• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 23rd, 2020

Kahit 1 laban lang ngayong 2020, asam ng Team Pacquiao

Posted on: July 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa pa rin ang kampo ni Sen. Manny Pacquiao na makakalahok pa rin sa kahit isang laban ang 8-division world champion bago matapos ang taong kasalukuyan.

 

Pero aminado si Sean Gibbons, presidente ng MP Promotions, malabo pa rin sa ngayon na makapagsagawa sila ng laban bunsod ng patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Estados Unidos.

 

“You got to remember there are a lot of things that have to happen. And first off all, COVID-19 rapidly needs to slow down,” wika ni Gibbons.

 

Inamin din ni Gibbons na nananatiling top market ang US para sa isang Pacquiao fight, kahit na naghayag ng interes ang Saudi Arabia na mag-host ng laban ng Fighting Senator bago pa man ang pandemya.

 

“If they (Saudi Arabia) would come around, that would be good for the senator because he really wouldn’t have to miss that much time like he does when he comes to the U.S.,” anang matchmaker.

 

Maliban dito, isa rin sa kanilang mga konsiderasyon ang schedule ng senador.

 

“His time to fight is generally July-January, July-January due to his schedule in the Senate,” ani Gibbons.

 

Huling nakipagbakbakan si Pacquiao noong nakaraang taon nang magwagi ito sa pamamagitan ng split decision kontra sa dating walang talo na si Keith Thurman.

Catriona, magpapasaklolo sa NBI hinggil sa ‘nude pics’ issue

Posted on: July 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakatakdang dumulog ngayong hapon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

 

Sa nakuhang impormasyon mula sa NBI posibleng maghahain ng reklamo si Catriona sa NBI-Cyber Crime Division.

 

Kasunod umano ito sa mga malalaswang larawan nito na nagkalat sa social media na mariin niyang itinangging siya ito at pawang mga edited ang nasabing larawan.

 

Sa ngayon ay inaantabayan na ng mga media ang pagdating ng beauty queen sa NBI- CCD. (Gene Adsuara)

Kings center Bagley III, nagtamo ng injury sa ensayo

Posted on: July 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nanganganib na matatagalan bago makapaglaro si Sacramento Kings center Marvin Bagley III dahil sa injury.

 

Nagtamo kasi ito ng injury sa kanang paa noong kasagsagan ng ensayo sa Florida.

 

Agad na itong sumailalim sa MRI at hinihintay pa ng koponan ang resulta nito.

 

Ito na ang pangalawang injury ni Bagley dahil noong Disyembre ay nagtamo ng left midfoot sprain sa laban nila ng Phoenix na nagdulot sa hindi niya paglalaro ng 21 laro.

 

Mayroong average ito ng 14.2 points at 7.5 rebounds sa Kings at naging number 2 overall pick sa 2018 NBA Rookie Draft.

De la Hoya hindi aatrasan si Canelo

Posted on: July 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kilala si dating six division world champion Oscar de la Hoya na hindi umaatras sa hamon, mentalidad na dala pa rin nito hanggang ngayon sa edad na 47.

 

Nagpahayag si De la Hoya na muling babalik sa boksing upang lumaban at target umano nitong makasagupa ang tigasin nitong alagang si Saul “Canelo” Alvarez.

 

Hindi ko aatrasan ang pagkakataon na makasagupa sa aking planong pagbabalik sa ring si Alvarez,” ani De la Hoya.
Matatandaang huling lumaban si De la Hoya noong 2008 nang talunin ito ni eight division world champion Manny Pacquiao via technical knockout sa eight round na nagresulta sa kanyang pagreretiro.

 

Naengganyo umanong bumalik sa ring si De la Hoya matapos makita ang magandang kondisyon ni dating heavyweight champion Mike Tyson na lalabang muli sa isang exhibition fight sa edad na 54.

 

“Pakiramdam ko kaya  ko pang lumaban matapos mamahinga ng 12 years,” ani De la Hoya.

Kasama na sa pagtakbo

Posted on: July 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKAILANG sesyon na po ang inyong lingkod sa jog-run na sinimulan ko noong Mayo.

 

Kahapon ng umaga, naka-30 minutes ako.

 

May kahirapan ang may nakakabit na face mask kapag nag-i-sprint ka, run o kahit jog lang.

