• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 1st, 2024

Experts and advocates underscore need to synergize strengths and collaborative efforts to drive progress and innovation in cancer care

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

TO RESHAPE the landscape of cancer care in the country, the Philippine Society of Oncologists (PSO), in partnership with the cancer advocacy campaign Hope From Within, a health forumtitled “Synergizing Strengths and Collaborative Efforts to Drive Progress and Innovation in Cancer Care.” The eventbrought together medical experts, health champions, local government units (LGUs), and healthcare providers to discuss strategies in addressing the gaps in cancer detection, treatment, and prevention.

 

 

While cancer remains the second leading cause of death among Filipinos, it is no longer a death sentence but a battle that can be won. Significant progress is being made, and more lives are being saved through improved early detection and access to treatment. Over the past few years, collaborative efforts have brought about new policies, programs, and innovations that are making cancer care more equitable and effective nationwide.

 

 

Improving access to cancer care

Early detection is critical in improving a patient’s chance of survival. One key initiative spearheaded by the PSO is the ACT Now Prime Care for Breast Cancer program, which focuses on elevating awareness and access to screenings through community education, self-examinations, and cancer detection training.

 

 

“We must proactively seek every possible avenue of support in the fight against cancer,” said Dr. Hardee Luna, President of PSO. “Through these programs, our goal is to shorten the patient journey from detection to treatment. We aim to reduce the timeline to less than 60 days.”

 

 

Additionally, in partnership with the Quezon City LGU, PSO launched a mobile bus clinic dedicated to breast and cervical cancer screenings. This mobile clinic travels to underserved areas, offering free breast exams and acetic acid tests to help detect cancer early, when treatment is most effective. Plans to expand this program, increasing the number of mobile clinics, are already underway, demonstrating the commitment to reaching more Filipinos in need of cancer care.

 

 

Prevention saves lives

Dr. Maricar Limpin of Action on Smoking & Health emphasized the vital role of prevention, particularly through smoking and vaping cessation, in reducing exposure to cancer-causing agents found in traditional cigarettes and e-cigarettes. Smoking remains a leading cause of lung cancer and contributes to cancers of the bladder, cervix, and throat. While prevention efforts are growing, Dr. Limpin stressed the need for greater awareness and accessibility to cessation programs.

 

 

“Unfortunately, many people—even medical professionals—are unaware of these cessation programs, which is why we focus on providing training and increasing awareness,” said Dr. Limpin. “That’s why we partner with LGUs to ensure these programs are accessible.”

 

 

Expanding financial access to diagnosis and treatment

Cancer is not only a healthcare crisis but also a financial burden for many Filipino families. However, recent legislative actions have expanded financial support for cancer patients.

PhilHealth’s Z Benefits package addresses patients with catastrophic illnesses, identified as childhood acute lymphocytic leukemia (ALL), breast cancer, prostate cancer, cervical cancer, colon cancer, rectal cancer, among others.

 

 

Initially covering P210,000 of the costs for ALL and P100,000 each for breast and prostate cancer, the Z Benefits package for breast cancer was recently raised to P1.4 million, a 1,400 percent increase. For survivors, up to ₱14,000 is now covered for cancer recurrence screenings.

 

 

Innovation in access and cancer diagnostics

Innovation in cancer diagnostics is also rapidly evolving in the Philippines, offering new hope to patients through more personalized and accessible care. A key breakthrough in this field is the introduction of free biomarker testing at Hi-Precision Laboratories for eligible cancer patients. In the past, Filipinos had to send samples abroad to undergo these critical tests, which involved high costs and long waiting periods. Now, with local access to biomarker testing, patients can benefit from faster, more precise, and affordable diagnostics.

 

Biomarker tests allow doctors to tailor therapies based on a patient’s unique genetic and molecular profile. This advancement significantly improves treatment outcomes, as it enables more targeted and effective interventions.

 

 

Hi-Precision Laboratories has also partnered with pharmaceutical companies to expand the reach of these diagnostic services. With over 60 branches nationwide, they now offer a range of essential tests that include EGFR mutation testing for lung cancer and BRCA testing for breast and ovarian cancer.

