• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 12th, 2020

Del Monte, Roosevelt baka mayroong ibang paraan na mabigyan ng parangal si FPJ nang gwalang paglabag sa batas

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA unang public consultation ng Committee on Tourism ng Quezon City Council tungkol sa resolution na imbes na Del Monte Avenue ay Roosevelt Avenue na lang ang gawing FPJ Ave ay nagpadala ng pahayag ang National Historical Commission kay Chairperson Coun. Candy Medina na nagsasabing THE PROVISIONS OF REPUBLIC ACT NO.10066 (Na- tional Cultural Heritage Act of 2009) THAT FORBIDS THE RENAMING OF DEL MONTE AVENUE IN QUEZON CITY, ALSO AP- PLIES TO ROOSEVELT AVENUE. Dagdag pa dito na BY VIRTUE OF ITS LONG USAGE AND BEING MORE THAN 50 YEARS OLD, ROOSEVELT AVENUE IS CONSIDERED A HISTORICAL STREET NAME AS PER RA10066, AND THEREFORE IT CANNOT BE RENAMED. Nilagdaan ito ni Dr. Rene Escalante, Chairman.

 

Upang mabasa ang kabuuang sulat ay nakapost po ito sa LCSP dahil ito naman ay ipinamahagi noong public hearing at nasa record na ng committee. Ibig sabihin DEL MONTE MAN O ROOSEVELT AYON SA BATAS AY HINDI DAPAT PALITAN. Pero bakit may panukala pa rin na Roosevelt “na lang” ang palitan imbes n sa Del Monte.

 

May political commitment ba dito at kahit mismong batas ay kayang palusutan para dito? Magiging masaya kaya si FPJ na ipangalan sa kanya ang isang kalsada samantalang may pag LABAG SA BATAS? Bakit hindi tayo maghanap ng karangalan para kay DA KING na hindi mamamantsahan ang kanyang pangalan. Wala na bang ibang paraan?

 

May mungkahi po ako na baka po mapakinggan at makatulong sa ating mga konsehal. Sa Kongreso ay binawi na nila Cong. BH Herrera at Cong Onyx Crisologo ang pagsuporta sa Del Monte na mapalitan to FPJ matapos na inayawan ito ng mga taga Del Monte mismo.

 

Marahil ay pwedeng bawiin ang MISMONG BILL at hindi lang ang pagsuporta dito. Mahalaga ang pagbawi ni Cong. Crisologo dahil Distrito niya mismo ang usapin dito.

 

Kaya habang hindi pa naipapasa sa Senado ay bawiin na sa House of Representatatives kung maaari. Pag walang House version ay hindi maaring maging batas DEL MONTE O ROOSEVELT man ang palitan.

 

Pero hanggat may pasadong Bill sa House at naipasa ito sa Senado at pinalitan ang Del Monte ng Roosevelt ay maaring maihain sa Presidente at malagdaan upang maging batas. Pero teka anong silbi ng sinabi ng National Historical Commission na labag sa batas ito? Wala bang bigat ang opinion ng National Historical Commission para sa mga mambabatas natin?

 

Marahil ay hindi naman ganoon ang mangyayari kung may ibang paraan para mabigyang parangal si FPJ ng hindi lalabag sa batas. Ilang mungkahi ay pagpapangalan sa isang paaralan ng FPJ High School of Arts. O kaya ay isang monumento katulad sa Maynila o kalyeng wala pang pangalan na ginagawa ng DPWH sa build build build program nila. O kaya ay yung mga kalsada sa “numero” o “generic” ang mga pangalan.

 

Maaring konsultahin ulit ang NHCP at ang mga taga West Avenue. Dahil yun dating South Avenue ay ginawang Timog Avenue? Wala sino man ang tututol na bigyan parangal si DA KING pero dapat naayon sa batas. Dahil mismo si FPJ ay hindi papayag sa gawaing ILLEGAL.

 

Ngunit kung sasagasaan lang ang ano mang kalye for “political accomodation” o pangakong pulitikal, marahil ay hindi parangal kay FPJ ang nais gawin kundi pamumulitika? (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Janine, ka-level na ni Nora sa pagiging best actress sa Gawad Urian

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

GABI ng mga baguhan ang 43rd Gawad Urian na ginanap noong Tuesday night.

