• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June, 2023

Tigilan na rin ang pag-a-assume na preggy siya: PIA, inamin na masyadong personal na tanungin kung kailan sila magkaka-baby ni JEREMY

Posted on: June 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments
MAAYOS na sinagot ni Pia Wurtzbach-Jauncey ang tanong ng isang follower sa Instagram, na kung saan nag-post uli siya na puwedeng tanungin.
At ang tanong ng netizen, “when are you planning to have a baby.”
Panimula niyang sagot na para sa kanya ay masyadong itong personal palaging tinatanong sa kanya mula ng mag-asawa sila ni Jeremy Jauncey, “I guess I’ll start with this because literally every 4 questions I get, there’s one question about us having kids.”
Pagpapatuloy ni Pia, “honestly I find these questions so personal…
“I wonder why this is considered a normal thing to ask though?
“First it was “Kelan ka mag-aasawa? now it’s constantly “kelan kayo magkaaanak?”
Agree naman ang mga netizen sa nararamdaman ni Pia…
“I get hurt when im being asked with these questions. It’s a sensitive topics. I never asked anyone about this, im so careful. Stu**$ people.”
“Una, kailan ka magkaka bf/gf? Sunod, kailan kayo mag aasawa? Wala ba kayong balak mag asawa? Sunod, kailan kayo mag aanak? Wala pa kayong balak mag anak? Bakit wala pa kayong baby? Sunod, kailan niyo susundan? Wala pa bang kasunod? Sundan na yan! Ganyan ang ugali ng nakararaming Pilipino lalo na mga boomers. Mga magulang natin at tito tita. Yung tipong ang sole purpose lang ng buhay mo eh mag asawa at mag anak.”
“Only in Pinas! Mga marites talaga walang alam sa boundaries. Mga pakialamera!”
“It’s really offending. you don’t really know what the couples going through so better don’t ask the question. wait until they willing to share.”
“Oh God. Check boundaries girl. That’s very personal. I hope di ka nagtatanong ng ganun. Di mo alam kung may problem sa pag-aanak or ayaw magkaanak ng isang babae or wala pa sa priority. And it’s not anyone’s business but the couple or just the woman’s (if single).”
“It’s very intrusive. Not to mention there are couples facing infertility issues who want to keep it to themselves because it pains them to talk about it.”
“Again, toxic Asian culture kasi. Tanong ng tanong ng mga personal na tanong. Too insensitive. Kakakasal lang nila. Let them enjoy each other muna.”
“Kasi they’re still stuck in their ways… old school thinking na dapat we should be privy to everyone’s personal business. What gain are we going to get by knowing their plans to have a family soon or not?.”
Sinagot din ni Pia sa IG post niya ang nag-comment na baka preggy na siya dahil hindi na raw niya nakikitang umiinom ng alak, na good news daw kung true, ayon pa sa isang netizen.
Kaya pabirong nag-comment si Queen Pia ng, “guys pls stop assuming like this its not nice.. nao-offend mga ininom kong margarita (face with tears of joy emojis).
(ROHN ROMULO)

Ads June 29, 2023

Posted on: June 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Pormal na dayalogo sa isyu ng nurses shortage sa government hospitals, gawin

Posted on: June 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT  ng chairman ng House Committee on labor and employment ang pagsasagawa ng dayalogo upang matugunan ang kakulangan sa nurses sa mga government hospitals sa bansa.

 

 

Ayon kay Rizal Rep. Fidel Nograles, chairman ng komite na una dapat magsagawa muna  ng dayalogo at magbuo ng istratehiya para mabigyan ng long term solution ang shortage.

 

 

Ang pahayag ng mambabatas ay kasunod ng panukala ni Health Secretary Teodoro Herbosa na kunin ang serbisyo ng mga hindi pa lisensiyadong nurses para punan ang mga bakante sa public health institutions.

 

 

Umani ito ng reaksyon sa ibang sector.

 

 

Nilinaw ng Professional Regulation Commission na hindi maaaring bigyan ng temporary o special licenses at magtrabaho sa government hospitals ang mga nursing graduates na bumagsak sa board exam.

 

 

Sinabi ni Nograles na naiwasan sana na nagkaroon ng isyu kung nagkaroon ng konsultasyon sa mga stakeholders.

 

 

Kabilang na rito ang mga government agencies tulad ng Department of Health, Department of Labor and Employment, budget department, at local government units, at iba pang stakeholders sa health sector.

