• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 8th, 2020

Heat players Adebayo at Dragic kuwestiyonable pa ring makapaglaro sa Game 4

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

LABIS pa ring umaasa sina Miami Heat players Bam Adebayo at Goran Dragic na payagan na sila ng kanilang mga team physician na makapaglaro sa Game 4 NBA finals laban sa Los Angeles Lakers.

 

Sa ngayon kasi ay question- able pa rin ang status ni Adebayo dahil sa neck strain habang si Dragic ay nananatiling doubtful ang kalagayan dahil sa torn left plantar fascia.

 

Sinabi ni Adebayo na tinitiyak lamang ng medical staff na ito ay ligtas at handa ng maglaro kaya ipapaubaya na ang desisyon sa kanila.

 

Sa panig ni Dragic na ginagawa niya ang kaniyang makakaya para sa agarang makabalik na sa paglalaro.

 

Nasa 38 points ang ginagawang puntos ng dalawa kung pagsa-samahin sa buong playoffs.

 

Magugunitang nakuha ng Lakers ang unang dalawang panalo at sa Game 3 ay nakabangong ang Heat sa pamamagitan ng 40 points na nagawa ni Jimmy Butler.

HIGIT 2.2 BILYONG HALAGA NG GAMOT ITINATAGO NG DOH

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PDu30, inatasan ang DOH na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag-expired.

 

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Department of Health (DOH) na ipamahagi ang mga medisina na malapit nang mag- expired kung saan isinisisi ng Commission on Audit (COA) ukol sa poor inventory at supply management system.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, base sa 2019 audit report, sinabi ng COA na nagtatago ang DOH ng P2.2 bilyong halaga ng expired, over- stocked o malapit nang mag- expired na gamot at maging ng medical at dental supplies.

 

Sinabi pa ng COA na ang malapit nang mag-expired na gamot ay kasama sa kuwenta ng P1.024 billion.

 

“Ang mandato po ng Presidente sa DOH lalung-lalo iyong mag-i- expire na, paki-distribute na po nang hindi masayang at iyong mga overstock at slow moving naman po ay ilabas na po natin sa ating mga warehouse nang magamit ng ating kababayan,” ayon kay Sec. Roque

 

Sinabi pa ng COA na ang pangyayaring na expired, over- stocked at malapit nang mag- expired na inventory items ay manipestasyon lamang na mayroong “excessive expenditure since items were procured more than what is needed.”

 

Kaya nga, inirekomenda ng COA sa DOH na rebisahin ang kontrata lalo na iyong mga exist- ing suppliers, sanayin na ingatan ang paggamit ng government resources, mahigpit na ipatupad ang timeline ng distribusyon/ paglilipat ng mga inventory at bilisan ang pamamahagi ng malapit nang mag-expired na medisina.

 

Hinikayat din ng COA ang DoH na bumalangkas ng internal control policies para mabawasan ang nangyayaring expired drugs. (Daris Jose)

AFPI hindi pumayag sa mungkahi ng DOTr na alisin ang cost ng beep card on top of the fare load

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NADISMAYA ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa pasya ng AF Payments, Inc., ang provider ng automatic fare collec- tion system (AFCS) sa EDSA Busway na alisin ang bayad sa beep card on top of the fare load kahit na pinakiusapan sila ng pamahalaan.

 

Mabigat ito para sa mga commuters na umaasa lamang bilang isang daily wage earners na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

 

Simula noong Monday, October 5, 2020, ang DOTr ay sinuspinde muna ang paggamit ng mandatory beep cards sa EDSA Busway habang hindi pa naaayos ang issue.

 

“In the meantime, a dual payment system will be honored for EDSA Busway passengers. Those who have already bought or have existing beep cards may still use them for the payment of fares. Meanwhile, off board cash payment will be accommodated for those who have card yet. Cash payments will be collected by personnel from the EDSDA Bus Consortia at the station. These personnel will be wearing appropriated face shields, face mask, gloves to pre- vent the transmission of COVIC-19,” ayon sa DOTr.

 

Samantala, sinabi ng EDSA Bus Consortia na maghahanap sila ng ibang AFCS provider na makapagbibigay ng tamang solusyon sa nasabing issue. Magkakaron ng meeting sa iba’t ibang AFCS.

 

Dati pang binigyan ng warning ng DOTr ang consortium na may hawak ng Beep card cashless payment system na kung hindi nila papayag na ibigay ng libre ang card, ito ay kanilang sususpendihin.

 

“The DOTr reiterated its call for AF Payments Inc. (AFCS) to immediately remove the charge for the Beep cards, on top of the far load. There are other AFCS providers and other modes of cashless transaction that PUV operators may tap. Thus, should the AFPI refuse to cooperate by allowing the free use of the Beep card to commuters upon payment of the load, the DOTr will have to sus- pend its use in the EDSA busway to alleviate the burden of com- muters,” ayon sa DOTr.

