• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 24th, 2023

Mahigit isang bilyong halaga ng subsidiya, naipamahagi na ng LTFRB sa mga tsuper at operators

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa mahigit isang bilyong piso ang naipamahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayuda para sa mga tsuper at operators sa ilalim ng fuel subsidy program.

 

 

Batay sa datos ng LTFRB, sumampa na sa P1,089,176,500 ang kabuuang halaga ng fuel subsidy na naibigay sa mga tsuper at operators sa buong bansa, simula inumpisahan ito ng pamahalaan.

 

 

Ito ay napakinabangan ng mga tsuper at operator ng kabuuang 166,597 units ng mga pampublikong sasakyan.

 

 

Ang Fuel Subsidy Program(FSP) ay isang programa ng pamahalaan na nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga tsuper at operators ng mga pampublikong sasakyan, sa layuning maibsan ang epekto ng labis na pagtaas ng presyo ng langis.

 

 

Ayon sa LTFRB, magpapatuloy pa rin ito, sa pagnanais na maibsan ang pasanin ng mga tsuper sa buong bansa.

 

 

Nagpapatuloy din umano ang koordinasyon ng naturang ahensiya sa state-owned Land bank of the Philippines na siyang nagdi-distibute ng mga subsidiya sa mga kwalipikadong benepisyaryo. (Daris Jose)

PBBM, dumating sa Tacloban, nagsagawa ng briefing sa epekto ng panahon sa Northern Samar

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

DUMATING kahapon ng umaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Tacloban at kagyat na nagsagawa ng virtual briefing sa matinding epekto ng shear line at low pressure area (LPA)  na nakaapekto sa Northern Samar.

 

 

Nauna rito, nakatakda sanang  lumapag sa bayan ng Catarman si Pangulong Marcos. Gayunman, hindi nagawang mag-landing ang eroplano ng sinasakyan ng Chief Executive.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ng weather bureau na PAGASA  na nakaranas ang  Catarman ng mahigit na isang buwan ng pag-ulan sa loob lamang ng 24 oras, iniuugnay sa shear line,  “cold and warm air converge.”

 

 

Dahil sa weather disturbance, napilitang ilikas  ang mahigit sa  24,000 pamilya.

 

 

Mataas ang tubig-baha kung saan ang mga residente ay nakitang nakakapit  sa mga piraso ng kahoy at styrofoam ang iba naman ay napilitang lumangoy para sa kanilang kaligtasan sa gitna ng presensiya ng  electric wires.

 

 

Sa isinagawang rescue operations, naranasan ng mga awtoridad ang kahirapan  bunsod ng malakas na water current.

 

 

Ginawa ang deklarasyon matapos na irekumenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) dahil sa pinsala sa imprastraktura at mga ani sanhi ng malalim na pagbaha.

 

 

Samantala, may kabuuang  169 klase at  12 work schedules ang sinuspinde dahil sa masama at masungit na panahon. (Daris Jose)

Official poster ng ‘Rewind’, punum-puno ng elemento: MARIAN, gustong i-rewind ang bawat moment na kasama si DINGDONG

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NI-REVEAL na ang official poster ng “Rewind”, ang reunion movie nina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar, at isa sa ten entries sa 2023 Metro Manila Film Festival. Ang “Rewind” ay collaboration ng Star Cinema, APT Entertainment, at Agosto Dos Media.

 

 

Inilabas naman ang first trailer ng movie noong Nobyembre 13, na nakatanggap ng magagandang feedbacks at kani-kanilang haka-haka sa istorya ng pelikula.

 

 

Sa in-upload na poster ni Dingdong at Star Cinema last Thursday, makikitang parang nagsasayaw at magkahawak-kamay ang mag-asawa.

 

 

Naka-red dress si Marian, habang suot naman ni Dingdong ang white long sleeves at green blazer.

 

 

Reaction naman ng mag-asawa sa naturang poster reveal na ginawa sa labas ng ABS-CBN…

 

 

“Ang daming elemento ang makikita sa poster, may elemento ng clock, may elemento ng sumasayaw. So, lahat ng ‘to, sumasagisag sa munting detalye ng pelikula.

 

 

“Kaya abangan n’yo, kung bakit ganito ang itsura ng poster, at sobrang gandang-ganda kami. So, hanep, wow!,” say ni Dong.

