• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December, 2023

2 tulak laglag sa Caloocan drug bust

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NASAMSAM ng pulisya sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang mahigit P80,000 halaga ng shabu matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas Jobert, 35, ng Brgy. 120 ng lungsod at alyas Julius, 44, pintor ng Valenzuela City.

 

 

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-11:31 ng gabi nang ikasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Cpt. Emmanuel Aldana ang buy bust operation sa 2nd Avenue, BMBA Compd., Brgy.120 kontra sa mga suspek matapos ang natanggap na report hinggil sa umano’y ilegal drug activities ng mga ito.

 

 

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon sa mga suspek ng P7,500 halaga ng shabu at nang tanggapin nila ang markadong salapi mula sa pulis kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad silang inaresto ng mga operatiba.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 13 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P88,400 at buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 7-pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Pinapurihan naman  ni Gen. Gapas ang Caloocan police sa kanilang matagumpay na operation kontra ilegal na droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kapwa mahaharap sa kasong R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

El Niño, presyo ng mga bilihin, pangunahing hamon sa 2024 – DA

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TINUKOY ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga problemang El Niño, mabilis na paggalaw ng presyo, at pagnipis ng supply ng pagkain bilang pangunahing hamon sa sektor ng pagsasaka sa susunod na taon.

 

 

Ayon sa kalihim, ang mga naturang problema ang kailangang harapin ng mga magsasaka at mga food producers sa 2024.

 

 

Mayroon aniyang malaking misyon ang bansa sa susunod na taon at ito ay ang tugunan ang mga naturang problema.

 

 

Ayon pa sa kalihim, tutulungan ng DA ang mga magsasaka at magkasamang haharapin ang mga ito.

 

 

Malaki aniya ang maitutulong ng DA upang mapatatag ang presyuhan na mapapakinabangan kapwa ng mga magsasaka at mga consumer.

 

 

Dahil dito ay patuloy din ang apela ng kalihim sa publiko na tumulong sa pagpapatatag sa supply ng pagkain sa bansa, sa likod ng mga nabanggit na hamon.

 

 

Kailangan aniyang tumugon na rin ang mga mamamayan lalo na at ang iba pang mga bansa na laging nagsusupply ng mga pagkain sa mga bansang nangangailangan ay pinipili na ring mag-stockpile ng sarili nilang magagamit dahil sa El Niño at iba pang hamon sa panahon.

 

 

Inihalimbawa ng kalihim ang India na una nang nilimitahan ang volume ng bigas na ipinapa-angkat sa ibang bansa, upang masuportahan ang sarili nitong populasyon. (Daris Jose)

No. 9 top most wanted person ng Valenzuela, arestado

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong robbery matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Aerol”, 23 ng Francisco St., Brgy, Gen T De Leon na nasa No. 9 Top MWP ng Valenzuela City.

 

 

Sa ulat ni Col. Destura kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Valenzuela Police Sub-Station 2 na madalas umanong makita ang presensiya ng akusado sa Brgy. Lingunan.

 

 

Bumuo ng team si SS2 Commander P/Cpt. Selwyn Villanueva saka ikinasa nila ang intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto kay Aerol dakong alas-12:10 ng medaling araw sa Meyland Village, Phase 5, Brgy. Lingunan.

 

 

Ani Cpt. Villanueva, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 noong Nobyembre 16, 2023 para sa kasong Robbery na may nirekomendang piyansa na P100,000 para sa pansamantala niyang paglaya.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela CPS habang hinihintay ang ilalabas na commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)

Ads December 29, 2023

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

Lady Gaga Becomes Harley Quinn in gripping ‘Joker: Folie à Deux’ fan trailer

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

A tense Joker: Folie à Deux fan trailer spotlights Lady Gaga’s transformation into Harley Quinn. Joker: Folie à Deux‘s cast will once again be led by the Oscar winner Joaquin Phoenix as the Clown Prince of Crime, with the DC sequel seeing Gaga join the franchise as none other than Harley Quinn. 

 

 

While Margot Robbie played the character in the DCEU and is expected to continue doing so in the new DC UniverseJoker: Folie à Deux is one of DC’s Elseworlds movies, allowing Gaga’s Harley Quinn to thrive.

 

 

Screen Culture shared a look at what Gaga’s performance as Harley Quinn could entail through a nerve-wracking Joker: Folie à Deux fan trailer.

