ciara Sotto sa labis na nalungkot, na isa sa mga dating co-host ng Eat Bulaga!

 

 

Nagpahayag din ng kanilang kalungkutan sina Regine Velasquez, Mariel Padilla, Shaina Magdayao, Charlene Gonzalez, Sunshine Cruz, Kakai Bautista, Nikki Valdez, Ruffa Gutierrez, Mikee Cojuangco at marami pang celebrities.
Anyway, bago pa mag-May 31, usap-usapan na ang balitang ‘nagkapirmahan’ na raw ang TVJ paglipat nila sa TV5.

 

 

Bukod pa sa bali-balitang baka sa NET25 ang susunod niyang tahanan, dahil may kanya kanyang show doon sina Tito, Vic and Joey.

 

 

Ayon nga sa solid ‘Dabarkads’, na posibleng ito rin ang maging title ng new noontime show, saan man sila mapunta o mapadpad, susunod at susuportahan nila ang grupo ng TVJ.

(ROHN ROMULO)

ORDINANSA NA TUTUGON SA PROBLEMA NG MALNUTRISYON SA MGA BATA SA MAYNILA, NASA IKATLONG PAGBASA NA

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINASA ng Konseho ng Lungsod ng Maynila sa Ikatlong Pagbasa ang lokal na bersyon ng Republic Act 11037 o ang Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act na naglalayong tugunan ang problema ng malnutrisyon sa mga bata sa isinagawang regular na sesyon nitong Mayo 25.

 

 

Ang panukala, na tatawaging Masustansyang Pagkain para sa Batang Maynila Ordinance, ay magtatatag ng Manila City Local Feeding Program sa mga daycare center at pampublikong paaralan, na nagbibigay ng hindi bababa sa isang fortified meal araw-araw, sa loob ng 120 araw o higit pa bawat taon, sa mga batang kulang sa nutrisyon.

 

 

Ang programa ay popondohan sa bahagi ng Special Education Fund ng lungsod at ipatutupad ng Manila Department of Social Welfare, sa pakikipag-ugnayan sa City Health Department at mga ahensya ng pambansang pamahalaan, partikular na ang Department of Education at Department of Social Welfare and Development.

 

 

“Giving good nutrition to a child early in life is essential to his or her future health”, paliwanag ni 4th District Councilor Louisito “Doc Louie” Chua, punong may-akda ng Ordinansa.

 

 

“Most children eat just to satisfy their hunger, without proper regard to their food’s nutritional value”, dagdag pa ni Chua, na isang medikal na doktor ayon sa propesyon.

 

 

Nabatid na marami sa karaniwang sakit ngayon, tulad ng labis na katabaan, ay nauugnay sa malnutrisyon. Ang mga bata ay nasa mas malaking panganib ng malnutrisyon, dahil mayroon silang mas malaking pangangailangan sa nutrisyon kaysa sa mga matatanda.

 

 

Suportado naman ng iba pang konsehal ang panukalang pangkalusugan kung saan ibinahagi pa ng ilan ang kanilang mga masasayang alaala sa mga feeding program na nakinabang nila noong bata pa sila. Isa sa mga nakaalala nito ay si Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto kung saan maging siya ay nabenipisyuhan ng nutribun at gatas noong nasa grade school pa lamang ito.

 

 

Ang programa ay inaasahang magiging bahagi ng kampanya ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan na magbigay ng tulong sa mga mahihirap na residente ng Maynila.  (JAY REYES)

Utang ng Pilipinas, umabot sa bagong record-high na P13.9-T – Bureau of Treasury

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

LUMOBO  sa bagong record high ang utang ng gobyerno ng Pilipinas noong katapusan ng Abril ngayong taon na kung saan karamihan ay dahil sa paghina ng piso, ayon sa data na inilabas ng Bureau of the Treasury.