 

 

Hirit naman ni Yan, “‘yung picture dito ni Mary, umiiyak pero may ngiti. Bakit kaya? Malalaman natin, kapag pinanood na natin ng ‘Rewind’.”

 

 

Dagdag pa ng award-winning host and actor, “seeing ito for the first time ang poster na ganitong kalaki, grabe. Nakakatuwa na may event talaga for this.

 

 

“At para sa amin, ganitong kahalaga ang project at personal sa amin sa ito. Kaya gusto namin, mas maraming mapanood, as much as possible.”

 

 

Natanong din ang mag-asawa sa interview ng ABS-CBN, kung ano ang gusto nilang i-rewind.

 

 

Inalala ni Dingdong yun first time nagkakilala ni Marian sa loob ng isang studio, at ‘yun daw ang moment na hinding-hindi niya yun makalilimutan at gustong balikan.

 

 

Pantapat naman ni Marian, “siguro kahit ano, basta puwede kong i-rewind na kasama siya. Wala akong moment na kasama siya na hindi ko pinagpasalamat sa Panginoon.”

 

 

Ang “Rewind” na family drama film na may mga touch ng magic realism ay mapapanood na simula sa December 25, at ito nga ang pagbabalik ng DongYan sa big screen na huling nagtambal 2010 film na “You to Me Are Everything.”

 

 

Siguradong paiiyakin tayo nina Dingdong at Marian sa darating na Kapaskuhan. And for sure, mapapansin din ang husay nila sa pag-arte.

 

 

Kaya sa tingin namin, may laban sila sa category ng Best Actor at Best Actress.

 

 

Best of luck, DongYan.

 

(ROHN ROMULO)

Gobyerno on track sa laban vs kahirapan, gutom

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ANG RESULTA ng isang recent survey na nagbanggit ng bahagyang pagbaba nang mahigit isang milyong pamilyang nakararanas ng gutom at kahirapan ay patunay na epektibo ang mga direktiba at programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura.

 

 

Ito ay ayon kay National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Lope Santos III, na ginawa ang pahayag matapos iulat ng OCTA Research na mahigit 1.3 milyong pamilya ang nakaraos sa gutom, samantalang 1 milyong pamilya naman ang umangat mula kahirapan.

 

 

“We defied the odds,” pahayag ni Santos, nang pinuri niya ang mga direktiba ng Malacanang na kontrahin ang rice hoarding, tanggalin ang pass-through fees, palakasin ang produksyon ng mga Pilipinong magsasaka at ibenta ang NFA rice nang mura sa merkado.

 

 

Sinabayan pa ito ng targeted na ayuda sa mga namamasada ng pampublikong sasakyan at pagbuhos ng production support tulad ng abono and binhi sa mga magsasaka.

 

 

Isinagawa ang survey noong Setyembre 30 hanggang Oktubre 4. Matatandaan na naharap ang bansa sa samu’t saring krisis tulad ng El Niño at nakaambang pagtaas ng presyo ng langis at bigas.

 

 

Ngunit sa kabila nito, tumaas nang 5.9% ang Gross Domestic Product ng Pilipinas at bumagsak sa 4.9% ang inflation.

 

 

Ayon kay Santos, bumalik din ang tiwala ng mga negosyante at foreign investors na nahikayat maglagak ng kapital sa ating bansa bunsod ng tamang polisiya at direksyon ng goberyno.

 

 

Aniya, inaasahan ding mas determinado na ang Malacanang mga polisiya nito tungo sa mas masaganang sektor ng agrikultura at tuloy-tuloy na pag-angat ng mga Pilipino mula sa kahirapan. (Daris Jose)

Paglobo ng HIV sa tinedyer, ikinabahala ni Bong Go

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NABABAHALA si Senator Christopher “Bong” Go, chairperson ng Senate committee on health, sa ulat na pagtaas ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, partikular sa mga kabataan.

 

 

Matapos tulungan ang mga biktima ng sunog sa Davao City, binigyang-diin ni Go na kailangan na ng komprehensibo at multi-disciplinary approach upang matugunan ang lumolobong krisis sa kalusugan.

 

 

“Unang-una, nakababahala ito. Tumataas na naman ang bilang ng kaso ng HIV cases. Bilang chairman po ng committee on health ay tututukan natin ito,” ani Go.