 

 

https://www.youtube.com/watch?v=03ymBj144ng

 

 

The DC fan trailer shows Gaga as both the Harleen Quinzel and Harley Quinn sides of the character, slowly descending into madness as the footage moves along. While the trailer is exciting, its thriller tone might be more similar to Joker than what appears to be planned for the sequel.

 

 

Phoenix racked up awards for his magnetic performance in 2019’s Joker, including a Best Actor Oscar win. While that should be enough to cement how important his return as the Clown Prince of Crime is, there is a chance that Joker: Folie à Deux will be more about Gaga’s Harley Quinn than Arthur Fleck. Starting with the sequel’s name, Harley’s impact on the story can already be felt.

 

 

Joker ended with Arthur having fully transitioned from a man who felt society let him down to the villain known as the Joker. With a major part of Arthur’s arc complete, Joker: Folie à Deux might bring him along for the ride that will be Gaga’s Harleen Quinzel discovering her inner Harley Quinn. From the Joker: Folie à Deux Harley Quinn set photos and videos that have been revealed, Gaga seems to be trailing the same path in the sequel that Phoenix did in Joker.

 

 

Most importantly, Joker: Folie à Deux will be a musical. As Gaga is not only a fantastic actress, but also one of the best singers in the world, it would make sense for the DC movie to focus more on her Harley Quinn than on Phoenix’s Joker. The original Joker had many plot twists, and the sequel is already breaking expectations by going with its musical direction, which means that Joker: Folie à Deux surprising the audience by putting Harley Quinn’s story first would be in line with how the franchise acts. (source: screenrant.com)

(ROHN ROMULO)

Nadisgrasya ng paputok pumalo sa 75 bago Bagong Taon 2024 — DOH

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

NADAGDAGAN ng 23 ang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa ilang araw bago magtapos ang taong 2023, ayon sa pinakahuling taya ng Department of Health (DOH).

 

 

Sa 23 na bagong kaso, sinasabing edad 6-anyos hanggang 55 taong gulang ang mga nadisgrasya. Narito ang itsura ng mga biktima:

lalaki: 20

babae: 3

naputukan sa bahay o kalapit na kalye: 23

aktibong sangkot: 13

gumamit ng iligal na paputok:  14

 

 

“Kasama sa mga bagong kaso ang dalawang (2) bagong amputation, na parehong kinasasangkutan ng ilegal na Pla-pla na sinindihan ng mga lalaking teenager na naputulan ng mga daliri,” wika ng Kagawaran ng Kalusugan.

 

 

“Isang (1) amputation case kahapon ang maling naiulat; kaya ang kabuuang bilang ng mga amputation ngayong season ay anim na (6).”

 

 

Nasa 75 na ang nabibiktima sa ngayon. Anim sa bawat sampung kaso ay nanggaling sa mga sumusunod na erya:

National Capital Region: 40%

Central Luzon: 12%

Ilocos Region: 8%

 

 

“Siyamnapu’t anim na porsyento (96%) ang nangyari sa bahay at sa mga lansangan, karamihan ay mga lalaking may aktibong pakikilahok,” dagdag pa ng DOH.

 

 

“Ang mga iligal na paputok ang dapat sisihin sa humigit-kumulang anim sa bawat sampung kaso.”

 

 

Una nang ibinahagi ng Philippine National Police (PNP) ang updated na listahan ng mga iligal na paputok at pyrotechnic devices, bagay na kadalasang napakasensitibo.

 

 

Ngayong buwan lang nang maglabas ang Department of Trade and Industry ng mga certified fireworks upang magabayan ang mga consumer ngayong New Year.

 

 

Matagal nang hinihikayat ng DOH ang publikong umiwas ang lahat sa paggamit ng paputok, at sa halip gumamit na lang ng mas ligtas na paingay.

Estudyante, ginang sugatan sa shotgun sa Navotas

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

SUGATAN ang isang estudyante at 35-anyos na ginang matapos masapul ng ligaw na bala nang walang habas na paputukan ng shotgun ng isang fish porter ang kanyang mga kainiuman sa Navotas City.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala sa kanilang katawan ang mga biktimang sina Erabel Esgana, merchandiser at John Robin Gisalan, 20, student, kapwa ng Champaca St., Brgy., NBBS Proper.

