• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 14th, 2023

Ads July 14, 2023

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

adsjuly_142023

Netizens, kinilig at hiling na sana’y pakasalan na siya: KIM, ang sweet ng birthday message para kay XIAN

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG sweet ng birthday message ni Kim Chiu para sa kanyang boyfriend na si Xian Lim.

 

 

Kasama ang compilation ng kanilang mga sweet photos and videos together, at may caption ang IG post ni Kim ng…

 

“Happy Birthday to the person who holds my ❤️. Thank you for being you and always putting a smile on my face. Cheers to many more laughs to share, places to explore, things to solve, and many more, most especially birthdays to celebrate. ☺️🎂

 

“I am always here for you, supporting you in everything you do!😘 Happy Birthday @xianlimm.”

 

 

Reply naman ng aktor, “Thank you for this! I love you so much.

 

 

Kilig na kilig naman ang mga netizen at may nag-comment ng, “@xianlimm sana may wedding bells na sa 2024.”

 

 

“Pakasalan sana sya ni Xian matagal na din relationship nila. Wag sana paasahin si Kim.”

 

 

“Happy for Kim & Xian ❤ A 12-year relationship and going stronger is a rarity in real life, moreso in showbiz.”

 

 

“Happy birthday to Xian. Stay happy and in love KimXi!”

 

 

Say pa ng mga marites:

 

“Walang reel chemistry.”
“As in reel?”
“Hayaan mo na, di mo naman love life yan. LOL”
“Hayaan mo na buhay nila Yan karamihan sa mga walang chemistry nagmamahalan.”

 

 

“Uunahan ko na yung magsasabi na bestfriend vibe kung hindi niyo sila finafollow hindi niyo malalaman na di lang talaga sila showy even the kiss nagkiss sila sa newyear pero hindi nila pinakita nahagip lang ng cam. and hindi na sila official loveteam and if for the fans pa din yan diba unfair naman kay Kim na hindi siya makakahanp ng relationship if nagpapangap lang sila.”

 

 

“Some people choose not to rush things kaya wag mo problemahin yan at di rin naman din ikaw ang sasagot ng kasal nila.”

 

 

“Ay, dami din kinasal pero nagkahiwalay pa din. Alasin na sana natin ang mindset na kasal lang ang happily ever after!”

 

 

“Eto na naman ang mga marites na ilang taon na sinasabi na bff lang ang dalawa. Hanggang ngayon nganga pa rin kayo sa kaka bff nyo.”

 

 

“Kailangan ba reel chemistry pag magkarelasyon? Be happy nlng baks.”

 

 

“Amen to that! They choose each other and that’s all that matters.”

 

 

“Enjoy mo lang Xi, anyway, mag antay naman daw si Kim.”

 

 

“Kahit naman sa Showtime, expressive si Kim about her feelings kay Xian. Recently lang, sinabi ni Kim how thankful sya at nakilala niya si Xian. Hindi na daw sumasakit ang ulo nia. And kiber sa parinig na mag bff lang sila. Ang swerte nga ni Kim kay Xian, super love sya.”

(ROHN ROMULO)

Naitalang mga kaso ng cybercrime sa Metro Manila, tumaas sa halos 200% – PNP

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INIULAT ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group na halos nag-triple na ang bilang ng mga kaso ng cybercrime na kanilang naitala sa buong Metro Manila sa unang bahagi ng taong 2023.

 

 

 

Ito ang naitala ng Pambansang Pulisya ilang araw bago ang deadline ng SIM registration sa darating na July 25, 2023.

 

 

 

Sa datos, umabot sa 152% o 6,250 na mga kaso ang itinaas ng cybercrime sa National Capital Region sa unang bahagi ng taong 2023 kumpara sa 2,477 na una na nitong naitala noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

 

 

 

Paliwanag ni PNP-ACG Director PBGEN. Sydney Hernia, ang pagtaas na ito sa bilang ng mga cybercrime na kanilang naitatala ay bahagi ng worldwide trend na isa aniyang natural effect ng paggamit ng internet ng halos lahat ng mga tao ngayon sa buong mundo.

 

 

 

Kaugnay nito ay inihayag din ng naturang hanay ng kapulisan na halos pumalo na rin sa 200% ang itinaas ng SIM-aided crimes sa bansa na may katumbas na 4,104 na bilang para sa taong 2023.