 

 

“Kailangan pag-usapan ang mga isyu gaya ng nurse to patient ratio, working hours, salary, at iba pa. What is stopping us from hiring more nurses? Let’s identify these barriers and closely collaborate to find a solution that we can implement,” pahayag nito.

 

 

Handa rin ang mambabatas na sumali sa posibleng talakayan bilang miyembro ng kongreso.

 

 

“Sasama tayo para magbigay ng suporta, lalong-lalo na kung makita na kailangan natin ng batas na magtataguyod sa mga solusyong maiisip natin,” pagtatapos ni Nograles. (ARA ROMERO)

Pangako ni Abalos, ‘no sacred cows’ sa mas pinalakas na anti-drug drive

Posted on: June 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na walang exempted mula sa ginagawang paglalansag ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

 

 

Sa katunayan, ipinag-utos ni Abalos sa mga  law enforcers  na maging “role models” sa kampanya na  puksain ang panganib  dala ng ipinagbabawal na gamot.

 

 

“We have to make a statement. We are going to show our people that the government is serious about this war on drugs. There will be house cleansing, and no one will be spared, ” ayon kay Abalos sa isang kalatas kasabay ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT).

 

 

Ani Abalos, ang tema ngayong taon ay  “People First: stop stigma and discrimination, strengthen prevention” ay alinsunod sa prinsipyo ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) ng gobyerno, pangunahin sa  pagsawata  at rehabilitasyon.

 

 

“We do not believe in shortcuts. We believe in the rule of law. Trust in government must be sustained. Everyone has a role in this fight. We will increase awareness against the use of illegal drugs, strengthen our community-based drug rehabilitation program, empower the youth, engage with the business sector, and promote an active lifestyle,” ang wika ni Abalos.

 

 

Matatandaang, inanunsyo ni Abalos ang pagsasagawa ng  random drug testing sa  DILG, sa attached agencies nito at , lokal na pamahalaan bilang bahagi ng  BIDA Program ng departamento.

 

 

Tinatayang 50 police officers ang sinampahan ng  criminal at administrative cases  para sa di umano’y nakagawa ng iregularidad  sa pagbawi ng P6.7 bilyong halaga ng “shabu” noong Oktubre noong nakaraang taon.

 

 

“The aim of this year’s campaign is to raise awareness about the importance of treating people who use drugs with respect and empathy; providing evidence-based, voluntary services for all; offering alternatives to punishment; prioritizing prevention; and leading with compassion,” ayon sa  United Nations Office on Drugs and Crime  ngayon  ipinagdiriwang ang  IDADAIT. (Daris Jose)

Mahigit P900-M na pondo inilaan ng DOTr para sa pagbuo ng 470km bike lanes sa buong bansa

Posted on: June 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PUMAPALO sa mahigit Php900-million na halaga ng pondo ang inilaan ng Department Transportation para sa plano nitong pagbuo ng mga bike lanes sa buong bansa ngayong taon.

 

 

Ito ay alinsunod sa tinatarget ng ahensya na bumuo ng nasa kabuuang 470km na mga bike lanes sa iba’t ibang panig ng Pilipinas na itatatag plano nitong itatag sa Regions I, III, National Capital Region, IV-A, V, VI, VII, VIII, at XI na mayroong kabuuang pondo na Php932,820,342.

 

 

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure James Andres Melad, ang karagdagang 470km na mga protected bike lanes at pedestrian infrastructures ay bahagi ng kanilang layunin na bumuo ng active transport na isang viable transportation at mobility options.

 

 

Aniya, ang mga naturang protected bike lanes ay mag-aambag sa pagbabago sa pananaw ng ahensya na inaasahan ding magreresulta ng pagbabago sa paningin at paggamit ng mga pampublikong kalsada.

 

 

Samantala, kaugnay nito ay inaasahang hindi bababa sa 332,000 residente at aktibong gumagamit ng transportasyon ang makikinabang sa nasabing proyekto.

 

 

Idinagdag din ng Transportation Department na ang kanilang active transport campaign ay naglalayong magtatag ng 2,400 kilometro ng bike lane sa 2028 upang magbigay ng ligtas na imprastraktura para sa mga siklista, commuters, at iba pang gumagamit ng kalsada. (Ara Romero)

Wala nang extension sa SIM registration – DICT

Posted on: June 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NANINDIGAN ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na wala nang mangyayaring isa pang extension sa SIM card registration makaraan ang July 25 deadline para rito.