 

 

Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtuturo sa mga kabataan tungkol sa sex, teenage pregnancy, iligal na droga, at alkoholismo bilang pangunahing hakbang sa pagtugon sa isyung ito.

 

 

Napakahalaga ani Go ng papel ng disiplina at kamalayan sa paglaban sa pagkalat ng HIV.

 

 

“Disiplina talaga ang kailangan dito. Eto ‘yung bagay na masyadong tinatago ng kahit sinuman. Importante dito ‘yung education campaign… ‘wag lang po basta-basta. Dapat multi-disciplinary ang ating approach dito,” dagdag niya.

 

 

Ipinunto ng senador na dapat tratuhin ang HIV bilang kapwa health and behavioral concern. Binanggit niya na may mahalagang papel dito ang mga programa ng Department of Health (DOH), kabilang ang mga ospital at Regional Specialty Centers na nakatuon sa mga nakahahawang sakit.

 

 

Matatandaang si Go ang pangunahing nag-sponsor at isa sa may-akda ng Republic Act 11959, na kilala rin bilang Regional Specialty Centers Act, na nilagdaan bilang batas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., noong Agosto 24.

 

 

Binanggit din niya ang kritikal na papel ng Malasakit Centers sa pagbibigay ng tulong sa mga apektado ng HIV. Hinikayat niya ang mga biktima na humingi ng tulong sa mga sentrong ito. (Gene Adsuara)

7 pang testigo babaliktad pabor kay De Lima

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

ILAN pang witnesses na dati nang tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima ang nagpahayag ng kanilang kagustuhang bawiin ang mga naunang testimonya kaugnay ng huling drug case ng opposition figure.

 

 

Kaugnay ito ng liham na ipinadala ng mga sumusunod na preso-testigo habang inihahayag ang kagustuhang bawiin ang mga naunang pahayag sa Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206:

 

* Germa Agoyo

* Tomas Doñina

* Jaime Patcho

* Wu Tuan Yuan (alyas Peter Co)

* Engelberto Durano

* Jerry Pepino

* Hans Anton Tan

 

 

Aniya, ipinapahiwatig nila ang kagustuhang mag-“recant” matapos makaranas ng matinding pagbabanta.

 

 

“At this point, we would like to state that our participation as witnesses in the drug cases against former DOJ (Department of Justice) Secretary De Lima was vitiated by undue compulsion and influence, and thus, any judicial statement made by us, is void of lack of consent,” sabi ng pito sa nilagdaang liham nitong ika-17 ng Nobyembre.

 

 

“We no longer desire to live our lives with the knowledge that we allowed ourselves to become pawns or instruments of injustice. We wish to live a life of dignity, integrity, and responsibility moving forward.”

 

 

Sa kabila nila, wala silang pinangalanan na pumuwersa sa kanila para idiin ang dating mambabatas.

 

 

Aniya, isa ang pananaksak sa New Bilibid Prison noong 2016 sa mga patunay na humarap sila sa matinding peligro.

 

 

“Proof that such threat to our lives was real and imminent was the stabbing incidents that transpired at the NBP premises in September 2016 resulting in the actual death of one [person deprived of liberty], and seriously injuring several others,” paliwanag pa nila.

 

 

Nagpapalipat na ngayon ang mga naturang inmate-witnesses mula Sablayan Prison and Penal Farm patungo sa ibang pasilidad.

 

 

Bago payagang makapagpiyansa ni Judge Gener Tito ng Muntinlupa RTC Branch 206 noong ika-13 ng Nobyembre, halos pitong taong nakulong si De Lima.

 

 

Una na siyang naabswelto sa dalawa sa tatlong kaso, bagay na kaugnay din ng iligal na droga.

 

 

Ilan sa mga naunang recantations ng ilang testigo sa mga kaso ni De Lima ay ginawa matapos isiwalat na “pwinersa at tinakot” sila ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre. Itinatanggi ng kalihim ang paratang.

 

 

Si Aguirre ay tumayong kalihim noon ng Department of Justice sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Kilalang kritiko ng madugong gera kontra droga at “human rights abuses” ng dating presidente si De Lima.

 

 

Oktubre lang din nang bawiin nina Rodel Magleo at Nonino Arile ang kanilang mga paratang kay De Lima matapos “makonsensya.”  (Daris Jose)

Buwis na nakolekta sa ilalim ng sektor ng turismo umabot na sa P404-B

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT na sa P404 billion peso ang nakolektang revenue sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo sa unang sampung buwan ng 2023.

