• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 10th, 2020

Nadal hindi pa tiyak kung makapaglaro sa US Open

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hindi pa matiyak ni Spanish tennis star Rafael Nadal kung maidedepensahan pa niya ang kaniyang titulo sa US Open.

 

Kasunod ito ng anunsiyo niya na lalahok siya sa Madrid Open.

 

Isasagawa kasi mula Agosto 31 hanggang Setyembre 13 ang US Open sa New York habang ang Madrid Open ay gagawin sa Setyembre 14.

 

Itinuturing na warm-up tournament ang Madrid Open bago ang French Open na inilipat sa Setyembre 20.

 

Ang nasabing paglahok ni Nadal sa Madrid Open ay kinumpirma ng kaibigan nito at tournament director Feliciano Lopez na sinabing nagkausap na sila para sa pagsali sa torneo .

 

Isa kasi na dahilan kaya nag-aalangan si Nadal na makapaglaro sa US Open ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Mga apektadong negosyo, pinagsusumite ng report ng DOLE

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Hinikayat ng Labor and Employment (DOLE) ang mga establisimyento na apektado ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic na magsumite ng report sa “DOLE Establishment Report System.”

 

“Be informed that effective July 08, 2020, establishments are advised to access https://reports.dole.gov.ph and submit reports online,” lahad ng DOLE CALABARZON sa Facebook post.

 

Kasama sa report ang pagpapatupad ng flexible work arrangement o alternative work scheme, temporary closure, retrenchment o reduction ng workforce, at permanent closure.

 

Ngunit kailangan munang magparehistro sa “Register Your Company Now” button upang makapagsumite ng forms.

 

Makaraan ang pagsumite ng report, makakukuha ang kumpanya ng acknowledgement receipt via email mula sa DOLE.

 

“This is also to minimize physical contact and possible health risks for our clientele and the DOLE workforce,” lahad pa ng departamento. (Daris Jose)

NBA star Vince Carter bilib sa Pinoy artists

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nahirang ang dalawang Pinoy artists na manguna sa paggawa ng obra ng nagretirong si NBA star na si Vince Carter.

 

Matutunghayan ang gawa nina Jayson Atienza at AJ Dimacurot na nakadisplay sa tribute website na ginawa para kay Carter.

 

Nagpasalamat si Atienza dahil isa siya sa 15 mga artist sa buong mundo na kinuha para magbigay tribute kay Carter.

 

Namangha din si Dimacurot nang mapili ang kanyang obra.

 

Noong isang buwan ng inanunsiyo ni Carter ang pagreretiro matapos ang mahigit 20 taon na paglalaro sa NBA.

Gobyerno, may napupusuan ng protective design para sa magkaangkas sa motorsiklo

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY napipisil nang disenyo ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa napipintong pagbibigay na ng permiso sa mga nagmomotorsiklo upang makapag- angkas o makapagsakay ng back rider.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na ang disenyong shield ni Bohol Governor Arthur Yap ang napupusuan ng Task Force para sa mga magka- angkas sa motorsiklo na kung saan ay may protective shield sa rider at angkas nito.

Sa ngayon ayon kay Sec. Roque ay wala ng anumang pagtutol o objection para payagang makapag-angkas muli ang mga nagmo -motorsiklo dangan lang at hinihintay na lamang ang guidelines.

Approved na aniya in principle ang pag- aangkas at isinasapinal na lamang ani Roque ang panuntunan tungkol dito.

Batay sa disensiyong inilabas ni Governor Yap, nakakabit na sa motorsiklo ang protective shield device na ditoy maisasakatuparan ang social distancing. (Daris Jose)

2-time world champion at Olympic flag bearer Alex Pullin, patay sa beach sa Australia

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Namatay habang nasa spearfishing sa Australia ang two-time world champion snowboarder na si Alex Pullin.

 

Ayon sa mga otoridad, nakita na lamang ang katawan ng 32-anyos na si Pullin sa beach ng Queensland’s Gold Coast na wala ng buhay.

