• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 26th, 2020

World’s fastest man na si Usain Bolt, kinapitan ng COVID-19

Posted on: August 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang world-record sprinter at eight-time Olympic gold medallist na si Usain Bolt.

 

Ayon sa health ministry ng Jamaica, posibleng nakuha raw ni Bolt ang COVID-19 ilang araw matapos idaos ang isang malaking party para sa kanyang ika-34 taong kaarawan kung saan wala raw suot na face mask ang mga dumalo.

 

Naglunsad na rin aniya ng contact tracing ang mga otoridad upang matukoy kung sinu-sino ang mga nakahalubilo ni Bolt.

 

Sa ngayon ay naka-self quarantine ngayon si Bolt sa kanyang tahanan sa nasabing bansa.

 

Una rito, nag-post ang Olympic sprinter ng video sa social media kung saan naghihintay daw ito ng kanyang resulta, bago himukin ang lahat ng kanyang mga nakasalamuha na sumailalim na rin sa quarantine.

 

“I’m just waking up, and like everybody else I checked social media which is saying I am confirmed to have Covid-19,” wika ni Bolt. “I did a test on Saturday to leave because I work. I am trying to be responsible so I am going to stay in and stay here for my friends.”

 

“I’m having no symptoms so I am going to quarantine myself and wait on the confirmation, to see what is the protocol and how I should go about quarantining myself,” dagdag ni Bolt. “Until then, I am saying anyone who has had contact with me should quarantine by themselves just to be safe, and just to take it easy.”

 

Batay sa pinakahuling datos, mayroon nang 1,612 kumpirmadong kaso ng virus ang Jamaica, na may 622 active cases at 16 deaths.

Pantay na access sa coronavirus vaccines, isinusulong ng WHO

Posted on: August 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan sa iba’t ibang bansa si World Health Organization (WHO) Director General Tedros Ghebreyesus upang makiisa sa isinusulong nitong mga hakbang upang siguraduhin na magkakaroon ng pantay na access ang mga bansa sa coronavirus vaccines.

 

Sa isinagawang press briefing ng international body, nagbabala si Ghebreyesus tungkol sa mga bansa na nagmamadaling bumili ng bakuna para sa kanilang sariling mamamayan.

 

“Vaccine nationalism only helps the virus,” wika nito.

 

Aabot na umano sa 172 bansa ang kasalukuyang nakikipag-ugnayan sa COVID-19 Vaccine Global Access Facility o COVAX Facility kung saan layunin nito na makapagbigay sa lahat ng bansa ng equitable access sa bakuna.

 

Ang pag-iinvest aniya sa COVAX Facility ay ang pinakamabilis na paraan upang tuldukan ang pandemic at siguraduhin ang sustainable economic recovery.

 

Inilunsad ito ng WHO katuwang ang Gavi, ang Vaccine Alliance, isang international group na kumikilos para i-promote ang vaccination sa mga developing countries.

 

Nakasaad sa website ng Gavi ang mga bansa na nagpakita na ng interes sa nasabing pasilidad, kasama na rito ang Japan, United Kingdom at Canada subalit hindi parte rito ang Estados Unidos at China.

P3 MILYON SHABU NASAMSAM SA BUY BUST SA QUIAPO

Posted on: August 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINATAYANG halos P3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at pagkakaaresto ng tatlong indibidwal sa isinagawang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement  Agency (PDEA)  sa Quiapo, Maynila.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 500 gramo ngh hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng halos 3 milyong piso.

Nakilala ang mga suspek na sina Fatima Ampatuac, Jamila Mapandi at Abul  Mapandi .

Sa inisyal na impormasyon,pinangunahan ng  PDEA Regional Office 3 ang nasabing operasyon laban sa mga suspek.

Nauna  rito, hindi umano natuloy ang nakatakda sanang transaksyon  noong nakaraang linggo kung saan mula sa San Fernando Pampanga ay dinala sa Maynila ang abutan ng illegal na droga.