 

 

Ayon kay DICT Assistant Secretary for Cybersecurity Jeffrey Ian Dy, hindi na sila makapagbibigay ng extension dahil ito ang itinatakda ng batas.

 

 

Pagsapit ng July 26 ay mapuputol na ang mga koneksyon ng mga SIM card subscribers na hindi pa rehistrado.

 

 

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 100.2 milyong SIM cards ang nairehistro sa bansa.

 

 

Bagama’t katumbas lamang ito ng 60% ng total SIM cards na nabili ay maituturing na rin itong malaking accomplishment, sabi ni Dy.

 

 

Una nang nagtakda ang DICT na April 26, 2023 deadline ng SIM card registration pero dahil sa mga apela ay ginawa itong July 25, 2023 upang bigyan pa ng sapat na panahon ang mga subscribers nationwide na maiparehistro ang kanilang SIM. (Daris Jose)

Ads June 28, 2023

Posted on: June 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

adsjune_282023

Dahil sa magandang cover ng Singaporean magazine: LIZA, pinuri ng Filipino-Canadian actress na si SHAY MITCHELL

Posted on: June 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI na raw masyadong nagulat si Carmina Villarroel sa pag-amin nila Mavy Legaspi at Kyline Alcantara sa nararamdaman nila sa isa’t isa.

 

 

Noon pa raw ramdam ni Mina na importante si Kyline sa buhay ng kanyang anak na si Mavy, kaya naman suportado raw niya ang happiness ng dalawang batang ito.

 

 

Pahayag ni Mina: “As long as they’re happy. Ako bilang ina, as long as they’re okay, as long as they’re happy, basta ang importante lang, they know their priorities, which is ‘yung career naman nila. Alam naman natin ‘yun, kahit naman sila, they’re very vocal na career muna.”

 

 

Dagdag pa ng ‘Abot-Kamay Na Pangarap’ star na noon pa niya nakita ang magandang chemistry ng dalawa noong una silang nagsama sa teleserye na ‘I Left My Heart in Sorsogon’ noong 2021. Noong mabuo na ang MavLine loveteam sa ilalim ng Sparkle GMA Artist Center, si Mina ang unang sumang-ayon sa tambalan ng dalawa.

 

 

Samantalang thankful si Mavy sa suporta na bigay ng kanyang Mommy Mina: “Thank you for believing in me and for believing kung sino ‘yung mahal ko sa buhay ko at ‘yung mahal ko sa trabaho ko.”

 

 

Nasa “courting stage” pa lang daw ang dalawang bida ng GMA series na ‘Luv Is: Love at First Read’.

 

 

***

 

 

PINURI ng Filipino-Canadian actress na si Shay Mitchell ang magandang cover ni Liza Soberano sa June/July 2023 issue ng Grazia magazine na isang Singapore-based fashion magazine.

 

 

Sa naturang magazine, may feature si Liza tungkol sa kanyang Hollywood debut, celebrity culture at ang views nito sa kasalukuyang entertainment industry.

 

 

Ni-repost ng ‘Pretty Little Liars’ star ang magazine cover sa kanyang Instagram Story ay nilagyan niya ng caption na “Absolutely stunning. This is just the beginning. Can’t wait to have you out here for this next chapter!”

 

 

Kahit na hindi pa nagkikita ng personal, naging magkaibigan sina Liza at Shay noong pareho silang kunin para magbigay ng boses sa Filipino and English versions ng Netflix animated series na ‘Trese After Dark’ noong 2021.

 

 

Isa sa followers ni Liza si Shay sa IG at natuwa ang aktres noong makatanggap siya ng private message mula sa Fil-Canadian star.

 

 

Kuwento pa noon ni Liza: “We’ve never really talked in person yet but she did follow me on Instagram. Kinikilig nga ako noon. She messaged me. Of course, I messaged her right away. She was telling me that she hopes to meet me one day and I said I hope so too and she just replied, ‘I hope it’s sooner than later.’ That was our conversation. She’s really sweet.”

 

 

Nakilala rin si Shay sa paglabas nito sa mga pelikulang ‘Mother’s Day’, ‘Something From Tiffany’s’, ‘Dreamland’, ‘Verona’ and ‘The Possession of Hannah Grace’.

(RUEL J. MENDOZA)

LIZA DIÑO, first Filipina na pinarangalan ng ‘French Knight in the Field of Cinema

Posted on: June 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINARANGALAN ang award-winning actress na si Ms. Liza Diño at dating Chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ng isa sa pinakakilalang titulo ng Pransya, ang Chevalier in the French Order of Arts and Letters (“Chevalier dans l’Ordre des Arts et des Lettres”).