 

 

 

Mas mataas din ito kung ikukumpara sa 1,415 sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Galit na galit dahil sa pang-iiwan daw kay Enrique: LlZA, winarningan ang netizen na nag-wish na may masamang mangyari sa kanilang pamilya

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI pinalampas ni Liza Soberano ang isang basher na kung saan nagwi-wish na may mangyaring masama sa kanya, pati na sa kanyang kapatid at ama.

 

 

 

Nagbabala si Liza sa netizen na dapat ay maging careful ito sa sinasabi sa ibang tao.

 

 

 

Sumagot nga si Liza sa isang fake account na @lizapokpok4ever na nag-iwan ng masamang komento sa kanyang vlog tungkol sa paninirahan niya sa New York, na in-upload ng aktres sa kanyang YouTube channel noong July 6.

 

 

 

Mukhang galit na galit ang netizen kay Liza dahil daw sa pang-iiwan nito kay sa boyfriend na aktor na si Enrique Gil para kanyang talent manager na si James Reid.

 

 

 

Post ng basher, “Sana magahasa yang si Liza sa U.S. o kaya mamatay ‘yung sister niya o kaya daddy niya. Malandi e, iniwan si Quen para kay James.”

 

 

 

“[I] don’t normally reply to stuff like this. Just wanted to say, be careful with what you say and do to other people,” sagot naman ng aktres.

 

 

 

Maraming netizen naman ang nag-react at nagalit sa basher, dahil hindi naman makatarungan na i-wish ng masama si Liza pati ang kanyang pamilya, dahil sa kanyang nararamdaman.

 

 

 

Kaya halos pare-pareho ang naging reaction nila sa basher ni Liza:

 

 

 

“Off na talaga ang basher, Wala ng modo! At gumawa pa ng account para ibashed si Liza. Hayyy!”

 

 

 

“Hindi basher, troll yan, look at the name.”

 

 

 

“Regardless of the label, it’s an awful thing to wish on anyone. Whoever this person is, God can see past your mask of online anonymity and karma will find you.”

 

 

 

“Galit na galit kay Liza BECAUSE?? Iniwan daw si Enrique?”

 

 

 

“Ang Lala naman nung basher. Kung ako, kaya ko lang yang sabihin sa taong nang scam sakin. Ako talaga papatay sa ganyang basher. Scammer yata yang basher na ganyan. Or di kaya may depression or lageng nangungutang ng bigas sa tindahan tapos di mabayad bayadan.”

 

 

 

“I wasn’t delighted with Liza’s most recent issues too pero OA namang galit yan na magwish ka pa ng ganyan kalala and make sure that she reads it. Assuming LizQuen fan yan na dismayado, did she hurt you that much na willing ka maging masamang tao just because di ka na niya pinapakilig?”

 

 

 

“Yun nag comment parang kulang sa aruga.”

 

 

 

“This is so low. Tapos pag dinemanda, sasabihin hindi sila yun may nag-hack ng account nila. Celebrity ka, basher??”

 

 

 

“Di ba yan yung sinabi ng isang nag comment rin dati ng ganyan sa kanya na hineram lang daw yung account.”

 

 

 

“Laki ng galit kay Liza. May GF kaya si James… marunong pa sa may katawan. some evil people think they own these celebrities. tumalbog sana sa kanya ang pinagsasasabi nya.”

 

 

 

“Grabe si basher, evil levels!”

 

 

 

“Careless ano na? Ipatrack nyo?”

 

 

 

“This fan got mental problems.”

 

 

 

“This shouldn’t be ignored Miss Liza.”

 

 

 

“Bastos naman kasi yang comment na ganyan. Wishing someone to be rapped or dead is never a good thing.”

 

 

 

“Calling Careless Team/management you should be able to defend your Most Prized Talent I didn’t even know your company exist before… thanks to Liza!”

 

 

 

“Threatening someone you don’t even know & her family needs her/his mental state examined some fans are sooo toxic!!”

 

 

 

“Grabe nakakaloka ang mga bashers ngayon. This is the worst kind of online abuse I’ve seen, just pure evil.”

 

 

 

“Siguro matagal na basher yan speaking ill words to someone seems rooted from her/his system. G n G sila. Di sila aware kahit Anong tago nila s Alias the cybercrime division can trace/locate them using Internet address If L wanted to trace them and file a case against them. They go beyond reasoning it is a low blow. They are wicked people.”