 

 

Localizing cancer programs

Through the implementation of the National Integrated Cancer Control Act (NICCA), the Philippines has made strides toward providing comprehensive, equitable, and patient-centered cancer care.

 

 

Quezon City has set a new benchmark by approving the Quezon City Integrated Cancer Control Ordinance (QCICCO), the first of its kind in the Philippines. This ordinance draws on the resources of various city departments to support cancer patients through the establishment of a local cancer registry, patient navigation systems, and designated cancer control coordinators. These efforts ensure that patients receive the necessary support, from diagnosis to treatment, without falling through the cracks.

 

 

“We have trained coordinators and patient navigators in each district of Quezon City, fully equipped to guide cancer patients through every step of their journey,” said Dr. Karmen Gemma See, Head of the Quezon City Cancer Control Program.

 

 

She also emphasized that other municipalities are welcome to adopt Quezon City’s cancer control program, even copying them word for word, to improve their local cancer care system.

 

 

Meanwhile, Taguig City has set the standard with programs like “Ating Dibdibin,” a community-based breast cancer initiative offering free breast exams and mammograms to women. This initiative plays a crucial role in early detection, ensuring that patients are promptly referred to specialty hospitals in the municipality when needed, ultimately improving survival rates.

 

 

In Muntinlupa City, the health office has successfully launched its own cancer care initiative. The initiative focuses on early detection and streamlined referral systems for breast and cervical cancer patients. The program ensures that patients receive timely diagnoses and are quickly referred for the appropriate treatment.

 

 

“We conduct these tests with the utmost confidentiality to ease patients’ concerns. It’s crucial to remove fear as much as possible that might prevent them from seeking medical care,” said Dr. Angelica Arciaga, Medical Officer V, Muntinlupa City.

 

 

Call for strategic collaboration

The Annual Convention Media Forum serves as a rallying call to all sectors involved in cancer care. It highlights the undeniable truth that every stakeholder—whether in healthcare, government, or the private sector —is vital in transforming the future of cancer care in the Philippines.

 

 

This forum calls for all stakeholders to continue building a unified movement against cancer. Through concrete actions and partnerships, the Philippines is poised to transform cancer care, ensuring that no Filipino faces a diagnosis without access to the support and treatment they need. Now is the time to act—together, we can make cancer care more accessible, equitable, and hopeful for all.

 

 

For more information on these efforts and how you can contribute, visit the Hope From Within website, a platform dedicated to making cancer care accessible for all Filipinos. ###

 

 

Photo Caption:
1. Philippine Society of Oncologists President Herdee Luna together with other experts addresses media questions during the health forum titled “Synergizing Strengths and Collaborative Efforts to Drive Progress and Innovation in Cancer Care

2. Experts and health champions unite to emphasize that collaboration and innovation as key to drive progress in cancer care

TNT isang panalo na lamang para makapasok sa semis matapos talunin ang NLEX 109-91

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

ISANG  panalo na lamang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para tuluyang makapasok sa semifinals ng PBA Governors’ Cup.
Ito ay matapos na talunin nila ang NLEX 109-91 sa laro na ginanap sa Ynares Center sa lungsod ng Antipolo.
Bumida sa panalo ng TNT si import Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 27 points at 12 rebounds habang mayroong tig-17 points sina Glenn Khobuntin at Rey Nambatac.
Sinabi ni TNT headcoach Chot Reyes na mula sa simula ay kanilang tinalakay ang bahagyang adjustments sa kanilang depensa.
Umabot pa sa 26 points ang kalamangan ng Tropang Giga sa laro.
Nasayang naman ang nagawang 17 points ni Robbie Herndon habang 16 points at 10 rebounds mula kay import DeQuan Jones.

Ex-boxing champion Golovkin isusulong ang pagpapanatili ng boxing sa Olympics

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG iligtas ni dating world champion Gennady Golovkin ang boxing para hindi ito tanggalin sa Los Angeles Olympics sa darating na 2028.
Napili kasi si Golovkin bilang Olympic commision chair na siyang kakausap sa International Olympic Committee na huwag tanggalin ang sport na boxing sa Olympics.
Giit nito na kaniyang prioridad na mapreserba ang boxing bilang Olympic sports.
Si Golovkin ay Olympic silver medalist noong 2004 at matapos noon ay naging professional boxer na siya na mayroong record na 42 panalo dalawang talo at isang draw.
Magugunitang binigyan ng hanggang sa susunod na taon ng International Olympic Committee ang International Boxing Association na patunayan na walang nangyayaring anumang dayaan para hindi matanggal ang boxing sa Olympics.

