• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 20th, 2023

MAG-DYOWA, INARESTO NG NBI MATAPOS ANG REINVESTIGATION

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DINAKIP ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOTCD) ang isang mag-live-in partner dahil sa kasong Robbery with Homicide.

 

 

Nag-ugat ang pagkakaaresto kay Julie Ann Navarro y Englis at Rovelyn Canete y Dayanan sa kahilingan ng panibagong imbestigasyon ni Telesforo P. Hernando kaugnay sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Noemi H. Dacuycuy, 85, isang balo na pinatay sa loob ng kanyang bahay sa  El Grande Ave., BF Homes, Paranaque City noong May 4, 2023.

 

 

Unang Inimbestigahan ng Parañaque City Police Station ang kaso  kung saan ang house helper na si Ronald Roda Roxas alias Noah ay kinasuhan ng Murder via inquest proceedings sa sala ng  City Prosecutor’s Office ng  Parañaque City noong May 6, 2023.

 

 

Sa isinagawang awtopsiya sa bangkay, lumalabas na ang sanhi ng pagkamatay ng biktima ay dahil sa blunt force trauma sa kanyang ulo at leeg, asphyxia by strangulation.

 

 

Dahil dito, lumabas na hindi siya pinatay ni Noah dahil nagsilbi ito sa biktima ng limang taon at wala siya motibo upang patayin ito. Siya rin ang tumawag ng tulong sa pamilya ng biktima at hindi ito umalis hanggat hindi natapos ang isinasagawang imbestigasyon.

 

 

Kaya taliwas sa imbestigasyon ng Parañaque Police, ang mga prime suspect ay si Julie Ann at live-in partner nito na si Rovelyn.

 

 

Base sa mga saksi, nahuli umano ng biktima na nagnakaw sila ng pera nito sa pamamagitan ng kanyang ATM na ipinagkatiwala sa kanila, subalit imbes na palayasin ay binigyan pa sila ng isang pagkakataon na makapagtrabaho .

 

 

Base rin sa imbestigasyon, isang text message ang ipinadala ni Noah noong namatay ang biktima  gayunman, lumalabas na sa konstruksyon ng messages ay kakaiba sa mga messages nito at iba rin ang mobile number na ginamit.

 

 

Lumabas din na ang withdrawal transaction record sa ATM ng biktima ay nangyari sa kanyang kamatayan kung saan ang dalawa ang nag-withdraw gamit ang nawawalang ATM.

 

 

Sa pagharap ng dalawang akusado sa NBI matapos padalhan ng subpoena, noong June 13, 2023, ininguso ni Julie Ann na si Rovelyn na siyang pumatay sa biktima na inamin naman ni Rovelyn ang pagpatay  subal;it dahil lamang umano sa pag-uudyok ni Julie Ann

 

 

Sinabi umano ni Julie Ann kay Rovelyn na ang pagpatay sa biktima ang makakasalba sa kanila upang hindi sila mabilanggo dahil nasa kanila ang perang ninakaw mula sa ATM nito.

 

 

At dahil sa pagbibigay nila ng full account at kung paano pinatay ang biktima , at sa tulong ng kanilang abogado ay naibaba ang kanilang kaso sa Robbery with Homicide. GENE ADSUARA

Puring-puri siya nina Chanda at Sandy… HERLENE, itinangging nali-late sa taping dahil sa ibang commitments

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MABILIS na nagpaliwanag si Binibining Pilipinas 2022 1st Runner Up Herlene Budol tungkol sa issue na cause of delay daw siya sa taping ng first teleserye niya sa GMA Network, ang “Magandang Dilag.” 

 

 

Inuuna pa raw niya ang iba niyang commitments kaysa taping.

 

 

“Hindi po naman maiwasan ang ganoong bagay, give and take naman po kami sa mga taping schedules at sa iba pang lakad,  Iyon po namang ibang schedules talagang obligasyon din po iyon, pero hindi po ako nali-late sa taping,” paliwanag pa ni Herlene.

 

 

“Pero marami rin pong salamat sa lahat ng nagsusulat sa akin, bad or good po, is still publicity.”

 

 

Pinatunayan naman ng mga seasoned actresses na sina Chanda Romero at Sandy Andolong na wala silang problema kay Herlene.