 

 

 

“Grabe naman yang commenter na yan. Ang lame ng sagot ni Liza.”

 

 

 

“i hope after she replied she reported it to twitter so account can be suspended.”

 

 

 

“Iba na talaga ang mga basher ngayon! I hope bumalik lahat sa iyo and mga sinabi mo.”

 

 

 

“Grabe naman yung basher na yan. Kung Wala kang masabing maganda, manahimik ka na lang. Pati pamilya nya idadamay nyo pa.”

 

(ROHN ROMULO)

Government streamlining bureaucracy, aayusin -PBBM

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PAPEL ng gobyerno na ayusin ang bureaucratic processes para maiwasan ang  nakasanayang korapsyon.

 

 

Inihayag ito ng Pangulo sa isinagawang paglulunsad at  covenant signing ng Executive Order No. 18, “which constitutes the green lanes for strategic investments.”

 

 

“So we know, we in the government know what is necessary. So let us take that load off the investor. Let us take that load off the business sector and take it on because that is the role of government is to handle all these bureaucratic procedures, not so that we delay and we open opportunities for corruption, for wastage,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

 

 

“Instead, we are doing now the opposite where we are streamlining all of these,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Naniniwala naman ang Pangulo na kadalasang nararamdaman ng mga filipino  na ang bureaucratic rules ay “so complex at very hard” para sundin.

 

 

“You try very hard but again at every instance, at every turn, there is always a problem. They will say, ‘Well, you forgot to bring this, you forgot to bring that document, you forgot to get the clearance,'”  lahad ng Punong Ehekutibo.

 

 

Binigyang diin ng Pangulo na maging ang mga foreign investors ay  naapektuhan ng matindi ng “complicated processes”,  lalo na sa pagkuha ng permit.

 

 

Ang panliligaw aniya sa mga investors ang isa sa mga dahilan para sa pagtatatag  ng green lanes.

 

 

“So, that is a general idea behind these green lanes and that, I think is a big step towards our fostering this idea of making the ease of doing business something that becomes more attractive to potential investors,” ayon sa Chief Executive.

 

 

Sa ilalim aniya ng green lanes, ang electronic submission ng aplikasyon para sa at pagpapalabas ng clearances, permits, payments, certifications, at iba pang  documentary requirements, ay dapat na paganahin.

 

 

“We understand that time is of the essence for our investors and our entrepreneurs. Thus, a streamlined bureaucracy will ensure that our processes are efficient, transparent, and responsive to the needs of these potential investors,” ang winika ng Pangulo.

 

 

Binanggit naman nito ang ibang bansa gaya ng  Thailand, Vietnam, South Korea, Indonesia na pawang  maluwag o hindi mahigpit ang government processes.

 

 

“The requirements for investors to come in completely put our systems in the shade. Whereas some permits take – well I’m sure you will recognize the – when I describe them, there are some permits that take 36 months to complete. Whereas you go to Thailand, you go to Indonesia, you go to Vietnam, they take two weeks to complete,”  ayon sa Pangulo.

 

 

Binigyang diin pa ni Pangulong Marcos sa ang kanyang  EO na mayroong pangangailangan na tiyakin na ang regulatory environment ng bansa ay  “conducive to business operations to encourage investors to engage in strategic investments.”

 

 

“Consistent with the Eight-Point Agenda of the Administration and as part of the continuing efforts of implementing ease of doing business reforms, it is imperative to adopt measures that will expedite transactions with the government,”  ang nakasaad sa EO.

 

 

Samantala, dapat na magtatag ang Department of Trade and Industry-Board of Investments (DTI-BOI)  ng  isang  a One-Stop-Action-Center for Strategic Investments (OSAC-SI), na magsisilbi bilang “single point of entry” para sa lahat ng proyekto na kuwalipikado bilang strategic investments, sa loob ng anim na  buwan mula nang ilunsad ang pinakabagong kautusan ng Pangulo.

 

 

Ang EO  ani Pascual ay ipinalabas upang sa gayon ay mas maging maagap sa pagtugon sa pasakit na dinaranas ng mga investors kapag magtatayo o magbubukas g negosyo sa bansa.

 

 

Layon ng  EO  na “expedite, streamline and automate government approval and registration processes for priority investments or strategic investments.”

 

 

Tinuran pa ni Pascual  na ang SunAsia Energy ang unang nakatanggap ng certificate of endorsement para sa  green lanes.

