• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 2nd, 2020

Ilang mga NBA legends naimbitahan maging audience sa NBA Finals

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINANGUNAHAN nina NBA legend Kareem Abdul-Jabbar at Shaquille O’Neal sa mga sikat na personalidad na magiging virtual audience sa unang laro ng NBA Finals sa pagitan ng Los Angeles Lakers at Miami Heat.

 

Ilan sa mga kasamang magiging audience ay ang mga NBA legends gaya nina Bill Walton, Clyde Drexler, Dirk Nowitzki, Dwayne Wade, Isiah Thomas, James Worthy, Julius Erving, Manu Ginobli, Robert Parish at maraming iba pa.

 

Kasama ring magiging audience ang napili ni Lakers star LeBron James na mga 40 na first time- poll workers para sa kaniyang “More Than A Vote” campaign.

 

Magugunitang walang pinayagang mga live audience sa ipinatupad na NBA bubble format sa Orlando, Florida dahil sa coronavirus pandemic.

DEPED Sec. Briones, suportado ni Pangulong Duterte sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa darating na Lunes, Oktubre 5

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ALL out support si Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay DEPED secretary Leonor Briones sa harap ng naging paninindigan nitong dapat na ituloy ang pagbubukas ng klase sa gitna ng health crisis, sa darating na Oktubre 5.

 

Ang katuwiran ng Pangulo, naiintindihan niya ang hugot ni Briones sa gitna ng pagpupursige nito kahit nuon pa man na hindi dapat matigil sa pag- aaral ang mga estudyante.

 

“ you know, Secretary Briones is one human being na talagang — she can be adamant at times but always insistent that even with this pandemic evolving in front of us, that education should not be put aside or just pushed in one corner,” ayon sa Pangulo.

 

“Para sa kanya, the way I see it, is that you fight your COVID- 19 and I will do my own thing.

 

So we have to, you know, make some adjustments here to address everybody’s concern. Since it is her worry, the education, so let’s give it to her as long as the students are protected,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

Aniya pa, mas maiging ibigay na lang kay Briones ang kanyang concern para sa mga mag- aaral basta’t matiyak lang ang kaligtasan ng mga ito sa gitna ng pandemya.

 

Sa nakikita aniya ng Chief Executive sa Kalihim ay tila nagsasabi itong gagawin nito ang kanyang trabaho at bahala naman ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na gawin ang kanilang mandato.

 

Sa darating na Lunes, Oktubre a- singko ay simula na nang klase sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng panibagong set up na on line learning. (Daris Jose)

Robredo camp sa electoral protest: ‘Matagal nang talo si Marcos; tapusin na natin ito’

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

UMAASA ang kampo ni Vice President Leni Robredo na paninindigan ng Supreme Court, bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), ang desisyon nito sa election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos.

 

Nitong araw nang atasan ng PET ang Commission on Elections (Comelec) at Office of the Solicitor General na maghain ng komento sa mga nakabinbin pang issues ng naturang protesta.

 

“The camp of Vice President Leni Robredo welcomes the latest Presidential Electoral Tribunal (PET) order as this will help fast-track the resolution of the election protest,” ani Atty. Beng Sardillo.

 

“We will comply with the High Tribunal’s order and wait for the comments of the Comelec and the Solicitor General on the pending matters.”

 

Magugunitang 263,473 ang lamang ni Robredo kay Marcos sa pagtatapos ng bilangan ng mga balota noong 2016 elections.

 

Pero nang muling dumaan sa bilangan ang mga balota sa ilalim ng electoral protest, umangat pa sa 278,566 ang lead ng nanalong bise presidente.

 

“We fully believe that the High Tribunal will uphold Vice President Leni Robredo’s victory as seen in the 2016 results and in the recount of ballots.”

 

Binigyang diin ng abogado ni Robredo na sa ilalim ng panuntunan ng electoral tribunals, mandato ang agarang pagbasura sa election protest na bigong makapagpalutang ng recovery.

 

“Dalawang beses nang nanalo sa bilang si VP Leni. Matagal nang tapos ang boksing. Matagal nang talo si Marcos. Tapusin na natin ito.”