 

 

Si Chanda, first meeting pa lang daw niya kay Herlene: “kahit wala siyang tulog, kahit pagod na pagod na siya sa mga eksena niya, wala kang maririnig sa kanya, dahil nirerespeto niya ang mga kasama niya sa set.  Kapag na-take 2 nga siya, napapaiyak na siya dahil sa sobrang hiya niya sa kaeksena at sorry siya nang sorry. For that, lalo kong minahal si Herlene.”

 

 

Si Sandy naman pinuri niya ang pagiging marespeto raw ni Herlene at gustong-gusto niya ang pagiging totoo at pagiging honest kung ano ang nararamdaman nito, “hindi siya talaga mahirap mahalin.”

 

 

Sa June 26 na mapapanood ang “Magandang Dilag” na makakasama ni Herlene sina Benjamin Alves, Rob Gomez, Adrian Alandy, Maxine Medina, Bianca Manalo, Angela Alarcon, at marami pang iba.

 

 

Sa direksyon ni Don Michael Perez, mapapanood ito 3:25p.m. sa GMA Afternoon Prime, papalitan nila ang “AraBella” na nasa finale week na ngayon.

(NORA V. CALDERON)

After Sanya, si Herlene naman ang aapihin: MAXINE, nag-e-enjoy kaya kina-career ang pagiging kontrabida

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

KINA-CAREER ni Maxine Medina ang pagiging kontrabida at inamin nitong nag-e-enjoy siya.

 

 

 

Nasubukan na kasing maging kontrabida ng former Miss Universe Philippines 2016 kay Sanya Lopez sa teleserye na ‘First Yaya’. Ngayon ay si Herlene “Hipon Girl” Budol ang makakatikim ng kanyang pagtataray.

 

 

 

“Parang enjoy na rin ako sa pagiging mean girl. After ‘First Yaya’, na-miss ko rin ‘yung magtaray-tarayan. Kaya noong ibigay sa akin ang kontrabida role sa ‘Magandang Dilag’ with Herlene, natuwa ako kasi mailalabas ko ulit ‘yung mga natutunan ko sa unang kontrabida role ko. Medyo iniba natin para fresh ang mapanood nila sa akin. Pero in person, mabait po ako,” sey ni Maxine.

 

 

 

Makakasama pa ni Maxine na aapi kay Herlene ay ang former beauty queen din na si Bianca Manalo at ang Sparkle actress na si Angela Alarcon.

 

 

 

“First time ko makatrabaho sina Bianca and Angela. Si Bianca, I know her because of the pageant industry and nagkakasama lang talaga kami kapag may pageant and unexpected din na gano’n siya kakalog. Sobrang nakakatawa and malayo siya sa characters na pine-play niya.

 

 

 

“Si Angela naman ay parang baby namin sa set. Sarap parati ng chismisan namin sa taping. At magaling din na kontrabida si Angela.”

 

 

 

***

 

 

 

MASUWERTE ang 18-year old Sparkle Teen actor na si Aidan Veneracion dahil nabigyan siya ng challenging role sa murder mystery drama ng GMA na ‘Royal Blood’.

 

 

 

Sa kanyang kauna-unahang primetime teleserye, gaganap si Aidan bilang si Archie Royales, ang mentally-challenged son nila Mikael Daez at Megan Young.

 

 

 

Kinuwento ni Aidan ang naging audition niya para sa role na Archie na may sakit na autism spectrum disorder or ASD.

 

 

 

“Hindi po talaga ako naka-assign sa role na Archie, pero that day parang pina-audition po kaming lahat na mga boys. Hindi po ako nakapag-prepare for that role na mayroong ASD kaya nag-research ako.

 

 

 

“Tinulungan din po ako ng production kung ano ‘yung specific na character na gusto nila and with the help of our acting coach din and Sparkle GMA Artist Center, nakapag-prepare ako for this character.”

 

 

 

Kasama rin ni Aidan sa ‘Royal Blood’ ang ka-batch niya sa Sparkle Teens na sina James Graham at Princess Aliyah.