 

First time winners sina Janine Gutierrez, nahirang na Best Actress para sa Babae at Baril which took the lion’s share of the awards, at si Elijah Canlas who was named Best Actor for Kalel, 15.

 

Unang nominasyon nina Janine at Elijah sa Urian kaya nakatutuwa ang kanilang panalo. Ka-level na ni Janine ang kanyang grandma na si Nora Aunor na unang best actress awardee ng Gawad Urian noong 1976.

 

Elijah joins the rank of Urian winners na agad nagwagi sa unang nominasyon nila tulad nina Daniel Fernando (best actor winner for Macho Dancer) at Nadine Lustre who was the Urian winner last year.

 

Tiyak na mas lalong magiging inspirado sa kanilang respective careers sina Janine at Elijah dahil sa kanilang panalo.

 

Congratulations!!!

 

*****

 

UNANG pagkakataon na magdidirek ng teleserye ng award-winning director na si Eduardo Roy, Jr., the filmmaker known for his movies like Pamilya Ordinaryo, Fuccbois at Lola Igna na umani ng mga nominasyon sa katatapos lang na Gawad Urian.

 

Nakausap naming si Direk Edong sa media launch ng Ang Daigdig Ko’y Ikaw, ang drama series na prinodyus ng Net 25, featuring Ynna Asistio at Geoff Eigenmann.

 

Kumusta ang paggawa ng teleserye?

 

“Iba ‘yung genre kasi ang first requirement ay pakiligin ang tao,” unang pahayag ni Direk Edong. “Siyempre mayroong soap element. Malinaw ang kontrabida. Malinaw ang bida.”

 

Inamin niya noong una ay parang di niya na-imagine na he will direct a drama series. Patayan kasi ang trabaho sa paggawa ng teleserye. Normally, inuumaga ang taping dhil maraming sequences na kailangang tapusin. Parang di raw niya kakayanin ang taping every other day tapos may pre- production pa in between.

 

“Pero noong pandemic, every day ang taping. Kaya naman pala. Pero siyempre dahil sa protocol, hindi pwede na hanggang madaling araw ang taping. Usually, 10 pm packed- up na kami. Ang saya rin ng pakiramdam kasi nga nakagawa kami ng drama series during the pandemic. Of course, malaki ang pasasalamat ko sa Net 25 sa tiwala nila.”

 

When you first read the script, what made you say na gusto mo ito idirek?

 

“‘Yung idea na na-lockdown sila sa isang lugar, tapos sa La Casas (one month ako roon) so parang bakasyon na rin. Tapos the story, na parang dahil na- lockdown sila, yung dalawang bida na hindi nagkakaunawaan, they need to resolve their past and ‘yun ang pinakamagandang kwento at yun ang nagpa-hook sa akin kung bakit ako napapayag din na idirek ito.”

 

Napili na ba ang dalawang bida na sila ang gaganap or may say ka why they were cast?

 

‘“Yung kay Geoff, nandoon na siya noong dumating ako. Parang naghahanap na lang ng babaeng bida. Noong sinabi nga ni Anjo (Yllana), ni-recommend ni Anjo si Ynna Asistio, noong nandoon ako sa meeting and her name was brought out, okey naman siya bilang nakatrabaho ko naman siya sa ‘Ipaglaban Mo.’ Usually naman pag network, given na ang artista. Minsan nahuhuli na lang kung sino ang magdidirek.”

 

Dati ang shooting mo ay sa kalye o kaya sa gubat or bukid. How you feel you have the whole of Las Cazas at your disposal?

 

“Sobrang ganda ng lugar. Parang times ten ng ganda ng Vigan and then dahil sa protocol na kailangan i-cordon ang buong paligid,” kwento ni Direk Edong.

 

“Ang idea ng Las Cazas, every Friday, Saturday and Sunday lang may mga tao. Week days okupado namin ang lugar. Nakapagdirek na rin ako sa INC ng short films. Yun ang madalas na location. So when this project was presented to me, sabi ko magandang idea kung sa Las Cazas ito gawin kasi kung sa ibang place let’s say Antipolo, baka mahirapan kami sa crowd control. So mas maganda na atin na atin lang ang location.”

