Nakasalalay na umano sa kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton kung aapela pa ito sa deportation order ng Bureau of Immigration (BI) kapag ito ay napalaya na.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra kung sakaling hindi na aapela si Pemberton ay bahala na ang BI na ipatupad ang deportation order laban sa sundalong Amerikano kahit napagkalooban na ito ng absolute pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito, base raw sa order ng board of commissioners ng Bi mayroong deportation order laban kay Pemberton na may petsang September 16, 2015 dahil sa pagiging “undesirable alien.”
Kaugnay nito, hiniling na raw ni Immigration Commissioner Jaime Morente kay BuCor Director General Gerald Bantag na i-turn over sa kanila si Pemberton kapag napalaya na ito sa kulungan para makumpleto na nila ang deportation proceedings ng dating sundalo.
“At any rate, we are awaiting instructions from our Justice Secretary Menardo Guevarra for guidance on how we will implement the deportation order in a manner that is within the prescribed laws of the country,” ani Morente.
Sinabi ng BI na ang mga foreigners na ipapa-deport ay kailangang magsumite ng clearance mula sa National Bureau of Investigation (NBI) at regional trial court bilang patunay na wala na silang nakabinbing criminal o civil cases.
Ang Amerikanong sundalo ay sangkot sa pagpatay sa Pinay transgender woman na si Jeffrey alyas Jennifer Laude noong taong 2014.
1st phase ng operasyon ng Metro Manila subway project, sisikaping habulin sa Disyembre sa 2021. (Daris Jose)