Pagbubukas ng klase sinalubong ng kilos protesta

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGSAGAWA ng kilos protesta ang rotesgrupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), kasabay ng pagbubukas ng klase at pagdiriwang ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day, kahapon ng umaga sa Mendiola sa Maynila.

 

Naging highlight ng pagkilos ang sabay sabay na pagbusina sa mga dalang sasakyan ng mga guro pasado alas 10 ng umaga para tawagin ang pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sektor ng Edukasyon.

 

Tiniyak naman ng mga guro na naoobserbahan nila ang physical distancing at naghiwa- hiwalay ang mga ito habang nagsasagawa ng rally.

 

Kasama sa mga hinaing ng mga guro ay ang kapabayaan umano ng pamahalaan sa edukasyon at kahilingan na bigyan ng pondo ang ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga kabataan sa bansa, sa gitna ng nararanasang coronavirus dis- ease 2019 (COVID-19) pandemic.

 

May bitbit pang mga plakard ang mga guro na may mga nakasulat na mga katagang, “Don’t leave poor, rural children behind!”, “Duterte pabaya sa edukasyon!” at “Ligtas na balik eskwela.”

 

Sinabi ni ACT Philippines secretary general Raymond Basilio na ang mga pangunahing pangangailangan para sa blended learning, gaya ng printed modules, ay hindi pa natutugunan kahit nagsimula na ang klase sa bansa kahapon.

 

Sinabi pa ng ACT na nasayang lamang ang panahon ng paghihintay at pagkansela ng class opening noong Agosto 24 dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakahanda ang mga pangunahing pangangailangan nila para sa pagbubukas ng klase. (Gene Adsuara)

Pinas, hindi pa kayang magpapasok ng karagdagang dayuhan sa bansa

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMIYOK ang Inter-Agency Task force manage- ment of infectious disease (IATF) na hindi pa kakayanin ng Pilipinas ang magpapasok ng karagdagang dayuhan sa bansa.

 

Ito ang inihayag ni Cabinet Secretary Carlo Nograles, Co- Chairperson ng IATF, sa gitna na rin ng panawagang alisin na ang travel restriction sa mga dayuhang may kasintahang Pilipino.

 

Ani CabSec Nograles dapat munang maging handa ang bansa sa pagtanggap pa ng karagdagang dayuhan gaya ng pagtitiyak ng pagkakaroon ng sapat na quaratine facilities o isolation fa- cilities para sa mga ito.

 

Sa kabila nito, ayon kay CabSec Nograles, may inilalatag naman na ng gobyerno ang guidelines kaugnay naman sa international travel sa mga Pilipino, kaya’t maaari itong maging paraan upang muling makapiling ng mga Pinoy ang kanilang dayuhang partners.

 

Sa kabilang dako, binigiyan diin din ni CabSec Nograles na unti- unti nang binubuksan ng gobyerno ang domestic tourism sa bansa at kapag isandaang posyentong handa na ang Pilipinas ay ibabalik na rin ang international tourism. (Daris Jose)

‘Boss’ ng ‘pastillas’ scheme, 3 pang ex-Immigration officials pina-contempt ng Senate panel

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NA-CITE in contempt ng isang Senate panel ang sinasabing “boss” ng corruption scheme sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at tatlong iba pang sangkot na dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI).

 

Kinilala ang mga ito na sina dat- ing Bureau of Immigration Deputy Commissioner Marc Red Mariñas; dating Immigration Special Operetions Communications Unit head Maynardo Mariñas; at mga Immigration personnel na sina Totoy Magbuhos at Daniece Binsol.

 

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, chairperson ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, nabigo kasi ang mga ito na dumalo sa imbestigasyon ng mataas na Kapulungan kahit nakatanggap na ang mga ito ng subpoena.

 

“Para sa mga implicated na akala niyo puwede niyong ismall-in ang investigation ng Committee na ito, nagkakamali kayo,” wika ni Hontiveros.

 

“I request the Sergeant-at-Arms of the Senate to present you before the Committee next hearing,” dagdag nito.

 

Sa ilalim ng Senate rules, ang mga na-cite in contempt ay maaaring idetine ng Sergeant-at- Arms ng upper house para siguruhing dadalo ito sa pagdinig.

 

Una nang nagsumite ng liham si Atty. Joel Ferrer sa komite para i-excuse ang mag-amang Mariñas na dumalo sa lupon, ngunit hindi natalakay ang rason ng kanilang pagliban sa hearing.

 

Ang apat na dating Immigration officials ay ipinatawag sa Senado matapos bansagan ng whistleblowers na sina Alex Chiong at Jeffrey Dale Ignacio na mga “boss” ng pangingikil sa NAIA. (Ara Romero)

Pulis naka motorsiklo namaril ng rider arestado

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HAWAK na ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang isang Patrolman matapos mamaril at tutukan ng baril ang nakasabay na rider sa Tondo, Maynila.