Dakong alas-1:00  ng tanghali nang maaresto ang mga suspek sa bahagi ng Raon sa Quiapo.

Nakuha rin sa mga suspek ang isang libong pisong buy bust money kasama ang 2 milyong pisong boodle money na ginamit para malambat  ang mga suspek.

Nakatakda namang dalhin sa PDEA headquarters ang mga naarestong suspek. (GENE ADSUARA)

Giit ni Pdu30, walang magic bullet laban sa Covid- 19 pandemic

Posted on: August 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong  Rodrigo Roa Duterte na walang “magic bullet” para resolbahin ang  coronavirus disease 2019 (Covid-19) health crisis.

 

Kaya ang pakiusap ng Pangulo sa publiko ay dagdagan pa ang pasensiya  hanggang  maging available ang bakuna.

 

Sa public address ni Pangulong Duterte ay tiniyak nito sa publiko  na patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang  Covid-19 pandemic sa pamamagitan ng recalibrating ng health system strategies.

 

Inamin ng Chief Executive na hindi perpekto ang gobyerno sa pagtugon sa hamon na dala ng pandemiya subalit ginagawa naman aniya ng pamahalaan ang lahat ng magagawa nito para labanan ang pandemiya.

 

“There is no magic wand or if you want a stronger statement a — the magic bullet, a silver bullet, that will solve our problems. May sinubukan tayo  since we are not perfect,” aniya pa rin.

 

Samantala, umaasa naman si Pangulong Duterte na ang China o ang Russia ang magbibigay sa Pilipinas ng kani-kanilang bakuna sa oras na makumpleto na ang  clinical trials.

 

“Malapit na ‘yan. Russia, China, I dunno if anybody, alam ko lang yung dalawa, nag-announce na meron sila at  ready and they’re willing to help. Both countries lumabas ng statement na tulungan nila ako,” anito.

 

Ani Pangulong Duterte, handa siyang mangutang  ng pera  para bayaran ang vaccines kung hindi ito ibibigay ng libre.

 

“Kung may bayad, dahil marami masyado, utangin natin. Credit nalang or hanap tayo ng loan  but if it’s not, I’m sure that they are willing to give us that privilege of borrowing from them,” aniya pa rin.

PETISYON NG ABS-CBN, IBINASURA NG SC

Posted on: August 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IBINASURA ng Supreme Court En Banc session,ang isinampang petition for certiorari and prohibition with appication for Temporary Restraining Order and injuction na isinampa ng ABS-CBN Corporation laban sa kautusan ng National Tele Commujication Commission (NTC).

 

Sa ipinalabas na resolusyon,sinabi ng SC dahil sa ginawang pagtanggi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga nakabinbin na House bills para sa renewal ng prankisa ng ABS-CBN noong Hunyo 10,2020, wala na umanong dahilan para hindi ibasura ang petisyon ng nerwork.

 

“The court finds its appropiate to dismiss the case on the ground of mootness.Because of this supervening event, there is no actual substantial relief whicn ABS-CBN Corporation would be entitled to regardless of the court’s disposition of the merits of the petition,”ayon pa sa resolusyon ng SC.

 

Nalaman na unanimous ang naging desisyon na idismiss ang petisyon ,maliban kay Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla na naka leave nang magbotohan. (GENE ADSUARA)

Pacquiao alangan kay Golovkin

Posted on: August 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG bigat.

 

Ito ang isang rason kaya ayaw kagatin ni reigning World Boxing Association (WBA) super featherwerwight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio si Gennady Golovkin ng Kazakstan sa sandaling magbalik sa ruwedang parisukat.

 

Ayon sa fighting senator, may kataasan ang timbang na 159.2 lbs. si Golovkin sa nakaraang pakikipagbanatan kay Sergiy Derevyanchenko ng Ukraine kung ihahambing sa bigat niyang 146.5 sa huling pakikipag-umbagan kay Keith Thurman ng USA.

 

Ayon pa kamakalawa sa Pambansang Kamao, papatulan niya si Golovkin kung sa welterweight limit 147-pound sila magkakasundo.