 

 

Nahaharap naman sa dalawang bilang ng kasong Frustrated Homicide ang naarestong suspek na si Ruben Ilustrisimo, 28, ng 168 Brgy., NBBS Proper.

 

 

Sa report ni PSSg Allan Navata kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, dakong alas-12:10 ng madaling araw, habang nakikipag-inuman ang suspek sa kanyang mga kaibigan sa 134 Champaca St., Brgy. NBBS Proper nang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito.

 

 

Kumuha ng shotgun ang suspek at walang habas na pinaputukan ang kanyang mga kainuman na naging dahilan upang tamaan ng bala ang mga biktima na mabilis namang isinugod sa nasabing pagamutan.

 

 

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek subalit, naaresto naman siya ng mga tauhan ng Navotas Police Sub-Station 4 sa isinagawang hot pursuit operation at nakuha sa kanya ang isang 12gauge shotgun na may isang bala at isang basyo ng bala. (Richard Mesa)

Commuters hinikayat sumama sa kilos protesta vs PUV modernization

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

HINIMOK ng tranport group na Manibela ang mga pasahero na makiisa sa isinagawa nilang kilos protesta laban franchise consolidation sa ilalim ng PUV modenization program dahil makakaapekto umano ito sa libu-libong mananakay ng jeepney sa darating na Enero.

 

 

Ito ay kapag nagpatuloy ang itinakdang deadline sa konsolidasyon sa darating na Dec. 31.

 

 

Nangangahulugan kasi ito na makakansela na ang permit to operate ng maraming mga jeepney operators.

 

 

Ayon kay Mar Valbuena, pangulo ng Manibela na nasa 40,000 jeepneys pa ang hindi pa nakaka-comply sa consolidation ang hindi na makakabiyahe pa pagdating ng Enero kung saan sa malaking bilang na to mas maraming commuters din ang maapektuhan ang pagbibiyahe.

 

 

Magugunitang nag­harap na ng petisyon ang transport groups sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad ng PUV modernization.

 

 

Sakali umano na iba­sura ng SC ang kanilang petisyon ay wala na silang magagawa kundi ang ipagpatuloy ang protesta at malaking bagay kung makakasama nila ang mga mismong commu­ters na siyang lubhang maapektuhan.

 

 

Ganito rin ang na­ging banta ng Piston na dalhin ang kanilang hinaing sa mga gate ng Malacañang.

‘Firefly’, kinabog ang naglalakihang pelikula: EUWENN, tinanghal na Best Child Performer sa ‘MMFF 2023’

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

WALANG pag-aalinlangan na nagniningning ang mga ilaw para sa ‘Firefly’ sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal noong Disyembre 27, nang mag-uwi ang pelikula ng tatlong major awards sa 15 nominasyon, kabilang ang Best Picture.

 

 

Produced ng GMA Pictures at GMA Public Affairs, tinalo rin ng ‘Firefly’ ang iba pang entries sa dalawa pang kategorya: Best Screenplay, na napanalunan ng GMA Public Affairs Senior AVP at Firefly creator Angeli Atienza, at Best Child Performer, na iginawad sa GMA Sparkle child star na si Euwenn Mikaell.

 

 

Ang coming-of-age road trip drama ay opisyal na entry ng GMA Network sa 2023 MMFF.

 

 

Sinusundan nito ang kuwento ni Tonton (Euwenn), isang batang lalaki sa isang paglalakbay upang hanapin ang misteryosong isla ng mga alitaptap mula sa mga kuwento ng kanyang ina bago matulog. Kasama ang mga kasamang nakasalubong niya sa daan, naglakbay sila sa paghahanap ng kanilang mga pangarap sa paghahanap ng mga alitaptap.

 

 

Ang pelikula ay pinagbibidahan din ng award-winning na aktres na si Alessandra de Rossi, na nominated para sa Best Supporting Actress para sa kanyang papel bilang Elay, ang ina ni Tonton sa pelikula. Nagkamit din ng mga nominasyong Best Supporting Actor sina Dingdong Dantes (na gumanap bilang batang Tonton) at Epy Quizon. Sina Ysabel Ortega, Miguel Tanfelix, Cherry Pie Picache, Yayo Aguila, Kokoy de Santos, at Max Collins ang bubuo sa ensemble.