 

Noong Pebrero ng 2018 nang magsimula ang PET sa manual recount ng mga balota mula sa napiling pilot provinces nina Robredo at Marcos. (Ara Romero)

Julia, forever grateful sa ‘Star Magic’ at ‘di totoong walang utang na loob

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naging madali para kay Julia Barretto ang iwan ang Star Magic dahil 14 years siyang nanatili roon.

 

Ipinaliwanag naman niya kung bakit ang Viva Artist Agency na ang bago nang magma-manage sa kanyang showbiz career.

 

“Mula nine years old sila na ang naging pamilya ko,” sabi niya.

 

“But you know what I love about by being with Star Magic and being handled by Mr. M (Johnny Manahan) and Ms. Mariole (Alberto), because there was never once that ever stop you by making a decision that you think maybe good for yourself.

 

“They are very supportive, very maalaga. They will instill values na madadala mo hanggang sa pagtanda mo.”

 

At ang dahilan kaya siya umalis ay dahil sa announcement ni Ms. Mariole na hanggang Disyembre 2020 na lang siya dahil nag-retiro na.

 

“Actually, si Tita Mariole kasi nag-announce siya ng retirement niya sa December (2020), a few months back na rin, kami-kami palang ang nakakalam sa Star Magic, so, iyon talaga ang mga oras na you know, I really took sometime to really think and pray.

 

“Nag-pray talaga ako ng matindi para tulungan akong malaman kung ano pa ‘yung posibleng tahakin ko sa karera ko.

 

“But like I’ve said, they were (Ms Mariole at Mr. M) always guiding me, hindi naman months, siguro a few weeks lang na usapan pagpa- plano at saka few weeks din na makapag-isip ako,” kuwento pa niya.

 

Samantala, dapat sana ay kasama si Julia sa seryeng Cara Y Cruz pero tinanggal siya dahil nag-iba na siya ng manager bagay na inamin naman din ng dalaga.

 

“You know what, I think I would to take this chance and opportunity to clear that out kasi may mga nabasa rin akong articles na wala namang katotohanan na sa mga nakasulat doon.

 

“When I made the decision to made the move to Viva, of course sa mga una kong kinausap talaga was sina Mr. M and Ms Mariole, bakit sila dahil sila po ang head ng Star Magic. Bilang head po, sa kanila ako nagpaalam.

 

“Regarding ‘Cara Y Cruz’ naman po, hindi po totoo na hindi na lang ako nagpakita bigla. I was present in all our script readings, I was present for our general assem- bly, I was present for look test, I was present for one-on-one meetings with the director, nakapag-usap na kami ng mga gagawin sa character and I’m being honest, nakapag- empake na rin po talaga ako, ready for the lock in taping.

 

“But last minute rin pong napag- desisyunan ng some of our heads from ABS, last minute nilang dinecide na they would want na Star Magic talent to be taking may role sa ‘Cara Y Cruz’ which was no problem for me me, no hard feelings naman, it was something that I understood and support them with kung that what they want muna for ‘Cara Cruz ‘is an all all Star Magic cast which I have no problem with.

 

“‘Yun lang naman po ang nangyari, pero wala namang nangyari na hindi na lang ako nagpakita o nag back out, that’s not true naman po. I had every intention to push thru with ‘Cara Y Cruz’ as my support to our network,” kuwento ng aktres.

 

Dahil tinanggal na siya ay si Barbie Imperial na ang bida at kapartner naman si Tony Labrusca.

 

At dahil nga sa pag-alis ni Julia sa Kapamilya network at Star Magic ay may tsikang wala siyang utang na loob sa istasyon kung saan siya nakilala at sumikat.

 

Medyo napataas ang boses ng aktres, ‘’close ba sila sa akin? How should they know what I feel? Hindi matatanggal sa akin ang grateful- ness and my gratitude sa Star Magic.

 

“Malaki ang utang na loob ko sa kanila hindi dahil sa nag-change ako ng management ibig sabihin hindi na ako grateful. That’s a misconception. People should also change, ‘di ba?

 

“They will be my family up until hanggang sa huli-huli. At forever akong grateful kina Mr. M and Ms. Mariole because hanggang ngayong araw, hanggang kaninang umaga, nakausap ko sila, si Ms. Mariole and they’re very supportive and they always backed me up kahit anong desisyon ‘yan.

