• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 26th, 2020

Paulo at Michelle, marunong pa ring tumanaw ng loob sa network

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAWALA na ang exclusive contracts ang lahat ng mga artista o tinatawag na network contract nang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil hindi nila inaprubahan ang aplikasyon para sa bagong prangkisa.

 

Ganito rin ang Star Magic talents na puwede silang tumanggap na ng ibang offers sa ibang network base rin sa pahayag ng namamahala ng caeer nila na si Ms. Mariolle Alberto at Mr. Johnny Manahan.

 

Marami kaming kilala na may mga show na sa ibang network, pero ang Star Magic pa rin ang nakikipag-negotiate para sa kanila, sa madaling salita, hindi pa rin nawala ang nasabing talent management ng ABS-CBN.

 

Ito rin ang katwiran nina Paulo Angeles at Michelle Vito na kasama sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Sam Milby at Maricel Soriano mula sa JRB Creatives.

 

Sa virtual mediacon ng dalawa ay natanong sila kung may mga offer silang natanggap.

 

“Secret,” tumawang sagot muna ni Paulo. “Ha, ha, siyempre meron.”

 

Hindi naman daw agad-agad ang mga offer nang magsara ang ABS-CBN, “matagal din.

 

“Hindi ko tinanggap kasi may show pa ako dito (Kapamilya network), siyempre priority din naman talaga muna,” katwiran ng aktor.

 

Pero kung wala raw siyang show ay posibleng tanggapin niya pero mananatili pa rin siyang Star Magic talent at hindi lilipat sa ibang manager.

 

“May Star Magic pa naman, so hindi (kailangan) lumipat,” saad ni Paulo.

 

At ang paliwanag naman ni Michelle tungkol sa offer sa kanya.

 

“Meron po, pero hindi pa puwede because may show, pero for me kasi hindi lang naman ‘yun ang reason because parang fresh pa ‘yung nangyari sa ABS-CBN and ang tagal ko with ABS, so I respect ‘yung mga bosses, I respect kung ano ‘yung nangyari sa situation, I respect ABS-CBN, so, ayokong madaliin po ‘yung decision ko or kung may opportunity sa iba ayoko muna po na tanggapin muna ‘coz ang dami pang nangyayari and pinag- uusapan pa and all so ayoko po munang makisabay and since nag-school din po ako ngayon so ayoko munang i-rush talaga (ang lahat).

 

“Kailangan munang okay lahat at makapag-move one lahat kasi ang dami pang artist, bosses and worker’s ng ABS-CBN na ang sakit pa sa kanila nu’ng nangyari so, I respect that po.”

 

Wala ring planong magpalit ng manager si Michelle, “may mga meetings kami with our handlers and bosses so for them naman po kasi since ‘yun nga ‘yung nangyari sa ABS may pandemic ngayon naiintindihan nila ‘yung part na kailangan naming magtrabaho kasi marami sa amin ang tumutulong sa fam- ily namin, may kailangan kaming gastusin o sustentuhan hindi po nila talaga kami pinipigilang mag-guest sa iba, magtrabaho sa ibang station.”

 

Nabanggit na kung may mga offer o opportunity ay kailangan lang ipaalam nina Michelle at Paulo ang lahat sa Star Magic para aware raw sa lahat ng mga nangyayari sa kanila.

 

At least marunong tumanaw pa rin sina Paulo at Michelle ng utang na loob sa network na nagpasikat sa kanila dahil hindi sila nagpalit ng manager.

 

‘Yung iba may mga show pa sa Kapamilya network, pero nagpalit na ng manager agad, hindi man lang naisip na kung hindi dahil sa ABS-CBN ay hindi sila makikilala o sisikat.

 

Samantala, sina Paulo at Michelle ang magka-love team sa Ang Sa Iyo Ay Akin na dati nang magkaibigan kaya walang ilangan sa mga eksena nila at wala rin selosan na nangyayari since may kanya-kanya silang karelasyon.

 

Si Enzo Pineda ang boyfriend ni Michelle na nakasama niya sa programang Nang Ngumiti ang Langit noong 2019. (REGGEE BONOAN)

BALIK NG PBA MAY HATID NA BUTI

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KUMPIYANSA si House Deputy Speaker at NorthPort owner Michael ‘Mikee’ Romero na ang pagbibigay ng pahintulot para sa pagpapatuloy ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre 11, ang mahusay na libangan na maibibigay ng gobyerno sa publiko ngayong may Covid-19 pa rin.

