Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
DAHIL nakatengga pa ang mga aksyon sa hard court sanhi pandemiya, nagpapaka-busy naman sa iba’t ibang gawain si Philippine SuperLiga (PSL) star Maika Angela Ortiz.
Nagbibisikleta, nag-ha-hike na rin sa bundok ang 29 na taon, may taas na 5-10 na Chery Tiggo Crossovers middle blocker at many time national volleybelle nito lang isang linggo.
“Time out muna sa bike and let’s hike! Making myself busy dahil wala pa ring volleyball kasi dun halos umikot ang mundo ko,” litany ng beteranang balibolista sa kanyang Instagram account.
“Sana bumalik na sa normal lahat baka swimming naman isusunod ko, magta-triathlon pa ako char! Nakakapagod din pala libangin ang sarili kaya please po.” (REC)
2020 may be a hard year, but Myrtle Sarrosa and Sisters Sanitary Napkins and Pantyliners are even tougher, as they continue to forge their bond stronger, with the actress signing up for the third time as the brand’s celebrity ambassador.
Myrtle was still a college student when she was first chosen by Megasoft Hygienic Products Inc., to represent their products for young females in 2016. Four years after and having graduated with honors from the University of the Philippines, Myrtle continues to represent the brand and is signing her third contract with Megasoft this 2020.
“Myrtle continues to exemplify the image of a smart and empowered woman. She strives to be the best in her field and at the same time is a good role model to females everywhere. We are proud to sign Myrtle once again,” shared Miss Aileen Choi Go, Vice President for Sales and Marketing, on the reason why Megasoft is renewing with the actress for the third time.
Meanwhile despite the pandemic, Myrtle and Megasoft persistently work hand-in- hand in spreading the word on good hygiene to the youth through their online platforms on Lazada and Shopee.
Before the community quarantine was put into place by the government, Megasoft was also able to do school tours. The last one, its 86th leg, was held at the Aranguren Integrated School in Capas, Tarlac.
Despite facing challenges at the beginning of the year because of the economic effects of the pandemic, Megasoft is striving hard to remain on top of its field as it celebrates its 20th anniversary this October.
With Myrtle, and its other endorsers Ryle Santiago and Young JV, Megasoft will be steady in its promise of giving quality hygiene essentials to the Filipino, in more years to come.
MAGPAPATULOY pa rin ang Tokyo Olympics sa 2021 kahit wala pang bakuna laban sa coronavirus.
Ayon kay International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach na walang magiging problema sa pagsagawa ng torneo kahit na wala pang bakuna.
Inihalimbawa nito ang pagbabaik na ng Tour de France kung saan naging matagumpay ito ngayong taon. Tiniyak nito na magpapatupad pa rin sila ng mahigpit ng health protocols sa nasabing mga events.
Magugunitang inilipat sa July 23, 2021 ang nasabing Olympics dahil sa pananalasa ng COVID-19 sa buong mundo.
RERESPETUHIN ng AFP at PNP ang desisyon ng US sakaling itigil na ng Amerika ang kanilang security assistance sa Pilipinas.
Ayon kay AFP Spokesperson MGen Edgard Arevalo wala naman silang magagawa kung hindi na magbibigay tulong ang Amerika.
Wala namang problema sa AFP kung may panukala ang US congress na itigil ang security assistance ng Amerika sa Pilipinas.
Pero umalma si Arevalo sa paratang na lumalabag sila sa karapatang pantao.
Giit ni Arevalo dapat patunayan muna ng United States House of Representatives ang kanilang alegasyon laban sa PNP at AFP.
Ipinagmamalaki ng AFP na wala silang record sa human rights violations, patuloy na sumusunod sa bill of rights ang mga sundalo.
Sinabi ni Arevalo hindi patas para sa kanila ang mga pahayag ng US house of representatives.
Batay sa report 24 members ng US congress ang pumabor na isuspendi ang security assitance sa Pilipinas dahil umano sa mga paglabag kasama na dito ang human rights violation ng AFP.
Sa ngayon, dahil sa pandemic wala munang joint military ex- ercises na isinagawa sa pagitan ng Pilipinas at Amerika subalit patuloy ang koordinasyon ng dalawang military forces.
Samantala, nagpapasalamat naman ang Philippine National Police sa tulong na ibinigay ng kanilang US counterpart.
Naniniwala ang PNP na malaki ang naging ambag ng pagsasabatas ng Anti-Terrorist Law para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa Pilipinas.
Ayon kay PNP Spokesman Col. Ysmael Yu, bagama’t nais nilang dumistansya sa usaping balak itigil ng US ang security assistance sa PNP at AFP.
Sinabi ni Yu na ang mga natatanggap nilang tulong ay malugod naman nilang tinatanggap bilang bahagi ng pakikipag-isa ng mga bansa.
