• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Omicron kalat na sa 15 lugar sa NCR

KALAT na ang Omicron variant ng COVID-19 sa 15 lugar sa Metro Manila base sa resulta ng ‘genome sequencing’ ng Department of Health (DOH).

 

 

Hindi naman tinukoy ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman ang mga partikular na lugar na nakitaan ng Omicron cases na kanya nang tinukoy na ‘dominant variant’ na sa Kamaynilaan.

 

 

“Our latest whole genome sequencing showed that the Omicron variant is now the predominant variant in the National Capital Region,” ayon kay de Guzman.

 

 

Bukod sa 15 sa 17 lugar sa Metro Manila, natukoy na rin ang Omicron sa 13 sa 17 rehiyon sa bansa.

 

 

Masasabi umano ngayon na ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ay dulot ng mas nakakahawang Omicron variant, ayon pa kay de Guzman. (Gene Adsuara)

Other News
  • DUTERTE MAY NAITABI NG BUDGET PARA SA COVID-19 VACCINE –PALASYO

    NAKAPAGTABI na ang pamahalaan ng pondo para ibili ang 20 milyong mahihirap na Filipino ng vaccine laban sa Covid -19 kapag naging available at handa na ito bago matapos ang taon.   Sa isinagawa kasing dalawang araw na pagpupulong ng mga Executive Board ng WHO, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na kakailanganin ng […]

  • PBBM, patuloy na pinupunan ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno

    PATULOY na pinupunan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga mahahalagang posisyon sa gobyerno.     Sa katunayan, nagtalaga ang Pangulo ng iba’t ibang personalidad bilang mga bagong opisyal na bubuo sa Department of Foreign Affairs, Department of Health, Department of Information and Communications Technology, Department of Justice, Department of Labor and Employment, Department of […]

  • Nasa mahigit 3,000 pasyente ang nabigyang serbisyo ng Philippine Red Cross (PRC) Emergency Medical Services (EMS) Teams

    SA ILALIM ng direktiba ni PRC Chairman at CEO, Senator Richard J. Gordon ay nagtalaga ang PRC ng nasa 1,399 PRC EMS personnel, operating 127 first aid stations, at 97 ambulance units sa mga simbahan, highway, terminal, beaches, parks, pilgrimages, and mga bundok sa buong bansa mula Abril 10 (Palm Sunday) hanggang Abril 17 (Eastern […]