 

Si Pullin na tinatawag ding si “Chumpy” ay nagsilbing flagbearer ng national team ng Australia noong 2014 Winter Olympics sa Sochi, Russia.

 

Kuwento ng ilang lifeguards, wala na raw oxygen mask si Pullin na sa tingin nila ay nag-free diving at nanghuhuli ng isda sa artificial reef.

 

Samantala, bumuhos naman ang pakikiramay sa Australian sports community at iba’t ibang panig ng mundo.

 

Labis ang kanilang panghihinayang sa pagkawala ng isang “incredible athlete” na tatlong beses na naging bahagi ng Olimpiyada sa larangan ng snowboard cross noong taong 2010, 2014 at 2018.

 

Matatandaang nagkasundo sina Japanese Prime Minister Shinzo Abe at IOC president Thomas Bach na ipagpaliban na lamang sa 2021 ang Olympics dahil sa nararanasang health crisis.

DepEd, pinasalamatan ang donors ng Brigada Eskwela

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinasalamatan ng Department of Education (DepEd) ang mga donors at sumusuporta sa “Brigada Eskwela” program.

 

Lahad ni External Partnerships, and Project Management Service Tonisito M.C. Umali Esq. sa online press conference, layon ng BE ngayong taon na mag-focus sa partnership activity at engagement” bilang suporta sa pagpapatupad ng Basic Education -Learning Continuity Plan (BE-LCP).

 

Base sa partial report, sinabi ni Umali na P1,208,631,459.28 halaga ng donasyon na equipment at materyales ang natanggap ng DepEd.

 

Kasama na rito ang tents, thermal scanners, sanitizing materials (e.g. rubbing alcohol, hand sanitizer, and soap), cleaning tools and materials, disinfectants, Personal Protective Equipment (PPE), face masks (surgical or disposable), hygiene kits, blood donation, at food packs. (Daris Jose)

Organizers ng Tokyo Olympics walang gagawing pagbabago sa mga venues

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng organizer ng Tokyo Olympics na patuloy ang kanilang ginagawang paghahanda.

 

Walang aniyang pagbabago sa mga venues na gagamitin kung ano ang napag-usapan sa naunang plano.

 

Nakatakda kasing magbigay ng mga updates at ulat ang organizers sa International Olympics sa darating na Hulyo 17.

 

Magugunitang nagkasundo si Japanese Prime Minister Shinzo Abe at IOC presidend Thomas Bach na ipagpaliban na lamang sa 2021 ang Olympics imbes na ngayon taon dahil sa nararanasang coronavirus pandemic.

Anti-Terrorism Act of 2020: Tiyakin na hindi malalabag ang karapatang pantao

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nilagdaan na ni President Duterte ang kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020 (Republic Act 11479) noong Biyernes. Ito ay sa kabila na maraming tutol sa batas sapagkat marami raw probisyon dito na maaaring maabuso ang karapatang pantao. Wala rin umano sa tiyempo ang pagkakapasa nito at halatang minadali ng mga mambabatas. Ang masaklap pa, ayon sa mga tutol sa Anti-Terror Bill, nilagdaan ito habang ang bansa ay nakikipaglaban sa pandemya. May mas mahalaga pa umanong magagawa gaya nang pagbibigay ng ayuda sa mga manggagawa na nawalan ng trabaho at pagbibigay ng pagkain sa mga mahihirap na nagugutom. Inuna pa umano ang batas na maaaring abusuhin ng mga magpapatupad nito. Ayon sa mga mambabatas na tutol sa Anti-Terror Bill, iaapela nila ito sa Korte Suprema.

 

Pero sabi naman ni Sen. Panfilo Lacson, isa sa may akda ng Anti-Terror Bill, maraming safeguards ang batas. Bago umano ito inaprubahan ay dumaan sa pagbusisi para hindi magkaroon ng butas at malagay sa peligro ang mga maaakusahang terorista. Ginawa ang batas para mapigilan ang mga gagawa ng karahasan sa bansa. Ayon pa sa Senador, walang pinipiling araw o oras ang mga terorista at maaari silang sumalakay at maghatid ng lagim. Maski aniya may pandemia ay maaari silang maghasik ng karahasan. Sagot ito ng senador sa mga kritiko na bakit daw kung kailan pa may pandemic saka inapura o minadali ang batas. Nilinaw ni Lacson na sa ilalim ng bagong batas, hindi basta-basta maaaresto ang isang tao na pinaghihinalaang terorista. Huwes pa rin ang mag-iisyu ng warrant of arrest.