 

Ayon pa kay Direk Edong, natapos na nila ang buong 13 episodes pero hindi pa niya napapanood except for the pilot episode. Happy naman siya sa kinalabasan ng kanilang trabaho sa Ang Daigdig Ko’y Ikaw. (RICKY CALDERON)

“UNCHARTED” REVEALS FIRST-LOOK OF TOM HOLLAND AS NATHAN DRAKE

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

COLUMBIA Pictures has un- veiled the first-look images its upcoming action adventure Un- charted, adapted from the massively popular PlayStation/ Naughty Dog video game franchise.

 

Get your first look at Tom Holland as the young Nathan Drake and other iconic images in the stills below.

 

In his interview with Collider.com, Holland revealed the narrative thrust of the movie adaptation. Rather than retelling one of the games’ storylines, this Uncharted will give us a Nathan Drake origin story.

 

“I think what Uncharted offers that most video games films don’t is that it’s an origin story to the games,” Holland says. “So if you played the games, you haven’t seen what’s going to happen in the film. And if you haven’t played the games, you’re going to enjoy the film because it’s information that everyone else is getting at the same time.”

 

Directed by Ruben Fleischer, Uncharted also stars Mark Wahlberg as Victor Sullivan. The screenplay is by Rafe Judkins, Joe Carnahan, Art Marcum and Matthew Hollaway. The producers are Avi Arad, Alex Gartner, Charles Roven and Ari Arad.

 

Only in Philippine cinemas 2021, Uncharted will be distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with #UnchartedMovie and tag columbiapicph (ROHN ROMULO)

Dalang shabu ng kargador, buking

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ung isang kargador matapos mabisto ang shabu makaraang masita ng mga tauhan ng Maritime Police dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Navotas City.

 

Kinilala ni Northern Maritime Police Station (MAPSTA) head P/ Maj. Rommel Sobrido ang naarestong suspek na si Roger Virgo alyas “Long hair”, 49 ng Block 34, Tumana St. Brgy. NBBS.

 

Sa report ni Major Sobrido kay MARPSTA Chief P/Col. Ricardo Villanueva, alas-2:30 ng hapon, nagsasagawa ng surveillance sa Pier 1, NFPC Brgy. NBBNS ang mga tauhan ng Maritime Police sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia hinggil sa suspect na si alyas “Ariel” at “Junjun” sa pamamaril kay Dino Garcia nang mapansin nila ang si Virgo na walang suot na face mask.

 

Nang lapitan ng mga pulis ay mabilis na kumaripas ng takbo ang suspek kaya’t hinabol ito ng mga parak hanggang sa makorner sa Merkit 1.

 

Ani PSMS Bong Garo II, nang ipalabas ang laman ng bulsa ng suspek ay nadiskubre ang apat na plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P2,000 ang halaga.

 

Sinabi ni MARPSTA investigator Pat. Jan Israel Jairus Rhon Balaguer, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Richard Mesa)

Velasco, nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte bilang Speaker ng Kamara

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NANUMPA si Speaker Lord Allan Velasco bilang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pribadong seremonya na idinaos sa Rizal Hall ng palasyo ng Malacanang, Lunes ng gabi.

 

“Lubos po ang aking kagalakan at pasasalamat sa ating Pangulo na labis ko pong hinahangaan at iginagalang. Tinatanaw ko po ito sa kanya ng isang malaking utang na loob,” ani Velasco.

 

Ang panunumpa ni Velasco bilang Speaker ng Kamara ay kasabay ng kanyang pagdiriwang ng ika-43 taong gulang at isang buwan matapos na siya ay mahalal ng nakararaming mambabatas ng Kongreso bilang kanilang pinuno noong ika-12 ng Oktubre.

 

Nagpasalamat si Velasco kay Pangulong Duterte matapos tiyakin ng punong ehekutibo na ang napagkasunduang term-sharing sa speakership na kanya mismong isinulong noong nakaraang taon ay matutupad.

 

Nangako naman si Velasco na ipa-prayoridad niya sa Kamara ang mga adyenda ng lehislasyon ng Pangulo. Sinabi niya na tutuparin ng Kamara ang panawagan ng punong ehekutibo na tapusin ang sistematikong katiwalian sa pamahalaan at pangangalagaan ang mga interes at kapakanan ng mga manggagawang Pilipino, magsasaka at mangingisda.