 

‘’They will always be where they think ikabubuti mo, ikabubuti ng karera mo. And naiintindihan nila eh, naiintindihan nila ang naging desisyon ko kasi magiging iba na rin ang magiging pakiramdam sa akin lalo na at wala na sila sa Star Magic.

 

“So siyempre for me, Star Magic is what it is today because of the two of them. We’re supportive and very understanding of me trying to make a decision for myself especially na they are both moving forward na also.”

 

Nabanggit din ng aktres na suportado ng Star Magic ang bagong career path nito sa bago nitong man- agement company.

 

“They give me beautiful stories to tell, they made me work with a lot of people that they also look up to. I’m just grateful. And ang dami kong friends na naging family ko na rin sa ABS, staff, productions, my Star Magic family, my road managers, my handlers, talagang lahat naging pamilya ko na.

 

“And lahat naman hanggang ngayon nakakausap ko pa, nakakakumustahan. Solid ang relationship ng ABS, so I’m just so proud with my journey with them,” pagtatapos pa ni Julia. (REGGEE BONOAN)

Cashless transactions na ang EDSA busway system

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

IPINATUPAD ng pamahalaan ang cashless transactions sa pamamagitan ng pag-gamit ng beep cards sa mga buses na dumadaan sa EDSA busway system simula ngayon linggo.

 

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na “no beef card, no ride” policy ang ipatutupad. Ayon kay assistant secretary Steve Pastor na ang nasabing aksyon ay upang magsilbing karagdagang safety measure nang maiwasan ang pagkalat ng viruses lalo na sa paghawak ng cash.

 

“We want to make sure that commuters along EDSA will have a safer and comfortable travel while at the same time providing them a more seam- less and efficient system of public transport,” ayon kay Pastor.

 

Dagdag pa ni Pastor na ang measure na ito ay makakatulong din sa iba pa na safety at health protocols na ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa mga public utility vehicles (PUVs) tulad ng pagsusuot ng face masks at shields at social distancing.

 

Hinihikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuters na bumili at mag load ng kanilang beef cards in advance upang maiwasan ang inconveniences pag ipatupad na ang fare collection system.

 

“As we are removing other potential health risks, we also want to limit the time spent in lines that come with having to do cash payments. We are envisioning that more public transport vehicles adopt digital transaction means either through QR codes, online payments or tying up with cashless payment providers such as beep,” wika ni LTFRB chairman Martin Delgra.

 

Ang mga pasahero ay puwedeng mag load ng kanilang beef card sa mga LRT at MRT stations, Family Mart at Ministop branches, Bayad Center at kanilang affiliates, ganon din sa over-the-air loading partners tulad ng BPI, Eon by Unionbank, Akulaku at Justpayto.

 

Ang beep card ay siyang lamang interoperable stored value card na puwedeng gamiting sa LRT1, LRT2, at MRT 3 at ganon din sa point-to- point buses, EDSA buses at modern jeepneys.

 

Magagamit din ito sa tollways at retail partners. Ito ay reloadable at valid for four years.

 

Ang EDSA busway system, ay inilungsad noong July 1 na isang joint project ng DOTr, LTFRB at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

Ang EDSA busway system ay ginawa upang matulungan ang mga commuters mula Monumento sa Caloocan papuntang Paranaque Integrated Terminal Exchange na magkaron ng mas maikling travel time sa pamamagitan ng dedicated median bus lane. (LASACMAR)

8 MOST AWAITED SHOWS AND FILMS THIS OCTOBER ON NETFLIX

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

READY for your monthly run- down of all things Netflix?

 

If you’re the kind who need to plot your binge-watching schedules for the month, worry not, because we’re giving you a rundown of the most awaited shows and films launching on Netflix this October.

 

Barangay 143 (October 1)

Barangay 143 is a Filipino-Japanese anime TV series about a basketball star who finds a home in a team of misfits as he searches for his real father in Manila. Its voice cast includes Migo Adecer, Julie Anne San Jose, Ruru Madrid, Kelley Day, John Arcilla, Edu Manzano, and Cherie Gil.