 

Ganap nang batas ang Anti-Terror Bill. Kung iaapela ng mga tutol sa Korte Suprema, puwede naman. Hindi naman masisisi ang iba kung ma-ngamba dahil may mga alagad ng batas na lumalabag sa karapatan. Dapat pang ipaliwanag na mabuti ng mga may-akda ng batas na wala itong lilikhaing sugat sa mamamayan. Ayaw ng mamamayan na maulit ang nangyari sa diktaduryang Marcos na maraming inaresto at ikinulong. Klaruhin pang mabuti ang Anti-Terror Bill para ganap na maunawaan at hindi kasindakan.

‘Back-riding’ para sa mga couple, pinayagan na

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año na ang back-riding sa mga motorsiklo ay pinapayagan na simula ngayong araw, Biyernes, July 10 ngunit para lamang sa mga couple.

 

“Yes, simula July 10 ay papayagan na natin ‘yung back-riding para sa mga couples at ‘yung prototype model na [ibinigay] ni Governor Arthur Yap ay approved na ‘yan… ito ‘yung pinaka-prototype na gagamitin natin,” saad ni Año sa panayam.

 

“Para sa couple lang muna kasi tumataas ‘yung numero… pag couple iisang bahay lang ‘yan…” dagdag pa nito.

 

Iginiit nito na dapat ay naninirahan sila sa loob ng iisang bahay.

 

“Whether they are married or common-law husband and wife… boyfriend or girlfriend but they are living in the same household,” aniya.

 

Mayroon dapat barrier sa pagitan ng rider at pasahero maging ang pagsusuot ng face mask.

 

“Mayroon siyang barrier in between the rider and passenger pagkatapos mayroon din siyang handle at lalagpas hanggang ulo niya ‘yung barrier para siguradong walang laway na tatalsik,” pahayag pa ni Año.

 

“Pero ‘yung may mga designs at proposal, patuloy pa rin silang magsubmit sapagkat meron naman tayong TWG [technical working group] na sumusuri diyan.”

 

Dagdag ni Año, ipatutupad ito sa lahat ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) areas.

 

“Yes, nationwide ‘yan… both GCQ and MGQC…”

 

Sa kabila nito, iginiit naman na hindi kasali ang electronic bikes. (Daris Jose)

COVID case papalo sa 100K sa Agosto – UP study

Posted on: July 10th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Malamang na abutin ng hanggang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling araw ng Agosto.

 

Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic.

 

Kasunod ito ng ulat ng record-breaking na pagtaas ng kaso ng COVID sa magkasunod na araw, 2,434 noong Linggo at 2,099 noong Lunes. Habang kahapon ay naitala naman sa 1,540 ang bagong kaso o 47,873 cases.

 

“Our current trajectory is quite high since we went under general community quarantine, it looks like we will reach at least 65,000 by the end of July,” pahayag ni David

 

Batay sa mga  researchers, posibleng umabot sa 25,000 infections ang maitala mula June hanggang July pero maaaring tumaas pa ng mahigit 35,000 mula July hanggang Agosto.

 

Bunga nito, inerekomenda ni David sa pamahalaan na higpitan pa ang mga borders at ilayo ang mga taong kumpirmadong positibo sa COVID at gamutin sa isang pasilidad at huwag payagan ang mga itong mag-home quarantine.

 

Kailangan din anya ang patuloy na mass testing sa bansa.

 

Tinaya naman ng DOH na makakapagsagawa sila ng testing sa may 1.63 milyong Pinoy o 1.5 percent ng populasyon hanggang sa katapusan ng Hulyo. (Ara Romero)