 

(RUEL J. MENDOZA)

20-M mga Pinoy, walang kakayahang magpakabit ng internet – study

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

AABOT  sa 20 milyong mga Pilipino ang nagsabing wala silang kakayahang mag-avail ng internet nang kahit 1 gigabyte lamang kada buwan.

 

 

Ito ang resulta ng isang pag-aaral na isinagawa ng World Data Lab on the Internet Poverty Index kung saan sumampa sa pang-16 na puwesto ang Pilipinas sa 166 na mga bansa na mayroong pinakamataas na bilang ng mga “internet poor” residents.

 

 

Bukod dito ay ipinakita rin sa naturang pag-aaral na ang mga internet users sa bansa ay nagbabayad ng hindi bababa sa P650 kada buwan para sa internet connectivity — mas mababa sa P1,400 rate na naitatala sa US.

 

 

Samantala, sa ngayon ay wala pa ring nagiging tugon ang Department of Information and Communication Technology ukol dito ngunit kung maaalala, noong 2018, kinontrata ng DICT ang ilang internet service providers para magbigay ng libreng internet connection sa 11,000 sites sa bansa.

Dahil ibibigay na ang noontime slot sa TVJ: ‘It’s Showtime’ nina VICE GANDA, ‘di na ire-renew ng TV5

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NALUNGKOT ang mga viewers ng “It’s Showtime” nang malaman nilang wala na palang balak ang TV5 na i-renew ang show sa kanilang noontime slot matapos magwagi ang bagong bihis na “Eat Bulaga” against them.

 

 

Sa interview kay Manny V. Pangilinan, TV5 owner, desidido umano ang kanilang pamunuan na ibigay na ang noontime timeslot sa TVJ kapag natapos na ang kontrata ng “It’s Showtime” sa kanila.

 

 

At bukas naman daw ang kampo nila para mabigyan sila ng ibang timeslot.

 

 

“We’re open to their schedule and we are coordinating with ABS-CBN, I believe that TV5 is committed to TVJ for the noontime slot, so it’s up to them not up to us,” paliwanag pa ni MVP.

 

 

                                                            ***

 

 

BALIK acting and singing muli si Rita Daniela after five months na isinilang ang itinuturing na “greatest gift” sa kanyang buhay, si Baby Uno.

 

 

Isinilang ni Rita si Uno last December 22.  Matatandaan na nag-announce si Rita noong June, 2022 sa isang episode ng “All-Out Sundays” na she’s preggy: “I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother.  Wala po naman akong planong ilihim, naghanap lamang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.”

 

 

Nilinaw ito ni Rita nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda,”  Doon din niya sinabi na si Sparkle artist Mavy Legaspi ang napaglihihan niya noong buntis siya. Kaya raw nakuha nito ang dimples ni Mavy.

 

 

“Nagpaalam ako kay Kyline, sabi ko, ‘Kyline, okay lang ba na paglihihan ko si Mavy? Sagot naman ni Kyline, “Go lang! Go lang!”  Ako naman super titig kay Mavy habang nagwu-work ako sa “All-Out Sundays.”

 

 

Samantala, Rita also confirmed na hiwalay na siya sa non-showbiz partner at ama ng anak niyang si Uno, matapos ang apat na taon, pero nananatili pa rin daw silang magkaibigan nito hanggang ngayon.

(NORA V. CALDERON)

Administrasyong Marcos, nangako ng ‘safe, secure environment’ para sa media workers

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

COMMITTED ang administrasyong Marcos na magbigay ng “safe and secure environment”  sa  Philippine press.

 

 

Sinabi ni  Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) executive director Paul Gutierrez na ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay bilang suporta sa patuloy na operasyon ng task force sa ilalim ng kanyang liderato.

 

 

Testamento aniya ito dedikasyon ng kasalukuyang administrasyon na panindigan at protektahan ang karapatan ng media workers.

 

 

“The decision of President Marcos Jr. to continue with the PTFoMS is the clearest demonstration of his administration’s commitment to the strengthening of our democracy and in sustaining an environment that is generally safe and secure for all members of the press,” ayon kay Gutierrez.

 

 

“The corollary aim is to ensure that all transgressors of media rights are made accountable before the law,” anito pa rin.

