• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 30th, 2020

House hearings sa ABS-CBN ‘lutong makaw’

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mistulang lutong ma­kaw umano ang naganap na pagdinig ng House committee on legislative franchises na kung saan “predetermined” na ang desisyon sa ginawang pagbasura sa aplikasyon ng ABS-CBN para sa franchise renewal.

 

Ito ang naging pagti­ngin ng ilang kongresista sa 40 pahinang report ng technical working group (TWG) na inirekomendang ibasura ang prangkisang hinihingi ng ABS-CBN na sinasabing nakahanda na ang nasabing dokumento bago pa matapos ang pagdinig ng komite.

 

Dahil dito, marapat lamang na talakayin ang natu­rang isyu sa plenaryo para sa pinal na desisyon.

 

“It was a clear case of railroading,” ayon kay Buhay partylist Rep. Lito Atienza na kumukuwestiyon sa legalidad ng nasabing report.

 

Ani Atienza, napaka-imposible na matapos sa loob lamang ng isang gabi ang 40-pahinang dokumento para i-summarize ang 12-araw na pagdinig at testimonya ng mga saksi bukod pa sa araw ng pagbubuod nito.

 

Nangangamba rin si Atienza na malalagay sa balag ng alanganin ang bansa kung ang mga kongresista ay kumikilos bilang “prosecutors, judge, jury at executioner.”

 

Sa botong 70-11 noong Hulyo 10 ay nabasura ang prangkisa ng ABS-CBN kung saan inaprubahan ang rekomendasyon ng three-man TWG na sina Reps. Pablo John Garcia (Cebu City), Xavier Jesus Romualdo (Camiguin) at Stella Quimbo (Marikina), Quimbo.

 

Iginiit naman ni Rep. Lawrence Fortun (Agusan del Norte) na kailangang talakayin sa plenaryo ang resolusyong ginawa ng komite upang makalahok ang may 305 mambabatas sa pagtalakay at maipaliwanag ang ginawang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN.

Mas marami pang ruta ng bus, dyip, UV bubuksan ng LTFRB

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Magbubukas pa ng mas maraming ruta ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa operasyon ng mga bus, jeep, at UV Express units sa mga susunod na araw.

 

“We’re going to increase public transport because there is a need to do that, not just in Metro Manila but all across the country,” ani LTFRB chairperson Martin Delgra III sa isang panayam.

 

“Sa mga sumusunod na araw po, magbubukas din naman tayo ng mga panibagong mga ruta at dagdag na pampublikong sasakyan. Hindi lang po sa jeep kundi po sa mga bus at UV Express,” dgadag pa nito.

 

Ngayong Miyerkoles, July 29, pinayagan ang nasa 1,943 jeepney na bumiyahe sa 17 karagdagang ruta sa Metro Manila.

 

Giit pa ni Delgra, kinokonsidera ng LTFRB ang roadworthiness at pagtugon sa health protocols sa pagpili ng mga unit na papayagang makabiyahe.

 

“Nakita naman din po natin sa datos, they are of current registration. Ibig pong sabihin, we have assumed that they have gone through mandatory roadworthy test ng LTO (Land Transportation Office).” (Daris Jose)

HOSPITAL OCCUPANCY SA MM NASA DANGER ZONE NA

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na nasa “danger zone” na ang mga hospital sa Maynila dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawaan ng COVID 19.

“Nasa danger zone tayo ngayon sa NCR, nakikita natin na talagang tumataas ang kaso sa ÇOVID 19 ,”ayon kay Vergeire.

Nabatid na umakyat na sa mahigit 50,000 ang active cases ng COVID19 sa bansa at inatasan na rin ang mga pampublikong hospital na itaas hanggang sa 70%,ang bed capacity para sa COVID patients.

Kasabay nito,sinabi ni Vergeire na pag-uusapan mamayang hapon sa IATF ang mga rekomendasyong ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng DOH.

Kabilang na ang ginagawang pakikipag usap ng Pilipinas sa apat na manufacturers sa China para makasali sa cilinical trials sa COVID19 vaccine.

Nabatid na nakisali na rin ang Pilipinas sa clinical trials remdesivir vaccine kung saan may 1,000 COVID patients ang lalahok sa cilinical trial.

Samantala, sinabi ni Vergeire na hindi inirerekomenda ng DOH ang paggamit ng Face mask na may valve dahil piwede itong pagmula ng pagkalat ng impeksiyon.

