HINDI na rin nakaligtas ang National Basketball Association (NBA) sa bilis ng COVID-19.
Sinuspinde na rin ng liga, “until further notice”, ang lahat ng mga laro ngayong season sa gitna na rin ng paglaganap ng coronavirus disease na tinagurian ngayong pandemic.
Ang nakakagulat na hakbang ng pamunuan ng NBA ay matapos na ipatigil ang laro sana kahapon (Huwebes sa Manila) sa pagitan ng Utah Jazz at Oklahoma City Thunder makaraang magpositibo sa COVID-19 ang NBA All-Star na si Rudy Gobert ng Jazz.
Bago ang hindi inaasahang desisyon, nagpulong sa pamamagitan ng teleconference ang lahat ng team owners at majority ang sumang-ayon na magsagawa ng mga laro via ‘closed door’.
“The NBA is suspending game play following the conclusion of tonight’s schedule of games until further notice,” the league said in a statement sent shortly after 9:30 p.m. EDT. “The NBA will use this hiatus to determine next steps for moving forward in regard to the coronavirus pandemic,” ayon sa opisyal na pahayag ng NBA.
Lumabas ang resulta ng medical test ilang minuto bago ang tip-off sa laro ng Utah sa Oklahoma City. Nagpapapawis na ang mga players sa ‘warmups’ nang pabalikin sa locker room. Matapos ang 30 minuto, pormal nang ipinahayag ang kanselasyon ng laro “due to unforeseen circumstances.”
“It’s a very serious time right now,” pahayag ni Miami Heat coach Erik Spoelstra. “I think the league moved appropriately and prudently and we’ll all just have to monitor the situation and see where it goes from here.”
Nagpalabas ng pahayag ang Jazz hingil sa player na nagpositibo, ngunit hindi nila ito pinangalanan. Inilabas ng AP ang pangalan ni Gobert batay na rin sa dalawang mapagkakatiwalaang source.
“The individual is currently in the care of health officials in Oklahoma City,” ayon sa Jazz management.
Nito ring Miyerkoles, idineklara ng World Health Organization (WHO) na isa nang ‘pandemic’ ang COVID-19.
“This is crazy,” pahayag ni Cleveland forward Tristan Thompson sa kanyang Twitter.
Lubos naman ang pag-aalala ni Dallas Mavericks owner Mark Cuban sa kanyang matandang ina nang matanggap ang balita.
“This is a global pandemic where people’s lives at stake,” sambit ni Cuban. “I’m a lot more worried about my kids, and my mom is 82 years old, and talking to her, and telling her to stay in the house, than I am about when we play our next game.”
Dahil dito maging ang mga players ng dalawang team ay isasailalim na rin sa quarantine.
Bago ito sa darating na Sabado sisimulan na sanang ipatupad ang unang NBA games na walang mga live fans.
Sa ngayon wala pang pahayag ang NBA kung kelan magbabalik ang mga laro lalo na at nalalapit na sana ang NBA playoffs.
Samantala, umani nang pagkadismaya ang desisyon ng NBA na pansamantalang munang isuspinde ang natitirang mga laro ngayong season sa gitna na rin ng paglaganap lalo ng coronavirus pandemic.
Idinaan ni Lakers star LeBron James ang reaksiyon sa kanyang Twitter account sa pagsasabing ang “dapat kanselahin ay ang taong 2020.”
Hindi naitago ni Jameas ang hirap na kanilang dinanas sa nakaraang tatlong buwan bilang unang team na makapasok sa playoffs sa Western Conference.
Kasabay nito, ipinaabot din ng NBA’s assist leader ang pagdarasal na sana maging ligtas ang lahat.
“Man we cancelling sporting events, school, office work, etc etc. What we really need to cancel is 2020! Damn it’s been a rough 3 months. God bless and stay safe,” pahayag pa ni LeBron.
Ang may-ari ng Mavs na si Mark Cuban ay nalaman ang suspension ng NBA season noong kasagsagan ng laro ng Mavericks.
Sa una ay sa akala niya ay hindi ito mangyayari, pero sa huli ay sumang-ayon ito sa masaklap na desisyon dahil para naman ito sa kabutihan ng lahat dahil nakasalalay dito ang buhay.
“This is people’s lives at stakes. This isn’t about basketball, this isn’t about the Maverick,” wika pa ni Cuban. “This is a pandemic, a global pandemic where people’s lives are at stake.”