 

 

Ito ay mas mataas ng 190% kumpara sa nakolektang buwis sa unang sampung buwan ng 2022 kung saan umabot lamang noon sa P138.46.

 

 

Ang mataas na koleksyon ng buwis sa sektor ng turismo ay dahil na rin sa mataas na bilang ng mga bumisita dito sa PIlipinas.

 

 

Batay kasi sa datos ng naturang ahensiya, umabot na sa 4.63 million katao ang naitalang bumisita sa bansa mula Enero hanggang nitong buwan ng Oktubre.

 

 

Ito ay katumbas na ng 96% ng kabuuang target ng ahensiya na maabot na bilang ng turista para sa buong 2023.

 

 

Batay sa datos ng pamahalaan, ang sektor ng turismo ang ikalawang economic driver ng Pilipinas para sa unang kalahating bahagi ng 2023. (Daris Jose)

Pinaghahandaan na ang kanilang intimate scene: YASSER, inaming natulala nang maka-eksena si CLAUDINE

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINDI raw maiwasang matulala ng Sparkle hunk na si Yasser Marta nang maka-eksena si Claudine Barretto sa GMA primetime teleserye na ‘Lovers/Liars.’

 

 

 

“Ang dami ko pong nararamdaman. Kinakabahan ako, pinapawisan ang kili-kili ko, ‘yung mga kamay ko, tapos kinikilig ako. Sobrang laki pong achievement, syempre, to be paired with Ms. Claudine, sobra po akong nagpapasalamat,” sey ni Yasser.

 

 

 

Pinaghahandaan na raw ni Yasser ang magiging intimate scene niya with Claudine dahil nagkakaroon sila ng secret affair sa serye.

 

 

 

Hindi ito ang first time na gagawa ng love scene si Claudine sa lalakeng mas bata sa kanya. Sa pelikulang ‘Dubai’ noong 2005, si John Lloyd Cruz ang naka-love scene ng aktres.

 

 

 

“John Lloyd was very young then. And Yasser is a lot younger pa. Siguro pagpapawisan din ako kapag kinunan na yung intimate scenes namin ni Yasser,” tawa pa niya.

 

 

 

Feeling vulnerable daw ngayon si Yasser dahil kaka-break daw nila ni Kate Valdez. Naka-one year din daw ang relasyon nila.

 

 

 

Ang naging rason daw ng break-up ay nawalan sila ng time sa isa’t isa.

 

 

 

“Naging busy kasi kami pareho. I have ‘Eat Bulaga’ at itong teleserye. Kate is now taping for ‘Shining Inheritance.’ Yung usual na communication namin ay biglang nabawasan. Mas naging focus kami sa work kaya we decided to part ways para na rin sa careers namin,” pahayag pa ni Yasser.

 

 

 

***

 

 

 

THANKFUL ang Kapuso comedians na sina Betong Sumaya at Chariz Solomon dahil napabilang sila sa 28th anniversary ng longest-running gag show on Philippine Television na ‘Bubble Gang.’

 

 

 

Kung noon daw ay hanggang TV lang at pinapanood at nakikitawa, ngayon ay dream come true kay Betong na nagpapatawa siya sa Bubble Gang.

 

 

 

“It’s a refreshing experience for everybody especially as we have new segments, live audience, and new cast members. Iba ‘yung feeling kapag may audience na nanonood kasi nakikita ko agad kung ano ang kanilang reaksyon. Mas nakaka-inspire na gawin ang trabaho namin,” sey ni Betong na naging Bubble Gang mainstay noong 2012.

 

 

 

Si Chariz ay noong 2010 pa naging parte ng ‘Bubble Gang’ at marami siyang natutunan sa pagpapatawa sa show dahil kay Michael V. na katrabaho rin niya sa ‘Pepito Manaloto.’

 

 

 

“Ang pangarap ko talaga is to grow with the show, na tumagal pa kami, and makapag-breed ‘yung show ng tagapangalaga hindi lang sa on cam artists kundi pati sa creative side. I believe marami ang nagmamahal sa legacy na ito nila Kuya Bitoy kaya I know hindi mapapabayaan ‘yung pinaghirapan nila ng 28 years.”