 

 

Ang natitirang utang ng pambansang pamahalaan ay umabot sa P13.9 trillion, tumaas ng 0.4% o P52.24 billion, mula sa P13.8 trillion noong katapusan ng Marso 2023.

 

 

Iniuugnay ng Treasury ang pagtaas sa net issuance ng external debt at local currency depreciation laban sa US dollar.

 

 

Kung pinaghiwa-hiwalay, ang bulk, o 68%, na kabuuang stock ng utang ng gobyerno ay locally sourced, habang ang natitirang 32% ay mga pangungutang sa ibang bansa.

 

 

Sa partikular, ang utang sa loob ng bansa ay umabot ng P9.4 trillion, bumaba ng 0.6% mula sa P9.5 trillion, noong nakaraang buwan.

 

 

Ang mas mababang utang sa loob ng bansa ay “dahil sa net redemption ng domestic securities na nagkakahalaga ng P57.79 bilyon.”

ISANG OFFSHORE GAMING, TINANGGALAN NG LISENSYA NG PAGCOR

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa maling pamamalakad sa offshore gaming sites, tinanggalan ng provisional accreditation ang isang offshore gaming hub, ayon sa Philippine Gaming Corporation o PAGCOR.

 

 

Ayon kay PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco ang Sun Valley Clark sa Freeport Zone Pampanga ay hindi na mabibigyan ng accreditation dahil sa kabiguan nitong masiguro ang tamang pamamalakad ng mga offshore gaming sites nito.

 

 

Muli namang binalaan ni Tengco ang mga offshore gaming operator na lisensyado ng PAGCOR na iwasan ang anumang pagkakasangkot sa anumang criminal activities kung gusto ng mga itong mapanatili ang kanilang mga lisensya.

 

 

Binalaan din ng PAGCOR ang mga foreign  nationals kung saan pinag-iingat ang mga ito sa pagtanggap ng nakakasilaw na job offers sa bansa na ginagamit ng mga manloloko para sa human trafficking.

 

 

Ayon kay Tengco,  patuloy ang ginagawa ng koordinasyon ng PAGCOR sa mga partner government agencies nito para labanan ang mga ilegal na aktibidad na may kaugnayan sa offshore gaming operations. GENE  ADSUARA

WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.

 

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco,  kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.

 

 

Sinabi ng Manahan na si Kim ay kararating lamang sakay ng Cebu Pacific galing Ho Chi Minh, Vietnam nang naaresto ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) sa airport.

 

 

Inalerto ng mga Immigration supervisors  ang mga ahente ng BCIU nang nakitang nakarehistro  sa Interpol database ang pangalan ni Kim. Dahilan upang ipag-utos ni Tansingco ang agarang deportation proceeding laban kay Kim.

 

 

Sa impormasyon mula sa Interpol’s national central bureau (NCB)  sa  Manila, si Kim ay nakasuhan na at  wanted sa Korea  dahil sa fraud, inflicting physical injuries at drunken driving.

 

 

Bukod pa dito, si Kim ay nanloko sa kanyang mga kababayan at hinikayat na mag-invest sa kanyang 30 million won o US$23,000 at babalik nito sa halagang 100 million won sa loob lamang ng tatlong buwan subalit ibinulsa nito ang pera.

 

 

Kim claimed that he would invest the funds in the casino business but he reneged on his promise and instead pocketed the money which the victim deposited in his bank account.

 

 

Nabatid pa na nagpakita rin si Kim ng isang Korean passport gayuman, naka-report sa Interpol na nawala at  ninakaw ang nasabing travel document. GENE ADSUARA

Masaya kay LJ at sa non-showbiz fiance: PAOLO, nagsalita na rin sa relasyon nila ni YEN

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MARAMI nang naghihintay kung paano magla-live ang “Eat Bulaga,” na sa ngayon ay nagri-replay lamang ng mga past episodes nila?  

 

 

Sinu-sino raw kaya ang sumama sa mga hosts at staff ng long-running noontime show, kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon?

