• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 3rd, 2020

COVAX INAPRUBAHAN NA ANG $150-M PARA SA MGA MAHIHIRAP NA BANSA

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ng GAVI vaccine alliance’s board ang $150 million na pondo para matulungan ang 92 na low and middle income na bansa sa paggawa ng bakuna laban sa coronavirus.

 

Ang inisyal na pondo ay para makatulong sa COVAX facility sa kanilang operational level at matiyak ang routine immuniza- tion programs sa mga karapat- dapat na mga bansa.

 

Umaabot na sa 168 na bansa ang sumali kasi sa COVAX global vaccine facility na pinangunahan ng GAVI at World Health Organiza- tion (WHO).

 

Kabilang dito ang 76 na mayaman o mga self-financing countries.

 

Target ng COVAX na maka- gawa ng 2 bilyon na bakuna laban sa COVID-19 sa katapusan ng 2021. (Ara Romero)

Saso iwan ng 9 na palo

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MALAMBOT ang umpisa ni Yuka Saso sa nasapol lang na one-over 73 upang mabaon ng siyam na palo laban sa nag-iisa sa tuktok na si Na-Ri Lee ng South Korea sa 53 rd Japan Women’s Open Golf Championships 2020 sa The Classic Golf Club sa Miyawaka City, Fukuoka Prefecture nitong Huwebes.

 

Naka-nines na 36-37 ang top Philippine professional golfer na dalawang birdie at tatlong tatlong bogey sabalik-aksyon mula sa 10 araw na pahinga at paglilimayon kasama ang mga kapatid sa Tokyo ay ensayo sa 72-butas, apat na araw na torneong ito.

 

May malagablab naman ang 32-taong-gulang na Koreana na humataw ng 8-under 64 para sa dalawang palong kalamangan kay Japanese Sakura Koiwai (66), samantalang salo sa tersera sa parehas na 68 ang dalawa pang Nippon na sina Momo Ueda at Erika Hara.

 

Inaasam ng 19-anyos na Fil-Japanese rookie na si Saso na lampasan ang ika-13 puwesto sa una niyang sa 12th Ladies Professional Golf Association of Japan Tour 2020 at posibleng pangatlong korona sa pang-anim na kompetisyon dito. (REC)

Julia, okay na after na mabiktima ng fake news na ‘preggy’

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SI Julia Barretto ang latest Star Magic talent na lumipat sa Viva Artist Agency.

 

Sa zoom presscon na ginanap noong Miyerkoles, winika ng dating ABS-CBN star na maganda ang inilatag na career plan ng Viva para sa kanya.

 

“They laid a very good plan for me and they wanted to help me out. As an actress, I want to seek other options for the advancement of my career,” pahayag pa ni Julia na contract star ng ABS-CBN Star Magic since the start of her career.

 

Hindi raw naging madali para sa kanya ang desisyon na iwan ang Star Magic. Mahirap daw na decision para sa isang tao ang pagsasara ng chapter sa isang mahalagang bahagi ng kanyang buhay. Pero mananatili raw siyang grateful sa Star Magic heads na sina Mr. Johnny Manahan aT Ms, Mariole Alberto.

 

“I really took time to think and pray before deciding on my options with regards the direction my career will have to take,” said Julia.

 

Sabi ng kanyang mommy (Marjorie Barretto) na she is old enough to decide for herself.

 

“But whenever I have to decide on something, I always think of my mom who had always been very supportive. She had always told me to decide what is best for me and I always heed her advice.”

 

Para naman sa Viva, they want to make Julia a bigger star than she is now. Malaking artista si Julia at gusto pa nila na mas magningning ang bituin nito. Excited na nga si Julia sa plano ng Viva sa kanya. Bukod sa pelikula, baka gumawa rin siya ng isang online show.

 

Open din si Julia na makatrababaho ang ibang Viva Artists whom she had not worked with tulad nina Marco Gumabao at Yassi Pressman, just to name a few.

 

“The transition to Viva was great and exciting. When it comes to working with other Viva artists, hindi naman ako maarte sa kung sino ang makakasama ko. Everything depends on the director, the story and the script. If Viva feels an artist fits a role in a project that I am doing, I will welcome him or her wholeheartedly,” sabi pa ng ex-gf ni Joshua Garcia.

