• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 24th, 2020

COVID-19 curve flattening posible sa Setyembre – UP experts

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Posibleng maabot na ang ‘flattening the curve’ sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 sa katapusan ng buwan o Setyembre, ayon sa research group mula University of the Philippines (UP).

 

Sa reproduction rate ng COVID-19, bumaba ito sa 1.1 mula 1.5 makaraan ang mas mahigpit na quarantine sa Metro Manila at karatig probinsya, ayon kay Dr. Guido David ng UP OCTA Research Team.

 

“Sa ngayon umaasa tayong kaya pa rin iyan: katapusan ng August ma-flatten ang curve, or puwedeng kahit September siguro mangyari iyan,” aniya sa isang panayam.

 

Samantala, kahit pa ma-flat ang kurba, aabutin pa rin ng isa hanggang dalawang buwan bago maabot ang “very manageable” level.

 

“Hindi naman ibig sabihin flatten iyong curve, tapos na… Kaya kailangan, talagang continuous iyong effort natin. Hindi tayo puwedeng magpabaya kasi puwedeng magka-surge ulit iyan.”

 

Kasalukuyan namang isinasapinal pa ang UP OCTA Research Group sa ulat sa coronavirus hotspots para sa gobyerno. (ARA ROMERO)

Pinay undefeated fighter Denice Zamboanga sasabak sa Bangkok

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nakatakdang makaharap ni undefeated Filipina fighter Denice Zamboanga si Wtasapinya “Dream Girl” Kaewkhong.

 

Gaganapin ang laban ng dalawa sa darating na Agosto 28 sa Bangkok, Thailand.

Sinabi ng 23-anyos na si Zamboanga, masaya na ito dahil sa muling paglaban niya.

 

Huling lumaban ito ay noong Pebrero ng talunin niya si Mei Yamaguchi.

 

Mayroong record si Zamboanga na pitong panalo at walang talo.

DepEd: 93% na sa public schools, may gamit sa online learning

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Aabot sa 93 percent ng mga pampubli kong paaralan na ang may mga gamit para sa online learning para sa school year 2020-2021, ayon sa Department of Education (DepEd).

“There are 1,042,575 devices in 43,948 public schools all over the country. These are computers, laptops, tablets that can be used by learners. Additionally, we’ll deliver 211,344 devices before the end of December 2020,” ani DepEd Information and Communications Technology Service Director Abram Abanil.

Maliban sa mga device, magbibigay din ang ahensya ng learning management system (LMS) kung saan maaaring bumuo ng online classes ang mga guro at magtakda ng mga activity at collaborative tasks na maaaring bantayan.

“For example, they can assign students to read an article or watch a video lecture, and through the learning management system, they’ll know if the students have completed or not the tasks assigned by the teachers. The teachers can also create online quizzes and formative assessment,” saad ni Abanil.

Dagdag pa ng opisyal, ang LMS ay puwedeng ma-access sapamamagitan ng browser oa mobile application at ito ay ginawang zero-rated ng mga telecommunications company para hindi na gumamit ng data ang mga mag-aaral.

Nabatid na sa Agosto 31 ay mamamahagi na ng official email accounts ang DepEd sa lahat ng mga high school students.

Habang ang mga official email account sa lahat ng mga mag-aaral sa elementarya ay ibibigay sa Setyembre 15.
“These email accounts will be used by the students in accessing the LMS to ensure the security of our learners,” paglalahad pa ni Abanil.

Sa kasalukuyan, nasa 385,471 na mga guro na ang sinanay ng DepEd sa ICT-based teaching sa pamamagitan ng onlin training mula Abril hanggang Hunyo.

“We are now in the process of developing an orientation for our learners and parents using the television so they can learn how to use the LMS,” dagdag pa ni Abanil. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Bagong features ng peso bills, mahirap mapeke at madaling mapag-aralan ng mga visually impared – BSP

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Naipalabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang enhanced features ng peso bills , na inilunsad noong Hulyo 30.

 

Ayun kay BSP Legazpi bank officer Sharon Moyano sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ginawa ang hakbang para maprotektahan ang integridad ng banknotes at maiwasan ang pamemeke ng Philippine peso.

 

Maaalala kasi na sa mga nakalipas na mga taon, talamak ang pamemeke ng pera sa bansa.

 

Dagdag pa ng opisyal na layunin rin nito na mas maging madali ang pagtukoy ng pera para sa mga senior citizen at mga visually impared na kalimitang naloloko at nalilito sa mga banknotes.

 

Napag-alaman na sa bagong labas na disenyo, may naka-angat na marka sa kanang bahagi ng peso bill, kung saan dalawa ang linya para sa P50, apat na linya sa P100 bill, anim sa P200, walo sa P500 at limang linya sa P1000 bill.

Marcial may binago sa health protocol

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY ilang punto sa health protocol guidelines ang binago nitong Linggo ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial.

 

Bago magwakas ang Agosto ang tinatayang pagbabalik na sa practice facilities ng players, sa non-contact conditioning muna ng ilang araw.

 

Pagkaraan, muling susulat ang propesyonal na liga sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease para hilingin na payagan na ang full scrimmages ng 12 PBA tems sa susunod sa Setyembre.

 

Pero mauuna muna rito ang swab testing sa bawat manlalaro ng mga koponan.

 

Mula sa tuwing 10 araw na tests, tulad ng unang ipinanukala ni Marcial, magiging kada dalawang linggo na ito

Maging ang showers inayos din.