 

Unang nagreklamo ang biktimang si Wally Montinola, 30 ng 1631 Int.17,Phase 360 Pacheco St.Tondo sa MPD-Police Station 1.

 

Ayon sa reklamo ng biktima, alas 11:30 ng gabi nang.mangyari sa insidente sa may Panday Pira St. Tondo.

 

Nakasabay umano niya ang suspek na si Patrolman Marlon Ace Jimenez,29,nakatalaga sa MPD-PS7 at residente ng 1656 N.Zamora,Tondo.

 

Pagsapit sa nabanggit na lugar bigla umanong binunot ng suspek ang kanyang baril at nagpaputok sa direksiyon ng biktima.

 

Hindi pa umano nasiyahan ang suspek at patuloy na tinutukan ang biktima kaya dumiretso na laman ito.MPD- PS1 kung saan boluntaryo naman sumuko.ang suspek.

 

Nang magkita sa presjnto,ay positibong kinilala ng biktima ang suspek na sitang bumaril at nanutok sa kanya ng baril.

 

Sanhi nito,itinurn-over ang kaso sa MPD-GAIS para sa kaukulang disposisyon. (Gene Adsuara)

Nietes sa Disyembre ang pagbabalik lona

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAASINTA ni four-division men’s world professional boxing champion Donnie Nietes na muling umakyat ng lona sa darating na DisyembrE o sa papasok na taon.

 

Panibagong umpisa uli ng karera para sa 38-taong-gulang, 5-3 ang taas at tubong Murcia, Negros Occidental, dahil sa bagong mamamahala sa kanya na MTK Global at D4G Promotions.

 

Masaya si Nietes sa pagpasok ng MTK Global at D4G para sa mga susunod niyang laban matapos magsara ang dating nangangalaga sa kanyang ALA Boxing Promotions.

 

“I am very happy with this new step in my career. It means so much to me. Being a part of this team is brilliant and I am very grateful,” bulalas kamakalawa ng Negrenseng boksingero.

 

Kabilang sa mga nakukursunadahan nilang kasahan ang sinuman kina Juan Francisco Estrada ng Mexico, Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand at Chocolatito Gonzalez ng Nicaragua.

 

Huling nakipagbakbakan si Nietes noong Disyembre 2018 nang makalusot kay Kazuto Ioka ng Japan via split decision sa Macau. (REC)

AGA, ‘di inakala na muling makababalik sa Kapatid network

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

BALIK-TV5 si Aga Muhlach sa bagong programa ng Viva TV na Masked Singer Pilipinas na magsisimulang mag-air on October 24 at 7 p.m. sa primetime slot ng TV-5.

 

Si Aga ang isa sa hurado ng Masked Singer Pilipinas at hindi raw niya akalain na muli siyang makababalik sa Kapatid network.

 

Nakatago sa mask at costume ang celebrity guest kaya it’s up to the judges kung magpapatuloy pa siya sa costume.

 

Bukod kay Aga, hurado rin sina Cristine Reyes, Matteo Guidicelli at Kim Molina.

 

On the part of Billy Crawford, happy siya sa pagbabalik in hosting a different kind of program.Aga, ‘di inakala na muling makababalik sa Kapatid network. (Ricky Calderon)

PSC 2021 BUDGET APRUB NA SA SENATE COMMITTEE

Posted on: October 8th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN na sa Senate committee level ang proposed budget ng Philippine Sports Commission para sa 2021 sa ginanap na virtual hearing na pinangunahan ni Committee on Sports chairman, Senator Bong Go, kasama sina Senators Imee Marcos at Nancy Binay.

 

Sa kanyang opening state- ment, binati ni Go ang PSC dahil sa overall championship finish ng Team Philippines sa katatapos na 30th Southeast Asian Games.

 

“We ended 2019 on a high note because of that monumental win. Thanks to you and our national team,” wika ng Senator.

 

Dumalo sa virtual hearing sina PSC Chairman Butch Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez, kasama si Acting Executive Director Atty. Guillermo Iroy na naglatag ng breakdown ng proposal na aabot sa kabuuang P207 Million na una nang dumaan sa pag-aaral at aprubal ng Department of Budget Management.

 

Nagsagawa naman ng hiwalay na proposal ang PSC para sa gagastusin sa preparasyon at partisipasyon ng bansa sa 2021 Tokyo Olympics at 31st SEA Games sa Vietnam na aabot sa halagang P250 Million, maging ang budgets para sa Paralympics, Asian Indoor and Martial Arts Games, Asian Youth Games and the Asian Beach Games.

 

Nangako si Go na hahanap ito ng paraan para tulungan ang ahensiya sa kanilang trabaho para sa national team. Ikinatuwa rin nito ang developments kaugnay sa preparasyon ng PSC sa National Academy of Sports.

 

Sunod na daraan sa plenary deliberations ang budget pro- posal ng PSC, ayon sa ulat.