 

 

May balitang dalawa raw sa mga huling umalis sa APT Studio, after nilang mag-meeting pagkatapos nilang magpaalam sa pamamagitan ng kanilang Facebook Live, ay sina Maine Mendoza at Jose Manalo, dala ang kanilang mga gamit.

 

 

Balita rin na magpapahinga muna si Maine, lalo pa at wala na siyang ibang shows na ginagawa dahil nagtapos na rin ang comedy show nilang “Daddy’s Gurl” ni Vic Sotto, at ang #MaineGoals sa Cignal TV.

 

 

Sa kasalukuyan kasi ay wala pa ring maliwanag na detalye kung saan lilipat ang show na gagawin ng TVJ.

 

 

***

 

 

ANG Multimedia Idol na si Kim Chiu ang new ambassador ng Sisters Sanitary Napkins, one of the leading feminine hygiene brands sa bansa, ang Sisters Sanitary Napkins and Panty Liners ng Megasoft Hygiene Products Inc.

 

 

Alam ni Megasoft Vice President, Ms. Aileen Choi Go na isa si Kim sa biggest names in the industry today, but she admires the way she remained bubbly, inspiring and down-to-earth.

 

 

 “She’s a good actress, a great host, a fine businesswoma and a really generous sister to all her siblings, kaya bagay siyang endorser ng aming produkto,” sabi ni Ms. Aileen.  Sinagot naman ito ni Kim na matagal na siyang gumagamit ng Sisters products, bago pa siya nakuhang endorser.

 

 

“I love using Sisters kasi, magalaw ako, I love to dance, and with Sisters, secure ako with their adhesives that prevent it from leaking or shifting.  Kaya masaya ako nang i-offer nila sa akin..

 

 

“I really look forward sa program nila that tours schools all over the country.  Gusto kong ma-meet all the young women who are experiencing puberty.  Grade 6, ako nung first time na magkaroon  ako at pinagtawanan ako ng mga classmates ko, kaya two weeks akong hindi pumasok sa school.

 

 

“Ngayon kaya kong i-explain sa mga young girls na walang reason para matakot sila, dahil part ito of being a woman.  Ituturo ko rin sa kanila na kapag may menstrual pains ako, chocolate lang ang katapat nito, kumain sila nang kumain ng chocolate nang hindi nila maramdaman ang sakit.”

 

 

Sa kabila ng pagpu-promote ni Kim ng Sisters, may mga new projects din siyang ginagawa ngayon, one is the drama series na “Linlang” with Ms. Maricel Soriano and JM de Guzman, plus daily hosting “It’s Showtime” and “ASAP Natin” every Sunday.

 

 

***

 

NGAYONG lumabas na ang engagement ni LJ Reyes to her non-showbiz boyfriend, nagsalita na rin si Paolo Contis tungkol sa relasyon nila ni Yen Santos.

 

 

Bakit daw niya minahal si Yen?

 

 

Inamin ni Paolo na that time na nasa height ng controversy nila ni LJ, kayang putulin ni Yen ang relasyon nila, pero hindi, mas pinili nito, to stay with him, which made him fall in love with her.

 

 

Ayon kay Paolo sa podcast interview ni Nelson Canlas, “nang magsimula ang controversy, there was every opportunity to tell me or to leave, but she stayed, hindi rin niya ipinakita sa akin na she is affected, kaya bakit hindi mo siya mamahalin?”

 

 

“Kung yung iba, lumayo, siya lumapit.”

 

 

Inamin ni Paolo na masaya siya for LJ and her non-showbiz fiance, si Philip Evangelista.

 

 

Inamin din niyang nagkulang siyang maglaan ng oras sa kanilang dalawa “to talk everything.”

