• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 6th, 2020

Mahigit 820 patuloy pa ring nananatili sa mga evacuation center

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANANATILI pa ring tumutuloy sa iba’t ibang evacu- ation centers sa bansa ang nasa 207, 518 pamilya o katumbas ng 820, 030 indibidwal mula sa Regions 2, 3, Calabarzon, Mimaropa, Region 5, Cordillera Administrative Region at National Capital Region.

 

Sa Laging handa public press briefing, sinabi ni Department of Social Welfare and Development Sec Rolando Bautista na pinakamarami rito ay mula sa Region 5 kung saan nasa 27,540 na pamilya o 109,961 katao ang pansamantalang kinakanlong sa 1,024 na mga evacuation centers.

 

Sinasabing, sinundan naman ito ng Calabarzon na mayroong 20,915 pamilya o katumbas ng 77, 428 indibidwal ang nananatili sa 832 na mga evacuation centers.

 

Tinatayang, nasa 12,904 pamilya o 46, 403 indibidwal ang nakituloy sa kanilang mga kamag anak o kaibigan mula sa Regions 2, 3, 5, Calabarzon at CAR.

 

Kaugnay nito, nakapagbigay na ang DSWD ng P8.3M tulong sa mga apektadong residente na kinabibilangan ng food packs, non food items at hygiene kits.

 

Nagsasagawa rin ang ahensya ng psychosocial intervention katuwang ang DOH at tiniyak din nito na mayruong mga women & children’s desk upang maprotektahan ang karapatan ng mga kababaihan kasama na ang mga kabataan.

 

Samantala, mahigpit ding ipinatutupad ang health safety protocols sa ibat ibang evacuation centers nang sa ganon ay hindi kumalat ang Covid-19 infection.

Cascolan ‘no comment’ sa possible extension sa kanyang termino

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NO comment si PNP Chief PGen. Camilo Pancratius Cascolan sa posibleng pagpapalawig ng kanyang termino matapos ang kanyang mandatory retirement sa darating na November 10,2020.

 

Ayon kay Cascolan, hindi pa sila nagkakausap ng Pangulo tungkol sa kanyang nalalapit na pagreretiro, na limang araw nalang mula ngayon, pero ano man ang desisyon ng Pangulo ay kanyang susundin.

 

Una na ring nagsumite si DILG Secretary Eduardo Año ng shortlist sa Pangulong Duterte na kanyang mga rekomendasyon para maging susunod na PNP Chief.

 

Nang tanungin kung sino ang kanyang irerekomenda, sinabi ni PNP Chief na ang lahat ng miyembro ng kanyang “dream team” ay qualipikadong maging PNP Chief.

 

Ang tinutukoy ni Cascolan na “dream team” ay ang tatlong pinaka-senior members ng kanyang Command group na sina PNP Deputy Chief for Administration PLt. Gen. Guillermo Eleazar na number 2 man ng PNP; si PNP Deputy Chief for Operations PLt. Gen. Cesar Hawthorn Binag na number 3 man, at si PNP Chief of Direc- torial Staff PMGen. Joselito Vera Cruz.

 

Alinsunod sa batas ang lahat ng 1-star General pataas ay eligible na maging PNP Chief.

 

Dagdag ni Cascolan, kumpiyansa siya na sino man ang maging susunod na PNP Chief ay maipagpapatuloy nito ang mga programa ng PNP. (Daris Jose)

Bilateral relations ng Amerika at Pilipinas, hindi magbabago sinuman ang manalo sa US Presidential elections – Malakanyang

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILI at walang magbabago sa bilateral relations ng Pilipinas at Estados Unidos sinuman kina re- electionist US president Donald Trump at dating Vice President Joe Biden ang manalo sa ginaganap ngayong presidential election.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, sinuman ang tanghaling Presidente ng Amerika matapos ang resulta ng halalan ay mananatiling mainit ang relasyon sa pagitan ng US at ng Pilipinas.

 

At kung sakali naman aniya na si Baiden ang lumusot sa US presidential elections ay nakahanda aniya si Pangulong Duterte na makabuo ng pagkakaibigan dito.

 

Ang makabubuti aniya ngayon ay hintayin ang resulta ng ikinakasang eleksiyon sa Amerika na inaabangan ng buong mundo.

 

Mensahe na lang ng Malakanyang kina Trump at Baiden, “may the best man win.” (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

2 huli sa cara y cruz, shabu ang taya

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DALAWANG binata ang arestado matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime Police habang nagsusugal ng cara y cruz at shabu umano ang taya sa Navotas City.

 

Kinilala ni Navotas Maritime Police Station (MARPSTA) Ma- jor Rommel Sobrido ang mga naarestong suspek na si Sherwin Tiu, 27, Stevedore at Ariel Corona, 18, stevedore, kapwa ng Brgy. NBBN.

 

Sa report ni Maj. Sobrido kay Northern NCR MARPSTA P/ Col. Ricardo Villanueva, alas- 12:10 ng hating gabi nang respondehan ng mga tauhan ng MARPSTA sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia ang tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na ilegal gambling sa N. Symaco Consignacion, Market 3, NFPC, Brgy. NBBN.

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga suspek na naglalaro ng cara y cruz dahilan upang arestuhin ang mga ito kung saan narekober sa kanila ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nasa P500 ang halaga, P230.00 bet money at tatlong peso coins na gamit bilang toss coin.

