• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 27th, 2020

Judy Ann, sobrang grateful na napiling Oscar entry ang ‘Mindanao’

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MASAYANG-MASAYA si Judy Ann Santos dahil ang Mindanao na kanyang pinagbidahan ang napiling official Oscar entry ng Pilipinas para sa International Film Feature.

 

Post ni Juday sa kanyang IG account, “Sooo much to be grateful for.. congratulations team mindanao! Thank you @certified_judinians for this photo!”

 

Ilan sa naunang bumati kay Juday ay sina: @ryan_agoncillo, “Wow.”

 

@iamgladysreyes, “Congrats sis @officialjuday sobrang deserving naman tlaga.”

 

@josephcmarco, “*Congrats Girl #Ploning @OfficialJuday #krystala beautiful fabulous flawless flawlessly girl judy ann judy anne judy ann santos judy anne santos #judyann #judyannsantos #judyanne #judyannesantos #judai #juday #queenjuday #mindanaothemovie #paanokitamapasasalamatan #realtalk.” ,

 

@teamjuday, “Congratulations queen! Well deserved!!”

 

Nag-post naman sina @jerichorosalesofficial at @iammajasalvador, nang hand’s up icons.

 

Post naman ni @zsazsapadilla, Congrats!!! Pachuchay.”

 

Reaction naman ng netizens: “GoodLUck Juday!!!sana sana..wishful na mapasama sa Oscars ang Pinas.”

 

“this is her 2nd time, Ploning Mindanao The Movie.”

 

“lagi nlang ka juday pinipili. mas gusto ko ung kahit ndi sikat, pro maganda na pelikula. may mga dekalidad tayo na movies na oscar worthy pro ndi pinipili.”

 

“May movies ba tayo na high quality?”

 

“sadly marami po lalo na mga indie films. nice sana ung OJT noon 2013 pina sali sa oscar .bago concept nun at ang galing ni joel torre,”

 

“Congratulations Judy Anne and the whole cast and crew of Mindanao.”

 

“Tungkol na naman sa kahirapan at giyera sa Mindanao hayz.”

 

“tungkol naman siguro sa kultura.”

 

“uso sa foreign films category yan. Korea nga Parasite, India Slumdog Millionaire. Kaya patok din ang patungkol sa kahirapan.”

 

“Di naman maganda ung film. Overrated.”

 

“So Redundant! Wala nabang ibang artista?

 

“Sad to say, wala pang tatapat kay Juday in terms of acting sa bagong generation. Pwedeng hindi niyo gusto yung movie sa ano mang dahilan pero ibang klase talaga ang acting ni Juday. Napakahusay kahit anong genre.”

 

“mahilig kasi ang network na magrecruit ng pandula dulaan na mga talent kaya ayan, mas magagaling talaga nung time ni Judy Ann.”

 

“Sa totoo lang ang mga pelikula ni Brilliante Mendoza ay di pang Oscars. Pwede sa Cannes at ibang film festival but not Oscars. Di natuto yung FAP. Di trip ng Hollywood yung films nya. Pustahan tayo this film will not get shortlisted.”

 

“OK lang basta mapasali sa Oscars malaking karangalan na.

 

“no it’s not enough na mapasama lang, we should aim high. ang goal dapat manalo kaya tuloy mediocre lang mga pinoy.”

 

“very true. He makes indie movies lang naman e. No storyline, no script, jerky filming, choppy editing. Very amateurish lang.”

 

“Yup, to even get an Oscar nomination, you need a very good storyline, capable directing and convincing acting. His films usually don’t have these.”

 

“Di pa ren makakasali yan Kasama lang sa pagpipilian. Kaya di pa ren mapipili sa official final 5 yan or shortlist man lang malabo pa ren. Di oscar worthy ang mga pelikulang ganyan.”

 

“nobody saw that movie e. Ano ba yan.”

 

“trash kasi ng ang pinapanoouod mo.”

 

“Tapos iyan na naman po yung mangangalap mga pinoy ng simpatya, promotion, etc. para mapansin yung entry, parang yung sa ploning dati na bokya pa din.”

 

“Deadma nga yan sa Urian e, sa Oscars pa kaya?”