 

 

 

***

 

 

 

BUMIDA ang maraming Pinoy designers sa nakaraang Miss Universe 2023. Patunay lang na world-class ang gawa ng ating mga kababayan at in-demand sila sa iba’t ibang international pageants.

 

 

 

Si Mark Bumgarner na nag-design ng Apo Whang-Od inspired evening gown ni Miss Universe Philippines Michelle Marquez Dee.

 

 

 

Si Rian Fernandez ang gumawa ng gown ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel noong mag-host ito sa preliminary event at sa final walk nito as Miss Universe. Samantalang si Larry Espinosa ang gumawa ng gown ni R’Bonney noong mag-host ito ng National Costume segment.

 

 

 

Aklan-based designer Carla Fuentes ang gumawa ng evening gown ni Miss Universe Bahrain Lujane Yacoub.

 

 

 

Dubai-based designer Furne One ang nagdesenyo ng gold gown ni Miss Universe Egypt, Mohra Tantawyn. Siya rin nagdamit sa first-ever Miss Universe candidate ng Pakistan na si Erica Robin.

 

 

 

Laguna-based designer Louis Pangilinan ang nag-desenyo ng evening gown ni Miss Universe Malta Ella Portelli.

 

 

 

Si Boogie Musni of Misamis Oriental ang nagdamit kay Miss Universe Mauritius Tatiana Beauharnais.

 

 

 

Sina Anthony Ramirez at Jo Rubio naman ang nagdamit kay Miss Universe 2018 Catriona Gray sa pag-anchor host nito ng event.

 

(RUEL J. MENDOZA)

“‘WONKA’ IS ABOUT BRINGING A LIGHT INTO A WORLD THAT IS IN DESPERATE NEED OF IT,” SAYS TIMOTHÉE CHALAMET

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Timothée Chalamet is proud to be a part of “Wonka.” 

 

 

 

All the singing and dancing aside, Chalamet, who plays the beloved chocolatier in the film, is most proud of being part of “a joyous movie, that is about bringing a light into a world that is in desperate need of it,” he says.

 

 

 

When Chalamet read “Wonka,” he did feel “the classic thespian challenge—the singing, the dancing.” But when he thinks about the film’s reason for being, “it is to bring joy into the world,” he says. “It’s to encourage dreaming; to encourage the dreamers to continue dreaming; to encourage declaring yourself as you are, who you are, without question. It’s to declare that to share in kindness and enthusiasm is to paint a way forward, not only for yourself, but for those around you. It’s about community, and it’s about community surviving in spaces of erosion. It’s about light and love. I’m so proud to have been a part of that.”

 

 

 

Wonka, an intoxicating mix of magic and music, mayhem and emotion, tells the story of Willy Wonka’s younger days, when he was just starting out as a chocolate-maker hoping to share his chocolate with the world by setting up shop at the cathedral of candy known as the Galeries Gourmet—with nothing but a few sovereigns (coins) and a hat full of dreams. A prequel to the 2005 hit Charlie and the Chocolate Factory, Wonka, based on the beloved character created by best-selling children’s book author Roald Dahl, is written and directed by Paul King (Paddington films) and produced by David Heyman (the Harry Potter movies).

 

 

 

To make sure he does the iconic character of Willy Wonka justice, Chalamet worked hard in preparation for the role, especially for the singing and dancing bits. “I had a lot of singing and vocal training with our head of the music department, the British James Taylor, not the other James Taylor,” shares Chalamet. “Also, there was a lot of dance training with Chris Gattelli, a fellow New Yorker and a fantastic choreographer. Then, repetition, repetition, repetition, repetition. It was smart, because by the time the movie started, the physical stamina was there.

 

 

 

“And I have to say that this was the most physically challenging project I’ve ever been on. This was every scene. There’s the enthusiasm of the character coupled with the fact that there isn’t a scene that’s really static. That’s not only great for the story, but it was also a great lesson as an actor. I was grateful to have that run up because of the shape I was able to get into.”

 

 

 

Watch Chalamet talk about “Becoming Wonka” in this featurette: https://youtu.be/bBqknIar39o

 

 

 

It helped that he had a great co-star in Calah Lane, who plays Noodle, a smart, cynical, sardonic young orphan who befriends Willy. Chalamet was very much impressed with his younger co-star. “It’s a huge endeavor to be on a project when you’re this young. I was working as an actor at this age, but not on things this long—maybe a day or two here or there. She really has her head on her shoulders; she’s a fantastic actress,” says Chalamet.

