• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 2nd, 2020

Kauna- unahang mega quarantine facility sa NCR, bubuksan na sa publiko sa Nobyembre –Malakanyang

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG buksan at mag-operate sa darating na Nobyembre ang isang mega quarantine facility na matatagpuan sa Metro Manila.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ito ay ang Solaire / Pagcor mega quarantine facility na ilalaan para sa mga asymptomtatic at mild cases.

 

Tinatayang may 600 bed capacity ayon kay Sec. Roque ang pasilidad habang may tent ding nakalaan para matuluyan ng mga health workers. Sinasabing P225 milyong piso ang ginugol sa pagpapatayo nito ayon sa pamunuan ng Solaire na sa ngayon ay nasa 180 beds na ang natatapos.

 

Sa kabilang dako, ang paalala naman ni Sec. Roque ay ”No walk in policy” sa nasabing quarantine facility na bubuksan sa Nobyembre at ang kailangang gawin ay ang makipag ugnayan pa din sa mga LGU.

 

Samantala, pagbibigay diin naman ng pamunuan ng Solaire, ituturing itong pampublikong pasilidad base na din sa naging arrangement nila sa pamahalaan.

HIRIT NI CAYETANO NA MAGBITIW SA PUWESTO, TINANGGIHAN NG MGA KONGRESISTA

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINANGGIHAN ng mga kongresista ang hiling ni Speaker Alan Peter Cayetano na magbitiw bilang lider ng mababang kapulungan ng Kongreso.

 

Sa botohang naganap, 184 kongresista ang nagsabing tutol sila sa pagbibitiw ni Cayetano bilang Speaker ng Kamara, 1 naman ang pumabor at 1 abstention.

 

Sa kanyang privilege speech sinabi ni Cayetano na hindi siya indispensable bilang pinuno ng Kamara kaya magbibitiw na lamang siya sa puwesto.

 

Ginawa ito ni Cayetano isang araw matapos na sabihan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na galangin ang term-sharing agreement nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

 

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cayetano na iginigiit ni Velasco na handa na ito na maupo bilang lider ng Kamara kaya panahon na rin marahil para patunayan niya ito.

 

Pero pagkatapos ng kanyang talumpati, kaagad na tumayo si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at iginiit na hindi niya matatanggap ang resignation ni Cayetano.

 

Matapos na ipahayag ang kanyang suporta, kaagad na nag- mosyon si Defensor na huwag tanggapin ang alok na resignation ni Cayetano, na sinegundahan naman ni Bulacan Rep. Jonathan Sy Alvarado.

 

Idinaan sa viva voce voting ang naturang mosyon pero kalaunan ay ginawang nominal voting sa pag-giit na rin ni Defensor.

 

Base kasi sa Section 13, Rule III ng House Rules, anumang leadership post sa Kamara – kabilang na ang speakership post, ay maikukonsidera lamang bakante sa oras na ang naturang opisyal ay mamatay, magbitiw sa puwesto o hindi na kayang gampanan ang kanyang mandato. (Ara Romero)

Pagmamahalang Jodi at Raymart, maraming masaya at mauwi sana sa kasalan

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

FINALE episode na ngayong gabi ng ng I Can See You: Love on the Balcony pero unang gabi pa lang itong ipinalabas, may mga request na ng part 2.

 

Ang tanong nga lang, magkakaroon pa kaya ng part 2 ang tandem nina Asia’s Multi- media Star Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith?

 

Balita kasi namin, for one month lang pala ang mini-series ng GMA Network’s na I Can See You with its 4 weekly episodes.

 

Nauna na nga ang “Love on the Balcony” nina Alden at Jasmine. Nagsama na ang dalawa dati, pero si Maine Mendoza ang talagang kapareha ni Alden.

 

Ngayon lang ‘yung sila talaga ang may love interest sa isa’t-isa. At refreshing din ha, na for a change, yung mga comments na nababasa namin ay hindi puro pamba-bash o pagnenega dahil si Alden ay may ibang leading lady.

 

Ilan sa mga comments, “le- git yung kilig ko kina Alden at Jasmine!”