 

“Kelan ba me naitsamba ang FAP sa Oscars?!?! Parating sablay ang choice! Pag Pnoy kc inuuna ang pamumulitika kesa sa tamang gawain?!?!!”

 

“I think this movie captures a lot of local pinoy than international viewers – OSCARS seemed too difficult to please by our locally made flicks due to its technical execution aspects.

 

“A movie cannot stand alone by just one element, the actors who played in it but all should be properly well executed from its storyline, cinematography, editing, sound and set design.

 

“I think yun ang hindi masapol ng PH flicks meeting The Academy’s standards.” (ROHN ROMULO)

DOH, NAGLABAS NG CIRCULAR PARA SA HOLIDAY SEASON

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NAGLABAS na ang Department of Health (DOH) ng Department Circular (DC) No. 2020-0355 o ang  Reiteration of the Minimum Public Health Standards for COVID-19 Mitigation ngayong Holiday season.

 

Ito ay upang bigyang gabay  ang publiko kung paano panatilihin ang minimum public health standards sa panahon ng holidays at masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng bawat  isa  sa pagdalo ng selebrasyon o aktibidad.

 

Ayon sa DOH, ang holiday sa Pilipinas ay karaniwan na nagsasama-sama ang mga kaibigan,kamag-anak at mahal sa buhay kung saan dumadalo ng malalaking pagdiriwang at paglalakbay.

 

Ngunit ngayong taon,ayon sa DOH dahil sa Covid-19 pandemic,ang karaniwang aktibidad ay hindi na advisable dahil inilalagay nito ang publiko sa mas mataas na peligro na magkaroon ng virus.

 

Ang DC No.2020-0355 ay partikular na nagbibigay ng mga hakbang sa pagpapagaan ng peligro para sa publiko na sumunod sa panahon ng Kapaskuhan tulad ng:

  1. 1. Paglimita sa bilang ng tao sa social gatherings at aktibidad.
  2. Umiwas sa aktibidad na may kasamang pagbyahe (travel).
  3. Pumili ng aktibidad na mayroon lamang maikling  tagal lamang ng contact o pakikisalamuha.
  4. Pagsasanay sa BIDA (B-bawal walang mask, I-i-sanitize ang mga kamay, D-dumistansya ng isang metro, A-alamin ang totoong impormasyon).
  5. Pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa Avoiding high-touch surfaces;
  6. Tiyakin na may tamang ventilation sa venue
  7. Pagdagdag ng  physical and mental resilience.

 

Sa isang media forum, pinaalalahanan  din ni Health Usec Maria Rosario Vergeire ang publiko  ang peligro ng paglantad sa sarili sa maraming  tao.

 

“Exploring congested areas, close-contact settings, and confined places are the three risk factors that pose a high risk of COVID-19 transmission. The threat of the virus is even higher when these factors overlap. Examples of the 3 risk factors include: attending large family, social, or religious gatherings, in-person shopping in malls and bazaars, and indoor gathering of a large group of people that involves singing, shouting and dancing,” sinabi ni Vergeire.

 

Bukod dito, hinikayat ni Vergeire ang publiko na isaalanag-alang ang pagbabago  ng kanilang mga aktibidad sa Pasko o paggamit sa mga virtual na aktibidad upang mnapoagaan ang pagkalat ng virus, particular sa mga saradong lugar o espasyo at may higit na bilang ng mga dumadalo mula sa inirerekomendang limitasyon. (GENE ADSUARA )

NAVOTAS DETAINEES SUMAILALIM SA X-RAY AT COVID TEST

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nasa 200 na detainees sa Navotas ang sumailalim sa x-ray at swab test para sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, humingi ng tulong sa Pamahalaang Lungsod ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)-Navotas para sumailalim sa chest x-ray ang mga detainees bago ang kanilang paglipat sa BJMP quarantine facility sa Bicutan, Taguig.

 

Ang mga detainees ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Navotas City Police.

 

“Kinakailangan ng BJMP na ang mga detienees ay ma-x-ray muna bago ipadala sa Bicutan facility para sa 28-araw na quarantine. Pagkatapos, dadalhin sila sa Navotas City Jail. Ang mapag-alaman na may problema sa baga ay ihiwalay upang maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.” Paliwanag niya.

