ANG 2023 Metro Manila Film Festival entry na Rewind, na pinagbidahan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang may hawak na ng record bilang ‘highest-grossing Filipino film of all time’ in domestic box office sales, na kumita na ng P815 million as of January 17.
Ayon ito sa pinost ng Star Cinema sa kanilang official page at may total gross na P845 million worldwide.
#SalamatLods! Damang dama namin ang greatest love Mo!
“In Philippine domestic sales, #RewindMMFF IS NOW THE HIGHEST GROSSING FILIPINO FILM OF ALL TIME!
“And as of 3PM today, the worldwide total gross of ‘Rewind’ is PHP 845 Million.
#RewindNowShowing in over 300 cinemas in the Philippines, USA, Canada, Guam, and Saipan!”
Kaya naman nag-uumapaw ang kaligayahan at emosyonal na nagpapasalamat sina Dingdong at Marian sa suportang natanggap mula sa ating mga kababayan, dito at sa ibang bansa, mula nang ipalabas ito noong Araw ng Pasko at hanggang ngayon ay marami pa ring nanonood.
At dahil dito, naungusan na ng Rewind ang local box-office records na naitala ng Hello, Love, Goodbye (2019) nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, na may P691 million domestic box-office sales, at ang The Hows Of Us (2018) nina Kathryn at Daniel Padilla na may kinita namang P690 million.
Dahil patuloy pang pinalalabas ng Rewind sa iba’t ibang bansa ay ini-expect ng Star Cinema na baka malagpasan nito ang highest overall sales na PHP880 million na hawak ngayon ng Hello, Love, Goodbye.
Masayang-masaya nga si Marian na sa kauna-unahang niyang movie sa Star Cinema at kasama pa si Dingdong, kaya looking forward siya makagawa uli sa tamang panahon.
Hindi naman ito bago sa Kapuso Primetime King dahil nakagawa na siya ng mga pelikula sa Star Cinema na pawang matagumpay, ito ay ang Segunda Mano (2011 MMFF entry, na kung saan wagi siya ng Best Actor), One More Try (2012), She’s The One (2013), The Unmarried Wife (2016), at Seven Sundays (2017).
Tama nga ang sinabi nina Marian at Dingdong sa simula ng promo ng Rewind, ang pelikulang ito ay ipagmamalaki nila sa kanilang mga anak at magiging apo sa pagdating ng panahon, dahil tumatak talaga ang hatid na mensahe sa mga nakapanood.
At may bonus pa nga sa naitala nitong records at kaabang-abang pa maging magandang balita sa mga darating na buwan.
Congrats DongYan!
***
SAMANTALA, tiyak na ikatutuwa ng DongYan fans na muling mapapanood sa TV screens ang Kapuso Primetime King and Queen sa muling pagbubukas ng pintuan sa newest version ng Bonggang Villa.
Simula ngayong Sabado, January 20, eere na ang much-awaited sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa 2.0!
Matsa-challenge na naman ang lovely couple na sina Jose (Dingdong) at Maria (Marian) sa pagbibigay buhay sa BnB business nina Mommy Janice at Lolo King.
Kung sa last season ay 500,000-peso ang quota, malaking challeng nga sa mag-asawa na maabot ang 1 million-peso quota ng hotel.
Pero hindi lang yun ang haharapin nilang pagsubok dahil may karibal na sila sa negosyo ang Bed & Breakfast @ Tiffany’s.
Produced ito ng GMA Network, in collaboration with APT Entertainment, at balik sa pagiging co-producers ang Kapuso Royalties.
Kasama pa rin sa weekly show sina Benjie Paras as Mr. Nero, Pekto as Sol Banayad, Shamaine Buencamino as Mama Au, at Pinky Amador as Mommy Janice.
Nagbabalik din sina Johnny Revilla as Lolo King, Hershey Neri as Marielou, at Loujude Gonzalez as Buboy.
Kukumpleto sa powerhouse cast and introducing the newest cast of ‘Bonggang Villa’ , si Pokwang as Tiffany, ang rival owner ng Bed & Breakfast @ Tiffany’s.
Simula na ng ‘Jose and Maria’s Bonggang Villa 2.0’ ngayong January 20, every Saturday at 6:15 PM on GMA Network.
Global Pinoys can also catch the program via GMA Pinoy TV. For more stories about the Kapuso Network, visit www.GMANetwork.com.
(ROHN ROMULO)