Cone nagpasalamat sa Ginebra fans

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASALAMAT si Barangay Ginebra head coach Tim Cone sa solidong suporta ng fans na hindi bumitiw sa bawat laban ng Gin Kings.

 

 

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gin Kings para makapasok sa best-of-seven semifinal series ng PBA Governors’ Cup.

 

Nakuha ng Ginebra ang Game 2 laban sa Meralco nang kubrahin nito ang makapigil-hiningang 104-103 panalo para umangat sa 2-0 sa best-of-five quarterfinal series.

 

 

Dahil sa fans, mas naging determinado si Justin Brownlee na siyang bumanat ng game-winning three-point shot para makuha ng Gin Kings ang panalo.

 

 

“The last time we played on Sunday night, when we played San Miguel, had a nice crowd, and we brought them down, (so) it was great to hung around and have a good game nwith the fans. They were the sixth man,” ani Cone.

 

 

SInabi ni Cone na nakakuha ng inspirasyon ang Gin Kings sa malalakas na hiyawan ng mga fans.

PBBM, pinuri ang mga Filipino STEM winner, nangakong susuportahan ang innovation, tech

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

NAKIISA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Linggo sa pagdiriwang ng mga naging tagumpay ng mga estudyanteng Filipino na nag-excell sa larangan ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM).

 

Nangako rin ang Pangulo na patuloy na magi-invest at susuportahan ng kanyang administrasyon ang ‘innovation at technology.’

 

Sa kanyang weekly vlog na pinost sa social media, ipinagmalaki ni Pangulong Marcos ang mga estudyanteng Filipino na nakakuha ng parangal mula sa international STEM competitions.

 

Binigyang diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng STEM education sa ‘modern technological landscape.’

 

Tinukoy ang aplikasyon nito sa halos bawat aspeto ng buhay ng tao.

 

“Mahalaga ‘yan dahil ang STEM subjects ang pinagbabasehan ngayon ng lahat bagong teknolohiya. Alam naman natin na ang lahat ng buhay natin ay dumarami ang involvement ng bagong teknolohiya,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

“Para magamit natin ‘yung mga bagong teknolohiya na ‘yan kailangan ay sanay na sanay tayo, nakaka-unawa tayo sa scientific studies at saka Mathematics para tayo ay makikilahok sa bagong ekonomiya ng mundo,”aniya pa rin.

 

Nangako naman si Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng gobyerno ang STEM education para palakasin ang susunod na henerasyon ng mga innovator, tiyakin na ang Pilipinas ay mananatiling competitive sa isang mabilis na umuunlad na technological landscape.

 

“Sa isang Bagong Pilipinas, patuloy ang pagpapatatag ng pundasyon para sa siyensiya at teknolohiya. Patuloy ang inobasyon dahil kaalaman ang ating sandata tungo sa isang maunlad at makabagong Pilipinas,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Mga nagtapos sa skills training

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni Mayor John Rey Tiangco ang limampu’t siyam out-of-school at walang trabahong kabataang Navoteño matapos matagumpay na magkapagtapos sa libreng skills training mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute. (Richard Mesa)

PBBM, pinuri ang naging kontribusyon ng mga magsasaka sa pagtiyak na may ‘sapat na pagkain’ sa bansa

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mahalagang kontribusyon ng mga magsasaka sa pagtiyak na may sapat na pagkain sa bansa sa kabila ng lahat ng mga hamon.

 

“Tanggapin po ninyo ang aming pasasalamat sa mahalagang papel na ginagampanan ninyo araw-araw para masiguro na ang bawat Pilipino ay may sapat na pagkain,” ang bahagi ng naging talumpati ni Pangulong Marcos sa isinagawang distribusyon ng Certificates of Condonation with Release of Mortgage (COCROMs) sa Paniqui, Tarlac, araw ng Lunes, Setyembre 30.