 

 

Emily in Paris (October 2)

From Sex and the City creator Darren Star comes Emily in Paris. It follows Emily, an American who moves to Paris after landing her dream job at a luxurious marketing firm. There, she tries to adapt to her new home and work- place while trying to meet new friends and romance prospects. The show stars Lily Collins, Philippine Leroy Beaulieu, Ashley Park, Lucas Bravo, and more.

 

The Haunting of Bly Manor (October 9)

The Haunting of Bly Manor is the highly-anticipate chapter of The Haunting anthology series. It centers on Henry Wingrave, who hires a young American nanny to care for his orphaned niece and nephew at the Bly Manor. Dead doesn’t mean gone at the manor as centuries of dark secrets are still waiting to be unearthed. The series stars Henry Thomas, Victoria Pedretti, Amelie Bea Smith, Benjamin Evan Ainsworth, Amelia Eve, and T’Nia Miller.

 

BLACKPINK: Light Up the Sky (October 14)

BLACKPINK: Light Up the Sky is Netflix’s first original K- pop documentary, and puts the spotlight on the South Korean group, their beginnings, and their rise to fame. It’s set to feature interviews and never-before-seen footages of members Jennie, Rosé, Jisoo, and Lisa, as well as glimpses on the making of the group’s follow-up album.

 

Over the Moon (October 23)

An animated musical film from director Glen Keane, Over the Moon centers on a smart young girl named Fei Fei who builds a rocket ship to the moon to prove that the Moon Goddess Chang’e exists. As she does so, she ends up discovering a land of whimsical creatures while going on an unexpected quest. The voice cast of the film includes Cathy Ang, Philippa Soo, Ken Jeong, Ruthie Ann Miles, Sandra Oh, and more.

 

The Queen’s Gambit (October 23)

A limited series based on the novel by Walter Tevis, The Queen’s Gambit is a coming-of-age story centering on an orphan named Beth Harmon who realizes that she has a talent for chess while getting addicted to the tranquilizers given to her. With her own demons and her addition to narcotics, she becomes a skilled and glamorous out- cast in the male-dominated world of competitive chess. It stars Anya Taylor-Joy, Marielle Heller, Tho- mas Brodie-Sangster, Moses Ingram, and more.

 

Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story (October 29)

Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story is a Filipino ani- mated flick following Nimfa, a pretty cat selling perfume at a department store and whose boy- friend is a janitor askal named Roger. When she meets the bour- geoisie business dog Inigo, their chemistry ignites and she finds herself torn between the two men. Angelica Panganiban, Robin Padilla, Sam Milby, Piolo Pascual, and more lend their voices for this adult animate film from director Avid Liongoren.

 

Start-Up (Coming Soon)

Bae Suzy star alongside Nam Joo Hyuk in the upcoming Netflix K- drama Start-Up. The drama centers on young entrepreneurs who all aspire to make their virtual dreams into a reality as they compete for success and love in the world of Korea’s high- tech industry. The drama comes from the director who gave us Hotel Del Luna and While You Were Sleeping. (ROHN ROMULO)

Alas may alam din sa bantahan ng laro

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG bukas na aklat din para kay Francisco Luis (Louie) Alas ang bentahan ng laro o game fixing sa Philippine basketball.

 

Naging coach siya national men’s basketball team sa ilang international competition gaya ng Southeast Asian Games o SEA Games at South East Asian Basketball Association o SEABA Championship for Men, sa Philippine Basketball Association o PBA noong 2001-01 sa Mobiline/Talk ‘N Text Phone Pals at Phoenix Super LPG Fuel Masters noong 20017-2020;

 

National Collegiate Athletic Association o NCAA) champion tactician para sa Letran Knights at sa nabuwag nang Metrpolitan Basketball Association (MBA) para sa Manila Metrostars.

 

Inayunan ng magsi-57-anyos sa Oktubre 10 at tubong Quezon City ang naunang pahayag sa OD ni dating PBA player at naging bench tactician sa Maharlika Pilipinas Basketball o MPBL sa Valenzuela at NCAA sa Emilio Aguinaldo Generals na si Gerald ‘Gerry’ Esplana.

 

Ayon kay Alas, matagal na aniyang nauulinigan at nababalitaan niya ang iba’t-ibang klase ng bentahan ng mga laro, kasama ang point shaving noon pa mang nagsisimula pa lang siyang mag-coach hanggang sa kasalukuyan.