 

 

Aniya,  kailangan na magtatag ang SunAsia Energy floating solar panels sa Laguna Lake  para makapag- produce ng  1.3 GW power.  (Daris Jose)

Kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects: ALEXA, mahilig talaga sa alahas kaya nireregaluhan ang sarili

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

MAHILIG sa alahas si Alexa Ilacad kaya bagay siyang endorser ng Manila Diamond Studio na may bagong branch sa 5th Floor ng Edsa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City.

 

 

Nireregaluhan raw ni Alexa ang kanyang sarili ng alahas kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects niya.

 

 

“Yes, actually! Kaya nga po ngayon nagtitingin-tingin din ako, kasi although nagte-taping pa kami, hindi ko pa siya deserve,” at tumawa ang magandang Kapamilya actress na malapit nang mapanood sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’ ng ABS-CBN.

 

 

“Pero nagtitingin-tingin na po ako [ng mabibiling alahas], kasi…well that’s also a way to keep yourself inspired, you know, to keep that passion burning, kasi hindi puwedeng magastos lang tayo,” at tumawa si Alexa.

 

 

“Kailangan hardworking din para ma-sustain natin yung luho natin and yung mga wants natin, sabi nga ni Mimiyuuuh bawal daw ang tamad,” at muli itong natawa.

 

 

“So iyon po, kaya whenever I eye something I really know I have to work hard for it, kasi ayoko naman bili lang ng bili and I’m not able to save money, yun naman po ang pinaka-importante sa akin, yung makapag-ipon ako.”

 

 

Naka-focus siya sa goal niya na maglalabas siya ng pera para sa alahas dahil magandang investment ito.

 

 

“Opo, tsaka naglalabas lang po ako ng pera kapag alam kong investment piece nga po siya, hindi lang sa jewelry kundi sa ibang mga gamit, like also with bags. I don’t just buy any bag, I buy the classic pieces, na I know overtime e walang ibang ginawa kundi mag-price increase, so dun ako…lagi kong iniisip mabebenta ko ba ‘to if ever? Mapagkakakitaan ko kaya ‘to? Ganun po yung lagi kong iniisip.”

 

 

KASALUKUYANG napapanood si Christian Vasquez ng sabay sa dalawang teleserye, sa ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA-7 at sa ‘The Iron Heart’ ng ABS-CBN.

 

 

Ano ang masasabi niya na napapanood siya sa rival stations sa bansa?

 

 

“Nakakatuwa, nakakatuwa. Yung feeling kasi na nakikita mo yung characters mo na magkaiba,” bulalas ni Christian.
Gumaganap si Christian sa ‘Voltes V: Legacy’ bilang Boazanian na si Zambojil at sa ‘The Iron Heart’ naman bilang si Orcus.

 

 

“So natutuwa ako… magkaiba sila, e. So parang as an actor na pakiramdam ko na nagagawa ko yung trabaho ko ng maayos.”

 

 

Una raw nag-taping si Christian para sa ‘Voltes V: Legacy’ at tapos na ang taping nila para sa top-trating sci-fi series ng Kapuso Network.

 

 

Ongoing pa raw ang taping ng ‘The Iron Heart’.

 

 

Samantala, gaganap bilang si dating Senador Manny Villar si Christian sa bagong pelikulang ‘Kuya: The Governor Edwin Jubahib Story’.

 

 

Isa itong biopic feature film na pagbibidahan ng award-winning actor na si Richard Quan at tungkol sa buhay ni Governor Edwin Jubahib ng Davao Del Norte at sa direksyon ni Francis “Jun”Posadas.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

LRT 2’s “Beshy, birthday mo rin ba?” inilunsad

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

“BESHY, birthday mo rin ba.”

 

 

 

Ganito ang nakalagay sa social media post ng Light Rail Transit Line 2 (LRT2) kung saan ipinahayag ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayon buwan ng July.

 

 

 

Nagbibigay ng libreng sakay ang LRTA sa purple line o LRT Line 2 sa mga masuwerting mga pasahero sa loob ng dalawang (2) linggo kasabay ng pagdiriwang ng 43rd na anibersaryo noong July 12 ang LRTA.

 

 

 

Ang initiative na “Birthday Ko Rin Beshy” ay isa itong contest kung saan ang mga pasahero ay kailangan maging follower ng official LRT-2 Facebook page na may username na @OfficialLRTA.