 

Papahintulutan na ang players na mag-shower pagkatapos ng bawat practice session at laro bago umuwi sa kanilang mga tahanan.

 

Ang dating mungkahi ay lalabas pa dapat ng facility ang players pagkatapos ng session nila, diretso uwi na habang dini-disinfect ang gym bago papasukin ang susunod na batch na gagamit ng pasilidad. (REC)

UMAWAT SA NAGHURAMENTADO, SEKYU PINAGSASAKSAK

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 33-anyos na security guard ang nasa kritikal na kalagayan matapos pagsasaksakin ng egg vendor na kanyang inawat habang nagwawala at naghahanap ng away  sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

Si Joselito Lazaro ng Damata, Brgy. Tonsuya, Malabon ay isinugod ng kanyang live-in partner sa Ospital ng Malabon subalit kalaunan ay inilipat sa Tondo Medical Center kung saan ito patuloy na inoobserbahan sanhi ng mga tinamong saksak sa katawan.

 

Kaagad namang nagsagawa ng follow up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakilalang si Romy Aluad, 24, ng Damata St. Brgy. Tonsuya.

 

Ayon kina Malabon police homicide investigators P/SSgt. Jose Romeo Germinal II at P/SSgt. Julius Mabasa, naganap ang insidente alas-10 ng gabi sa Block 2, Damata, Brgy. Tonsuya.

 

Papunta ang biktima sa kalapit na tindahan nang mapansin nito ang suspek na nagwawala at naghahamon ng away habang may bitbit na bote ng alak.

 

Sinita ng biktima ang suspek at tinangkang awatin subalit, nagalit ito saka binasag ang hawak na bote bago pinagsasaksak sa katawan si Lazaro.

 

Sinabi ni Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao na iprisinta ang suspek sa inquest proceeding sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong frustrated homicide. (Richard Mesa)

Pdu30, ilalatag ang ginawang paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa Covid-19

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ILALATAG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang lingguhang public address mamayang gabi sa bayan ang updates sa naging paggasta ng pamahalaan sa pagtugon sa  COVID-19.

 

Sasamahan si Pangulong Duterte ng ilan sa kanyang cabinet members sa public  address na gagawin sa kanyang hometown  sa Davao City.

 

“Isa po sa hiningi ni Presidente ngayon para sa talumpati niya ay iyong report sa lahat ng ahensiya ng gobyerno kung paano po nagastos ang mga COVID-related expenses. So, iri-report po iyan ng ating Presidente,”  ayon kay Presidential  spokesperson Harry Roque .

 

“As of June 30,” nagpalabas ang pamahalaan ng  P374.9 billion para i- cover ang emergency assistance sa mga vulnerable groups at individuals, wage subsidy measures, at assistance sa mga displaced workers.

 

Ang  Department of Social Welfare and Development ay nakatanggap ng malaking bahagi ng halaga  P200.98 billion para sa Social Amelioration Program para suportahan ang milyong  low-income households.

 

Ang Department of Labor and Employment ay nakatanggap ng P12.59 billion at ang Department of Agriculture ay nakatanggap naman ng P11.10 billion, para suportahan ang kanilang programa para sa mga displaced formal at informal workers, overseas Filipino workers at apektadong magsasaka at mangingisda.

 

Tinatayang P51 billion ay pinagkaloob naman sa mga manggagawa ng   small businesses na labis na naapektuhan ng pandemiya.

 

Ang Department of Health naman ani Sec. Roque ay  P48.23 billion para pondohan ang agaran at patuloy na pagtugon sa COVID-19 response programs at maging ng pagbili ng  test kits at PPEs.

 

Nauna rito, welcome naman sa Malakanyang ang panawagan ng ilang senador para sa special audit ng  government’s expenses para makurbada ang epekto ng COVID-19 sa bansa.

 

Samantala, inihanda na ng Kongreso ang  relief measures na nagkakahalaga ng P165.5 billion  para mapanatili ang ginagawang pagtugon ng pamahalaan at tulungan ang sektor na nilumpo ng pandemya.  (Daris Jose)

Cashless/contactless payments sa mga tollways, ipapatupad

Posted on: August 24th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ire-require na rin ng Department of Transportation (DOTr) sa mga expressways ang paggamit ng cashless o contactless payments sa kanilang mga tollways, upang matiyak na protektado ang publiko laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

 

Nabatid na inisyu ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang Department Order 2020-012 noong Agosto 13 at inaatasan ang mga ahensiya na bumuo ng mga bagong proseso at tiyakin ang maayos na pagpapatupad sa bagong polisiya sa loob ng tatlong buwan.

 

“The move will complement other health protocols now being enforced by the government, such as physical distancing, as it aims to limit human intervention and remove the traffic queuing and congestion at the toll plazas,” ayon pa sa DOTr.

 

Ayon sa DOTr, sakop ng department order ang Toll Regulatory Board (TRB), na inatasan na bumuo ng mga rules and regulations na nagre-require sa mga concessionaires at operators ng mga toll expressways na tuluyan nang gumamit ng electronic toll collection system; gayundin ang Land Transportation Office (LTO), na inatasan na magsumite ng pag-aaral para maghanap ng mga pamamaraan upang mapayagan ang full Cashless at Contactless System sa mga expressways.

 

Samantala, ang Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ay inaatasan din namang i-monitor ang pagsunod ng lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs) sa mandatory use o installation ng electronic tags o paggamit ng iba pang cashless systems sa kanilang mga units. (Ara Romero)