Dagdag pa ni Yu na hindi pa rin nahuhuli ang bansa dahil maraming pagkakataon nang nalalagay sa takot at pag-aalala ang buhay ng mga Pilipino. (Daris Jose)
NAKAPASOK sina Dottie Ardina at Bianca Pagdanganan ng Pilipinas sa susunod na major event ng United States 71 st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 na $3.4M KPMG Women’s PGA Championship sa Oktubre 8-11 sa sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania.
Pases nila ang kasalukyang katayuan sa LPGA money lists na rito’y nasa ika-90 si veteran Canlubang pro Ardina na may $50,272 sa pitong torneo na ngayong taon, samantalang ang si Quezon City rookie Pagdanganan ay may $18,944 sa apat na kompetisyon na lahat ay napasahan niya ang cutoff.
Pang-apat na world majors na ito ni Ardina, 26, makalipas sa 44 th British Open 2020 sa Scotland noong Agosto na naglagak sa kanya sa ika-64 na puwesto, 74 th US Women’s Open 2019 na tinapos niyang 62 nd ang kalagayan, at sa 65 th US Women’s PGA Championship 2019 kung saan hindi siya na-cut.
Buwenamanong major pa lang ito sa batang karera ng 22-taon na si Pagdanganan na ang best finish ay sa una niyang kompetion na LPGA Drive On Championship kung saan28 th place siya. (REC)
INAMIN ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera sa interview sa kanya ng 24 Oras, na takot pa rin siyang lumabas ng bahay dahil sa pandemya, kaya work from home na lamang muna siya.
Kaya thankful si Marian sa GMA Network na pinayagan siyang sa bahay lamang nila siya mag-shoot ng mga spiels niya para sa mga coming fresh episodes ng OFW documentary which she hosts, ang Tadhana.
Nagpasalamat din si Marian dahil pinayagan ang husband na si Dingdong Dantes ang mag-direk sa kanya, na masaya rin na muling makatrabaho ang wifey niya.
“Takot talaga akong lumabas ng bahay kaya lahat ng mga work ko na dapat sa labas, doon ko lamang lahat ginagawa sa bahay. Natatakot akong kapag lumabas ako, pagbalik ko sa bahay may dala na akong virus at kaawa-awa naman ang mga anak ko.”
Kaya kahit ang @floravidabymarian latest collection of new products ni Marian ay makikita sa kanyang website na ipadi-deliver niya ang orders, kahit outside Metro Manila!
At sino ba ang ‘delivery boy’ ni Marian? Sino pa kundi si Dingdong na very proud namang mag-deliver ng orders sa @floravidabymarian.
*****
ISA na si Kapuso Sweetheart Rhian Ramos na balik-trabaho na siya after six months siyang walang ginagawa dahil sa umiiral na pandemya.
At lalo siyang natuwa dahil hindi lamang isa, dalawang serye ang magkasunod niyang gagawin.
Nauna siyang nag-taping ng last episode ng new drama anthology ng GMA Network, ang I Can See You. Makakasama ni Rhian sa weekly episode na “Truly. Madly. Deadly.” ang real life Kapuso couple na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.
“Ang nakakatuwa sa kwento namin, lahat kaming tatlo, gray ang mga characters hindi sila perfect, hindi rin sila masama, parang biktima lamang kami ng circumstances,” sabi ni Rhian.
“First time kong gumanap sa ganitong role kaya enjoy ako for the opportunity na ibinigay nila sa akin ang character ko.”
Mapapanood na sa October 19, ang I Can See You: Truly. Madly. Deadly. sa GMA Telebabad. At next month, sa October din, magsisimula na rin ang lock-in taping nina Rhian, Carla Abellana, Mikael Daez at Ms. Coney Reyes ng fresh episodes na ng drama series na Love of My Life, na isa sa mga GMA Telebabad na naapektuhan ng Covid-19 pandemic.
Kaya excited na rin ang mga netizens na matagal nang naghihintay sa pagbabalik ng serye.
*****
NGAYONG gabi na mapapanood na ang first episode ng bagong drama anthology ng GMA Network na I Can See You.
Ang “Love On The Balcony” na love story ng isang wedding video photographer, si Inigo, Alden Richards na mai-in love sa isang frontliner, ang nurse na si Lea (Jasmine Curtis-Smith) na nag-aalaga sa kanyang ina (Shyr Valdez). Best friend ni Alden sa story si Pancho Magno at si Denise Barbacena naman ang best friend ni Jasmine.
Ang weeklong episode ay mapapanood na mamayang gabi at 9:15PM pagkatapos ng Encantadia.
Sa susunod na three weeks mapapanood ang tatlo pang episodes ng I Can See You. (NORA V. CALDERON)
FROM the producers of The Haunting of Hill House comes a new ghost story.
From The Haunting of Hill House creator Mike Flanagan and producer Trevor Macy comes The Haunting of Bly Manor, the next highly anticipated chapter of The Haunting anthology series, set in 1980s England.