 

 

 

Kailangan na ang mga lalahok ay pinanganak ng July 12, 1980, ang petsa ng pagkakatatag ng LRTA bilang isang ahensya ng pamahalaan.

 

 

 

Kung ang isang pasahero ay kwalipikado, kailangan na gawin ang mga sumusunod na step:

 

  1. Ilagay ang pangalan at ang “Birthday Ko Din Beshy” sa template sa Facebook post (ex. Juan dela Cruz, Birthday Ko Din Beshy) at

 

  1. Hintayin na lamang ang mensahe ng LRTA kung saan sasabihin na ipadala ng pasahero ang kanilang kopya ng birth certificate para sa verification ng kanilang birthdate

 

 

 

Ang “Beshy (or Beshie) Ko” pharase ay galing sa meme template ng dialogue mula sa GMA Network’ drama anthology na “Magpakailanman.” LASACMAR

PBBM, pinuri ang PH-FRANCE direct flight initiatives, scholarship programs para sa mga Filipino student

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inisyatiba ng French government na buksan ang direct flight mula Manila patungong  Paris at plano nito na palakasin ang scholarship programs para sa mga Filipino students.

 

 

Pinasalamatan ng Pangulo si outgoing French Ambassador to the Philippines HE Michèle Boccoz na ipinabatid sa Pangulo ang plano na buksan ang direct flight at palakasin ang scholarship programs.

 

 

Sa kabilang dako,  pinuri rin ng Pangulo si Boccoz para sa lahat ng magagandang bagay na nagawa nito  para palakasin ang relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

 

 

“It is something new for our two countries to have these relationships now. I’m sure that there’s something that will grow rapidly within the next two years. Those are the things that I think we can merge. I think we can make a good start,” ang sinabi ni Pangulong Marcos kay Boccoz sa farewell call  sa Palasyo ng Malakanyang, matapos ang isnag taon mula nang ipresenta niya ang kanyang credentials sa Pangulo noong Mayo 30, 2022.

 

 

Sinabi pa ni Boccoz, na labis na pinapahalagahan ng  French government ang mapagmahal at  pagiging hospitable  ng mga Filipino.

 

 

Nagsilbi itong Ambassador of France to the Philippines simujla Pebrero 10, 2021.

 

 

Ipinaalam ni Boccoz sa Pangulo ang mga plano na buksan ang direct flight  mula  Manila at  scholarship programs para sa mga Filipino students na  dapat na palakasin.

 

 

Sinabi nito na ang “French government is working closely on promoting their student exchange or scholarship programs to encourage more Filipino students to study in Paris as she believes that the Philippines has many gifted and dynamic students.”

 

 

“It is also something that we’re really promoting, to have more students in all areas in Science, in Engineering and Technologies and all of the areas because there’s so many gifted—very, very gifted people. And the young generation is so dynamic in this country and I’m sure there’ll be many, many opportunities to increase the relationship in all those areas, and to go to the next step of our relation,” ani Boccoz.

 

 

“There are many things going on and one of them, I understand, we will have in the near future a direct flight from Manila to Paris and that’s also in progress,” ang sinabi ni  Boccoz sa Pangulo.

 

 

Kumpiyansa naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ni Boccoz ang nasimulan sa Pilipinas.

 

 

Sa nasabing farewell call, sinabi ng Pangulo  kaay Boccoz  na siya  ay “warmly welcome” na muling bistahin ang Pilipinas. (Daris Jose)

P3-M bagong logo ng PAGCOR inulan ng batikos

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

INULAN  ng batikos ang itsura ng bagong labas na logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa ika-40 anibersaryo nito — bagay na nagkakahalaga ng P3.03 milyon ayon mismo sa gobyerno.

 

 

Martes nang ibunyag sa publiko ang naturang logo sa Marriott Hotel Manila, na siyang dinaluhan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez.

 

 

“The new PAGCOR logo incorporates the element of fire associated with energy, inspiration, passion and transformation. It symbolizes the flame that ignites change and drives progress,” paliwanag ni PAGCOR chairperson at chief executive officer Alejandro Tengco kahapon.

 

 

“The logo likewise reflects a beacon which symbolizes guidance, leadership, and direction. It represents a guiding light that helps people find their way.”

 

 

Binuo ang PAGCOR sa pamamagitan ng Presidential Decree 1869 noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. taong 1983.

