KUNG totoong masusunod ang plano ng Land Transportation Office (LTO), mula sa buwan ng April, 2020, lahat ng kukuha ng driver’s license ay dadaan na sa lahat ng mga accredited driving school ng agency.
Sa plano din ng LTO kailangan muna ang 15-hours na theoretical driving lesson bago pagayan makapag-apply ng driver’s license ang isang applicant. Pagkatapos makakuha ng student’s permit additional na 8-hours practical driving sa supervision ng LTO personnel. Sa bagong program ng LTO – ang vision nito ay mabigyan lamang ng driver’s license yung mga karapat-dapat at sagot na rin ito upang maalis na, o kung hindi man ay mabawasan man lang ang mga road accidents.
Sa report na nakuha natin at ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), bukod 15-hour theoretical driving lesson at additional 8-hour practical driving, mga nasa libo rin ang halaga ng enrolment na ibabayad sa mga accredited driving schools ng LTO. Ang tanong ngayon sa dami kada araw ang kumukuha ng driver’s license sa LTO sa buong bansa, maging ang mga kababayan nating mga OFW na rin, sapat kaya ang mga accredited driving school?
Ang sinasabi ko, bilang pinuno ng LCSP, matagal nang isinulong ng (LCSP) ang mas comprehensive, bukod pa ay libre, isama na sa primary at secondary school ang pag-aaral ng road safety pati na ang Republic Act 4136 ang batas at mga rules and regulations sa traffic at land transportation ng bansa.
Nariyan din ang TESDA na siyang authorized agency ng gobyerno at recognized din worldwide na magturo ng mga tamang batas sa road safety at ng mga rules and regulations sa traffic.
Iginigiit ko lang na tingnan natin ang practice sa mga world class countries na isinasama sa mga school curriculum sa primary at secondary education, upang maipamulat agad sa murang edad ng mga bata, ang importance ng road safety upang maiwasan ang mga aksidente at para laging isaisip ang safety sa lahat ng oras lalo na sa kalsada. Sa experienced at records tiyak na tiyak ang advantage ng TESDA sa kasanayan sa theoretical man o practical driving kaysa sa mga sinasabing mga accredited driving school.
Eh ang alam namin itong mga instructors ng mga accredited driving school ay pasado at may mga certification issued ng TESDA bilang patunay ng kasanayan ng mga driving instructors.
Nagtatanong ang ating mga kababayan ano ang mas dapat ang mga expensive accreditation ng mga driving school ng LTO o ang authorized government’s agency (TESDA)? (Atty. Ariel Enrile-Inton)