• October 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 2nd, 2020

Mayweather nag-alok na sagutin na ang funeral service ni George Floyd

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nag-alok si US boxing champion Floyd Mayweather Jr sa pamilya ng pinatay na black American na si George Floyd na kaniyang sasagutin ang funeral service nito.

 

Sinabi nito Mayweather na ito ang isa sa tanging maitutulong niya sa nasabing pamilya.

 

Labis-labis kasi ang hinagpis na kaniyang naramdaman sa nangyari kay Floyd na nasawi sa kamay ng mga kapulisan ng Minneapolis.

 

Hindi pa nagbibigay ng anumang reaksyon ang mga kaanak ng nasawing si Floyd.

Allowances ng mga national athletes at coaches babawasan na

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ipinaliwanag ng Philippine Sports Commission ang pagbabawas sa mga allowances ng mga national athletes at coaches.

 

Sinabi ni PSC chairman William Ramirez, na simula ngayong Hunyo 1 ay ipapatupad na nila ang pagbawas sa mga allowances ng mga national athtletes at coaches.

 

Nagkaroon aniya hindi paggalaw sa National Sports Development Fund mula sa remittances na nanggagaling sa Philippine Amusement and Gaming Corp dahil sa coronavirus pandemic.

 

Inamin nito na naging mahirap sa kanila ang nasabing desisyon.

 

Tiniyak naman nito na maibabalik ang nasabing pondo kapag nakabalik na sa normal ang lahat.

Robredo nanawagan para sa mas ‘organisadong’ pag-asikaso sa repatriated OFWs

Posted on: June 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tinawag ni Vice President Leni Robredo ang pansin ng concerned agencies na nag-aasikaso sa repatriated Pinoy overseas workers dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Nabatid kasi ng bise presidente na tila hindi pa rin organisado ang tulong sa mga umuwing OFW, kung saan karamihan ay na-stranded sa mga quarantine centers sa Metro Manila.

“Medyo disorganized talaga… nababasa natin sa Facebook, marami iyong nagpapaabot sa atin na ilang— Sinundo na sila sa hotel o sinundo na sila sa quarantine center, dinala na sila sa airport, pero ilang araw pa silang naglagi sa airport kasi walang kasiguruhan iyong flights,” ani Robredo sa kanyang weekly radio program.

 

Patuloy daw na nakakatanggap ng panawagan at apela para sa tulong ang Office of the Vice President mula sa mga OFW na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakukuha ang resulta ng kanilang COVID-19 tests. May ilan ding stranded sa airport.

 

“Sana nag-uusap-usap iyong mga ahensya. Kasi alam ko sa quarantine, ang iba under sa Bureau of Quarantine, mayroong under sa OWWA. Sana nag-uusap-usap sila para inventory saka iyong daloy mas efficient.”

 

May ilang Pinoy workers din umano sa abroad na wala pa ring natatanggap na update kung makakauwi na sila ng Pilipinas, dahil wala na rin silang trabaho doon.

 

Humingi naman nang paglilinaw ang bise presidente tungkol sa hakbang ng gobyerno na pauwiin ng kani-kanilang probinsya ang mga OFW.

 

“Hindi ko alam kung totoo ito, kasi iyong claim naman ng pamahalaan iyong mga pinabiyahe na pabalik sa mga probinsya ay cleared na.”

 

“Pero may mga mayors na nagrereklamo, isa doon si Mayor Richard Gomez ng Ormoc, na ang tagal nilang pinagdusahan na asikasuhin na walang nakakapasok na walang health clearance, tapos ito, parang pinipilit silang tanggapin. Hindi ko alam kung accurate, pero binabasa lang natin sa balita na nababasa natin.”

 

Ang “Hatid OFW sa Probinsya” na hawak ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay isa lang sa mga sangay ng Hatid Probinsya program ng pamahalaan.

 

Layunin nito na ihatid pauwi ng probinsya ang mga stranded OFW sa Metro Manila. Ang “Balik Probinsya” program naman ay hiwalay na plataporma para sa low-income families sa National Capital Region na nais umuwi ng kanilang mga probinsya. (Ara Romero)