 

“Bagay din pala sina Jas- mine at Alden.”

 

“Bet ko yung ganitong role ni Alden. Yung may tapang, may yabang.”

 

“Ang lakas ng chemistry! Sana tuloy-tuloy na ang series!”

 

Yun nga lang, mukhang naka- set ang GMA Network na good for one month lang ang I Can See You dahil magsisimula ng umere ang tatlong inabutan ng pandemic sa GMA Telebabad na Descendants of the Sun, Love of My Life at Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

 

*****

 

MAUWI na kaya sa kasalan ang relasyon ngayon nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria?

 

Ilan na rin ang nakarelasyon ni Raymart after his failed marriage with Claudine Barretto.

 

Buong-akala nga ng marami, okay pa sila ng non-showbiz girl- friend niya. Hanggang sa umamin na nga si Raymart na sila na ni Jodi. Dahil na rin sa lumabas na picture nila na magkayakap.

 

Si Jodi naman, ang huling nabalitaan pa lang na nakarelasyon niya ay si Jolo Revilla na nagpakasal na.

 

Binasa namin ang mga com- ments sa Instagram account ni Jodi. Mukhang hindi lahat ay pabor o boto na si Raymart ang napili niyang mahalin, huh.

 

Feeling siguro ng ilan, baka hindi rin magtagal?

 

Pero in fairness, marami rin naman ang masaya para sa kanila. May mga nagsasabi rin na bagay sila. Happy rin for them ang mga kaibigan nilang artista.

 

At baka naman nga, parehong nanggaling sa failed marriage and failed relationship, baka naman at the end, yung sa kanila pala ang magwu-work. (ROSE GARCIA)

2 sangkot sa droga tiklo sa P340-K shabu

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG hinihinalang drug personalities ang nasakote matapos makuhanan ng higit sa P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na si Michael Sison alyas Puroy, 42 at Roy Evangelista, 23, ng 168 Doon Compound Parada.

 

Nauna rito, nakatanggap ng tip mula sa kanilang pinagkakatiwalaang impormante ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa talamak umanong pagbebenta ng ilegal na droga ni Sison kung saan mistulang pila balde umano ang bumibili ng shabu sa suspek.

 

Kaagad nagsagawa ng buy- bust operation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Renato Ramento sa bahay ni Sison sa 19 Cattleya St. Bahayang Pag-asa, Brgy. Maysan kung saan nagawang makapagtransaksyon ni PCpl Dario Dehitta na nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek ng P7,000 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula kay PCpl Dehitta kapalit ng shabu ay agad lumapit ang back up na si PSSg Samson Mansibang at PCpl Ed Shalom Abiertas saka inaresto si Sison at Evangelista.

 

Ayon kay SDEU PSSg Ana Liza Antonio, aabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, buy-bust money na binubuo ng 1 tunay P1,000 bill at 6 piraso boodle money, P1,300 cash at cellphone ang narekober ni PCpl Abiertas kay Sison habang nakuha cellphone naman ang nakuha ni PSSg Mansibang kay Evangelista. (Richard Mesa)

WALA MUNANG PBA D-LEAGUE – MARCIAL

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL sa Coronavirus Disease 2019 o Covid-19, kinansela na ng Philippine Basketball Association o PBA ang 10th PBA Developmental League o D- League 2020.

 

Sang-ayon nitong Miyerkoles kay PBA Commissioner Wilfrido Marcial, sa susunod na taon na lang ibabalik ang farm league ng professional hoops matapos itong madiskaril ng pandemya.

 

“Next year na ulit ‘yung D- League natin,” namutawi kay Marcial. “Mahirap para sa atin kasi karamihan ng players, amateurs eh.”

 

Batay sa patakaran ng Inter- Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease , pro- fessional pa lang pinapayagang makabalik, isa na ang PBA.

 

“Majority ng kasali this conference ay collegiate teams at hindi pa sila pinapayagan ng gobyerno na makabalik kahit sa practice o scrimmage,” panapos na sambit ng opisyal. (REC)

Ads October 2, 2020

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DOJ SPOX, nagbitiw

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL umano sa “serious reasons” kaya nagdesisyong magbitiw sa puwesto si Justice Usec. Markk Perete.