 

 

Ang iginagalang na parangal na ito ay kumikilala sa pambihirang kontribusyon ni Ms. Diño sa industriya ng pelikula at ang kanyang hindi natitinag na dedikasyon sa pagpapaunlad ng palitan ng kultura sa pagitan ng Pilipinas, Pransya, at ng mundo.

 

 

Ang exclusive and intimate awarding ceremony na pinangunahan ni French Ambassador Michele Boccoz sa kanyang karangalan ay naganap noong Hunyo 23, 2023, sa Ambassador’s Residence sa Makati City, Philippines.

 

 

Dinaluhan ng mga kagalang-galang na kasamahan sa gobyerno at pelikula at mga malalapit na kaibigan at kapamilya ni Diño, ang kaganapan ay minarkahan ang isang mahalagang okasyon sa kanyang kahanga-hangang karera.

 

 

Si Ambassador Boccoz, sa kanyang talumpati, ay pinuri si Diño para sa kanyang pagsusumikap sa pagbubukas ng mga pinto para sa mga filmmaker at pelikulang Pilipino at pagdugtong sa Pilipinas at Pransya para sa pagpapalitan ng kultura, mga patakaran sa isa’t isa, at mga promosyon.

 

 

“Liza, you are an actress by profession, but being appointed Chairperson of the Film Development Council of the Philippines seemed like you had a calling in public service to play a role in building government support for the Philippine film industry,” ayon sa kanyang talumpati.

 

 

 

“Your energy, talent, and intensive work have been recognized by French professionals and by all French institutions, and this is why we are here tonight,’ the Ambassador added before she officially conferred the medal to Diño,” dagdag ng Ambassador bago opisyal na igawad ang medalya kay Diño.

 

 

Ang National Order of Arts and Letters ay itinuturing na pinakamataas na parangal na sibilyan na ibinibigay ng French Republic para sa mga indibidwal na nakilala ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng kanilang mga nilikha sa larangan ng sining o pampanitikan o sa pamamagitan ng kontribusyon na kanilang ginawa sa impluwensya ng sining at mga titik sa France at ang mundo.

 

 

Kabilang sa mga ginawaran ng titulo noong nakaraan ay sina Steven Spielberg, George Clooney, Leonardo Di Caprio, Meryl Streep, at Cate Blanchett.

 

 

Bilang kauna-unahan at nag-iisang Pinay na nakatanggap ng tanyag sa larangan ng sinehan (at sumali sa Oscar-winning Actress na si Michelle Yeoh sa Southeast Asia), ang mga nagawa ni Diño ay nagpaangat at nagpaangat sa industriya ng pelikula sa Pilipinas sa nakalipas na anim (6) na taon sa FDCP , lalo na sa empowerment at promosyon ng Philippine Cinema sa buong mundo.

 

 

Sa kanyang panunungkulan bilang Chairperson at CEO ng FDCP, si Ms. Dino ay gumanap ng isang mahalagang papel sa pagpapaunlad ng kooperasyon sa pelikula sa pagitan ng Pilipinas at France.

 

 

Sa ilalim ng kanyang pamumuno, nakamit ni Dino ang maraming milestone sa pamamagitan ng kanyang pakikipagtulungan sa Center National du Cinéma et de l’image animée (CNC), National Agency for Cinema ng France at mga audiovisual na gawa.

 

 

Ang pagtutulungang ito ay nagresulta sa isang serye ng mga mabisang hakbangin, mula sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga pelikula at filmmaker ng Filipino sa pandaigdigang yugto hanggang sa pagdadala ng mga ekspertong Pranses sa Pilipinas para sa mga talakayan sa patakaran.

 

 

Ang pakikipagtulungan sa France ay umusbong sa mabisang kooperasyon na nagtulay sa Philippine at French Cinema na magkasama.

 

 

“I’d like to thank the French government for honoring me and acknowledging that Philippine Cinema, with all the blood, sweat, and tears that need to be shed, is worth championing and fighting for,” sabi ni Diño habang tinatapos ang kanyang talumpati.

 

 

Ipinagpapatuloy ni Diño ang kanyang pagmamahal sa industriya ng pelikula at entertainment sa pamamagitan ng kanyang kasalukuyang tungkulin bilang CEO ng Fire and Ice Media and Productions, Inc., ang kumpanyang pinamamahalaan niya kasama ang kanyang asawa at musical icon na si Ice Seguerra.