 

Sa kasalukuyan halos lahat sa panig ng mundo nakikipaglaban aniya sa pandemya mula sa aspetong kaisipan at pinansiyal. Kaya hinihikayat ng kongresista ang Inter-Agency Task Force (IATF) na payagan ang PBA para sa pagpapatuloy ng ika-45 edisyon via NBA-style bubble concept sa Clark, Angeles City, Pampanga.

 

“The resumption of the PBA will help the Pilipinos cope with depression and Covid. I am certain it will provide relief,” sambit ng mambabatas. “We need to relax a bit after months of anguish,” pahayag kamakalawa ng opisyal ng lehislatura.

 

Alam man ang kinalalagyang na mabigat na gawain ng pamahalaan upang mapahupa ang pandemic, tiwala rin si Rep. Romero, lumaro para national polo team sa 2019 SEA Games, sa mga namumuno sa professional hoops league na sinusuportahan din ng may ari ng koponan. (REC)

DOH nagbabala vs study na may ‘immunity’ sa COVID-19 ang dengue infection

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang publiko matapos lumabas ang ulat ukol sa posibleng immunity o proteksyon mula sa COVID- 19 ang pagkakaroon ng impeksyon sa dengue.

 

“These studies that they issue, itong mga articles, they would have disclaimers na hindi pa ‘to peer reviewed, hindi pa ‘to dumadaan sa rigorous process of research. So kailangan tayo ay maging careful when we try to interpret and get this kind of data,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

 

Sa ginawa kasing pag-aaral ng ilang doktor at researchers sa Brazil at Amerika, lumabas na kahit halos lahat ng lugar sa Brazil ay may transmission ng coronavirus, kapansin-pansin ang mabagal na pagkalat nito sa mga lugar na nakapagtala ng dengue outbreak bago at kasabay ng pagputok ng pandemya.

 

May ilang pasyente rin daw na dating tinamaan ng dengue ang nag-negatibo sa rapid test.

 

“This was confirmed by the identification of significant negative correlations between COVID-19’s incidence, infection growth rate, and mortality to the percentage of people with anti- body (IgM) levels for dengue fever in each of the country’s states… Thus, states in which a large fraction of the population had contracted dengue fever in 2019-2020 reported lower COVID-19 cases and deaths, and took longer to reach exponential community transmission, due to slower SARS-CoV-2 infection growth rates,” nakasaad sa study.

 

Ikatlo ang Brazil sa listahan ng may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo ngayon, ‘yan ay batay sa case tracker ng John Hopkins University and Medicine sa Estados Unidos.

 

Bukod sa Brazil, nakita rin daw ang parehong resulta sa mga parehong pag-aaral sa iba pang bansa sa Latin America, Asia, Pacific at Indian Ocean. Hindi kasali ang Pilipinas sa mga pinag-aralang bansa.

 

Pero kung pareho pa rin daw ang resulta ng pag-aaral sa iba pang lugar na nagka-dengue outbreak, posible raw na may immunity sa COVID-19 ang mga dati nang tinamaan ng dengue o yung mga nakabakunahan ng dengue vaccine.

 

“This striking finding raises the intriguing possibility of an immunological cross-reactivity between DENV serotypes and SARS-CoV-2. If proven correct, this hypothesis could mean that dengue infection or immunization with an efficacious and safe dengue vaccine could produce some level of immunological protection for SARS-CoV-2, before a vaccine for SARS-CoV- 2 becomes available.”

 

Inirekomenda ng mga researchers na pag-aralan pa ang posibleng relasyon ng dengue infection sa COVID-19. Hindi pa kasi dumadaan sa peer review o pagsusuri ng iba pang eksperto ang naturang pag-aaral kaya hindi pa masasabing matibay ang ebidensya nito.

 

Batay sa datos ng DOH, bumaba sa halos 60,000 ang to- tal ng dengue cases sa bansa as of August 15, mula sa higit 430,000 na kabuuan noong 2019.

 

Paliwanag ni DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire, delikado ang agarang pagtalon sa konklusyon lalo na’t wala pa namang matibay na ebidensya. Tiniyak din niyang pag-aaralan ito ng kanilang hanay.

 

“Dito sa study, pinagkumpara lang nila yung association yung incedence or pagkakaroon ng dengue between the areas with cases of dengue and COVID-19 virus in 2019 and 2020. Bukod sa pagkukumpara na ‘yon wala na silang ibang ginawang pag- aaral pa.”

 

“It is dangerous for us to have this kind of conclusions, considering na ito pa lang ang napag- aralan… it is too early for us because there is still no sufficient evidence to say that itong association na ito is valid.”

Iloilo City inilagay sa MECQ simula Sept. 25 hanggang Oct. 9 – IATF

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Malacañang ang paglagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod ng Iloilo.