 

“Tinitiyak ko sa Pangulo na maasahan niya ang Kongreso sa ilalim ng aking liderato na tulungan siya na matupad ang kanyang mga ipinangako sa sambayanang Pilipino bago matapos ang kanyang termino bilang Pangulo ng bansa sa taong 2022,” ani Velasco.

 

Bilang ika-27 Speaker ng Kongreso, ipinangako ni Velasco na kanyang gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang magkaroon ng katuparan ang kanyang pangarap para sa isang “matatag, inklusibo at nagkakaisang Kamara.”

 

“Sama-sama at tulong-tulong kami ng ating mga mambabatas sa Kongreso na makapagsabatas ng mga panukala na napapanahon at tumutugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan, at gawin ang Kamara bilang tunay na kinatawan ng sambayanang Pilipino,” aniya.

 

Nauna nang nanumpa sa kanyang tungkulin si Velasco sa harap ni barangay chairman Allan Franza ng Matandang Balara, Lungsod ng Quezon matapos siyang mahalal bilang Speaker sa sesyon sa labas ng Kamara, na ginanap sa Celebrity Sports Plaza noong ika-12 ng Oktubre.

 

Kinabukasan, pinagtibay ng mahigit na 200 mambabatas sa Kamara ang halalang naganap, sa bulwagan ng Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon. (Ara Romero)

Bianca, isa sa tatlong leading lady ni Dennis

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MUKHANG nalilinya si Kapuso young actress Bianca Umali, dahil pagka- tapos niyang gawin ang matagumpay at award-winning cultural drama na Sahaya, na gumanap siyang isang Muslim girl na naging unang teacher sa kanilang lugar sa Tawi-Tawi, siya muli ang napili ng GMA Entertainment Group na gumanap sa isa pang malaking proyekto, ang Legal Wives na first time silang magtatambal ni Kapuso Drama King Dennis Trillo.

 

Isa si Bianca sa magiging legal wife ni Dennis, kasama sina Alice Dixson at Andrea Torres. Ito ang magiging unang adult role ni Bianca.

 

Sa story, si Ishmael (Dennis) ay isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa sina Amirah (Alice), Diane (Andrea) at Farrah (Bianca).

 

Kaya tiyak na labanan sa acting ang tatlong legal wives at paano kaya ito iha-handle ni Ishmael?

 

Nagkaroon na ng look-test ang mga magsisiganap na mga Mus- lim, sina Dennis at Bianca, ganoon din sina Cherie Gil as Zaina at si Al Tantay as Hasheeb, na gaganap na mga magulang ni Ishmael, ganoon din sina Shayne Saba at Abdul Raman, sa kanilang unang teleserye pagkatapos ng StarStruck 7.

 

Sa ngayon, kasunod ng look- test ang paghahanda nila ng lock-in taping na tiyak na uubos ng maraming araw dahil bago pa lamang silang magsisimula ng produksiyon, hindi tulad ng mga naunang nag-lock-in taping na tatapusin lamang nila ang kanilang mga serye na inabutan ng lockdown dahil sa Covid-19 pandemic.

 

*****

 

KAHIT hindi napapanood ngayon si All Access to Artists child actor na si Baeby Baste sa longest-running noontime show na Eat Bulaga, ay tuloy naman siya sa kanyang online classes at sa pagganap niya ng ilang endorsements.

 

Mayroon siyang Book Development Project at may partic pation sa National Children’s Month. May culminating Activity and Book Launching sila ng Children’s Book. Naimbita rin si Baste to be a Child Am- bassador of Good Neighbors Philippines.

 

Magkakaroon sila ng launching sa November 27, sa pamamagitan ng Facebook Live.

 

** ***

 

ISA-ISA nang ipinakikilala kung sinu-sino ang bumubuo sa production ng Alden Reality: The Virtual Reality Concert ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

 

Siyempre pa ay kasama rito ang GMA Network at ngayon ay lumabas nang line-producer din ni Alden si Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista. Director naman ni Alden si Paolo Valenciano na alam na alam na ang paggawa ng virtual concert.

 

Pero ang concert ni Alden ang first Virtual Reality Concert na gagawin sa bansa at mapapanood din sa iba’t ibang lugar ng mundo.

