PINAGUTOS ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade sa rail sector na dagdagan ng paunti-unti ang maximum na kapasidad ng mga trains upang makapagsakay pa ng mas madaming pasahero.
Sinimulan noong Lunes ang pagdagdag ng kapasidad ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 1 (LRT1), at Light Rail Transit Line 2 (LRT2) kasama rin ang Philippine Na- tional Railways (PNR).
Magiging 30 percent ang maximum passenger capacities ng mga rail systems mula sa dating maximum capacity na may range na mula 13 percent hanggang 18 percent. Unti-unti ito ay magiging 50 percent.
Nagkaron ng adjustment sa marks sa loob ng trains upang bigyan daan ng social distancing ng mga pasahero dahil sa pagdadagdag ng kapasidad.
Ayon kay DOTr undersecretary for railways TJ Batan nagbilin si Tugade na dapat ay dahan-dahan ang pagdadagdag sa kapasidad ng mga train at siguraduhing ipatutupad ang 7 commandments upang maprotektahan ang kalusugan ng mga pasehero.
Ang MRT 3 ay magdagdag muna ng kapasidad mula 30 percent kung saan magsasakay ito ng 372 na pasahero kada passengers per train set mula sa dating 13 percent o may 153 na pasahero per train set.
Kung maipatupad naman ang 50 percent na karagdagan pasahero, ito ay magsasakay ng 591 na pasahero per train set. A n g train speed ng MRT 3 ay tumaas din at naging 40 kph mula noong October 1 mula ng matapos ang installation ng new long-welded rails sa lahat ng MRT 3 stations. Dahan-dahan din na itataas ang train speed ng 50 kph sa November at 60 kph sa December.
Sa LRT Line 1, nagdagdag din sila ng passenger capacity ng 30 percent na makapagsasakay ng 370 na pasahero per train set. At kung itataas pa ng 40 percent, 495 na pasahero ang puwedeng maisakay per train set at 620 naman kung 50 percent.
Ang LRT Line 2 naman ay makapagsasakay ng 486 na pasahero per train capacity sa 30 percent na kapasidad, 652 na pasahero sa 40 percent, at 814 sa 50 percent. Sinabi ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Reynaldo Berroya na ang ginawang pagdadagdag ng kapasidad ay makakasiguro na mas madaming mga mangagawa ang makakapasok sa kanilang mga opisina sa Metro Manila at mga karatig na lugar na unti-unting nagbubukas ng ekonomiya sa ilalim ng general commu- nity quarantine (GCQ).
“We welcome this new development from the DOTr and we assure compliance. This eased physical distancing rule and increase in train capacity will benefit greater number of our valued commut- ers while also supporting the country’s journey towards economic growth and recovery,” sabi ni Berroya.
Habang ang PNR naman ay nagpatupad ng 30 percent na kapasidad kada rail line’s train models. Sa 30 percent na kapasidad, ang PNR ay makapagsasakay ng 179 na pasahero per train set para sa DMU ROTEM model; 167 pasahero sa DMU 800; 228 sa DMU 8100; at 302 sa EMU model.
Ayon sa DOTr mahigpit nilang ipatutupad ang 7 Command- ments sa loob ng mga trains. May mga train marshals ang ipakakalat sa loob ng trains upang masiguro ang mahigpit na pagsunod ng mga pasahero.
Ang 7 Commandments ay ang mga sumusunod: wear face masks at face shields; walang paguusap at tatawag sa mga cp; walang kakain; dapat ay well ventilated ang mga PUVs; parating magkaron ng disinfection; walang pasahero na may COVID-19 symptoms ang papayagan sa loob ng public transportation; at tumupad sa tamang physical distancing. (LASACMAR)