 

 

Ang kumpanya ay gumawa ng matagumpay at award-winning na live na mga palabas sa kaganapan at kasalukuyang sumusuporta sa ilang mga internasyonal na proyekto sa pag-unlad sa Pilipinas at Timog Silangang Asya.

 

 

Siya rin ang bagong hinirang na Executive Director ng Quezon City Film Development Commission. In-envision niya na ang industriya ng pelikula sa Quezon City bilang isang brand na kinikilala sa buong mundo para sa quality, diverse, and authentic films.

(ROHN ROMULO)

First time mag-host ng isang beauty pageant: RAYVER, nag-trending at puring-puri ng mga fans

Posted on: June 28th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

CONGRATULATIONS to Garrett Bolden! 

 

 

Dubbed as the Kapuso Soul Balladeer, Garrett is a 29-old singer-songwriter from Olongapo City, ay muling nakuha sa isang coveted role of the Beast in Disney’s “Beauty and the Beast: The Broadway Musical 2023.”

 

 

Second time na ito ni Garrett na makuhang mag-perform sa Broadway musical,  September of last year, Garrett embarked on a new and unique chapter of his career nang makuha siya sa production ng “Miss Saigon” in Guam, USA, as the American GI named John Thomas.  Ayon kay Garrett, “it’s something new na ginawa ko, it’s a production in which I’ve learned a lot of new wisdom when it comes to singing and performing.  And it’s something that I would love to do someday again.  It was a challenging experience for me, which I enjoyed every minute.”

 

 

At ngayong taon din, natupad muli ang dream ni Garrett, na muling makagawa ng isang Broadway musicale.

 

 

Sa ngayon ay hinihintay pa namin ang mga details tungkol sa “Beauty and the Beast: The Broadway Musical 2023,” kung kailan sila magsisimula at kung sinu-sino ang bubuo sa cast na makakasama ni Garrett.

 

                                  ***

 

 

NAKATUTUWA namang malaman na sinusubaybayan gabi-gabi ng mga netizens ang mystery-murder series na “Royal Blood” sa GMA Telebabad at sila-sila ang naghuhulaan kung sino ba sa mga anak ni Gustavo Royales, played by multi-awarded actor na si Tirso Cruz III, ang papatay sa kanya?

 

 

Sino kaya kina Dingdong Dantes, Mikael Daez, Rhian Ramos at Lianne Valentin ang may motibo na patayin siya?

 

 

Natanong namin si Pip tungkol dito at natatawa niyang sagot: “Hindi ko pa rin alam.  Akala ko nga tapos na ako ng taping, pero may schedule pa rin pala ako.

 

 

“Marami pa palang mahahalagang flashback na connected sa kung sino talaga ang pumatay sa akin.  In a way maganda ang ginawa nila, kasi hindi kami umaarte na hindi namin alam, kasi hindi talaga namin alam.  “Mahirap kasing umarte na alam mo na pala then magkukunwari kang hindi mo alam.  Ang huhusay pa naman ng mga kasama ko rito sa serye.”

 

 

Tanong pa rin, kasama ba sa pwedeng pumatay kay Gustavo Royales sina Megan Young na wife ni Mikael sa story, o ang mabait na asawa ni Rhian, is Dion Ignacio?

 

 

Ang “Royal Blood” ay napapanood gabi-gabi, 8:50 p.m., pagkatapos ng “Voltes V: Legacy” sa GMA-7.

 

 

***

 

 

FIRSY time ni Kapuso Heartthrob Rayver Cruz na mag-host ng isang beauty pageant na ang nakasama niya ay si Miss Universe Catriona Gray, sa Miss Manila beauty pageant. Napanood ito sa GMA Network last Sunday morning, June 25, bago ang programang “All-Out Sundays.”

 

 

Nag-trending nga sa Twitter si Rayver at puring-puri siya ng mga fans.  Hindi naman kataka-taka dahil nasanay na si Rayver na mag-host for three years, ng singing competition na “The Clash” with Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.

 

 

One of the hosts din si Rayver ng Sunday GMA musical show na “All-Out Sundays,” bukod pa sa isa rin siyang mahusay na actor.

 

 

Samantala, sa July 26, ay mapapanood na rin in cinemas, si Rayver with Julie Anne, sa first movie team up nila, ang “The Cheating Game,” na first movie offering naman ng GMA  Public Affairs.

(NORA V. CALDERON)