 

Sa mensahe ni Perete sa media ngayong umaga, nagsumite na siya ng resignation sa Department of Justice o DOJ at ito ay epektibo umano ngayong araw.

 

Wala namang iba pang detalyeng ibinahagi ni Parete hinggil sa kanyang resignation. Si Parete ay tumatayong tagapagsalita ng DOJ bukod sa pagiging undersecretary nito.

 

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Justice Menardo Guevarra hinggil sa resignation ni Parete. (Gene Adsuara)

4 drug suspect timbog sa P8M shabu at baril

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/Maj. Gen. Debold Sinas ang North- ern Police District (NPD) matapos makakumpiska ng higit sa P.8 milyon halaga ng shabu at isang baril sa apat na drug personalities na naaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City.

 

Ang pagkakaaresto sa mga suspek na si Reynaldo Mabbun, 47, Michelle Concepcion, 42, kapwa ng San Diego St. Brgy. Canumay West, Oliver Edoria, 38, ng P. Santiago St. Brgy. Paso de Blas at Josephus Jadraque, 36, ng New Prodon, Brgy. Gen. T. De Leon ay resulta ng dalawang linggong surveillance operation na isinagawa ng NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni P/ Capt. Ramon Aquiatan, Jr.

 

Ayon kay NPD Director P/Brig. Gen. Rolando Ylagan, ang oper tion laban sa mga suspek at mula sa intelligence report na ibinigay ng Intelligence team ng NPD at Eastern District Intelligence Team ng Regional Intelligence Unit ng NCRPO hinggil sa illegal drug activities ng isang alyas Ronald, na kalaunan ay nakilala bilang si Reynaldo Mabbun.

 

Dakong alas-11:50 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng NPD- DDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Giovanni Hycenth Caliao I sa bahay ni Mabbun sa San Diego St. na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

 

Narekober ng mga operatiba ang aabot sa 30 gramo ng shabu mula sa mga suspek na tinatayang nasa P884,000,00 ang halaga, cal. 357 Magnum Smith at Wesson revolver na kargado ng 5 bala, ilang drug paraphernalia, marked money na binubuo ng 2 piraso tunay na P1,000 bill at 10 piraso boodle money, 2 cellphone at P1,400 drug money. (Richard Mesa)

Vulcanizing, talyer, carwash, dapat bang payagan sa mga pangunahing lansangan?

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING reklamo ang natatanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga talyer, carwash, vulcanizing shops at iba pang katulad na negosyo na ginagawang “motorshop” ang mga bangketa at lansangan.

 

Ito yung mga carwash services na walang sariling lugar ay sa kalsada nagpapaligo ng sasakyan. Mga talyer o motorshops na ang trabaho para sa kanilang mga customers ay sa lansangan ginagawa. Talamak ito ngayon kahit sa mga pangunahing lansangan. Resulta – traffic, illegal paking at pagkasira ng mga kalsada at bangketa.

 

Minsan ay nakakita tayo ng ganito sa kahabaan ng Banawe Ave. sa Quezon City at natabunan na ng langis at grasa ang sidewalk dahil sa kalsada nga nagtatrabaho ang nga nasa motorworks na ‘to. Kung tutuusin ito nga ang sinasabi ni Presidente Digong na to liberate our roads from private use and to bring them back to the people.

 

Ang katuwiran naman ng mga ito ay bakit daw sila babawalan sa lansangan e yung serbisyo nila ay kailangan sa lansangan. Pero bakit hindi nila gawin ang trabaho sa kanilang bakuran at hindi sa lansangan lalo sa public sidewalk.

 

Malimit pa walang business permit ang mga ito. Kung meron man ay hindi para sa motorworks gaya ng pagbebenta ng spare parts ng sasakyan pero hindi pagawaan ng sasakyan. Pati mga junk o abandoned vehicles ay nakabalandra sa kalye – ito yung mga matagal nang nakatiwangwang sa harap ng mga motorshops dahil hindi pa maipagawa.