 

 

Ito ang namumukod-tanging korporasyon ng gobyernong nagpapatakbo at nagtatayo ng pasugalan sa Pilipinas. Pinangangasiwaan at nireregula rin nito ang mga pribadong casino.

 

 

Umabot na P607 bilyon ang kabuuang Contributions to Nation Building (CNB) ng ahensya sa nakaraang 40 taon, maliban pa sa P64 bilyong total dividends remittances simula 2011. Dahil diyan, aabot sa P671 bilyon ang total contributions ng PAGCOR.

 

 

Sa ilalim ng pamumuno ni Bongbong, P45 bilyon agad ang CNB mula sa PAGCOR, na nakikita pang aabot ng P70 bilyon pagkatapos ng taon.

 

 

“All these taken together, our new logo reflects PAGCOR’s long standing commitment of being a guiding force that illuminates the way forward, drives transformation and development, and brings inspiration and motivation to the lives it touches,” dagdag pa ni Tengco.

 

 

Milyun-milyong halaga ang naturang logo, batay na rin sa July 27 “notice of award” na ipinagkaloob sa isang Francisco Diplon.

 

 

Umabot sa P3,035,714.28 ang quotation ni Doplon para sa naturang disenyo, bagay na wala pang value added tax at zero-rated transaction.

 

 

Si Doplon ang sinasabing proprietor ng Printplus Graphic services, ayon sa bidding projects section ng opisyal na website ng PAGCOR.

 

 

Hindi maganda ang pagtanggap nang maraming netizens sa nasabing disenyo, lalo na’t tila hindi raw karapat-dapat na milyon ang ginastos sa kinalabasang itsura.

 

 

“No way PAGCOR just chose a logo that’s so similar to Lucky Me’s logo. Never tell us this costs huge sums of money. ‘Designer’ can’t even understand basic color theory and how blue and red connects with gaming and amusement in such that they used gradient for what,” sabi ni Kevin Bryan Mecija sa Facebook.

 

 

“Ano yan, PAGCOR? Swertihan kasi sa Gambling kaya kopya assignment nalang sa Lucky Me?”

 

 

Ayon naman sa meme page na Albularyo at Facebook users na sina Aaron Teofilo Full at Albert Egot Jr., animo parang demonyo at halimaw raw ang itsura nito dahil sa pulang mukha at dalawang sungay.

 

 

Hinaluntulad din ito nang marami sa logo ng Petron, na isa sa tatlong major players pagdating sa industriya ng langis sa Pilipinas. Ang ilan naman, napansin kung paano ginamit ang “gradient” sa logo.

 

 

“I have nothing against high-ticket projects esp. [especially] in the branding and advertising industry kahit pa 10 million yan. Go! But with this output na kesho represents the burning passion daw. THE F!” wika ni Egot, na sinabing parang demonyo sa pelikulang “Insidious” ang logo.

 

 

Dagdag naman ni Roy Van Rivero, tila pagwawaldas ng P3 milyong pera ng taumbayan ang pagpapalit ng logo lalo na’t pwede pa ring mai-apply ang kahulugan sa likod ng bagong disenyo sa luma. (Daris Jose)

Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon

Posted on: July 14th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas ang mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

 

Iniutos naman kaagad ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang pagtugis sa suspek na si Erick Cabides, nasa hustong edad at residente rin sa naturang lugar na mabilis na tumakas makaraan ang pananaksak.

 

 

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg Bengie Nalogoc at P/Cpl Marlon Renz Baniqued na nag-iinuman ang magkakapitbahay sa kanilang lugar sa Block 2 Kadima, Letre Road nang magkaroon ng kulitan hanggang magkapikunan umano ang biktima at ang suspek, dakong alas-11:30 ng gabi.

 

 

Naawat naman ng kanilang mga kainuman ang dalawa subalit habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay si Yureta, bigla na lang siyang nilusob at pinagsasaksak ng suspek bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Iginiit naman sa pulisya ng mga kaanak ng nasawi na walang kaaway o nakagalit sa kanilang lugar ang biktima kaya’t nagtataka sila kung bakit sa malupit na paraan idinaan ng suspek ang kanyang pagkapikon sa kanilang inuman.

 

 

Gayunan, sinabi ni Col. Daro sa panayam na nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang pulisya hinggil sa nangyaring krimen habang patuloy ang isinasagawang paghahanap sa tumakas na suspek. (Richard Mesa)