 

Sinabi ni Presidential spokesper- son Harry Roque na magsisimula sa Setyembre 25 o nitong araw ng Biyernes hanggang Oktubre 9 ang MECQ.

 

Nauna nang ikinokonsidera ni Iloilo City Mayor Jerry Trenas ang pagsasailalim sa modified general community quarantine ang lungsod.

 

Ito ay dahil umano sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.

 

Umabot na kasi sa 32 kaso ng COVID0-19 sa nasabing lungsod.

 

This is to inform that Iloilo City has been placed under Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) effective September 25, 2020 until October 9, 2020,” ani Sec. Roque sa statement. “We likewise notify the public that facility-based isolation shall be required for confirmed asymptomatic and mild COVID-19 cases, except where, as confirmed by the local health officer, the patient is considered vulnerable or having comorbidities and that his/her home meets the conditions specified in the Department of Health and the Department of the Interior and Local Government Joint Administrative Order 2020- 0001.” (Ara Romero)

PH ADULT-ANIMATED FILM ‘HAYOP KA! THE NIMFA DIMAANO STORY’ PREMIERES OCTOBER 29 ON NETFLIX

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NETFLIX released the first look for Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. The adultanimation film from the Philippines star- ring Angelica Panganiban, Sam Milby, and Robin Padilla is set to premiere on October 29, 2020 at 12:01 am.

 

Directed by Avid Liongoren, written by Manny Angeles and Paulle Olivenza, Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story is the first animated Netflix Film from the Philippines. Available across Asia in Taglish, and English as ‘You Animal!’, this adult animation comedy is a refreshing look at societal expectations, personal aspirations and the classic love triangle.

 

 

About Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story:

 

Nimfa Dimaano (Angelica Panganiban), the pretty pussycat is a perfume sales kitty at a department store. Her boyfriend, Roger (Robin Padilla), the macho mongrel is a janitor. Nimfa meets Iñigo Villanueva (Sam Milby) the bourgeoisie business dog and their chemistry ignites. Will Nimfa and Roger’s love for DVDs and cheap street food keep them together or will Iñigo’s high society charms tear them apart?

 

Additional voice cast include Empoy Marquez, Piolo Pascual, Arci Muñoz, Eugene Domingo, Yeng Constantino, Moira dela Torre and Bb Joyce Bernal.

 

Animated and produced by Rocketsheep Studio and Spring Films – Erickson Raymundo, Piolo Pascual, Bb Joyce Bernal, E Del Mundo, Avid Liongoren and Manny Angeles.

 

“Hayop ako, hayop ka, hayop tayong lahat! Pinaghirapan po namin ang pelikulang ito at kakaibang hayop ang mapapanood niyo dito! Panuurin ang Hayop Ka!

 

“My team and I took over 3-years of serious hard work to create this light and comical film. While our main goal is to elicit a few laughs, our advocacy is to encourage local animation production. In the global animation industry, the Philippines is a go-to nation for outsourcing animation services. We are home to thousands of talented animators but sadly, we are not known for ideating and producing our own work. There have been less than 10 animated feature films in the entire 100- year history of Philippine cinema, and we want to continue adding to that, while also hoping that little by little, someday Filipino animators can be known as not just service providers, but creators as well. We hope you enjoy Hayop Ka! on Netflix,” said Avid Liongoren.

 

“I find it interesting to see animals dealing with adult human conflict in funny natural situations, the characters are real in their predicament and emotions, and each character has a unique Filipino trait that we can share to the audience,” said Piolo Pascual. (ROHN ROMULO)

Reklamo vs Sen. Pimentel dahil sa paglabag sa quarantine protocols, submitted for reso na – DoJ

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INATASAN ngayon ng deputy state prosecutor ng Department of Justice (DoJ) na humahawak sa reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil umano sa paglabag nito sa quarantine protocols ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) na bilisan ang paglalabas ng resolusyon sa reklamo.

 

Kasunod na rin ito nang pagkumirma ni DoJ Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon na submitted for resolution na ang reklamo. Ang reklamo ay inihain sa DoJ ng dating Makati School of Law Dean Rico Quicho matapos itong pumasok sa Makati Medical Cen- ter para samahan ang kanyang asawa kahit nakakaranas ito ng mga sintomas ng covid at kinalaunan ay nagpositibo sa naturang sakit. Nitong Setyembre nang buksan muli ang preliminary investigation sa reklamo matapos matanggap ng DoJ ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ni National Bureau of Investigation (NBI) at makapagbigay ng karagdagang mga dokumento sa nasabing kontrobersiya. Abil 5, 2020 nang nagsampa ng reklamo sa DoJ si Quicho dahil umano sa paglabag ni Pimentel sa RA11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at iba pang patakaran ng Department of Health (DoH).