 

Interesado rin si Julia na gumawa ng more mature roles sa pelikula, something that will present her other side as an actress.

 

Kahit na na-involve siya sa buntis issue, winika ni Julia na okay naman siya. May maayos daw siyang support group. Nilinaw niya na ilan beses na rin siyang naging biktima ng fake news.

 

It’s about time daw na protektahan naman niya ang sarili niya sa mga maling balita about her. “It’s about time that I make an action to stop it. It really bothers me if there is fake news, not just for me, but for everybody. I’ve had enough, I should stand up for myself.

 

It’s about time that I protect myself,” sabi niya. “I am looking at the bright side with this move to Viva. This is a milestone for me. I am more driven and focused.” (RICKY CALDERON)

Ads October 3, 2020

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ORIGINAL ANIME SERIES RESIDENT EVIL: INFINITE DARKNESS, COMING TO NETFLIX IN 2021

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KNOWN as the gold standard of survival horror games with over 100 million units from the game series shipped worldwide, “Resident Evil” has now been transformed into a Netflix original CG anime series.

 

This series is scheduled for a global launch in 2021 exclusively on Netflix. Three years after 2017’s CG film “Resident Evil: Vendetta,” technology has further evolved, creating the groundwork for a new series in unprecedented full 3DCG animation.

 

Since the first game was re- leased in 1996 on Sony PlayStation, the Resident Evil series is nearing its 25th anniversary. With the series continuing to evolve even now, a new title carves itself into the series’ history. This series is entitled “RESIDENT EVIL: Infinite Darkness.”

 

This new anime series will be produced and supervised by Capcom’s Hiroyuki Kobayashi, who is responsible for bringing numerous titles in the Resident Evil series into existence. TMS Entertainment, which has birthed various anime series, will produce the series, while Quebico, led by Kei Miyamoto, the producer of Resident Evil: Vendetta, will be in charge of the full 3DCG animation production.

 

This will be an original anime horror-action series based around the stories of the two popular characters, Leon S. Kennedy and Claire Redfield. By adding suspense into dynamic action scenes, this series will reveal a Resident Evil world unlike anything seen before.

 

Teaser art and a teaser trailer have also been revealed with the title announcement! In the teaser art, we see Leon S. Kennedy and Claire Redfield against the backdrop of a blood-splattered wall, silently waiting to take on a new threat after cheating death time and time again. Revealed simultaneously, the teaser trailer depicts scenes of courage as Claire enters an abandoned building enveloped by the dark night as she happens to find “something” while Leon saves “someone” in the darkness. You can see every tiny speck of floating dust and the tension of the characters’ expressions in these ultra-realistic, high-quality visuals which ramp up the intensity from the very start! Plug in a pair of headphones to double the terror in this teaser that will surely stir up expectations for this series!

 

Who will be the enemy this time? What is the meaning of “Infinite Darkness”? Stay tuned for more news about the Netflix original anime series RESIDENT EVIL: Infinite Darkness! (ROHN ROMULO)

Sale and transfer ng mga tricycle, dapat bang ipatigil na?

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MARAMING mga opisyal at drivers ng TODA ang sumangguni sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa diumano ay mga katiwalian sa ‘sale and transfer’ ng prangkisa ng tricycles.

 

Nariyan ang doble o higit pang presyo ng pagbebenta ng prangkisa. Sobrang mahal ang pagbenta samantalang sari-sari ang problema. Ganito rin malimit ang problema ng mga bentahan ng prangkisa sa LTFRB kaya minabuti ng Ahensya na ipagbawal na ang ‘sale and transfer’ ng prangkisa.

 

Isang halimbawa ng sumbong ay tungkol sa isang kapitalista na bumibili ng prangkisa ng mga tricycles. Ang target ay mga operators na gipit o salat sa pera. Bibilhin ng mura at pagkatapos ay ibebenta ng higit sa P200 libung piso! Ang masama pa ay yung bumili habang di pa lubos na naaayos ang bentahan ay ipapasada na nang hindi nagbabayad ng “ dues” sa TODA.