 

 

(NORA V. CALDERON)

MAYHEM UNLEASHED AS TRAILER FOR “TEENAGE MUTANT NINJA TURTLES: MUTANT MAYHEM” DEBUTS

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

COWABUNGA! Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, with a star-studded voice cast that includes Seth Rogen, Paul Rudd, Maya Rudolph, Rose Byrne, Jackie Chan, John Cena and Post Malone, opens across Philippine cinemas August 23. Watch the trailer. 

YouTube: https://youtu.be/BvsPAPb_cPc

Facebook: https://www.facebook.com/paramountpicsph/videos/600043092104874

About Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem

In Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem, after years of being sheltered from the human world, the Turtle brothers set out to win the hearts of New Yorkers and be accepted as normal teenagers through heroic acts. Their new friend April O’Neil helps them take on a mysterious crime syndicate, but they soon get in over their heads when an army of mutants is unleashed upon them.

Directed by Jeff Rowe, the film is produced by Seth Rogen, Evan Goldberg and James Weaver.

The ensemble voice cast includes Micah Abbey, Shamon Brown Jr, Hannibal Buress, Rose Byrne, Nicolas Cantu, John Cena, Jackie Chan, Ice Cube, Natasia Demetriou, Ayo Edebiri, Giancarlo Esposito, Post Malone, Brady Noon, Seth Rogen, Paul Rudd and Maya Rudolph.

Teenage Mutant Ninja Turtles: Mutant Mayhem is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Connect with #MutantMayhem #TMNTMovie and tag paramountpicsph

(ROHM ROMULO)

Sinumpaang tungkulin, hindi pinipersonal

Posted on: June 2nd, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI umano personal kundi tinutupad lamang ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng mga miyembro ng Kamara ang kanilang tungkulin ng muling suspendihin si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. na nagtatago at humingi ng political asylum sa ibang bansa.

 

 

“Hindi natin papayagan na sirain ninuman ang integridad ng kongreso. Walang personalan dito. Ginagawa lamang natin ang sinumpaan nating tungkulin at pangako sa sambayanan,” pahayag ni Speaker Romualdez sa kanyang talumpati bago ang sine die adjournment ng kongreso.

 

 

Ipinaalala nito na bilang kinatawan ay may pananagutan sila sa mga Pilipino na gampananan ang kanilang mandato na maglingkod na may integridad at buong katapatan.

 

 

Kabilang aniya rito ang pagsunod sa Code of Conduct, Rules of the House at Rules of the Committee.

 

 

Ang pagtalima sa mga panuntunan na ito ay sumasalamin sa kredibilidad ng institusyon.

 

 

“I would like to reiterate that as members of this House, we must be accountable to the people at all times and perform our legislative mandates with utmost competence, efficiency, effectiveness, integrity and fidelity to the people’s welfare – nothing less. Let this be a reminder to all of us,” pahayag pa nito.

 

 

Marso ng unang dinggin ng House Committee on Ethics and Privileges ang pagkabigo ni Teves na umuwi sa Pilipinas kahit expired na ang travel authority na ibinigay sa kanya ng Kamara.

 

 

Si Teves ay iniuugnay sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo na kilalang kalaban nito sa pulitika at tumalo sa kanyang kapatid na si Henry Pryde nitong nakalipas na 2022 elections.

 

 

Inirekomenda ng Ethics committee na patawan si Teves ng 60-araw na suspensyon at pinagtibay ito ng mga miyembro ng Kamara.

 

 

Nagtapos ang suspensyon noong Mayo 22 subalit nanatili pa rin si Teves sa ibang bansa at naghain pa ng aplikasyon para sa political asylum sa Timor-Leste.

 

 

Dahil dito, muling nagsagawa ng pagdinig ang Ethics committee na nagrekomenda na muling patawan si Teves ng 60-araw na suspensyon at alisan ng membership sa lahat ng komite.

 

 

Walang tumutol sa muling pagpapataw ng parusa kay Teves na sinang-ayunan ng 285 kongresista. (Ara Romero)