Victoria Pedretti returns in The Haunting of Bly Manor along with several The Haunting of Hill House cast members.
After an au pair’s tragic death, the Henry Wingrave (Henry Thomas) hires a young American nanny (Victoria Pedretti) to care for his orphaned niece and nephew.
The young siblings Miles and Flora Wingrave reside at Bly Manor with the estate’s chef Owen, groundskeeper Jamie, and housekeeper, Mrs. Grose. All is not as it seems at the manor. Centuries of dark secrets of love and loss are waiting to be unearthed in this chilling gothic romance.
At Bly Manor, dead doesn’t mean gone.
Watch the trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=tykS7QfTWMQ&ab_channel=Netflix
Producing partners Flanagan and Macy drew from the iconic supernatural stories of Henry James, to create the ensemble drama which also stars Oliver Jackson-Cohen, Kate Siegel, and Tahirah Sharif. The series is executive produced by Flanagan and Macy for Intrepid Pictures, along with Darryl Frank and Justin Falvey for Amblin Television.
The Haunting of Bly Manor arrives October 9th on Netflix. (ROHN ROMULO)
PINALAWAK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang tulong pangkabuhayan sa mga tricycle drivers at operators matapos lumagda ito sa isang Memorandum of Agreement (MOA), kasama ang Food Panda Philippines Incorporated (FPPI).
Sa pamamagitan ng pasabay system na itinatag sa lungsod upang mabuksan ang mga oportunidad ng pangkabuhayan para sa mga Tricycle Operator at Drivers ‘Associations (TODAs), ang bagong pakikipagsosyo ay magbibigay ng karagdagang paraan para sa mga tricycle driver na ma-maximize ang online food delivery services upang matulungan ang mga units ng pamahalaang lokal sa panahon ng COVID-19 pandemya.
Isa ang Foodpanda sa pinakatanyag na online food delivery apps sa Pilipinas na nagpasimula ng pandaTODA bilang isang Corporate Social Advocacy (CSA) para suportahan ang mga lokal na komunidad sa pagtiyak na ang mga kasosyo sa restaurants ay mas magagamit at naa-access, habang nagbibigay din ng alternatibong paraan ng pamumuhay sa mga tricycle drivers na apektado ng community quarantine sa pampublikong transportasyon.
Ang operasyon ng mga tricycle sa lungsod ay nabawasan kasunod ng itinakdang mini- mum health standards ng Inter- Agency Task Force para sa Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ang mga tricycle driver na hindi pinapayagan pumasada ay maaaring mag-operate bilang isang pandaTODA rider.
Ang mga kwalipikadong driver na sinala at tinukoy ng Public Employment Service Office – Local Economic Investment Promotions Office (PESO- LEIPO) at Public Order and Safety Group (POSG) ng lungsod ay sasailalim sa oryentasyon. 150 na mga drayber beneficiary ang sasanayin na maging opisyal na rider ng pandaTODA.
“This is an instruction of the new normal since it is not advisable anymore that we go to restaurants but rather to avail of the services of the restaurant. We bring it [food] to them [people]. We know that foodpanda’s partnership with different restaurants is of a large scale, this is a proof that we can help our Micro, Small and Medium Enterprises here in Valenzuela.” Ani Mayor Rex Gatchalian.
“Magiging bahagi sila [TODAs] ng delivery system, so again sa mga TODA natin dagdag ito sa hanapbuhay ng mga driver natin. So at least parami nang parami ‘yung partner natin, parami ng parami yung pwedeng pagkaabalahan ng ating mga driver sa kanilang downtime (The TODAs will be part of the delivery system, so again this is an additional livelihood for our drivers. At least we have more partners now and the drivers have more options to earn a living during their down- time),” dagdag ni Mayor REX. (Richard Mesa)
IBINUNYAG ng Department of Agriculture (DA) na nakapagtala pa sila ng outbreak ng African swine fever (ASF) sa anim na karagdagang probinsya sa buong bansa.
Ayon kay DA Sec. William Dar, may na-monitor silang mga ASF outbreaks sa mga lalawigan ng Albay, Laguna, Quirino, Batangas, Quezon, at Cavite.
“Ang mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasaka ay nandiyan in partnership with the local government units na nag- iimplement ng elevated quarantine measures,” wika ni Dar.
Batay sa pinakahuling datos mula sa kagawaran, umabot na sa mahigit 300,000 mga baboy ang kinatay sa 28 probinsya.
Upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing sakit, nagpatupad ng mahigpit na movement protocol ang gobyerno sa mga pork products at sa mga buhay na baboy.
Para makatulong naman sa mga apektadong hog raisers, sinabi ng kalihim na nagbibigay ng P5,000 kompensasyon ang kagawaran para sa kada baboy na isasailalim sa culling.