 

 

Ipinalabas ni Gutierrez ang kalatas na ito para pabulaanan ang report ng Reuters Institute for the Study of Journalism’s 2023 na ang media landscape  ng Pilipinas ay nananatiling “largely grim” kahit pa natapos na ang six-year term ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Sinabi rin sa ulat na ang pag-atake sa mga  journalists, kabilang na ang  red-tagging, pagpatay at paggamit ng  “lawfare,” ay nagpapatuloy sa ilalim ng administrasyong Marcos, isang alegasyon na itinatwa at sinabing “false” ni Gutierrez.

 

 

Sinabi ni Gutierrez na ang pagdami ng pag-atake ay hindi data-based.

 

 

“How can the Philippine media environment be described as ‘grim’ when the perpetrators of even sensational cases are identified and charged in court,” ayon kay Gutierrez sabay binigyang-diin na ang report ng banta at  harassments laban sa media workers ay dapat na “treated with caution.”

 

 

“Experience shows that in most cases, the threats and harassments are due to personal reasons involving a reporter and the subject of an adverse commentary or news report. However, some quarters active in the international scene habitually report these incidents as added ‘proof’ of our shrinking democratic space,” dagdag na wika ni Gutierrez.

 

 

Base sa monitoring ng  PTFoMS, mayroong 195 na naiulat na  media killings sa pagitan ng 1986 at June 2023.

 

 

Tinatayang may 21  kaso  ang naiulat sa ilalim ni dating Pangulong  Corazon Aquino; 11 sa ilalim ni dating Pangulong Fidel Ramos; apat sa ilalim ni dating  Pangulong  Joseph Estrada; 82 sa ilalim ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo; 40 sa ilalim ni dating Pangulong  Benigno Aquino III; 34  sa ilalim ni dating Pangulong  Duterte; at tatlo sa ilalim ng administrasyong  Marcos.

 

 

Tinuran ni Gutierrez na mayorya ng  57 kaso ang naestablisa  ng mga imbestigador bilang  “not work-related,” habang  28 ng insidente ang kumpirmado bilang  “work-related.”

 

 

Binigyang diin pa nito na ang bilang ng mga biktima na lumabas na malaki o  34 journalists  na napatay ay noong  2009 Ampatuan Massacre sa Maguindanao.

 

 

Idinagdag pa nito na ang suspek sa 51 killing incidents ay nahatulan na sa korte.

 

 

“Let me point out that in the case of the Ampatuan Massacre whose verdict was handed down in December 2019, a total of 45 suspects, including the masterminds, Datu Andal Ampatuan and Zaldy Ampatuan Jr., were convicted by the court,” ayon kay Gutierrez.

 

 

“Let us not forget that this verdict is also the single biggest conviction of suspects in the attack against journalists anywhere in the world. As far back then in 2019, the decision already disproved the accusation that our judicial system is not working and therefore needs outside intervention for it to remain credible and functional,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa ni Gutierrez, umupo bilang PTFoMS head noong Mayo 25, 2023,  na ang lahat ng suspek sa  tatlong naiulat na  media killings sa ilalim ng administrasyong Marcos ay kinilala na at nakasuhan na sa korte.

 

 

Tinukoy ang kaso ni  Renato Blanco, isang Negros Oriental broadcaster na sinaksak hanggang sa mamamatay noong Setyembre 18, 2022; radio blocktimer Percival “Percy Lapid” Mabasa namatay matapos barilin noong Oktubre  3, 2022 sa Las Piñas City; at Cresenciano Bundoquin, radio blocktimer sa Calapan City, Oriental Mindoro  na namatay matapos ding barilin noong Mayo  31, 2023.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Gutierrez na ang  “red-tagging” ay hindi kailanman naging polisiya ng administrasyong Marcos.

 

 

Ang napaulat aniya na  941 bilang ng  cyber libel cases na isinampa laban sa  journalists sa Quezon province nglocal official ay nadismis na ng korte noong Pebrero ng taong kasalukuyan.

 

 

“The dismissal should be seen as proof that our judicial system is functioning and that our mechanism for redress of grievances is also working. Nevertheless, I join the campaign to prevent the law on cyber libel and libel from being abused by some quarters of our society against any member of the press,” anito.