 

 

Ibinahagi naman ni Senior Vice President for GMA Pictures and First Vice President for GMA Public Affairs Nessa Valdellon, ang kanyang kagalakan at pagmamalaki sa recent MMFF achievements ng ‘Firefly’

 

 

“This means so much to GMA Public Affairs. Firefly is a story about a small boy with a big and heartfelt dream. It’s also the story of GMA Public Affairs, this small team that could.

 

 

 

“We were the underdog in the MMFF this year but somehow, magically, became the biggest winner of all. So I just want to tell everyone to continue being brave and to believe in the power of stories!”

 

 

 

“My only hope is that more people watch and come to love Firefly, as it’s a film made with so much love and respect for our audience,” dagdag pa niya.

 

 

Sa likod ng tagumpay ng ‘Firefly’ ay ang direktor ng ‘Maria Clara at Ibarra’ na si Zig Dulay, na buong pusong nag-alay ng pelikula sa kanyang yumaong ina.

 

 

“Siya ang nagsilbing patunay sa akin na totoo ang mga superheroes na napapanood sa mga pelikula,” pahayag ni Direk Dulay, na nominated for Best Director.

 

 

Ang award-winning na cinematographer na si Neil Daza, na nominado para sa Best Cinematography, ay higit na nagbigay-diin sa cinematic masterpiece ng pelikula.

 

 

Naka-shortlist din ang pelikula sa iba’t ibang espesyal na parangal kabilang ang Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence, Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, Gender Sensitivity Award, at Best Float.

 

 

Nagkamit din ng mga nominasyon para sa ‘Firefly’ sina Kenneth Kevin Villanueva (Best Production Design), Reality MM Studios Inc. (Best Visual Effects), at Len Calvo (Best Musical Score).

 

 

Sa espesyal na screening nito noong Disyembre 12, nakatanggap ng mga nakakaantig na papuri ang ‘Firefly’ mula sa mga Kapuso celebrity at personalidad, kabilang ang award-winning broadcast journalists na sina Jessica Soho, Howie Severino, at Kara David, na pawang pinuri ang ‘Firefly’ para sa makapangyarihan at nakakaantig na pagkukuwento nito.

 

 

Ang mga manonood ay nagpahayag ng kanilang mga damdamin sa gitna ng limitadong mga sinehan kung saan ang pelikula ay ipinapakita sa mga unang ilang araw ng screening ng festival.

 

 

Mula sa isinisigaw ng publiko, mas maraming sinehan ang nadagdag sa listahan ng mga sinehan kung saan mapapanood ang ‘Firefly.’

 

 

Ang Metro Manila Film Festival ay patuloy na nagtataglay ng pinakamataas na pamantayan ng kahusayan sa pelikulang Pilipino, at ipinagmamalaki ng ‘Firefly’ ang lugar nito bilang isang top-performing masterpiece sa film festival ngayong taon.

(ROHN ROMULO)

Obrero dedbol sa pamamaril ng 2 kalugar sa Malabon

Posted on: December 29th, 2023 by @peoplesbalita No Comments

TUMIMBUWANG ang duguan at walang buhay na katawan ng 40-anyos na construction worker matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang kalugar na kanyang nakaalitan sa Malabon City.

 

 

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang biktimang si Cresencio Casas, ng No. 5 Atis Rd San Miguel Brgy. Potrero.

 

 

Tinutugis naman ng pulisya para maaresto ang mga suspek na sina Ericson Francia alyas Onetit at Archie Bautista, kapwa nasa hustong gulang at parehong nakatira din sa nasabing lugar.

 

 

Sa report nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Diego Ngippol kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-9:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng Lasbuenas Garment sa Industrial Road Brgy. Potrero.

 

 

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na bago naganap ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ni Casas at mga suspek sa labas ng bahay ng biktima subalit, naawat naman sila ng mga bystander.

 

 

Gayunman, nang umalis ang biktima ay sinundan siya ng mga suspek at habang nakatayo si Casas sa harap ng Lasbuenas Garment ay isa sa mga salarin ang naglabas ng baril saka sunod-sunod na pinaputukan siya sa katawan bago mabilis na nagsitakas sa hindi matukoy na direksyon.

 

 

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang metal fragment, isang improvised hand gun na kargado ng isang bala ng 12 gauge shotgun, dalawang patalim, at isang coin purse na naglalaman ng dalawang plastic sachets na may laman ng hinihinalang shabu.

 

 

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)