 

Ang mga detainees ay mayroong x-ray sa ilalim ng Project HEAL (HEalthy and Active Lungs), isang programa ng Department of Health at Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa coordination sa USAID at Philippine Business for Social Progress.

 

“Bagaman ang BJMP ay humiling lamang ng x-ray, isinailalim na din namin ang mga detainees sa COVID-19 test upang matiyak na ligtas sila sa virus,” dagdag niya.

 

As of November 23, ang Navotas nakapagsagawa na ng 39,980 swab tests o 14.9 ng papulasyon ng lungsod.

 

Umabot na rin sa 5,252 ang total cases sa lungsod, 5,038 recoveries, 57 active, at 157 ang namatay. (Richard Mesa)

Sharon, pumayag na i-tour ang condo units sa vlog ng comedian friends

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PUMAYAG si Megastar Sharon Cuneta na i-tour ang kanyang condominium unit for the first time through a vlog ng kanyang comedian friends na sina MC Muah Calaquian, Lassy Marquez, and Chad Kinis or her Beks Batallion.

 

Ipinakita ni Sharon sa tatlo ang dalawa niyang units that occupied the whole floor of the condominium. Una ang tinawag niyang “girly” condo, na siya niyang ginagamit na studio for her own YouTube channel, at iyon din ang storage space niya dahil siya ang may pinakamaraming gamit sa kanilang mag-anak.

 

Iyong isa pang unit in the floor ay where the family, she, Sen. Kiko Pangilinan and their children Kakie, Miel and Miguel, lives.

 

“When the elevator door opens it’s our unit na,” sabi ni Sharon. “Yung main door ay pink which is my favorite shade of light pink.”

 

Kapansin-pansin na puno na ng Christmas decorations ang big living room na, “maaliwalas, relaxing and mabango, mahilig kasi ako sa scented candles, room sprays, reed diffusers, and fresh and dried flowers.”

 

May design tips din si Sharon para sa tulad niyang condo dwellers tungkol sa different kinds of lighting.

 

“Wala akong ikinabit na chandeliers… kasi ayokong bumili ng chandelier na baka hindi ko magamit doon sa bahay na ipinagagawa namin ngayon, after waiting seven long years.

 

“So, if you have a standing light, and they’re all moveable kapag umuupa ka lang. So, kapag lumipat ko, madadala mo.”

 

Meanwhile, excited na si Sharon and her family na matapos na ang bagong bahay na ipinagagawa nila sa Laguna.

 

*****

 

READY na ngayon si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa nalalapit nilang lock-in taping ng upcoming GMA series na Legal Wives na gaganap siya bilang si Ishmael, isang Muslim mula sa lahi ng mga Maranaw na iibig at mapapangasawa ang tatlong babae, sina Amirah (Alice Dixson), Diane (Andrea Torres) at Farrah (Bianca Umali).

 

“Parang nabigla ako nu’ng umpisa pero nang nabasa ko na ang script, ang ganda ng ginawa nila rito. Mai-in love ka sa bawat character, mai-in love ka sa kanilang kultura,” pahayag ni Dennis.

 

“Ang character ko, naiiba ang kanyang paninindigan, siya iyong tao na iidolohin mo dahil iba siyang magmahal, bawa’t tao sa paligid niya kaya niyang pakitunguhan. Kaya siguro nabigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng tatlong iibigin dito sa kuwento dahil mapagmahal siyang tao.” (NORA V. CALDERON)

Pagbakuna sa 60-M Pinoy, aabutin ng hanggang 5 taon – Galvez

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inamin ng gobyerno na aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa target na 60 milyong Pilipino.

 

Sinabi ni National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., nasa 20 million hanggang 30 million katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon.

 

Ayon kay Sec. Galvez, sa katapusan ng 2021 o sa 2022 pa maaring masimulan ang pagbabakuna.

 

Uunahing turukan ng bakuna ang mga nasa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon, Davao, Cebu at Cagayan de Oro na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

 

Sa ngayon, nakikipagnegosasyon na ang pamahalaan sa mga kompanyang AstraZeneca, Sinovac Biotech at Pfizer para sa pagbili ng bakuna.