 

 

 

Lucky for Lane, there were days on set when she wasn’t the only kid. And Chalamet treasured such days too because they brought about a very positive energy. “The days when we had a lot of kids around, it brought a sincerity, an earnestness and a joy to the set, especially when you’re wearing the burgundy coat and you see the way people are reacting… It was great.”

 

 

 

Get ready for your sweet holiday treat. Wonka opens in Philippine cinemas December 6, one week ahead of the U.S. A perfect Christmas indeed!

About “Wonka”

 

 

 

Based on the extraordinary character at the center of “Charlie and the Chocolate Factory,” Roald Dahl’s most iconic children’s book and one of the best-selling children’s books of all time, “Wonka” tells the wondrous story of how the world’s greatest inventor, magician and chocolate-maker became the beloved Willy Wonka we know today. “Wonka” is an intoxicating mix of magic and music, mayhem and emotion, all told with fabulous heart and humor. Starring Timothée Chalamet in the title role, this irresistibly vivid and inventive big screen spectacle will introduce audiences to a young Willy Wonka, chock-full of ideas and determined to change the world one delectable bite at a time—proving that the best things in life begin with a dream, and if you’re lucky enough to meet Willy Wonka, anything is possible.

 

 

 

Directed by Paul King, with a screenplay he co-wrote with Simon Farnaby. Produced by David Heyman, Alexandra Derbyshire and Luke Kelly.

 

 

 

Starring alongside Chalamet are Calah Lane (“The Day Shall Come”), Emmy and Peabody Award winner Keegan-Michael Key (“The Prom,” “Schmigadoon”), Paterson Joseph (“Vigil,” “Noughts + Crosses”), Matt Lucas (“Paddington,” “Little Britain”), Mathew Baynton (“The Wrong Mans,” “Ghosts”), Oscar nominee Sally Hawkins (“The Shape of Water,” the “Paddington” films, “Spencer”), Rowan Atkinson (the “Johnny English” and “Mr. Bean” films, “Love Actually”), Jim Carter (“Downton Abbey”), with Oscar winner Olivia Colman (“The Favourite”). The film also stars Natasha Rothwell (“White Lotus,” “Insecure”), Rich Fulcher (“Marriage Story,” “Disenchantment”), Rakhee Thakrar (“Sex Education,” “Four Weddings and a Funeral”), Tom Davis (“Paddington 2,” “King Gary”) and Kobna Holdbrook-Smith (“Paddington 2,” “Zack Snyder’s Justice League,” “Mary Poppins Returns”).

 

 

 

In cinemas December 6, “Wonka” is distributed in the Philippines by Warner Bros. Pictures, a Warner Bros. Discovery company.

 

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #WonkaMovie

(ROHN ROMULO)

Navotas City Christmas Bazaar

Posted on: November 24th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

IPINARAMDAM na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa kanilang mga mamamayan na ‘Pasko na sa Navotas’ sa pamamagitan ng pagpapailaw nito sa heganting Christmas tree.

 

 

Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at ng kanyang pamilya ang taunang pagpapailaw sa naturang higanteng Christmas tree na matatagpuan sa Navotas Citywalk and Amphitheater at fireworks display na sinaksihan naman ng mga residente ng lungsod.

 

 

Kasabay nito, pinangunahan din ni Tiangco, kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaang lungsod ang pagbubukas sa Christmas bazaar na nagtatampok ng 34 Navoteno small, and midsize enterprises.

 

 

Hinikayat naman ni Mayor Tiangco ang kanyang kapwa Navoteños na suportahan at i-patronize ang mga lokal na negosyo upang makatulong na mapalakas ang ekonomiya ng lungsod.

 

 

“Ngayong Christmas season, subukang bumili mula sa mga brands and small shops sa loob ng komunidad. Tulungan natin ang ating mga kapwa Navoteño na bigyan ng patas na pagkakataon ang micro at small entrepreneurs na magpatuloy at umunlad,” pahayag niya.

 

 

Dagdag ng alkalde, ang Christmas bazaar ay bukas araw-araw simula 5pm hanggang 12mn. (Richard Mesa)