 

May kabuuang 3,527 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa Tarlac ang nakatanggap ng 4,663 COCROMs, naka-abswelto mula sa P124.64 million na pagkakautang.

 

Sinasabi pa rin na ang isang ARB ay maaaring makatanggag ng higit sa isang Certificate of Land Ownership Award (CLOA) depende sa technical description ng lupain
Hindi naman lingid sa kaalaman ng pamahalaan, ayon sa Pangulo ang mga hamon na kinahaharap ng ARBs, dahilan para kagyat niyang lagdaan noong nakaraang taon upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 11953, o New Agrarian Emancipation Act.

 

“Sinasagot at inaalis na ng gobyerno ang malaking pasanin na dala ng mga utang na naging kakambal ng inyong mga lupang sakahan. Ang inyong mga amortisasyon, interes, at iba pang surcharges – lahat po burado na,” ang winika ni Pangulong Marcos.

 

Samantala, tiniyak naman ng Pangulo sa ARBs ang matatag na commitment ng gobyerno para ingat ang buhay at pagaanin ang buhay ng mga ito mula sa kanilang pagkakautang. (Daris Jose)

Gobyerno, inihanda na ang food supply bilang paghahanda para sa pananalasa ng bagyong Julian

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

INIHANDA na ng gobyerno ang pagkain at iba pang mahalagang suplay para sa mga indibiduwal na maapektuhan ng bagyong “Julian”.

 

 

Sa isang situational report, araw ng Linggo, Setyembre 29, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may kabuuang 1.9 milyon na family food packs na nagkakahalaga ng P1.48 billion, iba pang food items na nagkakahalaga ng P276 million, at non-food items (NFIs) na nagkakahalaga ng P919 million ang inihanda na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Available rin ang P171 million na standby fund na gagamitin ng DSWD, kabilang na ang P123 million na maaaring ilaan bilang Quick Response Fund (QRF) sa central office ng DSWD.

 

Sa Batanes, ipinag-utos ng provincial disaster risk reduction and management office (PDRRMO) sa mga residente na italing mabuti ang kanilang mga bubong at maglagay ng panara o tapangko sa kanilang mga bintana dahil inaasahan na nasabing lalawigan magla-landfall ang bagyong Julian.

 

“Patuloy po ang pagbibigay natin ng information sa mga kababayan na magtali ng bubong, maglagay ng tapangko o window shutters at maghanda-handa dahil inaasahan talagang baka maglalandfall sa amin ,” ang sinabi ni Batanes PDRRMO head Roldan Esdicul sa isang panayam.

 

 

Sinabi ni Esdicul na may sapat na food supply at gasolina ang lalawigan para sa ‘would-be evacuees.’

 

Sa ngayon, hindi pa pinag-utos ng provincial government ng Batanes ang preemptive evacuation dahil ‘light to moderate’ pa lamang ang nararanasang pag-ulan.

 

“Nakahanda na ang evacuation centers pero wala pa rin preemptive evacuation kasi medyo tolerable pa naman. ‘Yun nga lang medyo may ilang turista na nastranded,” ang sinabi ni Esdicul.
Sa Cagayan, pinaalalahanan naman ang mga residente na mag-ingat laban sa mga pangunahing panganib gaya ng ‘rain-induced landslides.’

 

Nag-deploy naman ang Cagayan PDRRMO ng mga tauhan nito sa quick response stations upang mabilis na makatugon sa mga emergency, ayon kay Cagayan PDRRMO head Ruelie Rapsing.

 

Hindi naman nagpatupad ang provincial government ng Cagayan ng preemptive evacuation sa kabila ng nakararanas na ng ‘moderate to heavy rainfall’ ang mga nasa northeastern part ng Cagayan, sakop nito ang mga bayan ng Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Gattaran, at Santa Teresita.

 

“So far, walang nai-report na inilikas itong mga northeastern portion po natin. Hindi naman kasi flood-prone municipalities ito, hindi low-lying areas. Ito’y nasa shoreline. Ang mga hazards nito ay more or less rain-induced landslides,” ang sinabi ni Rapsing. (Daris Jose)

Hindi pagsama ni Sen. Marcos sa admin slate, OKs lang kay PBBM

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

“THAT’S fine. That’s her choice.”