Carwash boy kulong sa pagnanakaw ng bisikleta

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TIMBOG ang isang carwash boy matapos habulin ng isang service crew na nakasaksi ng kanyang pagnakaw ng bisikleta sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang suspek na si Jumarie Linog, 18 ng Tanigue corner Labahita St. Brgy. 14, Caloocan city.

 

Sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PCpl Renz Marlon Baniqued, alas-8 ng gabi nang tangayin ng suspek ang mountain bike ng negosyanteng si Jerameel Principe, 30 ng New Jasmin St. Brgy. Longos sa harap ng Toki Milk Tea sa C-4 Road, Brgy. Longos.

 

Nasaksihan ng service crew ng Toki Milk Tea na si Arnold Anecito, 18 ang ginawa ng suspek kaya’t hinabol niya ito hanggang sa makorner si Linog sa harap ng Fisher Mall sa tulong ng mga nagmalasakit na riders at security guard ng mall.

 

Dinakip ng rumespondeng mga tauhan ng SRU-NPD ang suspek kung saan nabawi ang mountine bike ng biktima at isa pang Japanese bike na itinuro ni Linog kung saan niya itinago. (Richard Mesa)

Travis, iba pa bilib kay Simon

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SALUDO si Romeo Travis kay Peter June Simon kaya nang mabalitaang magre-retiro na ang dati niyang kakampi sa Magnolia Chicken ng Philippine Basketball Association (PBA) ginamit niya ang social media.

 

“Legend,” tweet ng dating Pambansang Manok reinforcement, at tropa ni LeBron James noon sa St. Vincent-St. Mary High School sa Akron, Ohio, USA nitong Huwebes

 

Binalikat ni Travis ang Hotshots sa kampeonato ng 2018 Governors Cup laban sa Alaska Milk at may bansag siya kay Simon.

 

“My teammate in the Philippines nickname was ‘The Scoring Apostle,’” aniya, patumbok sa Peter ang una sa dalawang given name, Simon ang apelyido.

 

Last conference na na dapat ni Simon, 40, ang 45 th PBA Philippine Cup na natigil noong Marso dahil sa coronavirus disease 2019. Pero itutuloy ang torneo sa Clark, Angeles, Pampanga sa Oktubre 11 na hindi na sinamahan Simon sa itinayong NBA-style bubble roon.

 

Ipinuros ng mga magmamanok ng ang planong retirement ceremony ng jersey No. 8 ni Simon na dapat ay noong Mayo. Ginugol ng basketbolista ang 16 na taong paglalaro sa prangkisa ng Purefoods.

 

Iba-iba pa ang mga natanggap na pabaon ng cager

 

“Salamat tol @pjs08 sa binigay mo na saya sa team at sa PBA! Salamat sa mga kwentuhan, champion, kulitan at samahan natin. Saludo ako sayo, mabait na kaibigan at mapagmahal sa family at sa fans,” tweet ni Jean Marc Pingris.

 

Kasama ni Simon sina Pingris at James Carlos Yap, Sr. sa pitong kampeonato ng prangkisa tampok ang grand slam noong 2014.

 

“One of my best teammates. Love you brotha,” pahabol ni Barangay Ginebra San Miguel veteran Joe Devance, na miyembro rin ng grand slam team.

 

“One of my favorite people in the PBA. Congratulations on a great career,” eksena ni Alaska Milk coach Jeffrey Cariaso.

 

Hanggang sa muli, PJ Simon! (REC)

Ads September 26, 2020

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

P9M talent fee ni Yorme Isko, ibinili ng tablets ng UDM students

Posted on: September 26th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINAMBILI ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng tablets para sa mga estudyante ng Unibersidad de Manila (UDM) ang aabot sa may P9 milyon talent fee buhat sa pagmo-modelo.

 

Ayon sa alkalde , ibinigay nila ni Vice Mayor Honey Lacuna ang mga tablet bilang donasyon kay Malou Tiquia, president ng UDM, kasabay ng panawagan sa mga mag-aaral na gamitin ito ng husto at tama.

 

Sinabi ni Moreno na maging siya ay produkto rin ng kahirapan at public school kaya batid niya ang hirap ng isang mahirap na estudyante na hindi alam kung makakakain siya ng tatlong beses isang araw.

 

Nauna nang bumili ng may P200 milyon mga tablet at laptop ang lokal na pamahalaan ng Maynila para ipamigay sa elementarya at high school at mga guro bilang paghahanda sa blended learning ngayon nalalapit na pasukan sa Oktubre 5. (Gene Adsuara)