 

Kaya ang ginagawa ko po kung walang katabi, kasalubong o masasalubong na tao sa tinatahak kong lansangan, binababa ko nang kaunti mask hanggang sa lumabas ang kapirasong butas sa ilong.

 

Pero binabalik ko agad ang face mask kapag may nakikita na akong makakasalubog na tao, kahit sasakyan pa para masiguradong proteksyon sa coronavirus disease 2019.

 

Kakambal na dear marathoners, runners ang face mask sa ating training at kapag nagbalik na ang mga road race.

 

Kahit po mahirap mag-face mask para iwas Coronavrus Disease 2019.

 

***

 

Kagaya po ninyo, dinadalangin kong matapos na ang Covid-19 hindi lang sa ating bansa, kundi sa sandaigdigan para mabalik na sa normal ang lahat, kabilang na ang sports events.

 

Mag-ingat po tayo araw-araw, panatilihin pong malakas ang ating katawan at kalusugan.

 

***

 

Kung may itatanong o reaksiyon po kayo, mag-email lang po sa jeffersonogriman@gmail.com.

Hanggang bukas uli mga ka-People’s BALITA. (REC)

DAYO BINOGA SA BASECO, PATAY

Posted on: July 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang isang lalaki na dumayo lamang sa lugar nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek sa Baseco compound, Tondo, Manila

 

Kinilala ang biktima na si  Franjill Francia, nasa wastong edad ng Block 3 Lot 60 Mustard Street, Camella Homes, Bacoor, Cavite,base sa nakuhang lisensiya sa kanyang pitaka.

 

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Station 5, dakong alas-12:00 ng tanghali nang nakatanggap ng tawag ang pulisya hinggil sa naganap na pamamaril sa Baseco  Compound ,Port Area, Maynila.

 

Agad na rumesponde sa lugar ang mga pulis at inabutan ang biktima na may tama ng bala sa ulo at wala nang buhay.

 

Wala naman nakuhang anumang impormasyon ang pulisya sa pagpatay sa biktima.

 

Inaalam din kung ano ang motibo sa pagpatay. (GENE ADSUARA)

Walang face mask, arestuhin! — Duterte

Posted on: July 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inatasan na ng Supreme Court (SC) ang lahat ng trial court judges sa buong bansa na suspindehin ang commitment orders sa mga kulungang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

 

Ito ang inisyung kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez bilang hiling ng Interior Secretary Eduardo Año.

 

Para kay Año’s, ito ay para maiwasan na ang “contamination (of COVID-19) among persons deprived of liberty in all jail units nationwide.”

 

Sa ngayon ay ipinaalam na ni Marquez sa lahat ng trial court judges na iatas ang detention ng suspected criminal offenders sa detention facilities ng Philippine National Police simula July 22. (Daris Jose)

Ex-NBA star Kevin Garnett, interesadong bilhin ang Minnesota Timberwolves

Posted on: July 23rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinag-aaralan ngayon ni dating NBA superstar Kevin Garnett ang posibilidad ng pagbili sa franchise ng Minnesota Timberwolves kasama ang grupo ng mga investors.

 

Ito’y matapos na aminin ni Timberwolves owner Glen Taylor na kanya raw pinag-iisipan at sinusuri ang ilang mga opsyon kaugnay sa pagbenta sa kanyang koponan.

 

Sinabi pa ni Taylor na marami ring mga grupo ang nanliligaw para mabili ang team, pero binigyang diin nito na hindi niya raw ibebenta ang koponan sa mga nagnanais na alisin ito sa Minneapolis.

 

“I was recently approached by The Raine Group to discuss the future of our franchise,” ani Taylor. “From the time I bought the team in 1994, I have always wanted what’s best for our fans and will entertain opportunities on the evolution of the Timberwolves and Lynx ownership structure.”

 

“People have inquired who are interested but they want to move the team,” giit ni Taylor. “They are not a candidate. We’ve made that very clear.”

 

Sa isang social media post, sinabi ni Garnett na umaasa siya na mapapasakamay niya ang franchise ng koponan.

 

“I’m part of one of the groups trying,” saad ni Garnett sa Instagram. “Lawd please let my group get this.”

 

Kung maaalala, isinuot na rin ni Garnett ang uniporme ng Minnesota mula 1995 hanggang 2007, at sa pagbalik nito sa team noong 2015 hanggang sa magretiro na ito noong 2016.