Una nang sinabi ng DOH na ang N95 mask ang dapat na gamitin ng mga frontliner sa hospital, surgical mass at  para sa mga komunidad ay maari nang gumamit ng cloth mask. (GENE ADSUARA)

Panukalang patawan ng 12% VAT ang mga digital transactions lusot na

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang patawan ng value-added tax (VAT) ang mga digital transactions sa bansa.

 

Inaprubahan ng komite ang unnumbered substitute bill na naglalayong amiyendahan ang National Internal Revenue Code of 1997.

 

Ayon sa Department of Finance, karagdagang P10 billion (P9 billion mula sa mga nonresident, habang P1 billion naman sa mga local digital service providers) ang inaasahang kikitain ng pamahalaan sa oras na maisabatas ang panukalang ito.

 

Sa ilalim ng panukala, sisingilin ng 12 percent tax mula sa kanilang gross receipts ang mga nonresident digital service providers, o iyong may online platform na ginagamit sa pagbili at pagbenta ng mga produkto o serbisyo tulad ng Netflix.

 

Sisingilin din ng buwis ang mga third party platflorms gaya ng Lazada at Shoppee, gayundin iyong supplier ng digital services.

 

Ayon sa chairman ng komite na si Albay Rep. Joey Salceda, marapat lamang singilin ng buwis ang mga nonresident digital service providers sa kinikita ng mga ito sa bansa.

 

Sinabi naman ng pangunahing may-akda ng panukala na si AAMBIS-OWA party-list Rep. Sharon Garin na dapat gawing patas ang playing field sa pagitan ng mga nagnenegosyo sa loob at labas ng bansa.

 

Ayon sa DOF, sa ngayon ay walang kinikita ang pamahalaan sa mga digital transactions na dumadaan sa mga nonresident digital service providers. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pinay karateka Jamie Lim, naghahanda na sa Olympic qualifier

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy ang ginagawang paghahanda ni Filipina karateka Jamie Lim para sa Olympic qualification tournament.

 

Isa kasi si Lim sa nanguna noong nakaraang Southeast Asian Games na nanguna sa womens +61 kg. kumite para makuha ang gold medals.

 

Nakatakda sana lumahaok sana si Lim at ibang mga Filipino karatekas sa world Olympic qualifying tournament noong Mayo subalit ito ay ipinagpaliban dahil sa coronavirus pandemic.

 

Hindi naman nito sinayang ang pag-ensayo sa panahon ng pandemic dahil kahit sa bahay nito ay nag-eensayo na rin ito.

 

Tiwala naman si Karate Pilipinas president Richard Lim na makakapagsimula na sila sa nasabing ensayo bago ang qualifying tournament.

Jones kabado kay Tyson

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Aminado si Roy Jones Jr. na hindi madaling kalaban si Mike Tyson sa edad na 54  at inaasahan nitong mahihirapan siya sa nakatakda nilang 8-round exhibition fight sa Sept. 12 in Carson, California.

 

“It’s hard to say. Boxing is a strange sport,”  ani Jones Jr. “A lot of times people say the legs are the first thing to go, and my legs were really a key part of my style, my skill level. They say power is the last thing to go, and his power was the key element of his skill set.

 

Kahit anong mangyari, dapat handa ako, dapat 100% na handa ako sa itinuturing na “baddest man on earth na si Tyson,” wika ni Jones.

 

“His skill set — his power — is still there. My skill set — my legs — are still there, but not what they used to be. So I wouldn’t be mad if they said he was the favorite, but I wouldn’t agree with that.”

 

Kahit tinawag lang umanong exhibition ang laban, sinabi ni Jones na naghahanda ito sa kahit anong ibabato sa kanya ni Tyson at alam nito na napanatili ni Tyson ang kanyang lakas at bilis sa laban sa kabila na lagpas 50 na ito.

 

“For me, I know how to have fun in the ring and try to make it the best that I can make it,” wika ni Jones Jr.

 

“But at the same time, Mike knows one way. It’s like playing with a pit bull pup. … He’ll play, but he’ll get lost because all he knows is [to] … go at it. So that’s all Mike knows — go at it. So I’ve got to be prepared for whatever Mike comes out with.

 

Ayon kay Jones, gusto umano nilang bigyang kasiyahan ang mga manonood kaya nila ginawa ang exhibition fight na ito.

“We want to give people entertainment,” ani ng 51-year-old na mula Florida.

“When you have two of the most entertaining fighters of the decade in the ring together, then it has to be entertaining. And I think Mike can say the same thing. We are willing to risk our health at a time like this, not only for the charitable part of it but to also give people entertainment at a time people don’t have entertainment.”

Naging laman ng social media si Tyson at marami ang humanga rito dahil sa nag-post ito ng kanyang video na nag-eensayo kung saan kitang-kita ang husay nito sa pagboboksing. 