 

 

“An environment ensuring the life, liberty and security of the members of the press is not only one of the country’s international commitments but also a primary responsibility of the government to its people,” ayon kay Gutierrez.   (Daris Jose)

Ikinagulat ng showbiz industry: ’90s heartthrob na si PATRICK, pumanaw na sa edad na 55

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NAGULAT ang local showbiz sa balitang pagpanaw ng aktor at ’90s heartthrob na si Patrick Guzman noong nakaraang June 16 sa Toronto, Canada.

 

 

Kumalat via social media ang pagpanaw ng 55-year old Filipino-Canadian nitong nakaraang Sabado, June 17. Hindi pa naglalabas ng official statement ang pamilya ni Patrick. His wife is Liezel at meron silang 15-year old son

 

 

Ayon sa mga lumabas na balita, fatal heart attack ang naging dahilan ng pagpanaw ng aktor habang naglilinis ito ng kanyang kotse sa bahay nila sa Toronto. Ang kanilang anak daw ang nakakita sa biglang pagbagsak ng kanyang ama at tumawag ito agad sa 911.

 

 

Nataon pa raw na wala ang misis ni Patrick sa bahay dahil sa isang vacation trip. Noong malaman ni Liezel ang nangyari kay Patrick, agad itong sumugod sa ospital kunsaan dinala ang mister.

 

 

Ayon sa isang source, kakapa-renovate lang daw ng bahay nila Patrick at magkakaroon sana sila ng house warming on June 23.

 

 

Nakilala si Patrick noong dumating ito sa bansa in 1991. Isa siyang sports medicine student sa Canada at gustong subukan ang kanyang suwerte sa Pilipinas. Una siyang lumabas sa TV commercial ng Swatch Watch at agad siyang kinuha para mag-host ng late night variety show na Penthouse Party kasama sina Nanette Medved, Anthony Pangilinan, Rod Nepomuceno and Panjie Gonzalez.

 

 

Agad din na napasok ni Patrick ang paggawa ng pelikula at sa bakuran ng Viva Films siya na-introduce sa pelikulang ‘Andrew Ford Medina: ‘Wag Lang Gamol’ na bida ang rapper-comedian na si Andrew E.

 

 

Dahil sa pagiging baluktot na magsalita ng Tagalog kaya sa mga comedy movies noong ’90s parating napapasama si Patrick tulad sa ‘Mahirap Maging Pogi, Ang Boyfriend Kong Gamol’, ‘Pretty Boy’, ‘Chick Boy’, ‘Ikaw Ang Miss Universe Ng Buhay Ko’, ‘O-Ha Ako Pa?’, ‘Manalo and Michelle: Hapi Together’, ‘Mama’s Boys 2’ at ‘Manila Girl: Ikaw Ang Aking Panaginip’.

 

 

Sinubukan din ni Patrick ang gumawa ng mga drama movies tulad ng ‘Una Kang Maging Akin’, ‘Ikaw’, ‘Koronang Itim’, ‘Muntik Nang Maabot Ang Langit’, ‘Selosa’, ‘Malikot Na Mundo’, ‘Kung Ako Na Lang Sana’ at ‘Sisa’.

 

 

Pati mga action movies ay napabilang si Patrick tulad ng ‘Ben Balasador’, ‘You and Me Against The World’, ‘Anting-Anting’, ‘Tatapatan Ko Ang Lakas Mo’, ‘Marahas Walang Kilalang Batas’ at ‘Frame Up’.

 

 

Dahil naging sex symbol din si Patrick noong ’90s at nauso ang mga low budget sexy films na tinawag na “pito-pito”, ilan sa mga nagawa niya ay ang ‘Asawa Mo Misis Ko’, ‘Hatiin Natin Ang Ligaya’, ‘Campus Scandal’, ‘Mga Babae Sa Isla Azul’, ‘Huwad Na Hayop’, ‘Lakas At Pag-ibig’, at ‘Sa Piling Ng Iba’.

 

 

Huling nagawang pelikula ni Patrick ay ang ‘BROmance The Movie’ noong 2019 na ginawa niya sa Canada.