 

Ang prangkisa para mag-operate ng public utility vehicle ay isang pribilehiyo na binibigay ng Estado, o ng LGU kung tricycle, ayon sa Local Government Code. Hindi pwedeng binebenta lang ang prangkisa na parang litsong manok o milk tea. May mga tao din na binebenta ng higit sa isa ang unit.

 

Marahil kailangan mapag-aralan kung kailangan nang tularan ng mga LGU ang Memorandum Circular ng LTFRB na ipinagbawal na ang ‘sale and transfer’ ng public utility vehicle. Dapat kung ayaw na ng operator na bumyahe ay dapat at tama lang na ibalik ang prangkisa sa LGU o sa gobyerno.

 

Samantala tututukan ng LCSP ang mga reklamong nakakarating sa amin upang matigil na ang mg gawaing ganito. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

DOJ Sec. Guevarra nirerespeto ang privacy sa nagbitiw na si Perete

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NIRERESPETO ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang hiling privacy ni DOJ spokesperson Undersecretary Markk Perete ng ito ay nagbitiw.

 

Sinabi nito na isinumite niya mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang resignation dahil sa siya ay Presidential appointees.

 

Ayon sa kalihim na naging personal ang rason ni Perete sa kaniyang pagbibitiw na kaniyang nirerespeto. Taong 2018 ng italaga bilang tagapagsalita ng DOJ si Perete na siya rin ay technical assitant sa Office of the President na may rangkong assistant secretary for legal affairs.

De Los Santos tuloy ang ragasa

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PATULOY sa pagkinang si karate star Orencio James (OJ) De los Santos nang madale ang ika-12 gold medal sa taong ito sa pamamayagpag sa Venice Cup 2020 #2 Virtual Tournament nito lang Miyerkoles.

 

Pumuntos ang 30-year-old, 5-foot-7 Cebuano Manila-based karateka ng 25.3-23.7 decision kontra kay Slovenian Nerc Sternisa sa e-kata individual male seniors final round para magtagumpay.

 

“I’m around 400+ points away from taking the no. 1 spot. Just to be really sure, I’ll need to win at least two more tournaments to seal the deal,” salaysay ng karatista nitong Huwebes.

 

Ikinagalak rin ng karateka sa kanyang Cacebook post, ang paghamig ng bronze medal ni Fatima A-Isha Lim Hamsain sa U16 women’s kata ng Shureido World League. (REC)

478K OFWs apektado ng pandemya – DOLE

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa mahigit 478,000 ang overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng pandemya, ayon sa ulat.

 

Tinatayang 229,000 OFWs naman na ang napauwi buhat nitong October 1, batay kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

 

Paliwanag ni Bello, kapag may humingi ng tulong na OFWs ay hindi na nila ito tinatanong pa kung ito ay documented o undocumented OFWs.

 

Ang panukalang budget para sa 2021 ay nilaanan ng P7.39 bilyon para sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), attached agency ng DOLE upang pondohan ang tulong para sa mga lumikas na mga OFW sa gitna ng pandemya.

P540B bagong utang ng gobyerno aprub sa BSP

Posted on: October 3rd, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang panibagong utang ng gobyerno na nagkakahalaga ng P540 bilyon para mapunan ang pangangailangan bunsod ng coronavirus disease 2019 pandemic.

 

Ayon kay BSP Governor Ben- jamin Diokno, ngayong Huwebes lang inaprubahan BSP ang kahilingang P540 bilyon para sa panibagong tranche ng provisional advances ng pamahalaan.

 

Ipinaliwanag ni Diokno na ginawa ng administrasyon ang panibagong loan bilang “budget support” at “deficit financing” bunsod ng naranasang pandemic sa bansa.

 

Matatandaan na nangutang sa gobyerno ang Central Bank ng halagang P300 bilyon noong Marso sa porma ng securities.

 

Batay sa rekord ng Bureau of Treasury, pumapatay sa P9.615 trilyon ang utang ng gobyerno hanggang noong katapusan ng Agosto na 21.1% mas mataas sa katulad na petsa noong nakaraang taon. (Ara Romero)