 

Unfair ito sa mga ligal at reputable na mga motorshops, mga carwash establishments na nasa maayos na pwesto at may sariling pagawaan at hindi sagabal sa mga public walkways.

 

Sumusunod itong mga ligal na negosyo sa batas at hindi inaabuso ang permit na ipinagkaloob sa kanila. Maraming tatamaan kung sakaling ipagbawal at paalisin na talaga ang mga iligal at mga sagabal. Maraming aangal.

 

Pero mas marami ang matutuwa dahil maibabalik natin ang mga lansangan sa tao at hindi na magagamit ang mga ito sa negosyo ng iilan lang.

 

Malimit ang nabibiyayaan ay tahimik lang na nasisiyahan at ang mga abusado pag itinatama ay sila pa ang mga maiingay at mareklamo. Subaybayan natin ito at matyagan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Yorme Isko nasa Top 3 ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa

Posted on: October 2nd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ISANG malaking karangalan, hindi lamang sa mga mamamayan ng lungsod ng Maynila kundi sa buong bansa, ang pagkakabilang ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso bilang isa sa mga lalaki at babaing hinahangaan sa Pilipinas.

 

Tanging si Mayor Isko Moreno lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong kapuluan ng bansa ang napabilang sa mga hinahangaang lalaki at babae sa isinagawang pagsusuri ng banyagang survey firm.

 

Si Mayor Isko ay nasa pangatlo sa hanay ng mga lalaking hinahangaan sa buong bansa batay sa pagsusuri at opinyon ng pandaigdigang data company na YouGov sa kanilang pinakahuling datus para sa taong 2020.

 

Naungusan ni Mayor Domagoso sa pinakahinahangaang personalidad ang bantog na singer/actress na si Sarah Geronimo at maging ang international action star na si Jackie Chan.

 

Maging ang bantog na American singer na si Taylor Swift ay nasa pang-walong puwesto lamang sa pinakahahangaan batay sa datus ng YouGov, habang nasa pang-siyam na puwesto naman si Pope Francis at nasa panghuli ang Academy Award at tatlong Golden Globe Awards winner na si Angelina Jolie na ilang ulit na naitala bilang pinakamataas tumanggap ng bayad sa lahat ng mga Holywood actress.

 

Kung tutuusin, hindi na nakapagtataka kung tanging si Mayor Isko Moreno Domagoso lamang mula sa mga halal na alkalde sa buong bansa ang napabilang sa pinakahinahangaang lalaki at babae sa buong Pilipinas dahil na rin sa kanyang mga ginawang malaking pagbabago sa lungsod sa loob lamang ng maikling panahon ng panunungkulan.

 

Sa katunayan, hindi lamang mga pinuno ng lokal na pamahalaan ang sumunod o gumaya sa kanyang mga programa at proyekto kundi mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ay humanga sa isinagawa niyang puspusang paglilinis o clearing operation sa mga pangunahing lansangan kaya’t iniutos ng Pangulo sa Department of Interior and Local Government (DILG) na ipatupad sa buong bansa ang clearing operation.

 

Si Mayor Isko rin ang nanguna sa pagpapasiyang isarado munang pansamantala sa panahon ng Undas ang lahat ng pribado at pampublikong sementeryo sa lungsod bilang paraan ng pag- iwas ng hawahan sa mapanganib na virus na dulot ng COVID-19.

 

Nanguna naman sa 10 sa mga hinahangaang lalaki at babae sa Pilipinas batay sa datus ng YouGov si Pangulong Rodrigo Duterte na nakakuha ng 19.67%, sumunod ang aktres, commercial model at fashion designer na si Angel Locsin na may 15.03 %, Senator at boxing superstar Manny Pacquiao na may 10.65%.

 

Pang-apat naman si dating Miss World Philippines 2016 at napiling 2018 Miss Universe Catriona Gray na may 11.09% bago sumunod si Mayor Isko Moreno na may 7.96%. (Gene Adsuara)