 

 

Noong aktibo si Patrick sa showbiz, na-link siya romantically sa aktres na si Gelli de Belen at sa model and former Bb. Pilipinas International 1991 na si Maria Patricia “Patty” Betita.

 

 

Simula 2004 ay nag-lie low na si Patrick sa showbiz at nagdesisyon itong bumalik na sa Toronto. Doon na siya nagkaroon ng pamilya at paminsan-minsan ay nagbabakasyon siya sa Pilipinas para bisitahin ang kanyang ina.

 

 

Noong May huling nasa Pilipinas si Patrick dahil may sakit ang kanyang ina. Ito ang pinost niya sa kanyang Facebook para batiin ang kanyang ina noong Mother’s Day…

 

 

“Happy advanced Mother’s Day ❤️ it was great to spend time with you again Mom 🙏 I’ll be back again soon Ma. Love you so much ❤️🙏”

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Rehistradong SIM cards, 99.5 milyon na

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa higit 99.5 milyon ang bilang ng mga rehistradong SIM cards sa bansa.

 

 

Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Linggo, nabatid na hanggang 11:59 PM ng Hunyo 15, 2023, ang total number ng SIM registrants ay umabot na sa 99,505,222.

 

 

Sa naturang bilang, 47,024,431 ang subscribers ng Smart, 45,637,902 ang Globe at 6,842,889 ang Dito.

 

 

Patuloy namang hinihikayat ng NTC at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang publiko na irehistro na ang kani-kanilang SIM cards bago sumapit ang Hulyo 25, 2023 upang makaiwas sa deactivation.

 

 

“Please be reminded that all unregistered SIMs shall be automatically deactivated, and will not be able to use digital apps and other services that require two-step verification,” ayon sa NTC. “For complaints and concerns related to SIM Registration, call our hotline 1326.” (Daris Jose)

194 infra projects, ibinida ng mga eco managers ng administrasyong Marcos sa Singapore

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IBINIDA ng economic managers ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,  sa  Philippine Economic Briefing sa Singapore ang 194 infrastructure flagship projects  na nagkakahalaga ng P8.3 trillion sa ilalim ng Build Better More program ng administrasyong Marcos.

 

 

Kabilang dito ang mga proyektong may kinalaman sa physical  connectivity, water resources at agrikultura.

 

 

Mahigit kalahati nito ay popondohan ng Official Development Assistance (ODA) habang may  30% naman ay popondohan sa pamamagitan ng  Public-Private Partnerships.

 

 

At may bahagi rin ng mga proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

“We want the Maharlika Fund to be able to finance some of them, not all of them, okay? We have identified another source of funding for this very important infrastructure project that will make a difference in the landscape of the Philippine economy,” ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

 

 

“We will graduate into an upper-middle-income country soon, maybe in a year or two, and that means we will not be entitled to the same ODA funding so that is another source of funds,” dagdag na wika ni Diokno.

 

 

Para naman kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, sinabi nito na ang layunin ng administrasyon na gawing  upper-middle income economy ang bansa ay maaaring makamit sa  2025.

 

 

Isa aniya sa tamang daan para makamit ito ay ang mang-akit pa ng mas maraming investors.

 

 

“One thing he [President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.] noticed was that among ASEAN, among our dynamic neighbors, the Philippines has the lowest number of bilateral trade relations. What the president wants is to rapidly expand that,” ani Balisacan.

 

 

Sa kabilang dako, sa ilalim ng updated standards ng World Bank, ang isang  upper middle-income economy  ay mayroong gross national income (GNI) per capita sa pagitan ng $4,046 at $12,535.

 

 

Taong 2019, ang Pilipinas ay nasa kategorya bilang lower-middle-income country na may GNI per capita sa pagitan ng $1,006 at $3,955.

 

 

Samantala, sinabi naman ni  Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman  na ang administrasyon ay maglalaan ng sapat na pondo para sa “struggling sectors.”

 

 

“We have allocated much of the budget to social transformation, meaning, education will corner 17% of the budget, the health sector will get a boost of 19%, and food security, increased by 30%. Social protection, to ensure no one is left behind in terms of cash assistance and cash programs,” ayon sa Kalihim.

 

 

Sa ngayon, hindi pa rin nilalagdaan ng Pangulo ang  MIF bill upang maging ganap na batas na ito,  na mage-establisa sa bansa bilang “first sovereign wealth fund.”