 

Mai-experience ito ng mga manonood kung bibili sila ng VIP ticket worth P1,200 dahil ang ticket ninyo ay may kasamang VR device at sa paggamit nito, parang kaharap mo lamang si Alden.

 

Kaya get your tickets now, mag-log in lamang sa www.gmanetwork.com/synergy

 

Sa magiging special guests ni Alden sa two-day concert niya on December 8 at December 9, abang-abang na lamang tayo kung sinu-sino sila! (NORA V. CALDERON)

Training ni Obiena sagot na ng PSC

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

WALA nang dapat alalahanin si pole vaulter Ernest John Obiena tungkol sa kanyang gastusin para sa paghahanda sa 2021 Olympic Games.

 

Inaprubahan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang kanyang pondong gagamitin para sa mga lalahukang torneo hanggang sa 2021 Olympics na idaraos sa Tokyo, Japan sa Hulyo.

 

“The budget for EJ, from now up to the Olympics, has been approved, thankfully, generously, by the Philippine Sports Commission,” wika kahapon ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico. “We’re happy to announce that.”

 

Matapos angkinin ang gold medal sa 30th Southeast Asian Games noong Disyembre ay dumiretso ang 22-anyos na si Obiena sa training camp sa Formia, Italy bilang preparasyon sa 2021 Tokyo Olympics.

 

Sa anim niyang podium finishes sa walong nilahukang kompetisyon ay humakot ang 6- foot-2 Pinoy pride ng isang ginto, dalawang pilak at tatlong tansong medalya.

 

Ang nasabing gold medal ni Obiena ay nagmula sa 59th Ostrava Golden Spike competition sa Czech Republic sa kanyang itinalang 5.74 meters.

 

“His needs will all be met, despite the pandemic,” wika ni Juico kay O-biena, isa sa apat na Pinoy athletes na nakakuha ng tiket para sa 2021 Tokyo Games bukod kina gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial.

 

Muling sisimulan ni Obie-na ang kanyang training sa Pebrero.

IATF, wala pang desisyon sa mungkahing ipagbawal ang carolling

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HANGGANG ngayon ay wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mungkahing ipagbawal ang carolling sa buong bansa pagsapit ng simbang gabi sa Disyembre para maiwasan ang anumang hawaan ng Covid-19.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bagama’t hindi pa ito pinagpapasyahan ng IATF, ay naniniwala siya na mayroong siyensiya sa likod ng bagay na ito.

 

Hindi kasi maiiwasan na magkaroon ng pagtitipun-tipon ang mga carollers upang umikot sa mga bahay-bahay.

 

Sa ganitong pagkakataon aniya ay hindi maiiwasan na kapag kumanta na ang mga carollers ay siguradong may tatalsik at kakalat na laway na siyang isa sa pangunahing dahilan ng impeksyon o pagkahawa sa virus o COVID19. (Daris Jose)

Guidelines sa motorcycle taxis inilabas

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na ng National Task Force Against COVID-19 at ng Department of Transportation (DOTr) ang operational guidelines sa mga motorcycle taxis at mga tricycle back-riding upang mas madagdagan ang pampublikong sasakyan.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat ay maayos ang kalusugan ng mga motor taxi drivers at may sertipikasyon ng clinic na accredited ng Department of Health.

 

Kailangang magsuot ng protective gear gaya ng jacket o long-sleeve shirt, closed shoes, long pants habang nasa biyahe ang driver at pasahero.

 

Dapat din may reflectorized vest na may motorcycle taxi branding at identification card, at siguraduhin na lahat ng drivers ay bahagi ng DOTr, TTWG, motorcycle taxi pilot study driver master list.

 

Kailangan ding may sariling helmet na may full-face visor habang nagbibiyahe na magsisilbing face shield. Magsuot ng face mask na natatakpan ang ilong at bibig.

 

Kukunin din ang body temperature at motorcycle sanitation report bago magsimulang bumiyahe sa motorcycle network company o ride-hailing service.

 

Titiyakin din na ang mga kamay ng driver at pasahero ay nag-sanitize bago sumakay ng motorsiklo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Ads November 12, 2020

Posted on: November 12th, 2020 by @peoplesbalita No Comments