 

Ayon kay MARPSTA PSMS Bong Garo II, mahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa City Ordinance (Curfew), PD 1602 as Ammended by RA 9287, Art. 151 (Disobedience to Person in Authority), RPC at Sec. 11 of RA 9165. (Richard Mesa)

Walang magbabago sa mga proseso kahit may appointed na Vaccine Czar: DOH

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

DINEPENSAHAN ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sec. Carlito Galvez bilang vaccine czar.

 

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, wala namang magbabago sa prosesong ginagawa ngayon ng mga nakatalagang opisyal na nangangasiwa sa development at pag-aangkat ng COVID-19 vaccine, dahil in-appoint ng presidente si Galvez.

 

“Wala tayong babaguhin sa mga proseso just because Sec. Galvez was assigned as the vaccine czar. All the processes will be continued. Ito ay magkakaroon lang ng additional na makakasama natin magle-lead sa atin.”

 

Sesentro raw ang mandato ni Galvez sa pamumuno ng pagbili, negosasyon, manufacturing, produksyon at distribusyon ng mga mapipiling COVID-19 va cine para sa Pilipinas.

 

Makakasama rin ng opisyal ang iba pang tanggapan ng pamahalaan na nakatalagang magtulungan para sa pag-aaral at pagpili ng bakuna.

 

“(Galvez) will not work alone. He will still work with us, the DOST, DOH, DTI, DOF, DFA and Bureau of Investments at iba pang ahensya. Katulong natin sya, ang magle-lead sa amin.”

 

“Yung regulatory process to ensure that these vaccines and efficacious ay ipapatupad pa rin.”

 

Nilinaw ni Vergeire na ang pagkaka-appoint kay Galvez ay para mabigyan ng direksyon ang pagbili at pagdating sa bansa ng mga bakuna.

 

Hindi naman daw masasantabi ang trabaho ng iba pang eksperto na katuwang ng pamahalaan sa nakalipas na mga buwan.

 

“Mayroon tayong vaccine expert panel from DOST, technical advisory group ng DOH, at vaccinologist sa iba’t-ibang scientific institutions na pwedeng i-tap.”

 

Nauna nang nagpahayag ng suporta si Dr. Jaime Montoya, executive ng Philippine Council for Health Research and Development, at miyembro ng sub- technical working group on vaccines, sa appointment ni Galvez.

Trump, nagbantang dudulog sa Supreme Court; inireklamo ang ‘pandaraya’ ng Biden camp

Posted on: November 6th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INAKUSAHAN ni US President Donald Trump ang mga Democrats na sinusubukan ng mga ito na “magnakaw” ng isang panalo.

 

Ayon kay Trump, pinagha-handan na nila ang isang malaking pagdiriwang dahil naniniwala siyang siya ang mananalo sa halalan ngunit bigla itong nawala dahil sa pandaraya umano na ginawa ng kampo ng kanyang katunggali na si Joe Biden.

 

Aniya, pandaraya raw sa mamamayan ng Amerika ang ginagawa ng panig ni Biden na siyang nagbibigay ng isang kahihiyan sa kanilang bansa.

 

Nagbanta pa ito na pupunta siya sa Korte Suprema dahil nais niyang “ipatigil ang lahat ng bilangan ng boto.”

 

“This is a fraud on the American public. This is an embarrasment to our country.”

 

Alam na raw niya na siya ang mananalo sa halalan ngunit tinanggalan daw ng Democrats ng karapatan ang kaniyang mga supporter na bomoto.

 

Sa kabila ng kaniyang mga hinaing, pinasalamatan naman ni Trump ang milyon-milyong mga tao sa Amerika na bomoto para sa kaniya.

 

Samantala, tinukoy din naman ni Trump ang botohan sa Pennsylvania na may nakalaang 20 electoral votes na nakuha nila.

 

Maging si Biden kampante rin na mananalo sila sa nasabing estado kahit hindi pa natatapos ang bilangan.

 

Samantala sa buwelta naman ng Biden campaign manager na si Jen O’Malley Dillon, nakahanda silang harapin ang banta ni Trump kung itutuloy nito ang magsampa ng reklamo sa Supreme Court.

 

“If the president makes good on his threat to go to court to try to prevent the proper tabulation of votes, we have legal teams standing by ready to deploy to resist that effort,” bahagi pa ng sagot Dillon.

 

Sa speech ni Biden, inanyayahan niya ang kaniyang mga supporter na panatilihin pa rin ang pananam-palataya na mananalo sila sa halalan.

 

Ang Pennsylvania ay siyang estado ng kanyang kapanganakan kaya’t kampante raw siyang manalo.

 

Una rito, tatlong araw ang ginugol nito sa kaniyang pangangampanya.

 

Dagdag pa ni Biden na wala siyang karapatan na magdeklara na mananalo siya o si Trump dahil nasa kamay ito ng mga botante. Dagdag pa ni Biden, masarap ang kaniyang pakiramdam na nangunguna siya sa bilangan ng mga electoral votes kung kaya’t naniniwala siyang nasa tamang “track” sila para manalo.

 

Pinuri naman ni Biden ang pasensya ng kaniyang mga supporter na nag-aabang sa resulta.

 

“It’s not my place or Donald Trump’s place to declare who’s won this election,” giit pa ni Biden. “That’s the decision of the American people.” (Ara Romero)