 

Ang problema nga langa aniya, wala lang napapatunayan, wala ring mga nahuhuli at mga napaparusahan.

 

“Actually marami na akong naririnig about it,” bulalas ni Alas kamakailan. “Very sad pero ‘di ba Sen. Manny (Emmanuel Pacquiao) sent the NBI (National Bureau of Investigation) to look for it, I guess mag-iingat na mga ‘yan and sana lahat ng team owners, coaches maging vigilant. Every may nakikita or naririnig na ganyan, I mean head on, address it right away.”

 

Hinirit niyang masusgpo ito ng mga awtoridad at ng mga koponan kung magtutulungan lang ang lahat.

 

Kinasuhan na noong Nobyembre ni MPBL founder at chairman Pacquiao ang 21 katao, kabilang ang 11 player ng SOCCKSARGEN team na pinatalo lahat ang mga laro sa 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20. (REC)

Gobyerno, handang magbenta ng iba pang ari-arian sa Japan

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING magbenta ng iba pang ari-arian ang pamahalaan maliban real estate assets sa Japan kung kakailanganin ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang maraming pondo para sa mga pangunahing programa nito.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang dapat na ikabahala ang publiko dahil tinitiyak naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na may sapat na pondo ang state health insurer para sa implementasyon ng universal health care program.

 

“Dahil nga po sa Universal Healthcare Law, kung kulang po iyan ay tutustusan po galing sa kaban ng taumbayan. Kaya nga po, kung kinakailangan, ibibenta iyong mga properties na iyan. At hindi lang naman po Roppongi, marami pa tayong mga ibang properties na pupuwedeng ibenta,” ayon kay Sec. Roque.

 

“So in other words, sinasabi lang ni Presidente, ‘Sagot ko ang inyong kalusugan,’ dahil iyan ang batas na sinertify [certified] niyang urgent noong iyan po ay tinatalakay sa Kongreso, paninindigan po niya iyong obligasyon ng estado na pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino. If it means having to sell assets, why not,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Inamin ni Sec. Roque na walang paraan para masabi kung hanggang kailan tatagal ang pondo ng PhilHealth dahil sa malawakang korapsyon sa tanggalan lalo pa’t wala namang nagsasabi ng totoo sa PhilHealth.

 

Nitong Lunes, sa public address ni Pangulong Duterte ay inamin nito na kaya nagbebenta na ng mga ari-arian ang PhilHealth, tulad ng property sa Japan, dahil kailangang makalikom ng pondo ang ahensiya.

 

Isa umano ito sa mga dahilan kaya kailangan na itong buwagin at palitan ng bago.

 

“Wala nang pambayad ‘yang sa PhilHealth na ‘yan kung… Kaya walang ibang remedy diyan. It must be a surgical move. Talagang… Kung hindi, paalisin ko sans the itong mga civil-civil service, create a new agency out of that — out of the ruins of that old one,” ayon pa kay Pangulong Duterte. (Daris Jose)

Paraan ng ginawang rejection sa resignation ni Speaker Cayetano ng mga kongresista, legal – Sec. Roque

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa Malakanyang, legal at walang mali sa ginawang botohan sa hanay ng mga Kongresista kasunod ng mosyon ni Congressman Mike Defensor na i- reject ang ginawang pagbibitiw ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

 

Bilang isang abogado ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, walang nangyaring paglabag sa rules kaugnay ng nangyari kahapon sa plenaryo na kung saan, ikinasa ang botohan kaugnay sa mosyong hindi dapat tanggapin ang resignation ni Cayetano. Lahat naman aniya ng dinedesisyunan ng Kongreso ay ginagawa sa plenaryo gaya ng nangyari kahapon.

 

Bukod dito ay wala ring bisa aniya ang resignation ni Cayetano matapos na hindi tanggapin ng mayorya ng Kamara.

 

Malinaw aniya na ang pagbibitiw ni Cayetano ay pagtupad sa usapan iyon nga lamang aniya ay hindi tinanggap ng kanyang mga kasamahan.