 

Aabot sa P73 billion pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa bakuna. (ARA ROMERO)

PNP chief iniutos pagpalawig sa frontline services; open na rin sa weekends, holidays

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen Debold Sinas ang Civil Security Group na palawigin ang kanilang frontline services sa national headquarters.

 

Layon nito para makapag-accommodate ng mas maraming kliyente.

 

Ayon kay Civil Security Group director Brig. Gen. Rolando Hinanay, sakop ng frontline services ang License to Exercise Security Profession (LESP) para sa private security at License to Own and Possess Firearms (LTOFP) sa One-Stop-Shop.

 

one stop shop hanggang weekends at holidays simula November 28 hanggang December 13, 2020.

 

Bukas naman ito kapag Linggo at holiday ng alas-8:00 ng umaga hangang alas-12:00 ng tanghali.

 

Nilinaw naman ni Hinanay, ibabase ang scheduling scheme sa mga kliyente base sa kanilang online queuing system para makontrol ang mga papasok sa Camp Crame.

 

Batay kasi sa assessment ng CSG, lumalabas na sa daily average, umaabot sa 700 hanggang 800 ang mga kliyente ng CSG-OSS.

 

Ipinag-utos din ni PNP chief kay Hinanay na magbukas ng OSS ANNEX Office para sa maayos na pag-isyu ng DI clearance sa pag apply ng LESP at neuro-psycho tests at drug test para sa LTOFP applicants.

 

Plano rin ni Gen. Sinas na magtayo ng extension office sa bahagi ng Eastern Police District, Northern Police District at Southern Police District.

 

“Aside from this development for CSG services, we are working on the possible opening of LTOFP booths in shopping malls in Metro Manila, and printing hubs of LESP and LTOFP cards to be placed in all Police Regional Offices nationwide,” wika pa ni Gen. Sinas.

Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pumalag ang ilang mga mambabatas sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na maging patas naman sa Kamara patungkol sa mga umano’y kongresista na dawit sa korapsyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

Giit dito ni Committee on Justice Vice Chairman at Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin, dapat na pangalanan na ngayon ng PACC ang nasa 12 kongresista na sangkot sa katiwalian sa mga infrastructure projects ng DPWH at sampahan na ng kaso ang mga ito.

 

Mahirap aniya na puro tsismis at pasaring lang ang gagawin ng PACC na wala namang pinapangalanan at walang maiharap na ebidensya dahil lalo lamang nagdududa ang publiko sa integridad ng Mababang Kapulungan.

 

Hinamon naman ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor si PACC Commissioner Greco Belgica na sampahan na ng kaso ang 12 kongresistang sabit sa anomalya at kung wala naman palang matibay na ebidensiya ay manahimik na lamang muna ito.

 

Aniya, ito na ang ikalawang pagkakataon na na may ibinatong alegasyon si Belgica laban sa mga kongresista pero tumatanggi namang pangalanan kung sino ang mga mambabatas na ito dahil wala pang matibay na pruweba para kasuhan ang mga ito.

 

Unfair aniya ito sa lahat ng kongresista dahil nababahiran na ang lahat ng mga myembro ng Kamara at buong institusyon sa kabila ng pagsusumikap nilang maitaas ang imahe ng Kongreso.

 

Hindi aniya trabaho ni Belgica na isalang sa “trial by publicity” ang mga mambabatas bagkus ay tungkulin nitong mangalap ng ebidensya at sampahan ng kaso sa Department of Justice (DOJ)  o sa Office of the Ombudsman ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. (ARA ROMERO)

“THE BOSS BABY” SEQUEL “FAMILY BUSINESS” REVEALS FIRST TRAILER

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

THERE’S a new boss, baby. Check out the first official trailer of DreamWorks Animation’s The Boss Baby: Family Business  and watch the film in Philippine cinemas 2021.

 

Facebook: https://www.facebook.com/uipmoviesph/videos/848986719204643

YouTube: https://youtu.be/q2oJ0ShkrIw

 

In the sequel to DreamWorks Animation’s Oscar®-nominated blockbuster comedy The Boss Baby, the Templeton brothers—Tim (James Marsden, X-Men franchise) and his Boss Baby little bro Ted (Alec Baldwin)—have become adults and drifted away from each other. Tim is now a married stay-at-home dad. Ted is a hedge fund CEO. But a new boss baby with a cutting-edge approach and a can-do attitude is about to bring them together again … and inspire a new family business.