Palasyo pinuna ang pagkakamali sa pangangasiwa

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Mismong ang Malacañang na ang pumuna sa maling sistema na ipinatutupad ng pamahalaan sa pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (lsiS) na pansamantalang nanantili sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

 

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bulag siya kung sasabihing walang makikitang pagkakamali sa sistema.

 

Ayon kay Sec. Roque, hindi nasunod ng mga LSIs ang health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH) gaya physical o social distancing para makaiwas sa COVID-19.

 

Pero inihayag ni Sec. Roque na naiintindihan naman ng Malacañang na atat nang makauwi sa kani-kanilang mga probinsya ang mga LSIs.

 

“Bulag naman ako kung sasabihin kong walang pagkakamali doon. Meron pong pagkakamali don. Dapat po nagkaroon ng sistema na bagamat maraming tao doon sa Rizal Memorial Coliseum, dapat siniguro ang social distancing,” ani Sec. Roque.

 

Idinagdag ni Sec. Roque kakausapin na lamang niya si “Hatid Tulong” program lead convenor at Presidential Management Staff (PMS) Assistant Sec. Joseph Encabo na gawin na lamang regional ang pagpapauwi sa mga LSIs para maiiwasan ang pagdagsa ng nila at masusunod ang physicial distancing. (Daris Jose)

Didal malaki ang tsansang makasama sa Tokyo Olympics

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Kumpiyansa ang Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines (SRSAP) na makakakuha si Pinay skateboarding sensation Margielyn Didal ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

“For more than a year pasok siya para sa Olympic slot,” sabi ni SRSAP president Carl Sambrano kay Didal, ang 2018  Asian Games at 2019 Southeast  Asian Games gold medal winner.

 

Inilabas kamakalawa ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusement Board (GAB) at Department of Health (DOH) ang Joint Administrative Order (JAO).

 

Ang JAO ang maglalatag ng guidelines para sa physical at sports activities sa gitna ng laban sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

“We all recognize the importance sport plays in buil­ding one’s strong immune system, what we just wanted to ensure was that they keep safe and away from the virus while they are doing it,” ani PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

Nanatili sa No. 14 si Didal, nanalo sa Asian Skateboarding Championships 2020 Online Skate Lockdown Video Competition, sa World Skate official ranking para sa women’s street event.

 

Ayon sa World Skate, ang top three performers mula sa World Championships ang makakalaro sa Tokyo Olympics at ang 16 skaters ay may tsansa sa pamamagitan ng global rankings.

 

Awtomatikong nabigyan ang Japan ng tiket sa quadrennial meet bilang host country.

 

Bukod kay Didal, magsasanay sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City, Cebu, may tsansa rin si 2019 SEA Games gold medalist Kiko Francisco na makakopo ng Tokyo Games berth.

 

“Kiko Francisco has been in and out of the Top 20 but that being said may season 2 of Olympic Qualifier points that are still available,” dagdag ni Sambrano.

Ads July 30, 2020

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

3 SA 105 BAGONG NAGPOSITIBO SA COVID SA NAVOTAS, NASAWI

Posted on: July 30th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TATLO sa 105 mga bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Navotas ang nasawi kamakalwa, Hulyo 28, habang 77 pasyente naman ang gumaling, ayon kay Mayor Toby Tiangco.

 

Sa kabuuan ay 1,623 na ang kumpirmadong kaso ng nasabing sakit sa lungsod, 750 dito ang active cases, 783 ang gumaling na at 90 naman ang binawian ng buhay.

 

Hanggang Hulyo 28 din, umabot naman sa 14,665 ang mga naisagawang COVID-19 tests ng lungsod matapos makatangap ng 1,436 na test resultsna karamihan ay mula sa mass testing na isinusulong ng pamahalaang lungsod.

 

Sa bagong tanggap na resulta 1,331 o 93% ay negatibo sa COVID-19.

 

“Ito po ang sinabi natin dati sa pagpapaigting natin ng swab testing, hindi malayong marami rin ang makukumpirmang kaso. Pero hindi ibig sabihin nito na bigo ang ating lockdown. Ang resulta ng lockdown ay makikita natin pagkatapos pa ng dalawang linggo,” ani alkalde.

 

Sa kabilang banda, isang araw bago matapos ang lockdown, iniulat ng Navotas Police na hanggang 5pm ng July 28, umalagwa na sa 5, 853 ang nadakip lockdown violators sa lungsod, 304 ang menor-de-edad habang 5,549 naman ang nasa hustong gulang. (Richard Mesa)