 

“Oo—tinatanggihan iyong resignation niya ‘no. So, parang ako noong nagtalumpati si Speaker Cayetano eh narinig ko naman talaga na nag-resign siya hindi nga lang tinanggap,” ang pahayag ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Paolo, aminadong nagpapansin nang husto kay Piolo pero ‘no effect’

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ALIW na araw kami kina Martin del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros na nag-effort na mag-Barbie gurl sa guesting nila #2NYTwithAllanD na umeere sa Youtube tuwing 9 pm ng Sabado.

 

Nag-reunion nga ang stars ng Panti Sisters last Saturday sa live streaming ng show ni Allan Diones, na kung saan muling inamin ni Paolo na hanggang ngayon ay si Piolo Pascual pa rin ang kanyang biggest crush sa showbiz.

 

Consistent talaga siya sa pagsasabing number one crush niya si PJ dahil, “eh kasi hindi niya ako pinapansin. Gusto ko kasi ‘yun may challenge.”

 

Inamin din niyang gumawa naman siya ng effort para magpapansin sina Piolo pero no effect talaga.

 

Tsika pa ni Paolo, “dati napapanaginipan ko pa yan, tapos binibigay niya sa akin ang phone number niya sa panaginip ko.

 

“Tapos gigising ako, tinatandaan ko yun number niya.”

 

Choice naman ni Martin si Lovi Poe at si Maja Salvador kay Christian, na pareho nilang wini- wish na makatrabaho.

 

May revealation din si Paolo parang gusto ring mag-artista ng anak 11 years old na anak na si Keira Claire at nag-go see pa raw para maging young Darna, ang problema lang hindi ito magaling mag-Tagalog.

 

Mahilig din itong mag-make up at bonding niya ang manood ang RuPaul’s Drag Race.

 

Dahil sa husay ni Paolo sa pagta- transform bilang sikat na celebrity, natanong siya kung type ba niya mag-host ng reality competion ng RuPaul’s Drag Race kung sakaling magkaroon ng PH edition.

 

“Gusto ko na lang mag- judge,” sagot niya at isama na rin daw sina Martin at Christian para buo ang Panti Sisters.

 

Eh, sino ang magho-host ng show, “si Vice Ganda na ang mag- host,” sagot niya.

 

Aminado rin siya napapagod na ring mag-make up tranformation. Pero inamin niyang meron siyang gagayahin, si Heart Evangelista para isang project, na pinag- papraktisan daw niya nang husto para sa shoot nila ni October.

 

Yung pagiging Barbie Gurl niya sa Bawal Na Game Show kasama ni Wally Bayola na napapanood sa TV5, ay parang generic make-up na lang.

 

Posible rin na muli silang magsama-sama tatlo para sa sequel ng Panti Sisters at plano ng IdeaFirst Co. na si Ivan Andrew Payawal ng Gameboys ang magdirek, kaya mas lalong nakaka-excite.

 

Marami pang nakababaliw na revealations sina Paolo, Martin at Christian, kaya pwede balikan sa Youtube channel ni Allan.

 

*****

 

HINDI nagpakabog sina Miko Gallardo at Inaki Torres na kilalang Sky at Ace sa Pinoy BL na #MyDay the series na produced ng Oxin Films.

 

Kung pinag-usapan ang kissing scene nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa final episode ng Gameboys, well, tinalbugan at hinigitan pa nina Miko at Inaki, na bigay na bigay sa kanilang paghahalikan dahil sa tindi ng kanilang pagmamahal.

 

Kinagulat nga ng manonood ang Episode 8 na umere last Sat- urday at sa part 4 nito na nilagyan ng R-18 rating, naganap ang sinasabing longest at best kissing scene sa history ng BL series, kaya pinag-uusapan, na kung saan nauwi pa sa bed scene.

 

For sure, aabangan ng BL series fans sa iba’t-ibang panig ng mundo ang episode 9 ngayong may nangyari kina Sky at Ace.

 

Mukhang after ng Gameboys, ang #MyDay na ang bagong pinag-uusapan at sinusubaybayan, lalo na’t papalapit na ang pagtatapos nito sa Episode 12 na posible pang mag-extend.

 

At dahil nga sa success ng Pinoy BL series, maraming paparating at naka-e-excite na bagong tambalan ngayong October, na for sure, magpapagandahan hindi lang sa kanilang story, dahil kung hindi tiyak na malalait nang husto. (ROHN ROMULO)