 

 

May ilang ekonomista naman ang nagpahayag ng kanilang alalahanin ukol sa panukalang pondo, sinasabing hindi malinaw ang nilalayon nito at mapapansin ang ilang pagkalito hinggil sa kung saan huhugutin ang pondo na gagamtin. (Daris Jose)

First time lang niya marinig ‘yun: JULIA, hindi pa natanong ng ‘will you be my ex?’

Posted on: June 20th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL ‘Will You Be My Ex?’ ang titulo ng kanilang pelikula, natanong si Julia Barretto kung may nasabihan na ba siya ng “Will you be my ex?”

 

Wala raw.

 

“Actually first time ko lang marinig yang question na will you be my ex, actually in doing this film.

 

“So definitely not,” at tumawa si Julia na gumaganap bilang si Chris sa pelikula, kasama sina Diego Loyzaga bilang Joey, Divine Aucina bilang Jonjie, Juan Carlos Galano bilang si Jed at Bea Binene bilang Yanna.

 

“I’m focusing right now on sharing the word about the film, this is a movie that we’re very much proud of so as much people we can share this movie about, the better,” dagdag pang sinabi ni Julia na natanong kung ano ang pinagkakaabalahan niya sa ngayon.

 

May gagawin rin daw siyang isa pang bagong pelikula sa Hulyo.

 

Samantala, noong natanggap pala ni Julia ang script ng ‘Will You Be MY Ex?’ ay um-oo agad ang aktres at pumayag na gawin ang pelikula.

 

“You know it took me… I had a one year wait because I didn’t see any of the films that were presented to me initially, fitting for me. So ito yung isa sa mga pelikula na na-pitch sa akin na without reading the script.

 

“More or less I knew to myself na gagawin ko siya.

 

“So binigay sa akin yung script, I think that was just the icing on the cake.”

 

Ipalalabas ang ‘Will You Be My Ex’ sa mga sinehan ngayong June 21, sa direksyon ni Real Florido at mula sa Studio Viva, Firestarters Production at Viva Films.

 

***

 

 

UNANG beses na inamin ni Ricky Davao na in love siya.

 

 

Naganap ito sa mediacon ng pelikula niyang ‘Monday First Screening’ ng NET25 Films kung saan si Gina Alajar ang leading lady ni Ricky.

 

 

Mahigit isang taon na ang kanilang relasyon pero hindi niya gaanong ikinukuwento sa ilang kaibigan.

 

 

Basta meron daw nagbibigay ng inspirasyon at nagpapasaya sa kanya ngayon.

 

 

“Di ba, si Charlie Chaplin ikinasal when he was eighty nine yata o eighty eight years old? Tapos si Robert de Niro… So, very timely lang talaga itong Monday First Screening.

 

 

“Ano lang, kailangan lang maging happy,” pahayag ni direk Ricky.

 

 

Sa direksyon ni Benedict Mique ang ‘Monday First Screening’ ay tungkol sa dalawang senior citizens na nagkain-love-an nang magkakilala sa libreng sine para sa mga senior citizen tuwing Lunes.

 

 

At nakatutuwa dahil nandun sa mediacon/screening ang girlfriend ni Ricky pero hindi niya ito itunuro kahit kanino, gusto nilang pribado lang ang kanilang relasyon dahil hindi naman taga-showbiz ang girl.

 

 

“It’s an open book. Kaya lang ako, I’m not very open about it. Ayoko naman magsinungaling.

 

 

“I’m very very outgoing person, but when it comes to myself, my family life, and my love life, siguro I share a bit.

 

 

“Even my closest friends, sina Tirso [Cruz III], sina Rez [Cortez], Michael [de Mesa], biglang nagugulat, ‘Ay, meron ka na pala!’

 

 

“Parang need-to-know basis, hindi ko inaano,” sinabi pa ni direk Ricky.

 

 

Inaayos na ang streaming via Netflix ng ‘Monday First Screening’ pero hindi pa sigurado kung ipapalabas ito s amga sinehan.

 

 

Magpapa-block screening muna sila sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

 

(ROMMEL L. GONZALES)