 

Tim and his wife, Carol (Eva Longoria), the breadwinner of the family, live in the suburbs with their super-smart 7-year-old daughter Tabitha (Ariana Greenblatt, Avengers: Infinity War), and adorable new infant Tina (Amy Sedaris, Netflix’s BoJack Horseman). Tabitha, who’s at the top her class at the prestigious Acorn Center for Advanced Childhood, idolizes her Uncle Ted and wants to become like him, but Tim, still in touch with his overactive youthful imagination, worries that she’s working too hard and is missing out on a normal childhood.

 

When baby Tina reveals that she’s—ta-da!—a top secret agent for BabyCorp on a mission to uncover the dark secrets behind Tabitha’s school and its mysterious founder, Dr. Edwin Armstrong (Jeff Goldblum), it will reunite the Templeton brothers in unexpected ways, lead them to re-evaluate the meaning of family and discover what truly matters.

 

Lisa Kudrow and Jimmy Kimmel also reprise their roles as Ted and Tim’s parents.

 

Building on the success of the first film, which earned more than $500 million worldwide, The Boss Baby: Family Business is directed by returning filmmaker Tom McGrath and is produced by Jeff Hermann (Kung Fu Panda 3).

 

The Boss Baby: Family Business will be distributed in the Philippines by United International Pictures through Columbia Pictures.  Follow us on Facebook at https://www.facebook.com/uipmoviesph/; Twitter at https://twitter.com/uipmoviesph  and Instagram at https://www.instagram.com/uipmoviesph/  Connect with #BossBaby2 and tag uipmoviesph (ROHN ROMULO)

Football legend Diego Maradona pumanaw na, 60

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pumanaw na ang football legend na si Diego Maradona sa edad 60.

 

Ayon sa kampo nito, inatake umano sa puso ang dating Argentina attacking midfielder.

 

Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan ito dahil sa blood clot sa kaniyang utak ganon din sa pagsasailalim dito sa gamutan dahil sa pagiging lango sa alak.

 

Naging team captain si Maradona ng Argentina Football Club ng makuha nila ang 1986 World Cup title.

 

Mayroong kabuuang 34 goals sa 91 na laro ito sa Argentina at nakasama siya sa apat na World Cups.

 

Sa kasagsagan ng kaniyang kasikatan ay naging cocaine addict ito kaya na-ban ng 15 buwan matapos na magpositibo sa droga noong 1991.

 

Taong 1997 ng magretiro ito sa professional football kasabay ng kaniyang 37th birthday.

 

Naging abala na ito sa pag-manage ng ilang mga football team ng United Arab Emirates at Mexico at siya ang kasalukuyang manager ng Gimnasia y Esgrima ng Argentina bago ito pumanaw.

 

Nanguna naman ang Argentina Football Association sa nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pagpanaw ng football great.

VOTER’S REGISTRATION PANSAMANTALANG KINANSELA

Posted on: November 27th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PANSAMANTALA munang ititigil ang voting registration  sa Nobyembre 30 at Disyembre 8 .

 

Sa inilabas na public advisory ng Commission on Election (Comelec), ito ay bilang paggunita sa  regular holiday (Nov. 30) at special non working holiday (Dec. 8),  kaya pansamantalang kinansela ang voting registration at base na rin sa  Presidential Proclamation No. 845.

 

Wala ring magaganap na transaksyon  sa alin mang  opisina ng Comelec  sa buong bansa, kabilang na ang pag iisyu ng voter’s certitification.

 

Ayon pa sa Comelec, ang voter  registration ay simula alas 8 ng umaga hanggang alas 3 ng hapon tuwing weekdays habang ang araw ng Biyernes ay ang disinfection day.

 

Nagpaalala din ang Comelec sa publiko na mahigpit na obserbahan at ugaliin ang minimum public health standards sa loob at labas ng kanilang opisina. (GENE ADSUARA)