 

 

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang tanungin ukol sa naging desisyon ng kanyang kapatid na si Senador Imee Marcos na hindi sasama sa administration senatorial slate.

 

Sa isang panayam sa Pangulo, sinabi nito na maaari namang sumama ang kanyang kapatid sa kampanya ng Alyansa Para Sa Bagong Pilipinas para sa midterm polls.

 

Tiniyak din nito sa kanyang kapatid na patuloy na susuportahan ng administrasyon ang kanyang kandidatura sa nalalapit na eleksyon.

 

”I suppose that gives her a little bit more scope and freedom to make her own schedule and to campaign in the way that she would like to do,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

”But you know, the Alyansa is still behind her. We are still continuing to support her. And if down the road she chooses to join us in our campaign sorties, she is of course very welcome,” dagdag na wika nito.

 

Nauna rito, inanunsyo ni Senador Imee Marcos nitong Sabado na muli siyang tatakbo sa pagka-senador bilang isang independent candidate, sa kabila ng pagkakasama sa senatorial slate na ineendorso ng kanyang kapatid na si Pangulong Marcos para sa Eleksyon 2025.

 

 

Sa social media video post kung saan pinatutungkulan ang kanyang ama, si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sinabi ni Imee, “As his eldest, I choose to stand free and firm, like him; in believing that there should be no allegiance but to the Filipino people.”

 

“It is never easy to stand alone, in campaigns and in politics… But that is the legacy my father left me, that is the legacy of Apo Lakay whom we remember today,” giit pa ni Imee, sinabing nitong Sabado ang ika-35 death anniversary ng kanyang ama.

 

“I chose to stand alone so that my ading (younger brother) will no longer be put in a difficult position, and my true friends won’t have to hesitate,” wika niya.

 

“I choose to remain free and loyal—not to any group, but to every Filipino,” pagbibigay-diin ni Marcos, kasalukuyang kasapi ng Nacionalista Party (NP).

 

“I offer my heartfelt gratitude to President Bongbong, who, despite the anger and extreme cruelty of some, came to my defense and included me in the alliance.”

 

“Many thanks also to NP and to all my allies who continue to support me, may your trust remain with me,” dagdag niya. (Daris Jose)

‘Paniniktik’ sa Pinas simula pa 2016 – Chinese spy

Posted on: October 1st, 2024 by @peoplesbalita No Comments

IBINUNYAG ng Chinese ‘spy’ na si She Zhijiang na taong 2016 pa nagsimula ang ‘paniniktik’ nila sa Pilipinas kung saan nakatrabaho niya si dating Bamban mayor Alice Guo.

 

Sa pahayag ni She sa Al Jazeera documentary, sinabi nito na nagkakaso siya sa China at pinaaresto sa kasong illegal gambling. Pinangakuan siya ng kanyang recruiter na ibabasura ang kanyang kaso kung tatanggapin ang ‘intelligence work’.

 

Dito na nagsimula ang kanilang paniniktik o epio­nage kasama si Guo para sa Ministry of State Security ng China na umano’y secret police agency ng communist party.

 

Sinegundahan din ni She ang imbestigasyon ng Senado na purong Chinese si Guo na ang ina ay si Lin Wen Yi.

 

Ani She, nakasaad din aniya sa record na si Guo Hua Ping ay tumira sa Fujian province na local address Communist Party ng China.

 

Dagdag pa ni She, sinira ng China ang kanilang buhay ni Guo. Dapat nang sabihin ni Guo ang totoo.

 

Si She ay kasaluku­yang nakapiit sa Thailand at naghain ng repatriation sa China.

 

Ayon naman kay Senate President Francis Escudero, desisyon na ng Departments of Justice (DOJ) at Foreign Affairs (DFA) kung makikipag-ugnayan sa Thailand authorities para mas maimbestigahan ang ibinunyag ni She laban sa dating alkalde ng Bamban. Muli namang iginiit ni Guo na hindi nya kilala ang Chinese spy sa documentary.

 

“Hindi po ako spy. Totally po hindi ako spy. Hindi ako ang nasa picture at hindi rin po ako ang sinasabi niya,” mariing sagot ni Guo nang hingan ng komento ni House Quad Committee Overall Chair Rep. Robert Ace Barbers. (Daris Jose)