 

Iminungkahi naman ng dati niyang mentor na Amerikanong si Freddie Roach na kasahan niya si Gennady para sa middleweight world title. (REC)

Mga fans ni Bryant, inaalala ang 42nd kaarawan nito

Posted on: August 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagsagawa ng pagpugay ang iba’t-ibang basketball fans sa pagdiriwang ng ika-42 kaarawan ng yumaong NBA star na si Kobe Bryant.

 

Binuksan ang mga mural na nagpupugay sa Los Angeles Lakers star na makikita sa ib’at-ibang bahagi ng mundo bukod pa sa bayan nito kung saan siya isinilang sa downtown Los Angeles, isa sa malapit sa Convention Center ganun din sa Shoe Palace sa Fairfax District at ang pinakamalaking mural sa San Fernando Valley.

 

Sa kabuuan ay mayroong 331 murals sa buong mundo 267 sa US at 64 sa ibang bana.

 

Nagpost naman sa social media ng mahabang mensaheng pag-alala mula sa kaniyang asawa na si Vanessa maging ang anak nila na si Natalia Bryant.

 

Habang si Lakers star LeBron James ay nagpost sa kaniyang social media ng throwback na video noong ika-30 birthday ng NBA star.

 

Magugunitang pumanaw si Bryant kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa ng bumagsak ang sinakyan nilang helicopter noong Enero.

Castro vs Biscocho sa pagka-race director

Posted on: August 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Si Jose ‘Jun’ V. Castro Jr. ang kinikilalang ng ama ng Philippine running.

 

Siya ang dahilan ng running boom sa bansa noong dekada 80 tapos ng bantog niyang Band Aid Family Marathon Clinic noong 70s.

 

Pero noong 1980 silang dalawa – Castro ng Intergames o Intersport at Rodolfo ‘Rudy’ Biscocho ng Run And Compete Enterprise o RACE – ang naging mahigpit na magkaribal sa pag-o-organize pagiging mga race director ng mga marathon at iba pang footrace sa Metro Manila at sa kapuluan na rin.

 

Naging race director si Castro ng National MILO Marathon, Batulao Marathon, Pilipinas Third World Marathon na kalauna’y naging San Miguel Beer Pilipinas International Marathon.

 

Na kay Biscocho ang Philippine Airlines Manila International Marathon, Puma Half-Marathon, at iba pa. Hinawakan din niya sa dekada 90 hanggang 2000-plus ang MILO Marathon nang yumao na si Castro noong 2015..

 

Namayapa na si Jun sa Estados Unidos sa kanser tapos umalis ng bansa noong 1993 sa kasagsagan ng panunungkulan niya bilang komisyoner ng Philippine Sports Commission (PSC).

 

Nasa Tate rin si Rudy sa kasalukuyan matapos mamatay ang isang anak na lalaki at paminsan-minsan na lang pumaparito para sa ilang piling binabalangkas pa rin niyang mangilan-ngilan na mga karera na lang gaya ng Yakult 10-Miler.

 

Sa kuwento ng aking papa (RDC) na nakoberan ang mga patakbo ng dalawa, Pareho aniyang mabuting makisama sina Catro at Biscocho.

 

Kaya dinudumog ng sports media ang kanilang mga patakbo. Nakatakbo’t taposdin pala ng NMM, PAL-MIM at PIM bukod pa sa Pasig Marathon at Subukan Full-Marathon sa Quezon City ang aking ama.

 

***

 

Kung nais po ninyong mag-reaksiyon  o may gusto po kayong itanong, mag-email lang po kayo  sa jeffersonogriman@gmail.com.

 

Idalangin po nating lahat na matapos na ang COVID-19. Ingat po tayong lahat palagi. Panatilihin po nating malakas ay malinis ang ating katawan sampo ng ating tahanan, mga kasamahan at kapaligiran.

 

Hanggang bukas po uli mga ka-PEOPLE’S Balita.

 

God bless us all! (REC)